09: Letter For You

2080 Words
Ginising ako ni Miu para mag-ready na para pumasok kaya pumunta na ako sa room ko at naligo na at sinuot ang uniform ko. Ribbon na naman? Pero ngayon color red na ang andito sa ibabaw ng drawer ko. Nilagay ko na lang yon sa buhok ko, maganda naman. Hindi ko nga alam kung kanino galing to'. "Ate, sorry sa lahat, hindi ko alam tapos ikaw lagi ka nasa tabi ko tuwing may nambu-bully sakin pero ako wala sa tabi mo kapag nahihirapan ka..." napatigil ako sa pagkain ko at nakita ko na naluluha na si Yvaine dahil sa sinasabi nya. Ok lang yon basta wag mo lang iiwan si Ate, ok?, narinig nya naman ang sinabi ko kasi tumango naman sya sakin at ngumiti. "May gagawin tayo mamaya after class ha," natigilan silang lahat sa sinabi ko. Bakit na naman? "Ano?" tanong sakin ni Yohji. "Hindi ikaw, kami lang ni Yvaine" "Saan? Ano gagawin naten?" sunod sunod na tanong ni Yvaine sakin. "May pinag-manahan ka talaga," napailing-iling na lang ako. "Kanino?" tanong ulit ni Yohji! "Kapatid ba kita ha" tinaasan ko sya ng kilay ko. "Itatapon naten yung bigay nila, ano basta alam mo na yon" inis na sabi ko. "Hindi ko alam kung ano yong ano" singit na naman ni Yohji! "Pwede ko ba patulan tong lalaking to', naiinis na ko sayo" narinig ko lang ang pag-tawa ni Miu at Yohji sakin. "Basta, may gagawin tayo. Sumunod ka na lang sakin" inis na sabi ko. "May gagawin ako Ate, after class" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Yvaine. "Ano?" tanong ko. "Ops, bawal sagutin. Hindi mo din sinasagot mga tanong ko" ganti sakin ni Yohji. Tinitigan ko sya at nakipagtitigan din naman sya sakin. Nakakalimutan nya ata. "Yohji, shut your mouth" sigaw na lang ang naririnig ko sa mga bibig ni Yohji habang nakasara ito. Tumayo na ako at binalik ang tray at lumabas na ng cafeteria. Ngayon lang ako tinanggihan ni Yvaine ah. Ano naman gagawin nun? Magba-basa na naman ba ng libro? Ang weird ah, hindi sakin naka-sunod si Yohji para ibalik sa dati ang bibig nya! Pagdating ko sa classroom unti pa lang ang tao sa loob at wala din si Ivy, Nag-drawing na lang muna ako sa whiteboard habang hinihintay sila. Hindi ko nga din alam kung ano ba talaga ginuguhit ko. Ano bang nangyari sakin? Pagbukas ng pinto ay sabay sabay dumating si Miu, Dev, Kaiper, Yohji at Ivy. Ngayon ko lang sila nakita ng ganito ah. Naka-tingin lang sakin ng masama si Yohji dahil hindi pa rin ok ang bibig nya, ok na yan kesa naman sa ang daldal nya. "Saan kayo pumunta?" tanong ko sa kanila. "Ano?... Ano? Hindi kita maintindihan" natatawang sabi ko kay Yohji. Tinaasan ko lang sila ng kilay ko ng hindi sila sumasagot sakin. "Parang may mali... Ngayon lang nakita na nagsabay-sabay kayo pumasok at naguusap-usap kayo ng hindi ako kasali" pinag-singkitan ko sila ng mga mata ko. "May pinag-manahan ka din pala," rinig kong sabi ni Dev. Lumapit ako sa kanya at tinitigan sya, hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nakatitig sa kanya. "Kanino naman, wala naman akong magulang" natatawang sabi sa kanya at umupo na sa upuan ko. Dumating na si Ms. Daila at nagsimula sa lecture nya sa amin. Nakapag-halumbaba lang ako habang nakikinig sa kanya then something caught my attention sa picture ni Lola. Puti at may dilaw sa ibaba ng pakpak. "Ms. Bakit may ibon na kasama si Lola?" tanong ko. "Alaga nya yan, mahilig kasi sya sa ibon nung nabubuhay pa sya. Kiwi ang name ng ibon na yan" nakangiting sabi ni Ms. Daila. Ang cute ng name ah, Kiwi. "Saan na po yang ibon?" tanong ko ulit. "We don't know, bigla na lang nawala simula nung nawala ang Lola mo" tumango-tango na lang ako, nawalan na ako ng itatanong. Meron pa sana pero wag na lang baka pagtawanan lang nila ako. Gusto ko sana malaman kung bakit isa lang ang ability ko? Bakit sila dalawa? Tapos akin, isa lang. Unfair naman ata nun. After class ay kinalabit na ako ni Yohji, sige na nga naawa na ako sa itsura nya. Nang binalik ko na ay sumigaw na sya ng malakas. Tinanong ko din kung saan sya pupunta pero sagot nya somewhere out there. Miu's POV "Tama ba na hindi naten sabihin kay Nova,?" nagaalalang tanong ko. "Hindi naman sa, hindi naten sasabihin sa kanya. Basta magiging ok lang ang lahat" pampa-gaan ni Kaiper sa loob ko. Change destination na kami hindi na sa practice room nila Dev at Kaiper, kay Ivy na lang daw. Kami ang unang-una na dumating at sunod naman si Ivy. Hindi ko lang alam kung paano ang gagawin ni Ivy, may dala lang syang isang bote na alam ko kung sino ang may gawa. Humingi sya ng tulong sa mga healers. Sunod na dumating ay si Yvaine at si Dev, asan na ba yong Yohji na yon? Sya na lang ang hinihintay namin. Naiinip na lang si Ivy at pinapatunog ang sapatos sa sahig at naka-kruss ang kamay sa dibdib. "Tagal mo!" sigaw ni Ivy kay Yohji pagkadating. "Kinulit lang kasi ako ni Nova," lumapit na sya sa amin ng nakangiti. Kinakabahan ako sa gagawin namin, pakiramdam ko tuloy pinapabayaan ko na si Nova. Tinawag na ni Ivy si Yvaine at una na ininom ni Ivy ang laman ng bote at pagkapatapos ay binigay nya yon kay Yvaine. "Ayusin mo Ivy!" sigaw ko. Hindi ako mapakali tingin ako ng tingin sa pintuan baka dumating bigla si Nova at iba ang inaasahan kong pumasok sa loob, dumating si Ms. Clem at Mrs. Liano ng makita ito ni Yvaine ay sumisigaw sya. Lalapitan ko sana sya pero pinigilan ako ni Kiaper. "s**t, hindi ko kayang tignan" reklamo ko. Napatakip na si Ms. Clem sa bibig nya at nakita kong lumuha sya habang hawak-hawak sya ni Sir. Liano sa balikat. Jan magaling mga ng iiwan dinadaan nila lagi sa iyak at sa pag-sisisi kapag nakita mo na ang taong iniwan mo na marami na ang na bago sa kanya. Hindi na sya yong dati mong iniwan. Ilan segundo lang ay may itim na lumalabas na nagmumula sa bibig ni Yvaine na pilit pinapalabas ni Ivy kay Yvaine kaya grabe ang sigaw nya sa sakit. Ano ba kasi, bakit kailangan mapunta sa ganito?! "Ang lakas ng sigaw nya," bulong ni Yohji. "Baka marinig sya ni Nova" singit naman ni Kaiper. Impossible yon kasi malayo to' sa classroom namin at hindi naman to malalaman ni Nova. Sana lang. Sigaw lang ng sigaw si Yvaine, may luha na bumabagsak sa gilid ng mga mata nya habang nakatingala. At ng bigla... "Ivy! Anong ginagawa mo sa kapatid ko!?" malakas na sigaw ni Nova. "s**t," siguro sabay sabay kami nila Dev na bumulong. Nilapitan ni Nova sila Yvaine at tinulak nya si Ivy. Iyak na ng iyak si Yvaine, dahil jan ay sinugod ni Nova si Ivy at hinawakan ito sa uniform. Sumingit na ako sa kanilang dalawa para awatin silang dalawa pero nakakatakot ang mga tingin ni Ivy at Nova sa isa't-isa! "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!... Papatayin mo ba ang kapatid ko?!" sigaw ni Nova sa galit. "Kasalanan mo yan, wag mo akong sisihin. Ikaw ang nagdala jan sa kalagayan nyo, akala mo lahat ng ginagawa mo tama? Akala mo lahat ng desisyon mo gusto ng kapatid mo? Gusto nya makita ang mga magulang nya pero hinahadlangan mo!" napa-bitaw si Nova sa pagkakahawak nya sa uniform ni Ivy. "Ivy, watch your mouth!" inis na sigaw ko. Nova's POV Pinuntahan ko si Yvaine na tuloy pa rin sa pag-iyak pero hindi ko sya malapitan kasi andun yung dalawa na meron itim na mukha, hindi ko kaya. Ang sakit nila tignan. Naririnig ko pa rin ang pag-iyak ni Yvaine kaya pinilit ko ng lapitan ang kapatid ko. "Hindi ganyan" inagaw ko sa isang may itim na mukha ang kamay ni Yvaine kasi hinahalik-halikan nya lang yon. Pinisil pisil ko ang kamay nya dahil ganito ang gusto nya tuwing umiiyak sya. "Tutal andito ka na din naman..." napalingon ako kay Ivy ng marinig ang sinabi nya tumayo ako at nilapitan sya. "Tumigil ka na nga sa kabaliwan mo!" sigaw ko sa galit. Humakbang sya papalapit sakin at inilagay ang kamay nya sa pisngi ko, ano bang ginagawa nya?! Nanlaki ang mga mata ko ng may itim na lumabas galing sa bibig ko! Wala akong maramdaman pero mukhang sya ang nasasaktan sa ginagawa nya. "Yan, ikaw ang nasasaktan sa ginagawa mo!" sigaw ko ulit ng bumagsak sya sa sahig. "Ok ka lang?" tanong sa kanya ni Miu. "Ang lakas nya... Para syang si Daddy" nanghihinang boses nya. "Yvaine, tara na aalis na tayo sa lugar na to'" pinatayo ko si Yvaine pero... "Ma? Pa?" kumunot ang noo ko dahil sa biglang sinabi ni Yvaine. At nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanya ng yakapin nya ang dalawang tao na nasa harap ko na itim ang mukha! "Kita mo na Ivy ang ginawa mo!" sigaw ko na naman. "Ma, Pa, bakit ngayon lang kayo?" naiiyak na boses ni Yvaine. "Yvaine ano ba! Sumama ka na sakin! Aalis na tayo dito!" Napatakip ako sa tenga ko ng marinig ang matinis na tunog, ano bang nangyayari? Tumakbo na lang ako palabas ng kwarto na yon, hindi ko na alam kung ilan ang nabubunggo ko dahil sa kakatakbo. Hanggang sa makalabas ako ng gate... Ito na ang kinakatakutan ko ang mag-isa na naman, kahit si Yvaine ay iniwan na nya ako. Lahat sila! Pare-parehas lang sila! Mga sarili ang iniisip! Hindi ko alam kung saan papunta sa tree house, kung saan saan lang ako naglalakad. Mabuti nang mawala ako, tutal mag-isa na lang ako ngayon. Naupo na lang ako sa isang kahoy na nakahiga sa lupa habang nakayuko sa mga tuhod ko. Bakit ba kailangan ganito ang buhay ko?! Tama si Ivy sa mga sinabi nya na ako ang may kasalanan ng lahat! Kasalanan ko na rin ang mga nangyari sa amin simula nung mga bata pa kami ni Yvaine. "Ano pa ba ha, ano pa ba!? Pagod na pagod na ako, lagi na lang ganito. Hindi ko nararanasan maging masaya, nagiging masaya nga ako pero bakit kailangan may kapalit?! Bakit kailangan ganito?!" Naramdaman ko na may mga pumapatak sa batok ko at ng tumingala ako ay bumagsak ang malalakas na ulan. Pinabayaan ko na lang na mabasa ako, huli na ang lahat bago maghanap ng masisilungan. Niyakap ko na lang ang tuhod ko at yumuko doon, aalis na ko sa lugar na yon! Lahat naman sila nawala na pagkadilat ko ng mga mata ko, nag-iba na ang lahat. Tumayo na lang ako at naglakad-lakad habang nababasa ng malakas na ulan. Dumidilim na din dahil grey na ang langit at nilalamig na ako, "Leche!" nahulog sa butas ang isa kong paa. Buti maliit lang ang butas kaya hindi ako nahulog ng tuluyan. Nang matanggal ko na ang paa ko sa butas ay lumakas ang hangin dahilan para bumagsak sa harapan ko ang sanga ng puno. At bumagsak ako kasabay nun sa lupa. "Ano ba! Puro na lang kamalasan!" sigaw ko sa sakit dahil natusok ang hita ko ng matalim na kahoy. May dugo ng lumalabas sa hita ko, hindi ko magawang matanggal ang sanga na bumagsak sakin dahil masakit! "Tulong!" sigaw ko halos wala na akong makita dahil sa malalakas na bagsak ng ulan. Wala na naman kayo sa tabi ko... Mama, Papa. "Wag kang pipikit Nova" pag-gising ko sa sarili ko. "Wag..." Dev's POV Ngayon na bumalik na sa dati si Yvaine, nakita na nya ang taong matagal na nyang hinahanap. Iniisip ko ang nararamdaman ni Nova... "Saan ka pupunta?" tanong sakin ni Yohji. Saan ba nagpunta yon? Ang lakas na ng ulan, pumunta na din ako sa tree house pero wala sya dun. "Nova!" Wag ka naman sana umalis... Sigaw lang ako ng sigaw, basang basa na ako pero wala akong pake. Asan na ba yon?! Inutusan ko ang hangin na tulungan akong hanapin si Nova, masyadong malakas ang ulan at ang kasamang hangin. Tinakbo ko na ang tinuturo ng hangin sakin at napatigil ako ng makita si Nova. May nakapatong na sanga ng kahoy sa hita nya at ng tignan ko yon ay may dugo ng lumalabas galing sa kahoy na nakatusok sa hita nya! "Nova, gumising ka. Andito na ko... f**k!" she moan in pain ng tanggalin ko ang sanga na nakapatong sa kanya at lumakas ang pagdudugo ng hita nya. *** "s**t," napatakip si Miu sa bibig nya ng makita si Nova. "Tumawag kayo ng healers" ibinaba ko na sya sa clinic bed at dumating din ang Mama at Papa nya. "Ano bang nangyari sayo?... Thank you Dev. Sorry, nak. Babawi ako sayo kapag napatawad mo na si Mama ok?" "Tama na, baka magkasakit ka na yan buong araw ka ng umiiyak" "Kailangan nya kayo tuwing nahihirapan sya pero, asan kayo?" siniko ako ni Miu dahil sa sinabi ko. Totoo naman, sila ang naglalagay sa mga anak nila sa kapahamakan. Akala nila, magiging ok ang lahat. Kapag nailayo sila dito sa mundo na kung saan sila nararapat? Pumunta na lang ako sa kwarto ko at naligo, dinagdagan ko na lang ang suot ko ng jacket at sinilip si Nova sa clinic pero andun si Ms. Clem at Sir. Liano, lagi na lang ba silang iiyak tuwing makikita si Nova? Yon na lang ba ang gagawin nila? "Asan si Yohji?" tanong ko kay Kaiper. "Sinasamahan si Yvaine, hindi nya kinaya ang nangyari kanina kaya nag-collapsed" pabalik na kami sa kwarto namin at ng makita ko si Zircon na nakasandal sa pader sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Nova ay nag-init kaagad ang dugo ko sa kanya. "What's up" bati nya samin. "Ok na ba si Nova Marsden? Nabalitaan ko nasa clinic sya" alam nya palang nasa clinic bakit sya andito sa tapat ng kwarto nya?! "Layuan mo sya" niyukom ko ang kamao ko. "Paano kung ayaw ko?" ngumiti sya na parang demonyo. "I like her, matapang bagay kami" "Bagay? Bagay ka lang sa kamao ko!...Touch her and you'll die" pagba-banta ko sa kanya. Ang sarap durugin ng pagmu-mukha nya! Gustong-gusto na ng mga kamao ko na paduguin ang mukha nya! "Tara na, antok na ko" inakbayan na ako ni Kaiper, napaka-linis talaga nitong si Kaiper ayaw lagi ng gulo. Pero dati lang lagi kaming magka-away simula lang nung naging sila na ng kapatid ko ay umiwas na sya sa gulo. Nova's POV Dahan dahan kung minulat ang mga mata ko, napabuntong hininga na lang ako ng makita na nasa clinic ako ng Academy. Ayaw ko na nga dito! Tinignan ko din ang sugat ko sa hita ko pero wala ng sugat dun. Masakit lang unti ang ulo ko. Ayoko dito! Lumabas dahan dahan ng clinic at pinilit pumunta sa kwarto ko, medyo madilim ang hallway pero may liwanag naman galing sa labas ng bintana. Kakayanin ko, matagal na akong nasa dilim at kahit sino ay wala akong na kasama sa madilim kung buhay. "Bakit ka umalis ng clinic?" halos mapatalon ako sa gulat ng marinig na may magsalita. Nakatayo si Dev sa tabi ng pintuan ng kwarto ko. Bakit sya andito?! "Ayoko ko na dito, aalis na ko" binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob kahit masama pa ang pakiramdam ko ay aalis na ako agad agad dito sa lugar na to. Ok naman na si Yvaine sabi nya andito si Mama at Papa. Kinuha ko ang bag ko at inalis ang mga notebook na andun at pinalitan ng mga damit habang kumukuha ako ng damit sa closet ko ay may yumakap sa likod ko. "Wag ka na umalis, dito ka na lang" naramdaman ko ang tulo ng luha nya sa balikat ko. "Dev, hindi ako bagay dito. Natatakot ako, sinabi ni Yvaine na andito si Mama at Papa. Nakaramdam ako ng takot, ayoko... Ayoko na silang makita," pilit kong inaalis ang kamay nya sa bewang ko pero ayaw nya, ang higpit ng pagkakayakap nya sakin. "Dito ka na lang... Please" iba ang naramdaman ko sa sinabi nya. Ngayon ko lang narinig sa kanya ang salitang 'Please'. "Pare-parehas lang naman kayo na iniwan ako, iniwan nyo ko sa dilim ng mag-isa" nagsimula ng bumagsak ang mga luha ko. "Sasamahan kita... Ililigtas kita... Basta dito ka lang, dito ka lang. Kailangan kita, Nova..." Totoo ba sinasabi nya? Baka mamaya nagbibiro lang sya para hindi na ako umalis. Pero naramdaman ko ang sunod sunod na patak ng luha nya sa balikat ko at mas lalong humigpit ang yakap nya sakin at hindi ko mapigilan matawa kaya bumitaw sya kaagad at tumingin sakin ng salubong ang kilay. "Sabihin mo muna, Please. Hindi na ako aalis" nakangiting sabi ko sa kanya. "Please" mabilis na sabi nya. Akala ko tatanggi sya! Nilapitan nya ang bag ko at pinulot ang mga gamit ko at binalik sa loob ng bag ko. *** Maaga lang ako pumunta sa classroom namin, hindi na muna ako sumabay kay na Miu kumain ng breakfast. Naka-tingin sa bintana, pinapanood ang mga batang magtakbuhan, gumamit ng mga kapangyarihan nila. Bakit ako natatakot? Saan ba mas nakakatakot? Sa mundong kinalakihan ko or dito sa mundong nararapat ako kung nasaan ang mga studyanteng may mga abilities katulad ko. Natatakot ako sa sarili ko. Duma-dami na ang mga classmates ko na dumadating at tinitignan nila ako na parang ako ang kalaban nila. Siguro nakarating na din sa kanila kung ano ang ginawa ko sa kapatid ko at sa sarili ko. Kaya lumabas muna ako ng classroom namin at pumunta na lang sa kwarto na kung nasaan si Lola. Kahit picture lang, basta may maka-usap lang ako kahit hindi sya makakasagot. "Hi, Lola..." natatawang bati ko sa kanya sa litrato nya. Hindi lang naman si Lola ang andito, meron din siguro pitong malalaking picture. Hindi ko nga lang sila kilala, tatlong babae at apat na lalaki. May isang babae na sya lang ang may kwintas sa kanilang pito, kulay pula ang kwintas at kaakit-akit tignan. "Lola, anong nangyari sainyo? Hindi ko man lang kayo nakasama... Ang daya nyo naman" tumawa ako saglit at lumabas na ng kwarto na yon at bumalik na sa classroom ko. Nakita ko si Yvaine na nakatayo sa pintuan ng classroom namin, nakayuko at ng maramdaman nya ang presensya ko ay tumingin sya sakin. "Kamusta ka na? Ok ka na ba?" sunod sunod na tanong ko pinipigilan na tumulo ang luha ko. "Ate... I'm sorry, sorry talaga. Kasama ko na pala si Mama at Papa, hinihintay ka nila" yumuko sya at pinunasan ang luhang tumutulo. Hinihintay nila ako? Nagbibiro ba sila? Ako ang naghihintay sa kanila ng maraming taon! Pero kahit anino, wala nagpakita! "Inaalagaan ka ba nila? Masaya ka naman diba?" kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi tuluyan tumulo ang luha ko. "Sige na, pasok ka na sa classroom nyo..." hinawakan ko ang baba nya para tumingin sya sakin at ngumiti ng tipid. "Pakiramdam ko, pina-ampon kita..." natatawang sabi ko sa kanya. "Pero iba nga lang kasi kay Mama at Papa kita mismo pina-ampon" mas lalo lang lumakas ang pag-hikbi nya kaya ang dami ng nakatingin sa amin sa hallway. "Tahan na..." humalik sya sa pisngi ko, punong-puno ng luha ang mga mata nya. "May iniwan pala akong notebook sa desk mo, diary yon ni Mama gusto nya basahin mo... At ibalik mo sakin kapag nabasa mo na ha" sabi nya sakin at umalis na. Alam nya siguro na kapag iniabot nya sakin ng diretsuhan ay hindi ko tatanggapin yon kaya iniwan nya na lang sa desk ko. Naka-upo na din sila Miu sa mga upuan nila, tahimik kahit si Yohji hindi ako ginugulo. Nakita ko na din ang dilaw na notebook na nasa ibabaw ng desk ko. Saan ko ba to ilalagay? Ayaw ko tignan ang nasa loob, ayaw ko. Yumuko na lang ako sa desk ko at ginilid ang diary ni Mama. "Anong kalse syang kapatid?" "Bakit nagawa nya yon?" "Ang lakas nya mang-damay ng inosente" Wala ng tigil ang pagpatak ng mga luha ko at nakikita ko yon sa desk ko na parang baha. Niyukom ko na lang ang kamay ko pinipigilan ang sarili, baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at makipag-away sa mga classmates ko. "Tumigil na nga kayo!" rinig kong sigaw ni Miu. "Hindi sya bagay dito! Umalis ka dito! Wala ka naman kayang gawin, ilalagay mo lang kami sa kapahamakan!" sigaw ng isa kong classmates at narinig ko na may tumayo sa upuan nya sa lakas ng tunog. Hindi ko lang si pinapansin at nakayuko lang, anong ihaharap ko sa kanila. Totoo naman mga sinasabi nila kaya hindi ko kailangan lumaban, wala akong laban sa kanila. "Nova, wag kang makinig sa kanila ok?" lumapit sakin si Miu at hinaplos ang likod ko. "Bakit hindi ikaw ang umalis dito? Sino ba ang dahilan..." alam kong boses yon ni Dev pero hindi ko na narinig ang lahat ng sinasabi nya. "Nova, I'm really sorry... Please forgive me" napatingin ako kay Miu ng humingi sya sakin ng tawad. Unti na lang siguro papatak na ang mga luha nyang naipon sa mga mata nya. "Ok na yon, hindi ko naman kayo masisisi kung gusto nyong tulungan ang kapatid ko" ngumiti ako sa kanya at hinawakan nya ang pisngi. "I love you," bulong nya. Dumating na si Ms. Daila kaya bumalik na ang lahat sa sari-sariling upuan, inayos ko ang diary ni Mama kasi mahuhulog na to sa sahig. Hinawakan ko lang pero hindi ko bubuksan. Lumingon lang ako sa paligid ko at nakita ko ang babae na ang sama ng tingin sakin. Bakit ganito ang sinasabi samin ni Ms. Daila? Sinasadya nya ba?! Pinapa-alam nya sa buong klase ang mga side effects kapag nagkamali ka sa pag-gamit ng abilities mo. May pina-pamukha sila sakin. "Good job, sainyo Ivy at sa mga kaibigan mo na tumulong sa ginawa nyo kay Yvaine Marsden" niyukom ko na lang ang mga kamay ko, ang sinasabi ata ni Ms. Daila sakin na kailangan ko mag-thank you ako sa kanila. "Ms. Daila, paano naman jan ang isang Marsden" natatawang sabi na isa kong classmates. "Polly," pagsaway sa kanya ni Ms. Daila. Habang nagle-lecture sa amin si Ms. Daila ay binuksan ko na ang diary ni Mama, wala akong magawa kahit anong iwas ko naman magpapakita sakin ang notebook na to. Tungkol kay Papa ang unang nakasulat at sunod naman ay tungkol sa buhay nya. At sunod ay tungkol sa amin ni Yvaine, nung pinanganak nya kami. Hindi ko naman binabasa, tinitignan ko lang pero hindi ko tinatapos basahin. May naka-singit na picture ko don at ni Yvaine, luma na at meron din na natuyong bulaklak. Nilipat ko sa sunod na page at... Nova, Hindi ako magso-sorry sayo kasi hindi yon sapat at hindi mo din ako mapapatawad dahil ikaw ang nahirapan dahil ikaw ang naging magulang sa kapatid mo. Nagpapa-salamat ako sayo. Kahit hindi mo matanggap ang sorry ko. Hayaan mo ang puso mo na tanggapin kami ng Papa mo. Hindi kita masisisi kung galit ka samin ng Papa mo, kahit din naman si Mama ay galit sa sarili nya galit na galit ako sa sarili ko. Nag-away pa nga kami ng Papa mo kasi ayaw kitang iwan, kayo ni Yvaine. Pero kahit sawang-sawa ka ng marinig ang salitang 'Para sainyo ang ginawa namin' pero yon ang totoo. Kahit ayaw namin ay tiniis namin para wala sa inyo ni Yvaine ang matulad sa Lola mo. Gusto kitang maka-usap pero hindi mo ako makita, nasasaktan ka tuwing nakikita mo kami. Ayaw kitang masaktan ulit kaya hayaan mo akong pagmasdan ka lang kahit nakata-likod ka, basta makita lang kita na maayos ang lagay, nakangiti. Pag bigyan mo na si Mama kahit don lang muna. Gagawa ng paraan si Mama at Papa ha para maging ok ka. Bagay pala sayo ang ribbon na binigay ko sayo, alam mo napagaan mo ang loob ko ng makita na sinuot mo ang gawa kong ribbon para sayo. Mahal na mahal ka ni Mama bear, sobra. Tumayo ako sa upuan ko at lumabas ng classroom kahit tinawag ako ni Ms. Daila hindi ko sya pinansin. Tumakbo agad ako sa kwarto ko, yumuko sa kama habang tumutulo ang maiinit kong luha. Lumakas lang pag-hikbi ko ng maalala ang mga araw na kasama sila Mama at Papa. Ang mga araw na may nakatutok sakin na baril, mga araw na meron nakapaligid na mga tao sa buong bahay namin, mga araw na meron gustong umampon kay Yvaine. Hindi sapat ang dahilan nila! Ayaw nila kami na matulad kay Lola? Ano bang nangyari kay Lola? Bakit hindi nila masabi yon!? Kailangan ko din naman malaman diba? Kailangan kong malaman kung bakit! Sumigaw ako dahil sa galit ko, inalis ko din ang suot kong ribbon na kulay green. Sya pala ang may bigay nun?! Hindi ko kailangan! Wala akong hinihingi sa kanya, sa kanila! Miu's POV Pagkapasok namin ay classroom ay wala sa upuan nya si Nova, nagbubulungan din ang mga iba namin classmates. Lahat ng pinag-uusapan nila ay tungkol kay Nova. "Ate Miu" lumingon ako sa paligid ko ng marinig ang boses ni Yvaine at nasa pintuan namin sya may hawak na notebook na dilaw. "Asan si Ate?" lumingon lingon sya sa buong classroom hinahanap ang Ate nya pero kahit ako ay hindi ko alam kung asan si Nova. "Palagay na lang Ate Miu, sa desk ni Ate" iniabot nya sakin ang notebook na hawak nya at may maliit na nakasulat 'Mama bear's Diary' "Ok ka na ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Thank you Ate Miu..." ngumiti sya sakin at tumalikod na para umalis. Naghahalo-halo ang nararamdaman nya, nakikita ko yon sa kanya. Orange and Blue ang nakikita ko, orange means happiness, blue means sadness. "Baka itapon nya lang yan" sabi sakin ni Yohji. "Bigay to' ng kapatid nya, malakas si Yvaine kay Nova. Hindi ikaw" nilagay ko na ang notebook sa ibabaw ng desk ni Nova at bumalik na sa upuan ko. "May feelings ka ba para kay Nova?" nanlaki ang mga mata ko sa itinanong ni Dev kay Yohji. Kahit si Yohji ay ganun din pero tinawanan lang sya ni Yohji, ganyan yan si Yohji lahat tinatawanan nya kahit nun napunta sya sa detention, tumawa lang sya. "Ikaw ba?" natatawang tanong nya kay Dev. "s**t, friendship over na ba?" singit naman ni Kaiper na pinipigilan ang pagtawa. "Hindi mo sinagot ang tanong ko" walang reaction sabi ni Dev. "Wala... Iba gusto ko" nagpahalumbaba si Yohji at tumingin sa itaas na parang andun ang sinasabi nya. Nag-iba ang mukha ni Dev na parang natuwa sa narinig pero hindi nya yon pina-halata, at kapatid nya ako kaya kilala ko sya at tumingin agad sya sakin! "Wag mo susubukan" turo nya sakin at umiling na lang ako. Alam nya na siguro na aalamin ko kung anong color ang meron sya ngayon. If pink, edi he's inlove with someone na nga talaga! Oh my god! Gusto ko na sabihin tuloy kay Mama... Pumasok na din si Nova at pinupunasan ang mukha, umiiyak na naman sya. At nung makarating sya sa desk nya ay tinitigan nya ang notebook na nasa ibabaw ng desk nya. Sana basahin nya ang nakasulat dun. Yumuko lang sya dun at may naririnig na akong mga bulungan tungkol kay Nova. Wala silang alam tungkol kay Nova, kaya wag nilang isisi kay Nova. Sila nga ang totoong may kasalanan kay Nova, sa Lola nya. 6 years ago, maraming namatay dahil sa nangyaring gulo dito. Ipinahamak nila ang Lola ni Nova, wala syang kalaban-laban sa taong bayan. Bata pa kami nun, kitang-kita ko ang dinanas na hirap ni Giovanna hindi na lang sya lumaban dahil maraming masasaktan pero hindi pa rin napigilan at nagkagulo na ang lahat ng tao para makuha si Giovanna. Para makuha ang mga luho nila, lalo na ang anak nyang si Willem...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD