'Detective Theoman?!'

2218 Words
"Ano ba namang klaseng lugar ito?" Bulalas ko. Hindi ko na napigilang mapa-upo sa sahig. Nakasandal naman si Avery sa pinto pagkatapos niyang isarado ito. "The Underground." Narinig kong wika niya. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko makita sa mukha niya ang takot. Mukhang sanay na siya sa mga ganoong takbuhan o kaya naman ay habulan. Kung sabagay, sa ganoong pangyayare ko rin siya nakilala. "Anong ibig mong sabihin?" Sa pagkakataong iyon at humarap sa akin si Avery. Kitang-kita ko sa mukha niya ang kakaibang Avery. "The Underground. Ito ang lugar kung saan nagaganap ang mga illegal na gawain. Ito rin ang nagsisilbing 'playground' ng mga pulitiko at ng iba pang kilalang tao. Hindi ito natutunton ng mga pulis dahil sa isang dahilan..." Nanatili akong naka-upo sa sahig habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Mukhang nakapunta na rin siya dito dati. Teka, ilang taon na ba sya at nagagawa niyang makapasok sa ganitong lugar? "... protektado ito ng aking ama." Huh?! Anong sinasabi nito? Protektado ng kanyang ama? Ibig sabihin ay hindi lang pala basta corrupt ang Senator na iyon. Ayos, ah! "Huh?!" Mabilis na sinamaan ako ng tingin ni Avery. Hindi ko tuloy maiwasan mapa-atras sa kina-uupuan ko. Mukhang kailangan kong iwasang galitin ang isang ito. Baka makita ko nalang ang sarili ko na nakaburol na. Tama, tama. "Tsk. Never mind. Kailangan na nating maka-alis dito. Nawala na sa paningin ko ang taong iyon." Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit tumigil na sa paghabol sa amin ang mga iyon. Dapat ay nakasunod na sila sa amin ngayon ngunit wala naman akong naririnig na kakaibang ingay sa likod ng pinto na ito. Siguro nga ay nag-give up na sila. Mabuti naman. "Paano naman tayo makakalabas dito?" Tanong ko kay Avery. Napansin kong natahimik siya sa tabi ko. Ang babaeng ito hindi ko maintindihan. Kanina ang daldal, ngayong nagsasalita na ako ay saka tatahimik. Anong klaseng tao 'yan?! Napabuntong-hininga nalang ako at hindi na nagsalita. Mukhang hindi rin naman ako makakakuha ng sagot sa kanya. Let me see, nasaan ba kami? Inilibot ko ang aking paningin. Para kaming nasa loob ng isang kwarto na puro tubo. May malalaking tubo at meron ding maliliit. Puro lahat ito ay naka-connect sa mga pader. May ilaw din dito na parang ilaw na ginagamit sa palengke. 'Yung bang ilaw sa mga karnehan. Sa gilid ay may hagdan. "Uy, may hagdan. Dito tayo dumaan." "Nakita ko." Mabilis niyang sagot sa akin. Anong problema nito? Hindi na siya nagsalita pa at na-una ng maglakad. Nakasunod ako sa kanya at tahimik ding naglalakad. Hindi ko na rin nagawang magsalita. Mukhang may galit siya sa akin ngayon. Kung sabagay, nagkaroon nga pala kami ng sagutan kanina. Teka, dapat din pala akong mainis sa kanya. Kung hindi siya nagsasalita ng kung anu-ano kanina, malamang na hindi kami hinahabol ngayon. Ano ba kaseng sinasabi n'ya kanina? Sa tingin ko ay nagkasagutan sila. Marunong din kase magsalita ng ganon yung men-in-black kanina. Pahamak talaga ang babaeng ito. Tsk! Umuling-iling nalang ako habang inaalala ang naging sagutan namin kanina. Kung sabagay, kasalanan ko rin naman, e. Kung hindi ko siya tinanong ng tinanong kanina, hindi siya magkakaganon. Pero kasalanan nya talaga, dapat kase nagsasabi s'ya sa akin para hindi ko na s'ya kulitin. Dapat nagpapaliwanag s'ya una palang para may alam ako. Pero, sa tingin ko kasalanan talaga nung men-in-black na iyon. "May pinto dito, dito tayo dumaan." Narinig kong wika niya. Napapikit ako saka ngumiti. "Nakita ko." Naramdaman kong natigilan siya at tumingin sa akin. Nanatili pa rin ang ngiti sa labi ko habang binubuksan ang pinto. Pagbukas ko ay bumungad sa amin ang isang marangyang hallway. Para kaming nasa isang mamahaling hotel. Ang ganda ng mga disenyo ng bawat sulok ng hallway na ito. May mga pinto ring magkakatapat. Paano naman kami napunta sa ganitong lugar? Hindi kaya sa baba kami nanggaling? Kaya ba 'The Underground'? Hindi ko tuloy maiwasang mahiya. Nagdadalawang isip ako kung itatapak ko ba ang mga sapatos ko sa marangyang sahig ng lugar na ito. Sa totoo lang, hindi pa ako nakapasok sa ganitong lugar. Ito ang unang pagkakataon. "Let's go." Wika ni Avery. Nasa harapan ko na siya ngayon. Tinanguan ko siya saka nag-umpisang maglakad. Pakiramdam ko nadudumihan ang carpet. "Saan na tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin. Tang*nang babae 'to! Nakaka-ilan na s'ya sa totoo lang. Patuloy na kaming naglakad at nanatili akong nakasunod sa kanya. Mukhang kabisado niya ang lugar dahil mabilis kaming nakarating sa parang lobby area. Medyo maraming tao ngayon. Karamihan ay mga foreigners. Wala naman sigurong makakapansin sa akin kung magnanakaw ako, diba? "Hoy! Saan ka ba nakatingin? Tara na." Wika ni Avery. Tiningnan ko lang siya at saka naunang maglakad sa kanya. Naramdaman ko nanaman ang titig niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang kilabutan. Medyo madilim na rin sa labas. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan. Kitang-kita mo na rin ang mga liwanag mula sa mga sasakyan na mukhang pauwi na sa kani-kanilang tahanan. Ang mga nagtataasang gusali naman ay may mga ilaw na rin. Parang ang bilis ng oras. Sa buong maghapon ko, wala akong ginawa kung hindi samahan ang babaeng ito. Wala tuloy akong nakuha ngayong araw. Siguro may nabiktima na ako nito ngayon. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at saka nag-inat. Ang daming nangyare ngayon. Mukhang mas marami pang mangyayare dahil kasama ko ang babaeng ito. Kahit kilala ko na ang pangalan nya, kahit kilala ko na kung sino yung amang pababagsakin niya, hindi ko parin maiwasang makaramdam ng kakaiba sa kanya. Parang may mali. "Oo nga pala, yung sinabi mo kanina. Yung 'kapag hindi ko ito ginawa, baka mahuli ang lahat.' Anong ibig mong sabihin duon?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Huminga siya ng malalim at muli ring umiwas ng tingin. Anong problema nito? "I don't know."   What? Natigilan ako sa isinagot niya sa akin. Unti-unti kong binaba ang dalawa kong kamay. Nakatalikod siya sa akin ngayon. Para bang ma-uubusan ako ng salita. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Muntik na akong mapahamak dahil sa rason niyang 'hindi ko alam'. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa batok ko. Nag-iintay ako ng susunod niyang sasabihin ngunit hindi na siya nagsalita pa. Napapikit ako dahil sa natanggap kong tugon sa kanya. Tsk! Isa rin akong tanga. Bakit ba ako bigla-biglang pumapayag sa sinasabi ng isang 'stranger'? At the first place, dapat tinanggihan ko na s'ya. Masyado akong tanga na sumunod nalang dito without knowing kung bakit s'ya sa akin humihingi ng tulong. It's a mystery to me. Bakit ako? "Uuwi na ako." Bulalas ko. Nag-umpisa na akong maglakad. Hindi ko siya nilingon. Hindi ko na rin inantay ang sunod niyang sasabihin. Wala akong idea kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon. Sa mga oras na ito, wala akong paki-alam. Mabilis akong naglakad at umabot pa sa puntong tumakbo na ako para lang makalayo. Maraming pumapasok sa utak ko ngayon ngunit pinipilit kong huwag isipin. Ang mga dahilang iyon, pati na rin ang mga nasaksihan ko, lahat iyon ay gumugulo sa isipan ko. May parte sa akin na hayaan nalang s'ya ngunit after knowing that kind of information, I can't help it. ARRRGGH! Nakakabanas! *** "Bakit ngayon ka lang? Gabing-gabi na Keith! Ano bang pinag-gagagawa mo, ah?" Hays! "Kuya, nasaan si ate Avery?" Isa pa itong Che-che na ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Pagka-lock ko ng pinto ay saka ako napasandal. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa buo kong katawan. Mas malala ata iyon kesa sa mga ginagawa kong pagtakbo mula sa mga pulis. Mabilis na bumagsak ang katawan ko sa kama. Bago ko ipikit ang aking mga mata, agad pumasok sa isipan ko si Avery. Tsk! *** "BOSS!" Napatingin ako sa apat na tolonggo na nakatayo sa tapat ng abandonadong lugar na tinutuluyan namin. Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang apat na ito. Mga jejemon manamit amp*ta! "Bakit kayo nandito? Bakit hindi sa loob?" Bungad ko sa kanila. Walang gana akong nakatingin sa kanila habang ang dalawa kong kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon ko. "Hindi ka maniniwala, may babae sa loob." Wika ni Jet. Napatingin ako sa kanya. Babae? Anong ibig n'yang sabihin? "Saan?" Tanong ko. Nagkatinginan silang apat saka muling tumingin sa akin. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa likuran ng mansyon. Ang tanging daanan namin papasok dito. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang maalala ang gabing iyon. Tsk! Bakit ko ba naaalala iyon? Kung nasaan man siya ngayon ay wala na akong paki-alam duon. Sapat na iyong 'Free Trial' na naranasan ko. Kung hindi ko malalaman o ma-uunawaan ang ginagawa niya, wala akong karapatan para samahan siya. She's just a random girl na nakawala sa mental hospital. "Luh?! Nasaan na iyon?" "Nandito lang iyon kanina, e." Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi ni Jet at Ash. Tarantadong mga tao ito! Isa din ang mga ito, e. Mga baliw! "Asan na yung babae?" Tanong ko. Tiningnan ko sila ng may halong pang-aasar. Umiwas lang ng tingin sa akin si Ash na akala mo ay isang takot na tupa. Agad pumasok sa isipan ko na asarin pa sila lalo. "Grabe! Ang ganda naman ng babaeng ito." Wika ko habang tumatango-tango. Narinig kong nagpipigil ng tawa si Frank habang may kinakaing chips. "Tanga! Meron kaseng babae dito kanina. D'yan pa nga nakahiga sa sofa mo, e." Wika ni Jet. Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil sa pagtawag n'ya sa akin ng 'tanga'. Ang talino ko kayang tao. "Tsk! Oh, bakit kayo nandito?" Pag-iiba ko ng usapan. "Yung kabilang gang, naghahamon nanaman ng away." Muling naningkit ang mata ko dahil sa sinabi ni Theo. Nung isang araw pa ang mga gag*ng iyon, ah! Sabik na sabik matalo ang mga gag*! "Oh! So, ano gagawin natin?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang apat. "Patulan sila?" Mukhang hindi pa desidido si Ash sa sagot niya. Ayos! "Teka, bakit wala ka atang ibinibigay sa amin ngayon?" Pag-iiba ni Frank ng usapan. Napatingin ako sa kanya. Halos limang segundo kaming nagkatitigan. "Tara, patulan na natin." Bulalas ko. "Tsk." Hindi ko na lang pinag-tuunan ng pansin si Theo na ngayon ay nag-smik na. Mukhang may idea na siya agad sa nangyayare sa akin. Sa kanilang apat, si Theo ang laging nakakapuna sa lahat ng bagay na nagaganap sa buhay. S'ya ang unang nakiki-alam at panay ang tanong. Tsk. Akala mo walang sariling buhay amp*ta! Magsasalita pa sana si Theo ng sabay-sabay kaming mapatingin sa labas ng kwartong ito. Nakarinig kami ng tila nabasag mula sa kusina ng mansyong ito. Agad kaming nagkatinginan. "Mga bata talaga!" Wika ni Jet at saka mabilis na lumabas ng kwarto. Sumunod sa kanya si Ash at Frank. Nanatili naman si Theo sa kina-uupuan niya habang naka-crossarm. Hindi ko maiwasang singkitan siya ng mata. Kung hindi ako aalis dito, malamang na matatambakan ako ng sangkatutak na tanong ni Theo. Tama, tama! Kailangan ko ng umalis. "So, sino iyon?" Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Huh?" Nakita kong nag-smirk nanaman siya. "Bingi talaga! Anyways, care to explain who is she?" Aba't bingi pa--- TEKA!!! She? Ginapangan ako ng kilabot ng tumingin sa akin si Theo. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kislap sa mata niya. Anong ibig niyang sabihin sa tanong niya? Sino ba ang tinutukoy nito? Maya-maya ay napalingon ako sa pinto ng makarinig ako ng ingay. Naramdaman ko naman ang pag-ngisi ni Theo. "Watashi o ika sete kudasai, anata wa bakadesu. (Let me go, you idiots.)" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang pag-sigaw ni Avery. Anong ginagawa n'ya dito? "Sinasapian na s'ya Theo. Nagsasalita s'ya ng kakaibang salita." Wika ni Jet habang hinahawakan si Avery sa kaliwang braso. "Ang creepy." Wika naman ni Ash na nakahawak kay Avery sa kanang braso. Teka, ano bang ginagawa ni Avery dito? Agad akong tumingin kay Theo na ngayon ay nakangiti sa akin. Feel na feel niya ang pagkaka-upo sa kanyang sofa na para bang isang detective. "Surprise? Of course, you are. Would you mind explain to us what is the meaning of this?" Tinaasan ko sya ng kilay. Bakit niya ako tinatanong na ipaliwanag ang nangyayare? Sila ang may gawa nito e. Ako nga dapat ang magtanong. Anong nangyayare? "Nantekotta i? (What the hell?)" Napasingkit ang mata ko dahil sa sinabi ni Avery. Hindi ko talaga masisisi ang mga ito kung bakit ang creepy ni Avery. Eto nanaman siya at nagsasalita ng japan-japan. "Tsk! Bitawan nyo na s'ya." Utos ko sa dalawang tolonggos. Agad nilang binitiwan si Avery. Matalim ang tingin niyang humarap sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapa-atras dahil sa titig na iyon. Bakit parang nakikita ko si Mama? "Hmm? What is the meaning of this?" -Theo. "Bago mong girlfriend?" -Frank. "Paano kayo nagkakilala?" -Jet. Napatingin ako kay Ash at inantay ang sasabihin niya. Itinaas nya lang ang kamay niya at umiling sa akin. Siraulo! "Tsk! Mahabang kwento. Teka, paano mo naman nalaman? Theo?" Lahat kami ay napatingin sa kanya. As usual, isang ngiti ang ibinigay n'ya sa amin habang inaayos ang pagkakasuot ng salamin niya. "Tsk! Mahabang kwento." Sagot niya sa akin. Tang--- *** Ps. Mukhang nagkaroon ng tampuhan ang ating mga bida. Anyways, new-found friends na ba ito para kay Avery? Or just another nightmare? Read more!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD