08: First Hug

986 Words
Hindi ako makatulog! Nag-exercise pa ako para mapagod at tamaan ng antok buti gumana naman sya... Naramdaman ko na may pumasok na liwanag sa kwarto ko galing sa labas at naramdaman ko ang pag-lubog ng kama ko! At meron humawak sa hita ko at aa kamay ko na pinipisil-pisil nya ito. Hindi na ako makagalaw kasi pakiramdam ko dalawa sila dahil sa sunod sunod na matinis na tunog na naman ang naririnig ko! Naalala ko ang nangyari sakin dati... Natatakot ako... Tuloy pa rin ang matinis na tunog na naririnig ko at pinag-papawisan na ako! Naiinis ako kasi ayaw gumalaw ng katawan ko! Naramdaman ko na may nag punas sa mukha ko, halos maiyak ako sa sobrang takot ko! Hindi ko matakpan ang tenga ko, napaka-sakit ng tunog na naririnig ko! Natatakot ako... Para akong na estatwa dahil wala akong magalaw! Naramdaman ko ang pag-hawak nya sa pisngi ko at ang isa ay kamay ko. Kasabay nun ay ang matinis na tunog... Nanghihina ako... *** Nagising agad ako kahit medyo madilim pa pero hindi na ako maka-tulog, tinignan ko ang sarili ko sa salamin at pinanood ang pag bagsak ng mga luba ko. Kasalanan to ni Mama at Papa! Iniwan nila kami, hinding hindi ko sila mapapatawad. Lahat ng paghihiram namin ni Yvaine ay sila ang may gawa sa amin. Sila ang pumapatay sa amin ng unti unti! Napansin ko din sa higaan ko na nagulo ang isang space sa higaan ko, a-anong nangyari sakin? Sumigaw ako dahil sa galit na nararamdaman ko! "Kasalanan nyo to!" sigaw ko sa galit. Niyakap ko ang tuhod ko at yumuko na lang dun habang tumutulo pa rin ang luha ko. Bakit kailangan ako? Bakit hindi ko maranasan na merong nagpapahalaga sa akin? Walang nag-iisip ng nararamdaman ko! Ang alaala ko at ang trauma na nangyari sakin dati ay muling nagbalik sakin. Hindi ko alam kung kanino ako magsasabi, kailangan ko ng isang tao na handang makinig sa mga problema ko para hindi ako makulong sa sarili kong galit. Bakit kailangan lagi akong mag-isa? Bakit walang nagpaparamdam na hindi ako mag-isa? "Iniwan nyo kami na parang pinag-lumaan na laruan..." niyukom ko ang mga kamay ko habang yakap yakap ang tuhod ko. "Natatakot ako..." Wala akong kwenta... Kasabay ng pagbagsak ng luha ko ay ang pagbagsak ng ulan, pinunasan ko na ang luha ko at pumasok sa cr para maligo, pagkatapos ay sinuot ko na ang uniform ko. Maputla ang mga labi ko at ang mga mata ko ay namumula dahil sa kakaiyak. Nag half-pony tail na lang ako at nilagay ang dilaw na ribbon na nakita ko na nakapatong sa ibabaw ng drawer ko. Nag suot na lang din ako ng itim na jacket, paglabas ko ay nakita ko si Yvaine, iniabot nya sakin ang isang pirasong candy. "Kanino galing yan?" hindi ko kinukuha ang candy na inaabot nya sakin. "Ito yong candy na laging binibili satin ni Mama," nakangiting sabi nya sakin. "Itapon mo yan" sabi ko at naglakad na papuntang cafeteria. Tinigilan ako ni Yvaine tungkol sa candy na binibigay nya. Ang candy yong ang laging pinapabili namin kay Mama, favorite namin yon at don din kami napapalo ni Mama dahil nag-aaway kami sa candy na yon pero isang malabong nakaraan na yon para sakin. May syrup na red sa pagkain ni Kaiper kaya kumuha ako dun at pinahid sa labi ko. Ayaw ko na may mapansin sila sakin. "Malamig ba Nova?" tanong sakin ni Yohji at tumango lang ako sa kanya. "May nakakatakot akong narinig kagabi" pagku-kwento ni Miu, napayukom agad ako ng kamay at halos magusot na ang palda ko dahil sa pagkaka-higpit ng hawak ko. "Sakin din meron mga gamit sa kwarto ko, naalala ko si-" binagsak ko ng malakas ang kutsara ko at tumayo na para pumunta sa classroom ko. Tinatawag ako ni Yvaine pero hindi ako lumilingon sa kanya at patuloy lang sa paglalakad ng makarating ako sa hagdan ay hinila nya ang kamay ko at ihinarap na sa kanya. Nakatingin nya sa mga kamay ko na parang may ginagawa sya. "May problema ka ba Ate?" nagaalalang tanong nya sakin. "Problema ko?... Si Mama at Papa pwede wag mo muna sila banggitin, nasasaktan ako tuwing naririnig ang Mama, Papa. Kaya please wag muna" inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko at naglakad na ulit. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na Natatakot ako pero hindi pwede kasi kapag nakita nya sakin na natatakot ako, matatakot din sya. Sana naiintindihan nya ako. Yumuko muna ako sa desk ko habang nagiintay na dumating si Ms. Daila, maiingay na ang iba kong classmates. Hanggang sa dumating na si Ms. Daila, umayos na ako ng upo at nagpahalumbaba lang ako habang nagle-lecture sya about magic. Hindi ako mapakali sa upo ko, gusto kong umiiyak! Gusto kong sumigaw! Nagulat ako ng bigla ng may bumagsak sa desk ko na napaka laking book malaki pa to' sa desk ko! "Dalhin mo sa library" utos sakin ni Ms. Daila at tumango na lang ako sa kanya. "Gusto mo tulungan na kita?" offer sakin ni Miu pero tinaggihan ko ang offer nya. Ako ang inutusan kaya hindi ko na kailangan mang-damay pa ng iba. After class ay umakyat ako ng isang floor para puntahan ang library, sa pagdala palang ng libro ay pagod na ako kasabay pa ng paghakbang sa mahabang hagdanan. Hindi pa man ako nakakapasok ng library ay may humarang na sakin na lalaki. "Ako na lang magbalik yan, mabigat yan para sayo" nakangiting sabi ng lalaki sakin at kinuha na ang libro sa akin. "Thank you... Saan dito ang clinic?" tanong ko sa kanya. "Turn right and yong nasa dulo clinic na" lumakad na sya papasok ng library at ako naman ay sinunod ang direction na sinasabi nya pero may napansin akong hagdan bago pa man ako lumiko. Hindi na ako pumunta ng clinic inakyat ko na lang ang hagdan gusto ko malaman kung saan papunta yon. Yvaine's POV "Natatakot ako..." nakita ko ang nangyari kay Ate nang hawakan ko ang kamay nya. Iyak sya ng iyak at sumisigaw sya sa kwarto nya. Yung lang ang nakita ko sa kanya, hindi ko alam kung paano ko sya matutulungan. Lagi na lang sya ang nahihirapan! Bakit kasi kailangan maging ganito ang buhay namin?! "Hayaan mo muna Ate mo," sabi sakin ni Kuya Yohji. Pumasok na ako sa classroom namin at andun na si Perri, may libro na naman na dala. Tinawag nya ako ng mapansin ang presence ko sa pintuan. "Ano yan?" nagtatakang tanong ko at tinuro ang libro na dala nya. "About sa mga Godiaras and Godiaros..." nakangiting sagot nya sakin. Parehas kami ng ability ni Perri nakikita namin ang past ng isang bagay pero magka-iba na kami ng isa pang-ability. "Ano naman yon?" tanong ko ulit ako umupo na sa upuan ko. "Kapag namatay ang may hawak ng ability of light, magiging Godiara sya if babae sya, Godiaro if lalaki naman..." binuksan nya ang libro at pinakita sakin ang mga litrato ng mga sinasabi nyang Godiaras and Godiaros. "Jensen Willis... Danai Turner... Barkhad Pines... Liang Hall... Rupert Kline... Jodelle Hawn... Giovanna Finira..." pinakilala nya lahat sakin ng mga Godiaras and Godiaros. Si Giovanna Finira. Marsden ang lola namin. "Sila na ang parang bathala naten, no not parang. Bathala na sila," nakangiting sabi nya sakin. "Sino kaya next sa Lola mo?" curious na tanong nya sakin! Bakit ako ang tinatanong nya tungkol jan?! "Complete na ang mga abilities mo, so..." palapit sya ng palapit sakin. *** After class ay pinuntahan ko si Ate sa library sabi ni Ate Miu ay inutusan daw sya dun pumunta pero pag-punta ko ay wala sya dun so bumalik na lang ako sa classroom nila. "Kuya Dev, si Ate asan?" tanong ko sa kanya nakasalubong ko sya sa hallway papunta sa classroom nila. "Nasa library," sagot nya. "Wala sya dun eh..." napakunot ang noo nya ng marinig ang sagot ko. "Kuya Dev, ano bang meron sa school na to? Bakit takot na takot si Ate?" sunod sunod kong tanong. "Takot saan?" nagtatakang tanong nya. "Kasi nakita ko nung hinawakan ko ang kamay nya, umiiyak sya bago lumabas ng kwarto nya, sa tingin ko may nangyari sa kanya pero hindi nya yon sinasabi sakin" napakagat ako sa ibabang labi ko at mabilis na nawala si Kuya Dev sa harap ko, nakita ko na lang sya nasa hagdan mabilis na umaakyat. Saan ko ba hahanapin si Ate? Nova's POV Napaka-sarap ng hangin na dumadampi sa katawan ko, ang ganda ng nakikita kong view mula dito sa rooftop. Hindi siguro ako mahuhulog dito sa railings ng rooftop, hindi naman ako tatalon. Para kasi niyayakap ako ng hangin. Tumingin ako sa baba at halos mahilo ako sa sobrang taas! Kapag tumalon ba ako may sasalo sakin? "Nova wag!" Napalingon ako sa likod ko ng may sumigaw at nakita na patakbo sakin si... Dev? Paano nya ako nahanap? Iniabot nya ang kamay nya para hawakan ko yon, nililipat ko lang ang tingin ko sa kanya at sa magandang view na nakikita ko. Nang tumaas ang kilay nya sakin ay hinawakan ko na ang kamay nya. "Magpapa-kamatay ka ba?!" galit na sigaw nya sakin. "Ang oa mo naman, nagpapa-hangin lang" nawala ang galit nya sa mukha ng marinig ang sinabi ko. "Paano mo ko nahanap dito?" nagtatakang tanong ko. "Anong ginagawa mo dito?" balik nyang tanong sakin. "Nagpapa-hangin nga," inis na sabi ko at bigla nya akong niyakap! "Pwede mo naman ako yakapin..." para akong lumilipad ng yakapin nya ako. Ang sarap sa pakiramdam, pakiramdam ko hindi ako mag-isa. "Pwede mo naman iiyak sakin..." nang sabihin nya yon ay nagsimula ng bumagsak ang mga luha ko. "Natatakot ako, Dev..." my voice broke at humigpit pa ang pagkaka-yakap nya sakin. "Kasalanan nila to... Ayaw ko sa kanila... Sila ang may kasalanan ng nangyayari sa amin" mabilis na nagpatakan ang mga luha ko. "Gusto mo sabihin sakin?" maingat na tanong nya pero umiling ako. "Alam mo ikaw ang una kung lalaki na nayakap..." except sa Papa ko pero bata pa ako nun ngayon almost 6 years na. Bumitaw sya pagkakayakap sakin pero nakahawak ang mga kamay nya sa balikat ko. "Buti ako," nakangiting sabi nya. "Tara na?" "Dito muna ako... Promise hindi ako tatalon" nakangiting sabi sa kanya at lumakad na sya papunta sa hagdanan. Sumandal na lang ako sa railings, pinapanood ang mga studyanteng naglalakad. Napakadaming studyante dito kaya dalawa ang building ng school at ang lalaki. Hanggang hindi ko pa rin masabi ang gusto kong sabihin, natatakot ako pero natatakot din akong sabihin. Ang gulo! Malakas na ang hangin dito sa rooftop kaya bumaba na ako ng rooftop, kanya-kanya na ang mga studyanteng nakikita ko. Pumupunta sa mga classroom ang iba at ang iba ay nagte-training. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta kaya kung saan-saan lang ako naglalakad-lakad. Paglingon ko sa kanan ay nakita ko si Miu na naka-wide arms parang gusto nya na lumapit ako sa kanya. Palapit ako ng palapit sa kanya at lumalaki din ang ngiti nya sakin, yumuko ako sa balikat nya at niyakap nya ako. Nararamdaman ko na naman na babagsak ang mga luha ko. Basa na siguro ang uniform nya dahil sa pag-iyak ko kaya tinaas nya ang ulo ko para iharap sa kanya at ngumuso sya ng makita ang mga mata ko na meron luhang tumutulo doon. "Miu... Hindi mo naman ako iiwan diba?" umiling sya sakin at pinunasan ang luha ko. "May problema ba? Sabihin mo sakin baka makatulong ako" hinawakan nya ang baba ko pero umuling lang ako sa kanya. Hindi lumalabas sa bibig ko ang gusto kong sabihin. Hindi na nya ako pinilit na sabihin ko at dinala nya ako sa kwarto na andun si Dev at Kaiper, nagpa-practice. Si Dev ang lakas na mga kamao nya lahat ng binabato ni Kaiper sa kanya ay nawawasak at nagiging abo. Malaki ang kwarto na to kaya meron sa isang sulok na table at chair at sa likod ay may binatana na malaki, umupo sya sa table at ako naman sa isang upuan. "Bakit wala akong nakikita sayo?" nagtatakang tanong nya sakin. "Huh? Ano ba gusto mong makita sakin?" "Yang nararamdaman mo... Si Yvaine nakikita ko sa kaya, orange means happiness. Ikaw bakit wala akong makita sayo?" sumingkit ang mga mata nya sakin. Siguro wala naman talaga akong nararamdaman? Siguro napagod na ang puso ko kaya namanhid? "Hulaan mo na lang" natatawang sabi ko sa kanya. "Good idea!" bumaba sya sa table at hinila ako. "Saan kayo pupunta?" tanong ni Kaiper kay Miu. "Magpapa-hula lang" natatawang sagot ni Miu. Nagpapahila lang ako sa kanya may tiwala naman ako sa kanya kaya kahit anong gawin nya ay alam kong magiging maganda ang kakalabasan. Marami lang kaming nilikuan na daan bago makapunta sa isang room, kumatok sya dun at pinagbuksan sya ng isang bata siguro grade school. Nilakihan nya ang bukas ng pinto at pumasok na kami sa loob. Madilim?! Marami rin mga studyante sa loob, anong kwarto ba to? "Gusto mo inumin to?... Para mawala yang sakit sa puso mo" may inaabot sya sakin isang maliit na bote at kulay puti ang alam parang tubig lang. "May lason ba yan?" tanong ko. "Meron" mabilis na sagot nya. "No thanks," nakangiting sabi ko at si Miu na ang kumuha nito! Lumabas na din kami ng kwarto na yon, lalasunin ako ng mga studyante dun! Grabe sila sakin! "Itapon mo na yan" sabi ko kay Miu. "Nagbibiro lang yon, wag ka maniwala sa kanya" parang sure na sure sya sa sinasabi nya ah! Habang pabalik na kami sa practice room nila Dev ay may nakita kaming isang lalaki na naka-sandal sa pader at ng makita nya kami ay umayos sya ng tayo, nakatingin sa amin na may nakakatakot na ngiti. "Asan ang kapatid mo?" nakangising tanong nya kay Miu. "Hulaan mo!" hindi ko napigilan ang sarili ko na sumagot kasi naman ang pakikipag-usap nya samin parang naghahamon sya ng away. "Ngayon lang kita nakita, bago ka siguro?" "Bobo ka ba? Ngayon mo nga lang ako nakita syempre bago ako dito," siniko ako ni Miu sa tagiliran ko. "Marsden?" basa nya sa pin na nasa uniform ko. "Anong kaya mo ha, pakita mo nga sakin... Zircon" inalok nya ang kamay nya sakin para makipag-shake hand, tinanggap ko naman yon pero parang may kuryenteng pumasok sa loob-loob ko! "Leche!" sigaw ko sa galit, napakasakit! "Ikaw pala ang bobo jan" nakangising sabi nya sakin. "Wag mo na lang pansinin yan Nova, tara na" hinawakan ni Miu ang palapulsuhan ko at hinila ako pero hindi ako umalis sa pwesto ko. Gaganti ako! Tinitigan ko sya at uto uto pala tong lalaki to', madali din nya akong tinitigan. "Umikot ka ng 10 times habang nira-rub mo ang belly mo" para syang robot na sumunod sa inuutos ko. Hindi ko tuloy mapiglan nag tumawa dahil sa nakikita kung ginagawa nya. Hinila na ako ni Miu at mabilis na tumakbo pabalik sa practice room nila Dev, hindi ko mapigilan ang matawa ng malakas pero iba ang reaction ni Miu hindi man lang sya natutuwa sa ginawa ko, nakakatawa kaya yong Zircon na yon. Pagkapasok namin agad ng practice room ay agad agad nyang ni-lock ang pinto. Anong nangyayari sa kanya? Parang may nakita syang multo or what. "Sino tinatakbuhan nyo?" tanong agad samin ni Kaiper. "Si Zircon..." hinihingal na sabi ni Miu. "Ano?!" gulat na sabi ni Dev. "Hinahanap ka nya samin at nagkaroon lang ng kaunting away sa pagitan ni Nova at ni Zircon," mas lalong nanlaki ang mga mata ni Dev at ni Kaiper. "Sya ang nauna, kinuryente nya ako! Syempre gumanti lang ako, nanggigil kasi ako sa pagmumukha nya" inis na sabi ko sa kanila. "Magtago kayong dalawa," utos ni Kaiper at tinulak kami ni Dev. "Bakit kami? Dapat diba kaming dalawa ni Miu" reklamo ko. "Ikaw nag-away kayo ngayon at sigurado akong mainit ang dugo nun sayo at... Ikaw naman magka-away na kayo ng ilang years!" turo samin ni Miu. "Hindi na, sya na lang mag-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng hilahin na ako ni Dev papunta sa isang sulok ng kwarto. Dumating na din si Zircon at malakas ang pagkakatok nya sa pintuan, malakas din ang sigaw nya. Hindi na din alam nila Miu at Kaiper ang gagawin dahil hindi pa kumakalma si Zircon. "Grabe naman yan si Zircon, akala mo naman boss sya dito" inis na sabi ko. "Bakit ba tayo nagtatago, kitang kita tayo dito oh" "Pwede wag ka maingay," pagsaway nya sakin. Lumabas na din sila Miu at Kaiper ng kwarto ng hindi na sumisigaw si Zircon, hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero sa tingin ko sinasabi nila na wala kami dito. Hindi ako natatakot sa Zircon na yan, basta wala syang kamay na may kuryente! Lumakad na ako papunta sa pinto at sumilip na kaunti, andun pa rin si Zircon mainit ang mga tingin at salubong ang kilay. Isa lang masasabi ko sa kanya, isa syang malaking pikunin! kung meron lang din akong powers na katulad nya ay sya mismo ang uunahin kong kuryentehin! Nauntog pa ako ng buksan nila ang pintuan! Ang bilis ng karma sakin! Teka bakit ako ang kinarma?! "Tinatanong nya kung sino ka," turo sakin ni Miu. "Kung bakit Marsden ang last name mo" "Kasi ang name ng Papa ko Maxmilliano Marsden at Lola si, ano nga fullname ng lola ko?" natahimik lang silang tatlo sa sinabi ko. "I-inumin mo na lang to," nauutal na sabi nya at iniabot na ulit sakin ni Miu ang maliit na bote na kanina pa nya sakin pilit na ibinibigay. "May lason yan, Miu. Gusto mo ba akong mamatay?" "Gagaling ka jan..." napatingin ako kay Dev ng magsalita sya. "Wala akong sakit" natatawang sabi ko. "Basta, try mo wala naman lason yan" singit naman ni Kaiper. Wala akong magawa kung hindi inumin na lang yon, napalunok pa ako bago ko idikit ang bote sa bibig ko. Walang lasa! Tubig lang naman pala. Nakatitig lang silang tatlo sakin at hinihintay na may sabihin ako. "May nararamdaman ka ba? May masakit ba?" sunod sunod na tanong ni Miu. "Wala, tubig lang naman. Anong mangyayari sakin sa tubig" natatawang sabi ko sa kanila. *** Nakatitig lang ako sa pinto na kwarto ko, nag-iisip kong dito ba ako matutulog? Ayaw ko na maulit yong nangyari last night sakin, baka hindi ko na kayanin at umalis na ako sa lugar na to. Hawak hawak ko lang ang door knob ng pintuan ng kwarto ko, ayaw ko buksan to! Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Miu na katabi lang ng akin at ng buksan nya ang pinto ay hindi sy nagulat na nasa labas ako ng kwarto ang nakita ko sa kanya ay ang malaking ngiti sa mga labi nya. "Pwede ba dito muna ako matulog?" "Sure" masayang sabi nya at hinila ako papasok sa loob. Same lang kami ng laki ng kwarto kahit ang design ay parehas lang, bedsheets lang ang nagka-iba. "Miu..." tawag ko sa kanya. "Hmm?" "Gusto mo malaman ang nangyari sa amin?... Natatakot kasi ako na balikan ang karanasan na yon" tumawa ako ng saglit at hinihintay nya lang na ituloy ko ang sasabihin ko. "Kasi na trauma na ako sa nangyari kaya natatakot ako ngayon na maulit yon... Paano ko ba to sisimulan" napahilot ako sa sentido ko at idinaan na lang sa pag-tawa para hindi tumulo ang mga luha ko. "Nag-trabaho kasi ako sa isang tindahan nung una maganda ang pakiki-tungo sakin ng amo ko hanggang sa... Binastos nya ako at..." hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay niyakap na nya ako kaagad. Nagsimula na tuloy lumabo ang mga mata ko dahil sa luhang naiipon doon. "Hindi naman natuloy ang gusto nyang gawin dahil nagising ako... Iyak ako ng iyak nun at takot na takot kasi wala dun si Mama at Papa... Para patahanin ako" hinaplos nya ang likod ko at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. "Naulit ang nangyari na yon sakin last night... May pumasok sa kwarto ko at hindi ako makagalaw sa takot kasi hinahawak-hawak nya ako..." mas lalong lumakas ang-hikbi ko at kahit sya ay naririnig ko na rin ang pag hikbi nya. "Natatakot ako, Miu" "Andito lang ako, simula ngayon ay kasama mo na ako, kasama mo na kami... Sorry Nova" "Bakit ka nagso-sorry?" bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at humarap sakin. Tinitigan nya ako ng matagal at niyakap ulit ako ng mas mahigpit. "Wag ka ng umiiyak... Tahan na" hinaplos ko ang likod nya ng marinig ang bawat hikbi nya. Paulit-ulit lang syang nagso-sorry sakin, wala naman syang ginawa sakin halos lahat nga ng ginawa nya simula nung dumating kami dito ay lahat para sa amin ni Yvaine. "Pwede din ba dito din muna si Yvaine?" "Oo naman," nakangiting sabi nya sakin at tumayo na ako para puntahan si Yvaine sa room nya. Hinanap ko pa ang room ng kapatid ko sa third floor at may name naman sa bawat pintuan kaya madaling mahanap. Kumatok ako at agad naman nyang binuksan ang pinto, pinapasok nya ako sa loob pero tumanggi ako. "Sumama ka sakin, dun tayo sa kwarto ni Miu matutulog..." kumunot ang noo nya pero hindi naman na sya nag-reklamo at sumama na sakin. "Ate, may Fairy Godmother ako... May mga gamit sa kwarto ko pag-gising ko" natatawang sabi nya sakin habang naglalakad kami. "Itapon mo" sabi ko. "Bakit?" napatigil sya sa paglalakad. "Baka may kapalit yan at hindi mo naman alam kung kanino galing" nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko, marami pa naman mga studyante na naglalakad sa hallway. "Alam ko kung kanino galing!" sigaw nya sakin at napalingon ako sa likod ko napansin na hindi pala sya naka-sunod sakin. Pinupunasan nya ang luha nya habang naglalakad papunta sakin, nasasaktan ako tuwing nakikitang umiiyak sya. "Kay Mama at Papa" nanlaki ang mga mata ko sa narinig sa kanya. Hindi ko sya pinansin at naglakad na lang papunta sa kwarto ni Miu, nasunod na sya sakin ngayon. Nadatnan ko si Miu na nakayuko sa kama nya at umiiyak, bakit ba naging ganito sya? May sinabi ba akong mali. Pinunasan nya kaagad ang luha nya at ngumiti ng tipid sa amin. "Dun na lang ako sa couch," sabi ko at humiga na dun. Miu's POV "Goodnight, Ate" rinig kong bulong ni Yvaine. "Dito ka na, tabi tayo" nakangiting sabi ko sa kanya. "Sorry, Yvaine" "Bakit ka Ate Miu, nagso-sorry?" Kasi dahil sa amin kaya kayo iniwan ng Mama at Papa nyo, pinili nila dito at iniwan kayo, pero ginawa nila yon para ilayo kayo ayaw nila na isa sa inyo ang makakuha ng ability of light dahil ayaw nila malagay kayo sa pahamak. Hinalikan ko sya noo nya at kinumutan, maya maya lang ay meron ng kumatok sa pinto kaya tumayo ako para buksan yon. Bumungad sakin si Kaiper, Dev at Yohji, sinilip pa nila ang loob ng kwarto ko. "Bakit andito sila?" tanong ni Yohji at walang pasabing pumasok sila sa loob. "Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko. "Lumabas na nga kayo, matutulog na kami at wag kayong maingay" "Umiyak ka ba?" tanong sakin ni Kaiper. "Inaway ka ba ni Miu ha" sabi ni Yohji kay Yvaine, binatukan ko sya pero hindi naman sya nag-reklamo dahil nakita nya na natutulog si Nova. "Iwan nyo muna kami, mag-uusap lang kami ni Yvaine" sabi ko sa kanilang tatlo pero kahit isa walang kumikilos para lumabas. Tumabi ako kay Yvaine sa higaan habang silang tatlo ay naka-upo sa isa pang couch, naguguluhan lang ang itsura ni Yvaine hindi alam kung ano ang pag-uusapan namin. "Ate Miu, galit na naman ata sakin si Ate..." sumbong nya sakin. "Sinabi ko lang naman na galing kay Mama at Papa yong mga gamit na nasa kwarto ko, hindi ko nga alam kong totoo yon eh pero may notes na kasama at nakalagay dun 'From Mama and Papa, I love you'" pagkukwento nya sakin. "Andito ba sila? Bakit hindi sila nagpapakita sakin? Gusto ko na silang makita, miss na miss ko na talaga sila. Kailangan namin sila lalo na ngayon..." hindi ko napansin na tumulo na naman ang luha ko. "Ngayon na kaya naten gawin ang plano?" singit naman ni Yohji. "Anong plano?" nagtatakang tanong ni Yvaine. Tumayo si Dev sa pagkaka-upo nya at nilapitan si Nova na natutulog. "Hoy, anong gagawin mo? Wag mo syang gisingin" nakita ko din na hinawakan ni Dev ang mukha ni Nova. Ano bang ginagawa nya? "Pinunasan ko lang luha nya," kumunot ang noo ko, kahit tulog sya ay umiiyak sya. Walang kaalam-alam ang Mama at Papa nila sa nangyayari sa mga anak nila! "Kasalanan to' ni Ms. Clem at Sir. Liano" napa-aray bigla si Yvaine at hawak-hawak ang tenga nya. "Sorry..." nakalimutan ko andito pala si Yvaine sa tabi ko. Tulad nga ng sabi ni Ivy ay side effects yon ng ability ni Nova na Mind Control, ginamit nya yon sa sarili nya at kay Yvaine kaya nadamay si Yvaine sa side effects. "Bakit mo ba sila sinisisi?" inis na tanong ni Yohji. "Kung alam mo lang takot na takot si Nova sa nangyari sa kanya, binastos sya..." napatingin silang lahat sakin at umayos ng higa si Yvaine, nakakunot ang noo. "Huh? Binastos nino?" nagtatakang tanong sakin ni Yvaine. "Hindi mo alam?" tanong ko sa kanya at umiling lang sya, napatakip ako sa bibig ko at nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Sa ilang years ang nagdaan, si Nova lang ang may alam? Kinaya nya yon? "Anong nangyari, Miu!?" galit ang tono ng boses ni Dev. "According to her, nag-trabaho sya sa tindahan... Ugh!... Binastos sya ng amo nya. Pucha, hindi ko kaya!... At" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko, tinakpan ko na lang ang mukha ko at patuloy ang pag-iyak. "Kaya pala umuwi si Ate nun, umiiyak at nagkulong sa kwarto, sigaw sya ng sigaw. Hindi nya sakin yon sinasabi" "Hindi naman daw natuloy ang balak nung walang hiya nyang amo, dahil nagising na sya. Paano kung hindi sya nagising?" lumakas lalo ang pag-iyak ko. Sinisisi ko si Ms. Clem at Sir. Liano! Pinabayaan nila ang mga anak nila, bakit ganun? Sana wala na silang naranasan na ganito, sana wala na akong mabalitaan pa. "Pumunta ka sa Practice room ni Ivy bukas," rinig kong sabi ni Yohji kay Yvaine. "Wag mo din sasabihin muna kay Ate mo ang tungkol dito ha" sabi naman ni Kaiper. Tahimik lang ngayon si Dev, tulala. Malapit na nilang makita ang mga magulang nila, iniisip ko si Nova. Gusto nya ba makita? Paano kapag umaway sya? Habang buhay na lang ba makikita ni Nova ang itim na mukha sa Mama at Papa nya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD