Halos isang oras na kaming walang kibuan dito. Wala manlang ni-isa sa amin ang naglakas na magsalita. Naubusan din ako ng sasabihin. Hindi ko alam kung paano magsisimula o kaya naman kung ano ang sasabihin.
Sinulyapan ko si Avery na naka-upo sa sofa na dinala ko. Tahimik din siya ngayon. Ano kayang nasa isipan nito? Malamang na galit ito sa akin. Sino ba namang matinong tao ang iiwan ang isang babae lalo na't wala itong tutuluyan? Tsk!
Nang makita kong lumingon si Avery sa akin ay agad akong umiwas ng tingin. Bakit naman kase bigla-biglang lumilingon? Nakakakaba.
"Hindi ko na ito kaya," Sabay-sabay kaming napalingon kay Frank na ngayon ay hawak-hawak ang tiyan.
"Alin ang hindi mo kaya? Ang katahimikan?" Wika ni Jet sa kanya. Umiling si Frank at saka hinimas ang tiyan.
"Ang gutom," Maikli niyang sagot. Nakita kong napa-facepalm nalang si Jet. Naningkit naman ang mata ko dahil sa sagot ni Frank. Kahit kailan talaga, ang taong ito palaging gutom.
"Tsk! Napakagag* mo talaga." – Ash.
"Masama bang magutom?" Buwelta ni Frank. Nagkatinginan kami nila Theo at Avery dahil sa kabobohang taglay ng tatlong ito. Kahit kailan talaga.
Napalingon ako kay Theo ng marinig itong umubo. Pagkatapos ay umayos siya ng pagkakasandal sa pader habang naka-crossarm. Para siyang isang matalinong detective dahil sa itsura niya ngayon. Tsk! Wala naman akong pakialam. Pangalawa lang siya sa akin. Ako ang boss!
"So, pwede kana bang magpaliwanag?" Wika muli ni Theo.
"Ano namang ipapaliwanag ko?" Tanong ko sa kanya. Wala naman kase akong ipapaliwanag sa kanila. Kung naghahanap sila ng sagot tungkol sa babaeng ito, isa lang ang masasabi ko. Baliw!
"Bakit nandito s'ya sa hideout natin at mukhang kilala mo pa s'ya?" Napa-irap ako sa tanong niya. Susuntukin ko to, e.
"Siraulo! Kung iniisip n'yo na gerpren ko 'to, nagkakamali kayo." Sambit ko. Naramdaman kong nanonood naman sa amin ang tatlong tolonggo. Nilingon ko sila at nakita kong medyo nagulat sila duon.
"Alam mo naman na may rules tayo dito. Bawal ang babae." Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi ni Theo. Aaminin ko, tama sya. Bawal naman talaga ang babae dito. Malamang ako ang nag-isip ng rules na iyon. Alam ko naman iyon pero wala akong dapat ipaliwanag. Hindi ko naman dinala dito si Avery.
"Oo, alam ko. Tsk!" Hindi na ako nagsalita. Kasalanan ko naman kung bakit nandito si Avery. Malamang na ito lang ang naisipan niyang puntahan dahil iniwan ko s'ya kahapon.
"Pwede na ba akong umalis?" Sabay-sabay kaming napalingon kay Avery ng marinig namin siya. Hindi ko mai-alis ang titig ko sa kanya. Kung aalis s'ya, saan naman s'ya pupunta?
Alam kong galit talaga sa akin si Avery. Ramdam ko iyon dahil hindi niya ako pinapansin. Hindi rin siya tumitingin sa akin. Pwera nalang kung sasamaan n'ya ako ng tingin tapos iwas na ulit.
"Okay." Maikling sagot ni Theo. Teka, paano nga pala nalaman ni Theo ang tungkol sa ugnayan namin ni Avery? Hindi kaya magkakilala na sila?
"Teka, paano mo nalaman ang ugnayan namin?" Tanong ko kay Theo.
"Oo nga."
"Tang*na, huwag ka ng sumabat Ash." Rinig kong bulong ni Jet.
"Nakita ko kayo sa labas ng Grand Hotel kahapon," Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ang gulat ng tatlong tolonggo na sabay-sabay pang tumingin sa akin. Nanatili namang nakatitig si Theo sa akin.
Teka lang, may ibig bang sabihin iyon?
"Sinundan ko s'ya dito, pagkatapos mo siyang iwan." Wika muli ni Theo. Sa sobrang pagkabigla ay hindi ako nakasagot. Mukhang umurong din ang dila ko dahil sa pagkagulat. Naramdaman ko nanaman ang tingin sa akin ng tatlong tanga.
"How dare you?!" – Ash
"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa babae, boss!" – Jet
Tahimik akong nag-antay sa sasabihin ni Frank ngunit itinaas n'ya lang din ang kamay n'ya at umiling.
Sandali, ano bang nasa isipan nila? Tang*na! Bakit pakiramdam ko may ibig saihin ng mga salitang iyon ng mga ito?
"Tsk! Mga siraulo! Walang nagyare sa amin. Mga baliw." Bulyaw ko sa kanila.
"Wala naman kaming sinabing may nangyare sa inyo, ah!" Wika ni Jet. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Ano ba namang mga uri ng tao ito? Mga siraulo!
"Tumigil nga kayo. Mga baliw!" Muli kong bulyaw sa kanila. Nagpatuloy pa rin ang tatlo sa pang-aasar nila. Mga siraulo talaga. Anong tingin nila sa akin, babaero? Tsk! Saan ba nila napulot ang mga salitang iyon. Hindi naman nila alam ang kwento kung bakit kami nanduon ni Avery. Meron kaming ginagawang misyon.
Right, Avery?
Paglingon ko sa pwesto niya ay hindi ko na siya makita. Wala na siya sa loob ng kwartong ito. Teka, umalis na siya? Kailangan naming mag-usap. Akala ko ba tutulungan ko siya? Nagpaalam lang naman ako na uuwi ako kahapon, ah.
Mabilis akong tumakbo palabas ng mansyon. Wala na agad siya duon. Wala na akong makitang traces ni Avery. Ang bilis naman nitong mawala. Saan ko ba iyon hahagilapin?
Agad akong tumakbo papunta sa labas ng gate. Wala akong makitang ibang naglalakad na tao. Anong oras na ba at parang naglaho ang mga tao ngayon? Tsk!
Nagtungo ako papunta sa kanto. Sa bawat kalye ay nilingon ko. Wala talaga akong makitang Avery kahit saan. Kailangan kong mag-sorry sa kanya o kaya naman ay maka-usap man lang. Ayokong ginugulo ako ng konsensya ko.
Pagkakarating ko sa kanto ay para bang nawalan ako ng pag-asa. Nasa McArthur highway na ako at imposible nang hanapin siya dito. Malawak pa naman ang Maynila. Wala akong idea kung saan maaaring magsuot ang maliit na babaeng iyon.
Napauntong hininga nalang ako. Saan ko kaya mahahanap ang babaeng iyon? Wala na akong idea kung mag-kikita pa kami. We are totally strangers na nagkakilala sa maikling panahon.
Sa totoo lang, nag-aalala ako sa kanya. Knowing about her being chased by whoever it is last night makes me feel anxious. Lalo na't sinasabi n'yang pababagsakin n'ya daw ang kanyang ama. Nakakatawang pakinggan ngunit maaaring mangyare.
Hindi ko man alam kung bakit ako ang pinili niya ngunit sapat na ito para i-dahilan na nagtitiwala s'ya sa akin. I really made a big mistake. Mabilis akong nainis sa kanya kagabi dahil hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa mga bagay na dapat kong malaman.
Ngayon, hindi ko na alam kung nasaan siya. Nakokonsensya ako.
Tahimik akong naglakad pabalik sa mansyon. Habang naglalakad ay walang pumapasok sa isipan ko kung hindi si Avery. Hindi ko rin alam kung bakit s'ya ang nasa isipan ko. Malamang na dulot lang ng konsensya ito.
