'The Mission'

2414 Words
Tirik na tirik ang araw. Mahaba din ang pila dito sa terminal ng jeep. Nararamdaman kong tumatagaktak na ang pawis sa noo ko. Mabilis na hinanap ng mata ko si Avery. Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Akala ko ba sa malapit lang s'ya? Ang babaeng iyon talaga palagi nalang nawawala. "Sorry, malayo yung tindahan." Bulalas niya ng makabalik siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Malayo? Saan ba s'ya bumili? Samantalang ayon lang ang tindahan. "Kita ko nga," Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya. Matipid siyang ngumiti. Mukhang na-realize n'ya na ata ang katangahan niya. "Dito ba tayo sasakay?" Turo niya sa mga jeep. Napahinto ako sa pag-inom ng tubig dahil sa tinanong niya. Don't tell me hindi pa siya nakakasakay sa ganyan? Anong klaseng tao 'to? "Yeah," "Sugoi, (Amazing)" Tila kumikinang pa ang kanyang mga mata. Habang papalapit kami ng papalapit sa jeep na sasakyan namin ay hindi niya maiwasang mamangha ng tuluyan. Napapayuko na lang ako dahil pinagtitingan kami ng ibang pasahero. "Watashi wa kore made kono tane no kuruma ni notta koto wa arimasen, (I never been in this kind of vehicle before)" Naningkit ang mata ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. Hindi n'ya ba napapansin na pinagtitinginan na siya dahil sa mga sinasabi niya? Kahit sabihan ko naman siya ay hindi siya susunod. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa loob ng magkabila kong bulsa. Hindi ko na pinansin ang pag-iingay niya. Hindi naman siya nakaka-istorbo kaya ayos lang. Papunta kami ngayon sa kung saan. Nagsabi lang siya sa akin ng lugar. Mabuti at alam ko kung saan iyon. Wala akong idea kung bakit kami duon pupunta. Ang tangi niya lang sinabi ay, "The Mission". "Ellis, bakit ang tahimik mo?" Napalingon ako sa babaeng ito na ngayon ay nakaharap na sa akin. Hindi ko na makita ang tahimik at walang pakiramdam na si Avery. Ibang-iba na siya sa Avery na nakilala ko nu'ng gabing iyon. "Kase maingay ka na," Sagot ko sa kanya. Ngumuso siya na parang bata. "Napaka mo," Wika niya saka padabog na humarap. Wala na akong nagawa kung hindi umiling sa nangyayare sa akin ngayon. *** Pagbaba namin ng jeep ay bumungad sa amin ang malaking hotel. Sobrang taas nito na halos hindi ko na matanaw ang tutok. "Let's go," Narinig kong sabi ni Avery. Agad akong sumunod sa kanya. Ayon sa pagkaka-alam ko, isa itong luxury hotel and casino. Halos mayayaman talaga ang nandito. May mga millionaire ding nandito dahil sa mga casino. Pagpasok ko sa loob ay hindi ko maiwasang malula sa ganda ng mga disenyong nakalagay sa bawat sulok ng lobby. May grand chandelier pang nakasabit sa gitna. Halos kulay ginto lang ang nakikita ko dito. "Avery..." Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin ngunit hindi pa rin humihinto sa paglalakad. "Yes?" "Anong gagawin natin dito?" Tanong ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga taong pumapasok at lumalabas sa lugar na ito. Tiba-tiba ako nito. "Calm down, may kailangan lang tayong hanapin." "Sino naman?" "Malalaman mo rin mamaya," Hindi na ako nagsalita pa. Siya lang ang sinusundan ko ngayon. Wala naman kase akong kilala dito. Napansin kong pumasok kami sa parang casino ng hotel na ito. Iyon nga lang ay parang may checkpoint sa entrance. Saglit kong kinalabit si Avery ngunit hindi niya ako pinansin. Aba't--- "ID Ma'am," "I don't have any," Mabilis na sagot ni Avery. Nanlaki ang mata ko dahil sa diretsahan niyang pagsagot. "No ID, no entry." Wika ng guard. May pila na rin sa likuran namin. "I just need to find someone," pagmamatigas ni Avery. Bahagya akong lumapit sa kanya upang bulungan siya. "Tara na," sambit ko. "Would you mind if you walk here so that the next person will enter?" Sambit muli ng guard sabay turo sa pila sa aking likuran. Wala ng nagawa pa si Avery. Naglakad kami pagilid upang bigyan ng daan ang mga sumunod sa akin. Saglit ko silang pinagmasdan. Narinig kong huminga ng malalim si Avery kaya naman nilingon ko siya. Naningkit ang mata ko kaya naman agad ko siyang binatukan. Siraulo talaga ang babaeng ito. Alam naman ata niya na bawal pumasok kapag walang ID, e. Bakit nagpupumilit pa siya? Kahit kailan talaga ang babaeng ito, tsk. "Sino ba kase ipinunta natin dito?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Ano nanamang tingin iyan? "Anak ng isang milyonaryo," Walang gana niyang sagot. Gulat akong napatingin sa kanya. Milyonaryo ba sabi niya? Teka, bakit naman siya nagkaroon ng milyonaryong kakilala? Kung sabagay, anak nga pala siya ni Senador Suliman. "Bakit hinahanap mo siya?" Hindi ko maitago ang excitement ko. Mukhang malaki ang makukuha ko sa taong iyon. Hindi na ako makapag-hintay. "Para sa misyon," maikli niyang sagot. Tumango-tango ako sa sagot niya. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga iniintindi ang sinasabi niya. Hindi lang ako makapaghintay ngayon na makita kung sino iyon. Magaling ako sa pickpocketing kaya alam kong madali nalang sa akin kung sino man iyon. "Anong nginingiti mo d'yan?" Hindi ko namalayan na nakangiti na nga ako. Mukha tuloy akong tanga dito. "Nothing," *** Inabot kami ng ilang oras dito sa lobby. Kanina pa kami nakaupo dito sa isa sa mga magagarang sofa. Busog na busog na rin ang aking mga mata sa mga mayayamang taong naglalakad sa harapan ko. Hindi ko na tuloy maitago ang saya. "He's here," Agad nabura ang ngiti ko ng magsalita si Avery. Nilingon ko ang tinutukoy niya. Sobrang daming taong nandito ngayon kaya naman hindi ko alam kung sino sa kanila ang tinutukoy ng babaeng ito. Anak ng tinolang baka! "Saan?" Imbis na sagutin ako, tumayo siya at pasimpleng naglakad papunta sa mataong lugar. Natatanaw ko pa naman ang likuran niya ngunit dahil maliit siya, mabilis din siyang nawala sa paningin ko. Tang*na! Agad akong tumayo. Luminga-linga pa ako sa harapan ko kung saan ko huling nakita si Avery. Hindi ko na siya makita. Tang*na naman talaga! Saan nanaman nagsuot ang bubwit na iyon? Mabilis ang mga lakad ko habang papunta sa direksyong tinahak ni Avery kanina. May ilan akong nakikitang mga personalidad na naglalakad papunta sa direksyon ko. Gusto ko sanang magpa-picture kaso mas nangingibabaw sa utak ko si Avery. Hindi ko naman na dapat iniisip kung bigla nalang siyang mawala. Hindi ko lang talaga maiwasan lalo na't nakakaramdam ako ng kakaiba. Simula kahapon, pakiramdam ko ay may nagmamatyag sa amin o sumusunod. Hindi ko alam kung sino ang mga iyon ngunit malakas ang kutob ko na si Avery ang pakay nila. Posible iyon. Malamang na hinahanap si Avery ng tatay niya. Hindi na nakakagulat iyon dahil ang kagaya ni Avery ay isang mahalagang bato na dapat itinatago. "Hoy, sino ba hinahanap mo?" Nagulat ako ng may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay si Avery iyon. Saglit akong napatitig sa kanya. "Ikaw," maikli kong sagot sa kanya. Napakunot siya ng noo. Halatang naguguluhan. "Baka janai no? (Are you crazy?)" "Hindi ako baka," sagot ko sa kanya. Nakita kong mas lalo siyang naguluhan. "Kare wa dare? (Who is he?)" Nalipat ang tingin ko sa lalaking nasa likuran ni Avery. Singkit ang mata nito, mukhang Chinese. "Kare o kinishinaide kudasai. Kare wa mikatadesu. (Don't mind him. He is an ally.)" Salitan ang tingin ko kay Avery at sa lalaking kasama niya. Nag-uusap sila ngayon ng lenggwaheng hindi ko maintindihan. Bakit ba napapalibutan ako ng mga ganitong tao? Hindi ko sila maintindihan. "Okay," Iyon lamang ang naitugon ng lalaki kay Avery. Pagkatapos ay inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. "Nice to meet you," Panimula niya. Pinagmasdan ko lang ang kamay ng lalaking iyon. Pagkatapos ay tinapunan ko ng tingin si Avery. "Anong meron? Teka, siya ba iyong anak ng milyonaryo na hinahanap mo?" "Yeah," Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking iyon. Binawi na rin niya ang kamay niyang nakabitin pa sa ere kanina. Mukhang napansin niya na hindi ako makikipagkamay sa kanya. "Bakit hindi tayo mag-usap sa tinutuluyan kong kwarto ngayon? Maraming tao dito at hindi natin alam kung sino ang nakikinig." "Teka, nagtatagalog ka?" "Mabuti pa nga," Nauna nang maglakad sa akin ang dalawa. Naiwan akong naka-awang pa ang aking bibig dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwala. Kapag nga naman ginugulat ka ng sitwasyon. Tsk! Habang nasa loob kami ng elevator ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Ano kayang meron sa pagitan nila ni Avery? "Kiita. Watashitachi no kurasumēto zen'in ga anata no shissō ni yotte jinmon sa rete imasu. (I hear that. All of our classmates are being interrogated by your disappearance.)" "Shinken ni? (Seriously?)" "Matte, dōshite totsuzen kieru no? (wait, why are you suddenly disappear?)" Hindi na ako natutuwa. "Nagai hanashidesuga, otagai o shitte itanode, watashi no riyū o shitte iru to omoimasu. (It's a long story but since we knew each other, I know you know my reason.)" Ayos lang ako, ayos lang talaga. Hindi naman ako nawiwirduhan sa mga pinag-uusapan nila. Wala lang ito sa akin. Kunwari na lang wala ako dito. Tang*nang babae 'to. Ano kayang pinag-uusapan nila? Bakit ba kase kailangan pa nilang mag-usap sa ibang lenggwahe? Mapagsamantala din itong dalawang ito, e. Ano kaya pinag-uusapan nila? Baka mamaya minumura na nila ako. "Karera wa watashitachi no tsunagari ni tsuite watashi ni tazunemasu. Watashitachiha otagai o shiranai to itta. (They ask me about our connection. I said that we don't know each other.)" "Wěidà de! (Great!)" (A/N: This language is Chinese.) Saktong pagkakasabi no'n ni Avery ay saka bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang ilang mga kalalakihan. Nakita kong medyo nagulat si Avery base sa kilos niya. Napakunot ako ng noo. Kakalabitin ko na sana siya ng bigla niya akong hinila palabas ng elevator. Hindi na ako nagsalita pa. Pagdaan namin sa harap ng mga kalalakihang iyon na nakasuot ng itim ay para bang nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi lang basta kakaiba, nakakakaba. Saglit ko pang pinagmasdan ang mga lalaking iyon bago kami tuluyang nakalayo. "Tondemonai! (No way!)" Tila may kaba akong naramdaman sa pagkakasabi ng singkit lalaking ito. Nananatili pa ring nakahawak sa braso ko si Avery. Hindi ko maintindihan ang nangyayare. Bakit kinakabahan sila? Alam kong kinakabahan din ako pero hindi ko akalaing gano'n din sila. Sino ba ang mga taong iyon? "Anong ginagawa nila dito?" Sa wakas ay naintindihan ko na rin ang sinabi ni Avery. Simula ata nung nasa elevator kami ay hindi pa siya nagsalita ng Tagalog. "Hindi ko alam," Maikling sagot ng singkit. "Teka, sino ba iyon?" Singit ko sa kanilang dalawa. Napahinto si Avery sa paglalakad at saka humarap sa akin. "Do you remember the Underground?" Natigilan ako sa sinabi niya. Wait, huwag mung sabihing iyon ang mga men-in-black sa Underground na iyon. Sh*t! "Paano tayo nasundan?" "I'm asking the same question," Bulalas niya. Naningkit ang mata ko sa sagot niya. "Let's go," sambit ng singkit. Nagtinginan muna kami ni Avery bago kami patakbong sumunod sa singkit. *** "Ang ganda!" Hindi ko maiwasang mamangha sa loob ng hotel room ng singkit. May malaking bintana dito na kitang-kita ko ang buong Metro Manila. Sa baba ay tanaw na tanaw ko ang kulay pulang mga ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan. "Is this your first time?" Narinig kong bulalas ng singkit. Umayos ako ng pagkakatayo at hinarap siya. "It's none of your business." Sagot ko. "Tama na nga iyan, kanina ka pa ganyan Ellis." Singit naman ni Avery. Tinaasan ko siya ng kilay. "I didn't do anything," Sagot ko sa kanya. Tiningnan lang ako ni Averyna para bang hindi totoo ang sagot ko. Gano'n na ba nya talaga ako kakilala? Ayos, ah! "This is really bad. Bakit ba hindi ka nalang umuwi sa inyo?" Tanong ng singkit. Natahimik na rin ako at pinapanood ang magiging usapan nila. Sa kabilang banda, hindi ko rin mapigilang mapatingin sa mga mamahaling bagay na nandito sa loob ng kwarto ng singkit. "I have a specific reason," "Iba pa ba 'to sa rason na ayaw mo sa ama mo?" Napasulyap ako kay Avery. Inaantay ko ang magiging sagot niya. Malamang na iyon nga ang dahilan kung bakit tumatakas siya sa kanyang ama. Pero, maaaring hindi rin. Nagrerebelde na rin naman ako kay Mama at Papa pero hindi ganito. Malamang na may dahilan ang babaeng ito. "What is it?" Tanong ng singkit. Hawak-hawak ko parin ang mamahaling display na nakapatong dito sa table. Nag-aantay rin ako ng sagot mula sa kanya. Saglit na natahimik ang buong paligid. Nakatingin lang kaming dalawa Avery at nag-aantay ang maisasagot. Nararamdaman kong may malalim na dahilan si Avery. Kung ano man iyon, paniguradong mabigat. Maya-maya ay nagulat ako ng tumingin sa akin si Avery. Sa sobrang gulat ko ay agad kong binitiwan ang display item na iyon at pasimpleng lumayo sa mesa.  "We have to go," Wika ni Avery. Napakunot ang noo ko. I look at that chinese man. Wala siyang reaksyon sa mukha.  "Bakit ang bilis naman yata?" Tanong ng singkit. Napatingin na rin ako kay Avery. Nasa pintuan na siya ngayon. Anong meron? "Baka kase nakaka-istorbo na kami sa mga bisita mo," Sambit ni Avery. Magtatanong na sana ako ngunit huli na ang lahat. Nagulat ako ng may maglabasan sa likod ng mga kurtina. Mga men-in-black ito. Wala na akong inaksayang oras. Mabilis akong tumakbo sa pintuan at sinundan si Avery. pagdating namin sa sala ay bumungad sa amin ang lima pang men-in-black. Wala na akong sinayang pa na oras. Ginamit ko ang buong lakas ko upang depensahan ang aking sarili at si Avery. Ngunit, mukhang hindi na yata kailangan nu'n.  Sa isang iglap, nakabulagta na sa sahig ang tatlo. Kaya naman ako na ang bahala sa iba. Hindi pwedeng si Avery lang ang malakas dito. Ano pang silbi ko sa kwentong ito? Mabilis kong kinuha  ang lampshade stand na nasa gilid at saka iyon hinampas sa isang men-in-black. Kasabay nu'n ang pagsipa ko patalikod dahil naramdaman ko na ang isa sa kanila na papalapit sa akin. Saktong tumama iyon sa p*********i niya. "Ellis, bilis." Narinig kong sabi ni Avery. Mabilis ko ng tinapos ang laban sa lugar na iyon at sinundan si Avery palabas ng pinto. Bago ako tuluyang lumabas, sinilip ko muna ang kwarto ng singkit na iyon. Nakita ko itong nakatayo habang nakatingin din pabalik sa akin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Itinaas ko ang gitnang daliri ko. Yeah, right. I gave him a middle-finger sign. Saka na ako tuluyang tumakbo palabas.   *** Ps: Si Ellis lang sakalam. What do you think? Bakit kaya biglang ganu'n si Avery? Read more! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD