'The Childish'

2151 Words
"Ohayōgozaimasu. (Good Morning.)" Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto ng marinig namin ang boses ni Frank. Kinain na talaga sila ng sistema ni Avery.  "Ogenkidesuka? (How are you?)" Pautal-utal na sambit ni Jet. Napansin ko naman na may binabasa siya mula sa kanyang kamay. What the heck is going on? "O kake-sa made genkidesu. (I'm fine, thank you.)" Hindi na talaga ako natutuwa sa mga pinag-uusapan nila. Bakit ba sila bigla-bigla nalang nagsasalita ng mga ganitong lenggwahe? Hindi ba nila alam na nakakarindi sila? Talagang napasok na sila ng sistema ni Avery. "Can you please shut the f*ck up?" Sabay-sabay kaming napalingon kay Theo na nagbabasa sa kanyang sofa. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa wakas ay sinabi na rin niya ang magic word. Wala ng nagawa pa ang dalawa kaya natahimik na sila. "Nasa'n kaya si Avery?" Bulalas ni Ash habang nakatutok sa kanyang cell phone. Teka, anong ginagawa nila dito? "Malay ko," Maikli kong sambit. Tiningnan ako ni Ash. Tila may sinasabi ang kanyang tingin. Ano nanaman kayang problema nito? Hindi na rin nagsalita pa si Ash. Pare-pareho kaming natahimik at hindi na kumibo. Namayani sa loob ng kwarto ang katahimikan habang nakatuon sa kanya-kanyang ginagawa. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan nanaman nagsuot ang babaeng iyon. Kahapon pa siya wala. Sinabi niya na may pupuntahan daw siya at babalik rin, ngunit ngayon wala pa. Na-paano na kaya iyon? Matigas pa naman ang ulo niya at ura-uradang kumikilos mag-isa. Napansin ko iyon nu'ng nasa Underground kami. Pinagmasdan ko isa-isa ang apat na nandito ngayon. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga sila lubusang kilala. Nagkasama-sama lang naman kami dahil sa isang pangyayare. Para bang itinadhana na magkita-kita kaming lahat ngunit, kung may isang tao man ngayon dito ang masyadong misteryoso, iyon ay si Theo. Hindi ko pa siya lubusang kilala. Kahit ilang taon na kaming magkakasama, hindi ko pa rin siya lubusang kilala. Tuwing tinatanong namin siya about sa pagkakakilanlan niya, iniiba niya ang usapan. Para bang ayaw niyang may malaman kami sa kanya. "Anong tinitingin-tingin mo?" Natauhan ako sa biglaan pagsasalita ni Theo. Mabilis akong umiwas ng tingin. "Wala naman," Sambit ko sa kanya. Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago umiling-iling. I took a deep breath and face the ceiling. Gusto ko mang lumabas ngayon upang gawin ang palagi kong ginagawa ngunit ayaw kumilos ng aking katawan. Tinatamad ako ngayon ng hindi ko maipaliwanag. Hindi ko matukoy ng maayos kung ano ba talaga ang gumugulo sa akin ngayon. Maya-maya ay napalingon kaming lahat ng bumukas ang pinto at bumungad si Avery. Napabalikwas ako ng bangon. Nagkaroon na rin ng ingay ang buong kwarto ng makita nila si Avery.  "Avery!" "Saan ka galing?" "Bakit ngayon ka lang?" Nanatili akong tahimik habang inaantay ang sasabihin niya. Hindi ko talaga mabasa ang babaeng ito. Tingnan mo naman siya ngayon; kalmado, walang reaksyon ang mukha, at parang tamad na tamad pa sa buhay. Hindi pa nga pala kami nakakapag-usap tungkol sa misyon namin. "Gomen'nasai (Sorry)." Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Heto nanaman kami sa kakaiba niyang lenggwahe. Alam kong may lahi siya, hindi na niya kailangang ipamukha. "Grabe! Ang galing mo mag-Japanese." Manghang-mangha si Frank habang hawak-hawak pa ang dalawang chips niya. "You don't have to say sorry, Miss." Napalingon kaming lahat kay Theo na ngayon ay naka-upo ng maayos sa kanyang sofa. Nakatikom na rin ang librong binabasa niya kanina. Ano namang pinagsasasabi nito? "Anata wa watashi o rikai suru koto ga dekimasu ka? (You can understand me?)" Napakunot ang aking noo dahil sa mga pinagsasasabi ng babaeng ito. Bakit kailangan nilang mag-usap sa gano'ng lenggwahe? Nasa Pilipinas kaya sila. "Hai. (Yes.)" Ano naman kaya yung 'Hi' na iyon? Bakit siya nagha-'Hi' kay Avery? Tingnan mo talaga itong mga taong ito, nagmumukha kaming tanga dahil sa pinag-uusapan nila, e. "Normal ba na wala akong naiintindihan?" Sabat ni Jet.  "Wala ka naman na talagang naiintindihan kahit noon pa," Hindi ko na pinansin ang pag-uusap nilang dalawa. Napako lang ang tingin ko kay Avery. Hindi talaga maalis sa isipan ko kung saan sumuot ang babaeng ito at ngayon lang nagpakita. "Hoy!" Bulalas ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. May pagtatanong sa kanyang tingin dahil hindi agad ako nagsalita. Ano bang sasabihin ko? "A-Ano iyon?" "Let's talk," Wika ko. Naglakad ako palabas ng kwarto. Naramdaman ko ring sumunod siya kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kase hindi siya susunod. Pagdating namin sa labas ng mansyon ay nagtungo ako sa parte ng pool. Tahimik kase dito at makakapag-usap talaga kami ng maayos. Siguro naman ay hindi na susunod ang mga tolonggos na iyon. "Anong pag-uusapan natin?" Naramdaman ko na medyo malapit siya sa likod ko. Ano na Ellis? "About sa hinihingi mong tulong," Panimula ko. Hindi pa ako humaharap sa kanya. Pinagmamasdan ko lang ang maduming pool na kulay berde na dahil sa dami ng lumot. "I thought you don't want to do it." Hinarap ko siya. Bumungad sa akin ang inosenteng si Avery. Nawala na sa isipan ko ang Avery na nakita ko noon sa Underground. "May sinabi ba ako?" "Wala, but I feel it." Natahimik ako sa sinabi niya. Naglalaban ang isipan ko kung ano ba ang sasabihin. May parte sa akin na ayaw siyang tulungan, ngunit may parte din sa akin na gusto siyang samahan. When I need an answer about that, I can't find it. Hindi ako nagsalita at humarap muli sa pool. I don't know her. Saglit lang kaming nagkakilala. Ang dami ko pang tanong sa kanya. Bakit gusto niyang pabagsakin ang kanyang ama? Bakit ako? Bakit mahuhuli na ang lahat kapag hindi niya ito ginawa? Why? Gusto kong itanong sa kanya iyon. Ang gulo lang kase. Tang*na naman talaga! Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Bakit ba iniisip ko pa ito? "Ano ang gagawin ko para tulungan ka?" Wika ko ng hindi tumitingin sa kanya. "I don't know," Naningkit ang mga mata ko. This is exactly why I hate her answers. Tuwing tinatanong ko siya, palagi nalang hindi niya alam. Paano ko siya tutulungan niyan? "What the heck is that answer?" Muli ko siyang hinarap upang ipakita sa kanya na naiirita ako sa mga sagot niya. Napatitig siya sa akin ng wala sa oras. "Ano..." I raised my eyebrows. I'm still waiting for her answers. Hindi ako nagpatinag na makipagtitigan sa kanya. "Ano?" "Eto..." Dahan-dahan siyang yumuko. Ang