"Hayaan mong samahan kana namin, Miss."
"Oo nga. Mababait naman kami."
"Taga saan kaba, Miss?"
Napalingon ako sa grupo ng mga kalalakihan na nagtutumpukan sa gilid. Napahinto ako at saglit silang pinagmasdan. Pamilyar sa akin ang mga ito ah. Anong ginagawa ng mga dayong ito dito? Mukhang tama nga ang mga kumag na iyon.
"'Wag kang mag-alala, pamilyar kami sa lugar na ito. Madalas kaming nandito." Wika ng isang pamilyar na boses. Napataas ang kilay ko. Malamang na pamilyar ang mga iyan dito. Madalas naman silang nandito para manghamon ng away.
Napa-smirk ako saka lumapit sa kanila. Sa tansya ko ay nasa sampu hanggang labing lima silang lahat. Sayang, wala sina Theo. Malamang na magtatampo sa akin ang mga iyon dahil sinolo ko lahat ng mga ito.
"Tama sila Miss, pamilyar talaga sila dito." Sambit ko kahit na hindi pa nakikita yung 'Miss' na tinutukoy nila. Naririnig ko kase kanina kaya naman sinakyan ko na.
"Tama, tama--- TEKA!!!" Wika ng isa sa kanila at gulat na napatingin sa akin. Magkatabi lang kami kaya naman kitang-kita ko sa mukha niya ang gulat. Hindi ko ma-ipinta sa isipan ko ang eksakto. Pfft-
"Hi." Wika ko saka siya kinawayan. Bago pa siya sumagot ay agad ko na siyang sinuntok dahilan para matumba siya sa katabi niya. Natumba din ang katabi niyang binagsakan at tila nag-domino effect sila. Ang mga nasa harapan ko naman ay napatingin sa amin.
"E-Ellis?" Gulat na wika ng pinuno nila. Napangiti ako sa kanya at saka sinipa ang nasa harapan ko. Natumba sila sa harapan ko na para bang domino effect. Hindi ko mapigilang matawa ng makita kong isa-isa silang tumayo habang galit na galit na nakatingin sa akin. Ayos ito, panandaliang exercise.
"Hayup ka!" Sigaw ni Bon, ang pinuno nila. Patakbo siyang lumapit sa akin habang hawak-hawak ang kanilang pinakamamahal na dos-por-dos. Sa bawat wasiwas niya nito sa akin ay mabibibilis ko itong iniiwasan. Sa loob ba naman ng halos limang taon naming pag-haharap, sanay na sanay na ako sa estilo niya.
"Hindi ka pa rin ba nagsasawa?" Natatawa kong sabi kay Bon. Tila magdidikit na ang dalawa niyang kilay dahil sa tindi ng nararamdamang inis. Iyon ang dahilan kung bakit mas lalo akong natatawa.
"Bwisit ka talaga, Ellis!" Wika niya at saka mas binilisan ang pagwasiwas ng kanyang dos-por-dos. Gaya pa rin ng dati, panay depensa ang palagi kong ginagawa. Madali lang naman kaseng iwasan ang mga atake niya. Kabisadong-kabisado ko na rin naman kilos niya.
"C'mon man, galing-galingan mo naman." Sambit ko sa kanya. Unti-unti ko na ring nakikita ang pagod sa kanya. Kung sabagay, masyado na siyang matanda. Mga nasa 25 to 30's na ang taong ito.
"Tsk!" Hingal na hingal siyang tumigil sa pagwasiwas niya ng sandata niya at saka matalim akong tiningnan. Tiningnan ko siya na para bang batang nagmamaang-maangan.
"Pakielamero!" May diin niyang sabi sa akin. Nginitian ko lang siya. Hindi na rin ako nagsalita. Baka mamaya ay ano pa ang masabi ko sa matandang ito.
"Tara na mga---" Napahinto si Bon sa pagsasalita. Napakunot ang noo ko at saka lumapit sa kanya upang tingnan ang ikinabigla niya.
Tang---
"A-Avery?" Isa-isa kong pinagmasdan ang mga tauhan ni Bon. Lahat ng ito ay mga nakabulagta na. Mukhang hirap na hirap sa pagtayo. Napatingin naman sa amin si Avery habang hawak-hawak pa ang braso ng isa sa tauhan ni Bon. Nang magtama ang mga paningin namin ay saka niya binitawan ang braso nito. Mangiyak-ngiyak pa ang gag* habang hinahaplos ang braso na malapit ng mabali ni Avery.
Don't tell me, si Avery ang may gawa nito?
"B-Boss..." Mangiyak-ngiyak na wika ng mga tauhan ni Bon. Kahit hirap na hirap sa pagtayo ay pinilit pa rin nila. May iilan pang hindi nakabangon ng makarinig kami ng serena ng pulis. Sa isang iglap, nagsitayuan ang mga animal!
"Tara na!" Wika ni Bon. Pinagmasdan ko sila na paika-ika pang tumakbo. Dala-dala ang mga sandata nila na hindi rin nila nagamit.
"Tsk! Hanggang sa uulitin, Bon!" Sigaw ko. Hindi ko mapigilang matawa sa mga itsura nila. Kahit kailan talaga, palaging talo ang Red Union Clan na iyon. Para silang nakahanap ng katapat. Teka, speaking of katapat.
"Ayos ka lang?"
"Mienai no? (Can't you see?)" Eh? Tsk! Eto nanaman sya. Anong gagawin ko ngayon? Huhulaan yung sinabi niya? Baliw!
"Oo nalang." Sagot ko sa kanya. Napatitig sa akin si Avery. Umiwas lang ako ng tingin dahil naiilang ako.
Huminga ako ng malalim at saka inilibot ang paningin sa paligid. Wala namang katao-tao. Teka, nasaan yung mga pulis? Akala ko ba nandito sila? Ano yung narinig namin?
"Nice moves."
"Swabe ang mga galaw."
"Idol na kita!"
Sunod-sunod na lumabas mula sa likuran ng isang sirang Jeep ang apat na tolonggos. Lahat sila ay halos nakangiti sa amin ni Avery. Ano namang ginagawa ng mga ito dito? Ano yun, nanood lang sila kanina? Mga tarantado amp*ta!
"Hoy! Anong pinagsasasabi nyo? Anong ginagawa nyo d'yan?" Tanong ko sa kanila. Nagtinginan ang tatlong tanga habang si Theo naman ay naka-crossarm parin sa likuran nila.
"Edi ano pa, nanood ng live action." Wika ni Jet. Live action pang nalalaman. Sampalin ko utak nito, e.
"Yung serena ng pulis, mula iyon sa cellphone ni Theo." Wika ni Ash.
"Anyways, ang lupet ng mga galaw mo kanina Ms. Avery. Paturo naman next time." Sambit ni Frank. Walang emosyong umiwas ng tingin si Avery. Sinenyasan ko naman ang mga tolonggos na huwag ng kulitin si Avery. Mukhang naintindihan naman nila.
"Aalis na ako," Napalingon ako kay Avery na mukhang nagpapagpag pa ng damit. Suot-suot nya parin ang magara niyang damit na suot niya kahapon. Hindi na niya suot yung onesie pajama niya?
"Saan ka naman pupunta?" Tanong ko. Kasalukuyan siyang nakatalikod sa akin. Nanatili akong nag-aantay ng sasabihin niya ngunit isang buntong hininga lang ang pinakawalan niya. Ibig sabihin ay wala siyang tutuluyan.
Tsk! Ang dali lang nyang basahin.
Sabay-sabay na kaming naglakad pabalik sa mansyon. Medyo maingay ang tatlong tanga samantalang nasa tabi ko sina Theo at Avery. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko may mas maganda pang mangyayare. Wala akong idea kung paano naging ganito kabilis ang lahat, ngunit masasabi ko na hindi lang ito ang mga problemang kakaharapin namin ni Avery.
Marami pa.
***
Ps. Marami laban sa isa. Napatumba lahat ni Avery. Anong masasabi mo? New character unlock! Read more...