Meron na akong 3 days skipped classes, hindi ko kasalanan kung bakit hindi ako nakakapasok ng 3 days, ang may kasalanan ay ang prof namin hindi nya ako nilulubayan! Hindi ba sya marunong makiramdam na ayaw ko sya makita! Nasasaktan ako tuwing nakikita ko sya!
Pang-3 days ko na to na hindi pumapasok, lagi lang ako nasa kwarto ko at minsan ko na lang makita si Yvaine dahil busy sya sa mga friends nya at masaya ako para sa kanya kasi meron na syang mga totoong kaibigan. Nagkaroon ng bagong kaibigan si Yvaine, nawalan naman ako ng isang kaibigan si Elora.
Hinahanap ko ang office ni Ms. Daila kasi meron akong importanteng itatanong. Hindi ko alam kung saan ang office nya, ako lang mag-isa sa hallway at ang lalaki ng pintuan bawat kwarto. Ini-isa isa ko ang lahat ng office hanggang sa may marinig akong pagbukas ng pinto sa kwartong papunta palang ako.
"Nova, naliligaw ka ata. Sa baba ang classroom mo, gusto mo samahan na kita?" nakangiting sabi sakin ni Ms. Daila.
"Hindi po Ms. Kayo po talaga ang hinahanap ko..." tumaas ang kilay nya at nilahikan ang bukas ng pinto para papasukin ako.
Meron sa gitnang table ng glass na meron swivel chair at may dalawang chair para sa mga bisita. Umupo ako dun at si Ms. Daila naman ay sa kanyang swivel chair nya, pinagdikit nya ang dalawang kamay nya at nakatitig sakin naghihintay ng sasabihin ko.
"Ok, didiretsuhin ko na po kayo... Pwede po bang matanggal ang meron ako?" napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Bakit mo naisip ang ganyang bagay?" nakakunot na tanong nya sakin. "Dapat nga matuwa ka kasi nakuha mo yan sa ama mo," napalaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Ms. Daila. Si Papa? Parehas kami? Dapat ba akong matuwa kasi na mana ko to' sa kanya? Una sa lahat, hindi ko to hiniling!
"A-asan po sya?" maingat na tanong ko.
"Paglabas mo ng kwarto na to' may makikita kang isang pinto na may ginto na door knob, iniintay ka nya na puntahan mo sya" nakangiting sabi nya sakin. Andito si Papa?! Bakit ngayon lang nila sinabi sa akin?!
"Hindi na po. Ang gusto ko lang po malaman kung pwede to' matanggal kasi nung pumunta ako sa Norwelts town lahat ng tao dun ay walang kapangyarihan..." pagkukwento ko at sa itsura nya ay hindi nya gusto ang sinasabi ko.
"It's too dangerous, Nova at may kapalit ang hinihiling mo..." napailing-iling sya at tumayo na.
"Pwede ko po ba magamit ang sarili kong ability sa sarili ko?" napayuko ako at nilaro ang mga daliri ko.
"Again, it's dangerous and it has a side effects" sabi nya at iniwan na ako sa loob ng office nya. Gusto ko pa sana magtanong tungkol sa 'kapalit' na sinasabi nya, kung ano yon? Pero hindi nya nagugustuhan ang mga sinasabi ko.
***
Hindi ko na din binalak na puntahan ang sinasabi ni Ms. Daila at diretso na ako sa... Classroom, Miss ko na talaga makinig sa mga lesson ng mga prof ko pero bakit dito parang pinipigilan ako. Bumuntong hininga muna ako bago pihitin ang door knob, hindi ko nakikita ang babaeng may itim na mukha. Ang nakikita ko na nakatayo sa unahan ay si Ms. Daila.
Ang lahat ng mga mata nila ay nasa akin hanggang sa maka-upo ako. Hindi ko nga pala alam kung ano ang subjects namin ngayon, manghihiram na lang ako ng notes kay Miu. May sinasabi si Ms. Daila na hindi ko maintindihan, anong subjects ba or tungkol sa magic na naman ang tinuturo nya sa amin? Itinaas ko ang kamay ko para magtanong.
"Nova, sorry pero mapapahamak ka sa gusto mong gawin. Kaya wag mo ng isipin na gusto mo ipatanggal ang abilities mo" nanlaki ang mga mata ko kasi hindi naman tungkol dun ang itatanong ko! Gets ko na ang sinasabi nya hindi na nya kailangan ulitin, lumingon ako sa paligid ko at lahat ng mga mata nila ay ang sasama ng tingin sakin!
Kahit si Dev, Miu, Yohji at Kaiper. Anong ginawa ko sa kanila?! Bawal ba guluhin ang prof kapag nagle-lecture sya? Kung ganun nga ay sorry wala naman nagsabi sakin.
"Nova ano bang iniisip mo ha" inis na sabi sakin ni Miu.
"Gusto mo bang pang habang-buhay kang mag-isa" nanggigil na sabi naman sakin ni Kaiper.
"Magsisisi ka sa bandang huli" ang sama ng tingin sakin ni Yohji at si Dev naman matatalim na tingin ang natatanggap ko sa kanya.
"Asan po yung babae na... Itim ang mukha?" iniba ko na lang usapan at ang dapat kung itatanong kay Ms. Daila.
"Masama daw ang pakiramdam nya kaya ako na muna ang prof nyo ngayon at next week" rinig ko ang pagreklamo ng mga iba kong classmates sa sinabi ni Ms. Daila.
"Heartbroken lang yon!" malakas na sabi ni Yohji.
Idinikit ni Ivy ang upuan nya sa upuan ko, hindi ko alam kung anong gagawin nya dito sa table ko. Each table, one chair lang! Hindi kami kasya dito.
"Can I touch your heart?... Papakinggan ko na lang" bulong nya sakin. Wala na akong magawa, nauna pa nga ang paghawak nya sa dibdib ko bago sya magpaalam.
"Wag mo subukan kuryentehin ang puso ko" nagaalalang sabi ko sa kanya. Pagkatapos ay tumitig muna sya sakin at bigla nyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila ako patayo para lumabas ng classroom.
"Nova, Ivy saan kayo pupunta?" rinig kong tanong sa amin ni Ms. Daila.
"None of your bussines!" sigaw sa kanya ni Ivy. Ganun ba talaga sya makipag-usap sa mga prof? At saan nya ako dadalhin? Lumiko lang kami papunta sa isang classroom, anong gagawin namin dito?
Napatakip ako sa bibig ko ng makita ang pag-itim ng mga mata nya! Anong gagawin nya?! Nagsimula ng magtaasan ang mga balahibo ko at kinalibutan. Maya maya lang ay may isang babae ang lumabas ng classroom. Studyante din sya based sa suot nya naka-uniform din sya katulad ng sa amin.
Lumayo sila sakin at nag-usap ng silang dalawa lang. Bakit nya pa ako sinama kung hindi din naman ako kasama sa pinag-uusapan nila? Or baka ako ang pinag-uusapan nila?! Matapos ang ilang minuto ay lumapit na silang dalawa sakin at bakit sobra naman ang pagkalapit sakin nitong babae?
Hinawakan nya ang palapulsuhan ko at dahan dahan ipinikit ang mga mata habang si Ivy ay naka-kruss ang mga kamay sa dibdib ng mag-tama ang tingin namin ay tinaasan nya ako ng kilay nya. Attitude talaga tong pinsan ko no'?
Naalala ko si Yvaine sa babaeng nakahawak sa kamay ko, alam ko ang ginagawa nya sakin inaalam nya ang past kung ginawa. Sabi nga dati ni Ms. Daila ay ang ibang studyante dito ay pare-parehas ng abilities. katulad nalang ng babaeng to at si Yvaine, parehas sila ng ability. Sino pa kaya ang may kaparehas ng ability katulad ng kay Yvaine?
"Matutulungan ka ni Ivy," nakangiting sabi sakin ng babae pagkatapos nya bitawan ang kamay ko.
"Whatever," tinarayan nya ako at sumunod na ako sa kanya pabalik sa classroom namin. Pero hindi sya sumunod sakin sa loob kaya hinabol ko sya para alamin kung saan sya pupunta.
"Kay Sir- and Ms-" napatakip ako sa tenga ko ng marinig na naman ang matinis na tunog nang hindi ko na marinig ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Ivy pero ng makita nya na nakatingin na ako sa kanya ay napalitan agad ng seryosong mukha.
"Kasalanan mo yan," yon lang ang maayos na narinig ko sa kanya at umakyat na sya sa hagdan. Ako naman bumalik na sa classroom. Balik sa umpisa hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila dito.
"Ano ginawa sayo ni Ivy?" nag-aalalang tanong sakin ni Miu.
"Wala naman pero ang weird nya at nung babae na kasama nya" nagkibit-balikat ako at tinuon na ang atensyon ko sa whiteboard.
***
After ng class namin ngayon araw ay isinama ako ni Yohji sa likod ng Academy at ngayon ko lang nakita ang isang malaking bahay at ng buksan ito ni Yohji ay puno ng mga animals ang nasa loob! Nasa loob naman sila ng kani-kanilang cage kaya dapat hindi ako matakot.
Ano ba gagawin ko dito? Bakit ako ang sinama nitong lalaking to? Ipapakain nya ba ako sa mga alaga nya?! Lumapit sya sa isang cage na ang laman ay snake! Tumingin muna sya sakin bago buksan ang cage at nakita ko ang pag-ngisi nya! Anong balak nyang gawin?!
"Layo mo yan sakin," nanginginig ang boses ko sa takot.
"Hawakan mo para sakin" utos nya sakin.
"What?! Sabi ko seconds ago na ilayo mo yan sakin!" atras ako ng atras pero hakba sya ng hakbang palapit sakin! "I-ibaba mo na lang" turo ko sa sahig at buti naman sinunod nya ang sinabi ko.
Pinagmamasdan lang ni Yohji ang ahas na green at hinahawak-hawakan ang balat parang inaalam nya ang texture ng ahas at inaaral ang bawat parte ng ahas. Napatakip ako sa bibig ko ng biglang maging... Isang ahas din si Yohji halos parehas na parehas ang original na ahas at si Yohji. Hindi ko na nga alam kung sino ang nagpapanggap sa kanilang dalawa.
"No!... Yohji tulong!" binubugaw ko na ang isa sa mga ahas na unti unting lumalapit sakin. Na estatwa ang buong katawan ko ng unti unti na gumapang sakin ang ahas. Nasa paa ko na!
"Miu!... Dev!... Kaiper!... Yvaine!..." lahat na ng pwedeng tawagin tinawag ko na para humingi ng tulong. "Yohji malalagot ka talaga sakin mamaya!" niyukom ko ang mga kamay ko ng nasa bewang ko na ang ahas! I hate snake!
"No, no, no!" halos maiyak na ako sa takot. Lalo ng makita ko ang dila nya at ang nakakatakot nyang mata na parang nakikipag-titigan sakin!
Sumigaw ulit ako ng pinaka-malakas na parang mamaya ay mapapaos na ako. Wag kang magpapakita sakin Yohji! Hindi ko na natuloy ang sigaw ko ng makita ko na lumipad ng malayo ang pintuan! At bumungad sakin si Dev at tumakbo palapit sakin at biglang hinawakan ang ulo ng ahas at binagsak sa sahig.
Nakahinga ako ng maluwag dun at napalitan naman ng kulo ng dugo ng makita ang ahas na binagsak ni Dev ay si Yohji?! At tawa sya ng tawa sakin! Susugurin ko na sana si Yohji pero pinigilan ako ni Dev! Ano ba muntik na akong mahimatay sa takot.
"Manyak!" sigaw ko kay Yohji at padabog na naglakad palabas pero bago pa man ako tuluyan makalabas ng kwarto na yon ay narinig kong sumigaw si Yohji at nakita ko sya sa ere na lumilipad-lipad dahil sa ginagawa sa kanya ni Dev.
***
Kumain na lang kami ng dinner sa cafeteria at tinitignan ko lang ng masama si Yohji dahil sa ginawa nya sakin kanina! Nanggigil ako sa kanya! Nag sorry naman sya sakin kaya ok na kami at pumunta na din ako sa kwarto ko para matulog.
Pagkagising ko ay nagsulat ulit ako sa diary ko, parang ang notebook na hawak ko ngayon ay ang bagay na nakikinig sa mga kwento ko. Napapansin ko din na medyo nag iba si Ivy ng kinikilos nya lagi na syang late sa class at laging malalim ang iniisip.
Meron din si Ms. Daila na binigay sa amin na parang self mission pero napansin ko sa mission ko ay akin lang ang tungkol sa buhay ko! Tinignan ko ang paper ni Miu at ang kanya ay about sa advantages and disadvantages ng kanyang abilities halos silang lahat about sa powers nila!
"Ms. Bakit ganito ang akin?" lumapit ako kay Ms. Daila sa table nya at pinakita ang paper na hawak ko. Kumunot ang noo ko ng hindi nya ako sagutin, naghantay lang ako na sagutin nya ako at hindi ako umalis sa harapan nya.
"K-kasi diba... Bago ka pa lang dito kaya ganyan ang gusto ng head prinicipal na ipagawa sayo at... Gusto nya din malaman" alam ko na may mali kasi sa tuno pa lang ng boses nya parang may hindi sya sinasabi sakin.
Madali lang naman ang self mission ko, describe my childhood experiences. Pam-bata, kahit isang word kayang i-describe ang childhood experiences ko at namin ni Yvaine. Bumalik ako sa upuan ko at isinulat ang isang word na 'Horrible'.
"Done," iniabot ko na kay Ms. Daila ang paper ko tinitigan nya lang yon at bumalik na ako sa upuan ko. Alam ko naman na 1 week pa ang deadline nito pero isang word lang described all.
"You should explain it why..." tumayo sya sa upuan nya at pumunta sa desk ko iniabot ang paper pero hindi ko yon kinukuha sa kanya.
"Ms. Kung titignan nyo ang isang word na yan ay meron ng pumapasok sa isip mo na mga kung ano anong karanasan... At sa tingin ko naman ay tama kayo sa iniisip" yumuko ako at nilalaro laro ang kamay ko dahil naalala ko ang dating nangyari sa amin ni Yvaine...
"Kung curious ang head principal at gusto nyang malaman... I suggest na gamitin na lang nya ang powers nya" tinapik ako ni Miu sa likod ko alam ko naman mali ang mga sinasabi ko lalo na sa mga nakakatanda sa akin pero hindi nila ako masisisi.
Pilit nilang inaalam ang nakaraan namin ni Yvaine na matagal ko ng kinalimutan! Hindi na nila dapat malaman yon at kung meron man ay sila Mama at Papa na yon. Gusto kong malaman nila ang mga pinagdaanan namin! Gusto ko maging malungkot sila at mag-sisi!
Miu's POV
Huli kong nakita si Nova ay nung lunch time, hindi ko alam ang pinagdadaanan nya pero alam ko na hindi sa kanila naging madali para malagpasan yon. Kahit ako ay meron kaunting galit kay Ms. Clem at Mrs. Liano dahil sa pag-iwan nila sa mga anak nila.
"Alamin mo kaya nararamdaman ni Nova" utos sakin ni Yohji.
"Ang problema nga ay wala akong nakikita sa kanya, kahit ilang try ang gawin ko ay wala talaga" kinagat ko ang kuko ko. "San ka pupunta!?" sigaw ko kay Yohji na bigla bigla nalang aalis.
"Ang tahimik mo naman, well normal naman sayo ang maging tahimik" nagkibit balikat na lang ako, si Dev kasi ang tahimik na naman. Tahimik sya pero kapag nagalit sya ay daig pa ang may dumaan na bagyo.
Kapag humangin na malakas at mamaya maya ay nasa ere ka na at palutang-lutang, isa lang ang may gawa nun, walang iba kundi si Dev.
"Sino una nagkaroon ng slowmo-moment sa inyo ni Kaiper?" napakunot ang noo ko sa itinanong nya sakin.
"Ako?" hindi siguradong sagot ko. "Oh my god, meron na bang slowmo-moment ang kapatid ko," pang-aasar sa kay Dev. "I wonder kung sino yan" tinignan nya ako ng masama dahil sa pang-aasar ko sa kanya.
Ang slowmo-moment nangyayari lang yan kapag in-love ka na! Makikita mo ang taong gusto mo in slowmo-moment and kapag nangyari yon ay for sure na sya ang meant to be mo! Like me and Kaiper, nung una ayaw ni Dev at tinago namin kay Mama ang tungkol sa amin ni Kaiper pero nung nalaman naman ni Mama ay masaya naman sya except kay Dev kasi dati magka-away sila ni Kaiper pero ngayon friends na sila. Diba, ang saya!
Ang slowmo-moment ko kay Kaiper ay nasa clinic ako nagpapahinga at biglang may lalaking nahulog or tumalon mula sa bintana sa at nung nakita ko sya sa bintana ay doon nangyari ang slowmo-moment ko para kay Kaiper. As in ang sarap sa feeling! Pero para kay Kaiper hindi yon masarap sa feeling na mahulog ka sa building! Diba ang cool ng slowmo-moment ko para sa kanya, imbis na tulungan ko sya ay tulala ako at pinapanood lang sya.
Nag-away kasi sila nun ni Dev at accident ang pagkakahulog nya sa bintana pero niligtas naman sya ni Dev.
"Dali na sabihin mo na sakin sino," pag-pilit ko sa kanya.
"Wag na baka nagka-mali lang ako..." napakamot sya sa likod ng ulo nya.
"Walang mali kapag in-love ka na... Wala mali kapag tamang tao ang para sayo," napatigil sya sa narinig mula sakin.
"If nangyari ulit ang slowmo-moment mo kay Nova, tell me huh" napataas ang kilay nya at ako naman pinipigil ang pag-tawa. "Based on your reaction, mukhang tama naman ako" nakangiting sabi ko sa kanya."Si Yohji kaya sino ang slowmo-moment nya?" tumingala ako sa taas iniisip kung sino ang slowmo-moment ni Yohji.
"Pwede ba yong same kayo na si-" ok hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil humangin na ng malakas! "Stop!" sigaw ko. Daig ko pa yong meron sampung electric fan sa harap ko dahil sa sobrang hangin!
"Susumbong kita kay Mama ginagamit mo sakin yan powers mo" ganti ko sa kanya pero wala man lang reaction sa mukha nya.
"Paliparin na kaya kita papunta kay Mama ng makapag-sumbong ka na" ganti nya sakin at nilayasan na ako!
Mas gusto ko pa na nananahimik sya. Nag focus na lang ako sa self mission ko, madali lang naman ang akin. Alam ko ang limitasyon ko sa pag-gamit ng abilities ko, nakikita ko kung sobra na ba ako at nakikita ko din ang problema ng isang tao except kay Nova. Ewan ko kung bakit pero hindi ko nakikita ang kay Nova.
Pumunta na lang ako sa calssroom ni Yvaine pero wala daw sya dun at nasa library kaya dun na lang ako pumunta. Pagkapasok ko ng library ay sya agad ang una kung nakita, ang laki ng libro na binabasa nya! Makakatulong naman talaga ang history sa kanya dahil sa abilities nya.
"Hi, Yvaine" bati ko sa kanya at umupo sa chair na nasa harapan nya.
"Hi Ate Miu, bakit ka andito? Gusto mo sabay tayo mag basa? Ang ng mga books dito" masayang sabi nya sakin. Nakakatuwa kasi may Ate na tumatawag sa akin.
"May tanong lang ako sayo..." napatigil sya sa pagbabasa nya at tumingin sakin ang curious nyang mukha. "Pwede mo naman hindi sagutin, ok lang" ngumiti ako sa kanya bumuntong hininga muna ako bago ipagpatuloy ang sasabihin sa kanya.
"Anong nangayri sa inyo ni Ate simula nung iwan kayo ng parents nyo?" maingat na tanong ko sa kanya.
"Meron akong 4 words na pwedeng mag-describe jan" pinakita nya pa ang apat nyang daliri sa akin. "Not. Easy. To. Forget" every words na sinasabi nya binababa nya ang daliri nya.
"Pero bakit parang ayaw na ni Ate mo malaman ulit ang past nyo?" tanong ko ulit.
"Kasi sya ang nahirapan ng masyado, sya lahat ang sumalo ng responsibilidad ni Mama at Papa..." malungkot na sabi nya sakin. Tama sya, kaya ganun na kalaki ang galit ni Nova sa mga magulang nya. Sya ang nahirapan pero hindi ko alam kung mapapatawad nya pa ang Mama nya at ang Papa nya dahil andito na sila.
***
Nakita ko si Ivy na pumunta sa office ni Mrs. Liano na Tito nya, ano kayang gagawin nya dun? Napapansin ko din na she's acting weird. Kahit time na para sa class ay inintay ko pa rin na makalabas si Ivy sa office ni Mrs. Liano.
Ilan minutes pa ang inintay ko bago sya lumabas at ng makita nya ako ay tumaas ang kilay nya sakin. Pero hindi nya ako pinansin at naglakad na.
"Ivy, wait!" hinabol ko sya pababa ng hagdan at buti naman ay tumigil sya.
"What?" iritang sabi nya sakin.
"Ano ba talaga ang ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko.
"Wala ka na dun" tinalikuran nya ako pero hindi ako lumubay sa kanya. Pakiramdam ko talaga may tinatago sya.
"Gusto kong tumulong!" napatigil sya sa paglalakad at lumapit sakin ng naka-kruss ang kamay sa dibdib.
"Fine, actually kailangan ko nga kayo para sa gagawin ko kay Nova at Yvaine..." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Anong gagawin kay Nova at Yvaine?
"Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong ko.
"Ang haba kasi i-kwento," iritang sabi nya sakin. "After lunch, punta kayo sa room ko and wag mong sasabihin kay Nova or kay Yvaine, understood?"
"Okay," dumiretso na kami sa room namin at pagkapasok ko si Nova agad ang nakita ko.
Sana kung ano man ang pina-plano ni Ivy ay maging ok, alam ko naman na ang balak gawin ni Ivy sa tingin ay tungkol sa parents nya. Pero hindi ko sure pero dun na din ang punta nun. Kilala ko si Ivy simula nung mga bata pa lang kami wala syang kapatid at wala din syang nakilalang mga pinsan.
Mataray sya, mabilis magalit, masungit pero maalalahanin na tao lalo na siguro sa mga pinsan nya dahil nga wala syang kapatid. Wala na syang pamilya ngayon at Tita at Tito nalang at si Nova at Yvaine na lang ang kapamilya nya.
Nag lunch muna kami ni Dev, Kaiper at Yohji para hindi din mahalata ni Nova, nakaka-inis sila ayaw sumama sakin!
"Ayaw mo ba tulungan si Nova?" napatigil si Dev sa paglalakad at bumalik na lang sa tabi ni Kaiper.
"Ako gusto ko" sagot naman ni Yohji.
"Yan na pala si Yohji, sya na lang wag mo na ko isali" turo ni Dev kay Yohji, pinsil ko ang balikat ni Dev para hindi na sya ulit umalis.
"Tara na" iritang sabi ko sa kanilang tatlo.
"Sure ka ba sa gagawin naten?" nagaalalang tanong ni Kaiper sakin habang papunta kami sa kwarto ni Ivy.
"Kaibigan ko din sila Nova at Yvaine, para na din hindi na sila laging nasasaktan tuwing nakikita ang parents nila" malakas ang kutob ko na tungkol dito ang gusto gawin ni Ivy kahit ako gusto ko din sila tulungan pero wala akong magawa, at ngayon na meron na akong magagawa hindi ko na to papalagpasin!
***
"Side effects yon ng ability ni Nova, nakita ni Zuri ang ginawa ni Nova sa sarili nya at kay Yvaine..." pagku-kwento ni Ivy sa amin.
"Anong ginawa nya?" tanong sa kanya ni Kaiper.
"She manipulate herself and Yvaine, at bawal yon! At dahil dun nadamay si Yvaine sa side effects" napakagat ako sa ibabang labi ko kahit si Yohji ay nagulat din.
"Yan din ang sinabi ni Nova sakin," napatingin ako kay Dev ng bigla syang magsalita.
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin?!" reklamo ko sa kanya pero nagkibit balikat lang sya.
"Anong plano? Madami pa akong gagawin..." naiinip na sabi ulit ni Dev.
"Bukas sa practice room nyo para malaki ang space at bawal nilang malaman na may gagawin tayo sa kanila. Una muna si Yvaine, sasabihin ko sya na pumunta sa practice room nyo" tango lang ako ng tango na parang aso sa bawat sinasabi ni Ivy.
"Dapat wala dun si Nova" paalala nya sa amin.
"At bakit?" reklamo ni Dev.
"Pipigilan nya tayo" tumaas ang kilay nya at sabay taray.
"Akala ko ba silang dalawa bakit si Yvaine lang?" tanong naman ni Kaiper.
"Ugh! Nakikinig ba kayo?! Pipigilan nga tayo ni Nova, kapag magaling na si Yvaine ang kapatid nya mismo ang magco-convince sa kanya at sa tingin ko hindi naman nya tatangihan si Yvaine..." napahawak sya sa ulo nya at hinilot hilot.
"Sa tingin mo lang," natatawang sabi ni Yohji. Sabi kasing wag gagalitin si Ivy! Yan tuloy naglabas na sya ng summoner. Demons pero hindi naman nya kami sinasaktan gamit ang powers nya, panakot lang nya samin.
"Alam to ni Tita at Tito sila ang humingi ng tulong sakin" pasigurado sa amin ni Ivy.
***
"Ano ba hindi mapaghiwalay ang mag-kapatid," reklamo ni Dev, natatanaw namin silang dalawa dito mula sa bintana. Nagvi-video si Yvaine at si Nova naman ay may ginagawa sa paper nya.
"Maghanap kayo ng isang studyante na meron Mind Control" sabi naman ni Kaiper.
"Si Nova..." tinignan ko ng masama si Yohji. Hindi ba sya nakikinig kay Ivy?!
"I mean, iba" paglilinaw ni Kaiper sa sinabi nya.
"Si Sir. Liano, Papa nya" suggest naman ulit ni Yohji.
"Nasasaktan nga sila tuwing nakikita ang Mama nya at ang Papa nya, diba?" bumalik na si Dev sa upuan nya at yumuko sa desk.
Kahit si Ivy ay walang magawa kasi hindi naghihiwalay si Nova at Yvaine, kaya hindi namin magawa ang plano namin. Naghihintay na si Ms. Clem at Sir. Liano sa kanila pero parang ayaw pa ng tadhana.
Speaking of Ms. Clem and Sir. Liano, pumasok sila dito sa classroom namin at kasama si Ivy. Ang pagpasok nila ay ang paglabas ni Dev sa kwarto. Tinignan ko ang feelings nya at ang nakita ko ay red it means anger.