dalawa niyang kamay ay nasa harapan niya habang pinagdidikit niya ang dulo ng kanyang mga hintuturo. Maya-maya ay nagulat ako ng marinig ko siyang suminghot. What the hell?! "Hontōni wakarimasen. Mōshiwake arimasen. (I'm really don't know. I'm sorry.)" Napa-atras ako ng makita ko siyang umiiyak. Para bang umurong ang dila ko dahil nawalan ako ng sasabihin. Mukha siyang batang inagawan ng candy. Kapag pinapahid niya ang luha niya ay para siyang bata. Tang*na! "H-Hoy, bakit ka umiiyak?" Hindi ko man alam ang sinasabi niya kanina ay hindi na iyon mahalaga. "K-Kase hindi ko alam," Kulang nalang ay sumigaw siya dahil sa pag-iyak niya. I look around to see if there's any people out there. Tang*na naman talaga! Bakit ba kailangan kong danasin ito? "Avery, huwag ka ng umiyak. Kung ano man ang pinagdadaanan mo, malalagpasan mo rin iyan." Medyo nandidiri pa ako dahil sa sinasabi ko. Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magsasalita ng ganito. Hindi ako iyong tipo ng tao na mabilis mag-comfort ng iba. Wala akong paki-alam sa kanila kung mamamatay na sila. "Huh?" Tila may tono pa ang pagkakasabi niya. Umiiyak pa rin kase siya habang pinapahid ang luha niya gamit ang kanyang braso. "What I wanted to say is I'm here if you need anything. Just tell me what I need to do." Hindi na siya sumagot sa akin. Umiiyak lang siya na parang bata. Hindi ko na tuloy makita ang cold-hearted Avery na una kong nakilala. Ang nasa harapan ko ngayon ay isang iyaking batang babae. Dumaan ang mga oras at kasalukuyan pa rin kaming tahimik. Nasa gilid lang kami ng pool habang inaantay siyang tumigil sa pag-iyak. Hawak-hawak ko ang batong kanina ko pa pinulot. Pinasadahan ko muna ng tingin si Avery na hindi na umiimik sa tabi ko ngayon. Bakit ako nandito? Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hays! Ano nga ulit iyon Ellis? Let's talk? Agad kong ibinato ang bato sa pool. Tatlong beses itong tumalbog sa tubig bago tuluyang lumubog sa maduming pool. Muli kong tiningnan si Avery na tahimik pa rin. "Okay kana?" Bungad ko. Tumingala siya sa akin at saka tumango. Umiwas ako ng tingin at saka naghanap ng bato. "I really don't know what's the answer. Hindi ko alam kung paano ko pababagsakin ang aking ama. Tama ka, masyado siyang malakas at malaki. Hindi ko rin alam kung bakit ikaw ang pinili ko," Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang mga sinabi niya. Anong sinasabi niya ngayon? "Huh?" "Alam ko naman na ayaw mo akong tulungan. Ayos lang naman. Pasensya ka na kung ginambala pa kita," Dagdag pa niya. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hawak-hawak ko pa rin ang bato na kapupulot ko lang. "Pasensya ka na talaga. Siguro namangha lang ako sa pagiging kalmado mo nu'ng gabing 'yon," Napa-isip ako sa sinabi niya. Ako, kalmado? Halos natataranta na nga ako nu'ng gabi na iyon, e. "Mukha ka ring matured," Muli niyang sabi. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Nawala na ang iyaking Avery na nakita ko kanina. Napalitan na ito ng isang madaldal na Avery. "Anong pinagsasasabi mo?" Sa wakas ay nagawa ko na ring magsalita. "Huh?" "Bigla-bigla ka na lang nagsasalita d'yan. Problema mo?" Tanong ko sa kanya. Saglit niya akong tinitigan pagkatapos ay saka siya suminghot. "H-Hindi ba't nagtatanong ka kung paano mo ako matutulungan?" "Oo," "Sinasagot lang kita," Napatitig ako sa kanya. Gano'n din ang ginawa niya. "Oo nga," "Yeah," Muli kaming nagtitigan ni Avery. Nabitawan ko rin ang bato na hawak ko. Tang*na nito kausap! "Ang gag* mo naman kausap," bulalas ko at saka naglakad papunta sa likod niya. "Huh?" "Pumapayag na ako, basta huwag ka nang umiyak d'yan." Wika ko sa kanya habang nakatalikod. Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin mula sa likod. "Hontōni? (Really?)" Naningkit ang aking mata dahil sa pagsasalita nanaman niya ng lenggwahe niya. Mabilis akong humarap sa kanya upang ipakita ang 'walang kwenta' kong tingin. "Hontōni..." Ginaya ko pa siya sa paraan niya ng pagsasalita, "Pwede ba, tigil-tigilan mo ako sa pagsasalita mo ng Japanese. Nakaka-irita kaya. Mamaya minumura mo na pala ako." Dagdag ko pa. Nakita kong sumimangot siya na parang bata. "Oo na," Wika niya na mukhang napilitan pa. Huminga ako ng malalim at saka siya muling tinalikuran. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyong ito ngunit hindi ko rin naman hahayaan ang isang 'isip-bata' na mapag-isa  sa gagawin niya. Sabay kaming naglakad pabalik sa mansyon. Sa harapang bahagi na kami ng mansyon dumaan. Bago kami lumiko sa left wing ng mansyon ay natigilan ako. Mabilis akong lumingon sa gate. Hindi ko alam ngunit para bang nakaramdam ako ng kakaiba duon. Pakiramdam ko ay may tao duon na kanina pa nagmamatyag sa amin. "Why?" Nilingon ko si Avery at saka muling tumingin sa gate. "Wala, nag-iilusyon lang ata ako." Wika ko. Muli ko ng ipinagpatuloy ang paglalakad papasok sa loob. *** "Nalalapit na ang eleksyon. Kanya-kanya na rin ng strategy ang mga Senador na muling tatakbo sa eleksyon.." "Nandito na po kami," Bungad ko kay Mama pag-uwi namin sa bahay. Mula sa labas ay rinig na rinig ko na agad ang TV. Nasa salas din si Papa at nanonood ng balita. "Oh, Keith, nakauwi ka na pala." Bulalas ni Papa. Saglit akong nagmano sa kanya. "Kasama mo pala si Avery," Dagdag nya pa ng makita si Avery sa likod ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa damit ko. "Konbanwa, (Good Evening,)" Sinilip ko siya sa likod ko ng marinig kong nagsalita nanaman siya ng ibang lenggwahe. Hindi naman sa pinagbabawalan ko siya, ang weird lang kase. Tapos ang creepy pa. "Ay, hello-hello," wika ni Papa. May tono rin ang pagkakasabi niya ng 'Hello-hello'. "Nasaan si Mama?" Tanong ko kay Papa. "Naki-birthday d'yan kay aling Seli," Sagot ni Papa. Now I understand the videoke out there. "Sige, maupo ka na." Sambit ko kay Avery. Mabilis naman siyang sumunod. Hindi na rin naman siya naiilang kay Papa dahil na nagkakilala na rin naman sila. "Isa ang pagpapalago ng ekonomiya sa mga sakop ng plataporma ni Senator Suliman," Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ng isang Senador na pamilyar na pamilyar sa akin. Mabilis kong sinilip si Avery kung ano ang reaksyon niya sa balita ngunit nagulat ako dahil wala manlang siyang reaksyon. Ganoon ba ang galit niya sa kanyang ama? Nanatili akong nakatingin sa kanya. Bumalik nanaman ang cold-hearted look niya. Ilan ba ang personality nito? *** Ps. We finally meet Avery. How do you feel about it? Read more!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD