Hindi ko na din laging nakikita si Yvaine, nakikita ko man sya pero sumasakit ang mga mata ko kasi kasama na nya ang kinakatakutan kong dalawang itim na mukha. Pero pinipilit ko pa rin na tignan si Yvaine, nakikita ko na ang saya-saya nya hindi talaga sya humihiwalay sa sinasabi nyang si Mama at Papa.
Sinusulat ko na lang sa notebook ko ang mga gusto kong sabihin, balang araw din naman mababasa nila to'.
"Asan si Yvaine?" tanong ko sa kanila. Nang hindi sila sumagot umupo na lang ako dala-dala ang tray ng pagkain ko. Lunch time na kasi namin. Maingay lang si Yohji at Kaiper, may pinag-uusapan at tawa ng tawa at ng biglang dumating ang groupo ni Polly.
"Kung ako sa inyo lalayuan ko sya..." turo ng nguso nya sakin.
"Paano ba yan eh hindi naman ikaw, ako" sagot sa kanya ni Yohji.
Tumayo ako sa upuan ko at binagsak sa lamesa ang kutsara ko, hinawakan ni Miu ang palapulsuhan ko para pigilan ako pero hindi ko na kaya ang talas ng bibig nya! Naka-kruss ang mga kamay nya sa dibdib at tinaasan ako ng kilay, naghahamon.
"Matapang ka pala" tumawa sya at nagkibit-balikat lang ako sa kanya.
"Tigilan mo na ako at baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo" halos nagbubungguan na ang mga ngipin ko dahil sa galit sa kanya!
"Bakit ano ba gagawin mo sakin? Gagawin mo din ba ang ginawa mo sa kapatid mo sakin?" tinaasan nya ako ng kilay at tumingin pa sa mga kasama nya.
Napatakip pa ako sa bibig ko. "Wow, ang galing mo naman. Paano mo nalaman? Siguro witch ka or magaling lang talaga yang bibig mo... Sinasabi ko sayo, Polly. Wag mo ako susubukan, wala kang alam samin, wala kang alam tungkol sakin!" sumigaw ako kaya natahimik ang lahat ng mga nasa cafeteria.
"Dapat na ba akong matakot sayo," hindi yon tanong at tumawa na naman sya na parang witch nga.
"Bakit hindi ka makatingin sa mga mata ko? Natatakot ka ba? Alam mo isang utos ko lang sayo na saktan mo ang sarili mo hanggang sa mamatay ka, kaya ko! At wag na wag kang kukurap dahil baka yon na ang huli mong mabubukas nyang mga mata mo!" napa-atras sya at tumingin sa malayo. Iniiwasan na tumingin sa mga mata ko, hindi ko naman gagawin sa kanya yon tinatakot ko lang sya. Sabi nya hindi naman sya natatakot sakin kaya bakit naman ako matatakot na takutin sya.
"Hoy, Polly. Baka magsisi ka at ikaw pa mismo ang humingi ng tulong kay Nova!" napalingon ako kay Miu ng sumigaw na lang sya.
"Never!" sigaw naman ni Polly at umalis na kasama ang mga kaibigan nya.
Bumalik ako sa upuan ko at nakayuko lang si Miu ayaw tumingin sakin, kahit sila Dev ay ayaw magsalita tungkol sa sinabi ni Miu. Tulong? Saan? At Bakit ako?
"Miu..."
"Wala yon, Nova. Sinabi ko lang yon para umalis na sila" ngumiti sya sakin ng tipid at pinag-patuloy na ang pagkain.
Wala naman laging klase after lunch at lahat ng mga studyante ay nasa kanya-kanyang mga Mentor sa kanilang mga abilities. Ako, ayaw ko pumunta sa Mentor ko about dito sa meron akong Mind Control. Baka si Papa pa ang Mentor ko kasi sabi ni Ms. Daila ay parehas daw kami ni Papa na may kakayahang i-manipulate ang isang tao.
Nasa ilalim lang ako ng puno, nagda-drawing. Sa dulo ako pa rin ang mag-isa, siguro dapat na akong masanay... Lumingon lingon ako sa paligid ko dahil may naririnig akong huni ng ibon at ng tumingala ako nakita ko ang ibon na naipit ang pakpak sa sanga ng puno.
Hindi ko abot! Talon na ako ng talon pero hindi ko maabot ang sanga para tulungan ang ibon. Hindi ko alam pero nakakatawa kasi tumingin sakin ang ibon na parang kinikilala nya ako. Ngayon ko lang pala napansin ang kulay nya... Puti at may dilaw sa ibaba ng pakpak nya, parang... Ibon ni Lola, si Kiwi.
At hindi din nag-tagal ay nakaalis na ang ibon sa pagkaka-ipit nya at lumipad sakin at dumapo sa balikat ko.
"Ang ganda mo..." masayang sabi ko sa kanya. "Lilipat ka dito sa palad ko kung Kiwi ang pangalan mo" nanlaki ang mga mata ko ng maintindihan nya ang sinabi ko at lumipat nga sya sa palad ko!
"Kung nagsasalita ka, lipat ka ulit dito sa balikat ko" hindi naman masama kung itanong ko sa kanya yon diba? Pero hindi naman sya lumipat sa balikat ko, lahat kasi dito magic at malaki ang posibilidad na nagsasalita ang mga animals dito diba?
"Pupunta tayo sa picture ni Lola..." kinuha ko na ang paper kung nasaan ang drawings na ginawa ko pero lumipad na si Kiwi at mukhang dun nga sya pupunta!
Naiintidihan nya talaga ako? Tumakbo na ako para maabutan sya, hindi madaling bumalik sa taas ah! Ang daming hagdan ang kailangan akyatin, bakit kasi walang elevator dito?!... Malapit na ako!
Nang buksan ko na ang kwarto na punong-puno litrato ay nakita ko na nga si Kiwi na nakatingin kay Lola. Sabi nila hindi na daw sya nakikita, pero bakit andito si Kiwi kasama ko? Matapos ang ilang minuto ay lumipad na naman sya, lumabas ng pinto at habang ako ay habol ng habol sa kanya.
Tumigil lang sya sa isang pinto na malaki na para gusto nya na buksan ko yon at ng buksan ko nga ay, nakita ko si Yvaine, Yohji, Dev, Miu, Kaiper at Ivy. Anong ginagawa nila dito? Napatayo silang lahat at pati na rin yong meron itim na mukha, kaya napa-pikit ako.
"Kiwi?" rinig kong sabi ni Miu at isinara ko na ang pinto pero humabol si Kiwi sa pagsara ko ng pinto at dumapo sa balikat ko.
Pumunta na lang ako sa kwarto ko at hinabol din ako ni Yohji, salubong ang kilay nya ng tignan nya ang ibon na nasa balikat ko.
"S-saan mo sya nakuha?" hinihingal na boses nya.
"Nakita ko lang sya sa puno na naiipit ang pakpak..." pagku-kwento ko.
"Itago mo yan," binuksan nya ang pinto ng kwarto ko at agad ako pinapasok sa loob. Ano bang problema? Bakit ko sya itatago? "Wag na wag mo ilalabas yan, ok?" sabi nya sakin at isinara na ang pinto.
Iniikot nya lang ang buong kwarto ko, ang ganda nya tignan tuwing lumilipad sya, nakaka-wala ng lungkot, takot at pinapalitan nya ito ng saya sa pakiramdam ko. Sana hindi na sya mawala sakin at hindi nya ako iwan...
Miu's POV
Pinatawag na naman kami ni Sir. Liano at ni Ms. Clem, kung ano man ang ipapagawa nila sana wag lang masasaktan si Nova, aayaw talaga ako kapag ganun ang pinapagawa nila!
"Lagi nyo sana bantayan mga kilos ni Nova..." panimula ni Sir. Liano. "Hindi pa naten alam ang isa nyang ability kaya, ilalayo naten sya sa mga bagay na maglalapit sa kanya- pipigilan naten sya na makuha ang kapangyarihan na lahat ng tao ay gustong makuha..."
"Pa, bakit? Hindi ba maganda yon kasi na kay Ate ang kapangyarihan na gusto ng ibang tao" sabi naman ni Yvaine.
"Hindi nila gusto ang kapangyarihan... Ang gusto nila ang may hawak ng kapangyarihan" sabi ni Ivy na naka-kruss ang mga kamay sa dibdib.
"Sabihin mo na sa kanya," siniko pa ni Ms. Clem ang asawa nya.
"Para ka talagang si Mama mo, Yvaine maraming tanong... Sabihin na lang naten na ayoko makuha ni Ate mo ang kapangyarihan ng liwanag na yon"
Gusto kong sumingit sa usapan nila, ako na lang kaya ang magsabi. At hanggang sa bumukas ang pinto at lahat kami ay napalingon at nakita ko si Nova kasama ang isang ibon? "Kiwi?" Napatakip na lang ako sa bibig ko ng makita yon sa harapan ko! At una nyang nilapitan ay si Sir. Liano, naging malapit din ang ibon sa kanya kasi sa kanya lagi iniiwan ni Giovanna ang ibon na to'.
Lahat kami ay nagulat sa nakikita except kay Yvaine, tuwang tuwa pa sya na makita ang ibon. Kanina lang ay sinasabi ni Sir. Liano na maglayo ng mga bagay na naglalapit kay Nova sa Lola nya at ito na nga si Nova pa ang nakakuha ng alaga ng Lola nya.
"Saan ka na naman pupunta?" tanong ni Kaiper kay Yohji.
"Parang nakita ko na ang ibon na dala ni Ate..." napahawak pa ng baba nya si Yvaine at lumabas na si Yohji.
"Tapos na ba?" naiinip na tanong ni Dev. Ang sarap nya talagang batukan! Susumbong ko sya kay Mama!
Nova's POV
Nahiga lang ako ng saglit at ng may kumatok na sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko muna binuksan, dinadamdam ko pa ang lambot ng kama ko dahil sa pagod kakatakbo. At dumapo na ulit si Kiwi sa tyan ko at narinig ko na naman ang katok sa pinto kaya binuksan ko na yon at bumungad sakin si Dev.
"Hoy, pinapapasok ba kita?" dire-diretso kasi syang pumasok sa loob ng kwarto ko.
"Pakainin mo sya ng apple, yon ang gusto nya" kumunot ang noo ko sa sinabi nya at na-gets ko lang ng hawakan nya si Kiwi.
"Bakit bawal ko sya ilabas?" napalingon sya ng saglit sakin at tumingin na ulit kay Kiwi.
"Aagawin nila sayo to'" narinig ko ang mahina nyang tawa kaya hindi yon ang totoo.
"Labas na, matutulog ako" binuksan ko ang pinto at sinunod naman nya ang utos ko. Hinabol pa sya ni Kiwi at pupunta sana sya sa balikat ni Dev kaya kinuha ko kaagad yon at nag-tama pa ang kamay namin ni Dev!
"Wait," napatigil sya sa paglalakad at lumingon sakin nakataas ang isang kilay. "Saan papunta sa Veagonia?... Pupunta ako dun"
"At ano naman ang gagawin mo dun?" lumapit sya sakin at tumaas na naman ang kilay nya sakin. Sinara ko na ang pinto at hindi sya sinagot. Wala naman kasi akong gagawin dun kaya wala akong masagot sa kanya!
Nagpahinga muna ako sa kama ko at ng maalala ko ang apple na kakainin ni Kiwi ay lumabas ako ng kwarto ko. Naiisip ko agad sa cafeteria, sana meron silang mga prutas dun. May isang babae lang akong nakikita nakatingin sa bintana, tulala.
"Excuse me po... May prutas po ba kayo dito?" tanong ko.
"Marami" masayang sabi ng babae sakin.
"Apple po, kahit isa lang" ngumiti ako sa kanya at pumasok sya sa isang pinto na katabi ng bintana. Lumabas na sya at may dalang isang apple at iniabot sakin yon ng nakangiti.
"Bumalik ka dito ha... Nagbalik na pala si Kiwi" kinuha ko na ang apple at nag-thank you na lang sa kanya. Ang weird nya, paano nya nalaman ang tungkol sa ibon ni Lola?! At bakit parang big deal sa kanila ang ibon na yon?
Saan ko sya ikukulong? Nilagay ko sa kama ko ang apple at nilapitan nya naman agad yon. Hindi naman siguro sya aalis dito diba? Kapag umalis ako. Hinayaan ko na muna sya sa pagkain nya at hinanap si Miu.
At habang hinahanap ko si Miu ay iba ang nakita ko si Yvaine hawak nya ang phone nya at sumasakit ang mga mata ko ng makita ang kasama nya yong itim ang mga mukha pero tiniis ko ang sakit para makita ko si Yvaine araw-araw kahit kasama nya ang mga nakakasakit sakin.
Ang saya saya nya, nagpi-picture silang tatlo. Happy family na talaga sila. Hindi ko na kaya ang sakit kaya umalis na lang ako dun at pinagpatuloy ang paghahanap kay Miu. Nasa ground floor lang pala sya.
"Tara sa Veagonia" aya ko sa kanya.
"Anong gagawin naten dun?" magkapatid talaga sila ni Dev.
"Titignan ko... Please" bumuntong hininga sya at tumango sakin. Madali lang kami dun,.malay ko magustuhan ko dun.
Nahirapan pa kami makalabas ng gate dahil away kami palabasin nung una pero ng mainip na ako dahil kung ano-ano na lang ang sinasabi ni Miu para pumayag ay ginamit ko na lang ang ability ko para palabasin nila kami... Ok, pwede na!
***
"Sigurado ka ba sa dinadaanan naten?" tanong ko kay Miu. Tinatandaan ko lang ang bawat dinadaanan namin para kaya ko na pumunta mag-isa ng hindi ko na sila Miu abalahin na samahan ako.
Hindi naman puro puno ang dinadaanan namin, meron din mga bulalak sa gilid ng daan wala nga lang sasakyan! Meron din sa gilid na maliit na ilog, fresh ang hangin. Medyo malayo nga lang.
"Close your eyes..." nakangiting sabi sakin ni Miu. Sinunod ko naman ang sinabi nya at hinawakan ang kamay ko, inaalalayan. Nang tumigil kami sa paglalakad ay dahan dahan ko ng binuksan ang mga mata ko.
"Wow... What the!" nanalaki ang mga mata ko napa-nganga na lang sa nakikita ko.
Ang daming tao! Ang daming sasakyan! Ang daming tindahan! Wala nga lang mga bata lahat ay nasa Academy. Parang normal lang ang mga tao dito, parang wala silang magic at meron din mga malalaking building!
"Oh, andito na tayo... Saan mo unang gusto pumunta?" nakangiting sabi nya sakin.
"Kahit saan" natatawang sabi ko sa kanya at habang naglalakad kami ay nililibot ko ang tingin ko. Gusto ko na dito! Dito na lang kaya ako? Hanggang sa napunta kami sa Market, ang daming store! Pero wala naman akong pera.
Meron tindahan ng mga pagkain, salon, gowns, meron din maliit na bar! Alam ko na kong saan kami pupunta, matagal na akong hindi nakakatikim ng alak! Naalala ko tuloy si Elora, sana pumayag na ako sa gusto nya na uminom kami nung mga araw na yon, kung alam ko lang na yon na pala ang magiging huli namin bonding. Sana pumayag na ako.
"Hindi ako umiinom" hinila ko na si Miu papasok ng bar, kahit isang bote lang! Humanap na ako ng table namin at pinilit ko syang umupo don at ako sa tapat nya. Nilapitan na din kami ng babae at tumingin sya sakin mula ulo hanggang paa, napatigil lang ata sa pin ko na nakadikit sa uniform ko.
"Yung hindi po masaydong nakakalasing..." nakangiting sabi ko.
"Ok po, for free Ms. Marsden" napakunot ako ng noo at umalis sya ng may ngiti sa mga mukha. Habang si Miu ay umiiling iling ang ulo kaya natatawa ako sa kanya.
"Akong bahala kay Kaiper" nagpahalumbaba ako habang iniintay na dumating ang alak namin.
Dumating ang alak namin dalawang bote! Libre ba talaga to? Ang saya naman dito, si Miu ang una kong pina-shot at inaamoy nya pa yon bago inumin. Kumurap-kurap ako sa kanya para hintayin ang sasabihin nya. Baka kasi ayaw, uuwi na lang kami or maghahanap ng ibang mapupuntahan.
"Not bad," nagkibit-balikat sya at sya ng ang naglagay ng alak sa baso ko. Napa-dami pa ang paglagay nya pero ok lang kailangan ko lang makalimot, kahit ngayon lang makalimutan ko ang nakita ko.
***
Naubos na namin ang isang bote at namumula na ang mukha ni Miu, pero heto sya hindi ko mapigil tapos nung una ayaw nya pa. Kung ano-ano na din ang kine-kwento nya sakin, tungkol sa kanila ni Kaiper kung paano sila nag meet at kung paano nila kinuha ang loob ni Dev at ng Mama nya.
Hindi pa naman ako tinatamaan ng alak, sabi ko kasi yong hindi masyado nakaklasing pero iba ang tama nun kay Miu. First time nya kasi uminom, ganyan din ako tapos si Elora ang nag-pilit lang sakin. At nami-miss ko na ang bestfriend ko.
"Tara na, umuwi na tayo" aya ko sa kanya halos matulog na sya sa lamesa.
"Hindi pa nga ubos, mamaya na" natatawang sabi ni Miu. Gabi na kaya! Sigurado akong hinahanap na sya ni Kaiper at madilim na ang daan! Sana tanda ko pa ang daan, sana.
"May nangyari na ba sayong slowmo-moment?" napakunot ako ng noo sa sinabi ni Miu, ano yon? Paano yon? "Kapag meron sabihin mo sakin ha?" tumango na lang ako sa kanya kahit hindi alam kung ano ang tinutukoy nya.
Naubos na namin ang dalawang bote pero hindi naman ako tinatamaan ng masyado, medyo lang. Nag-thank you na lang ako sa babae bago ko ilagay ang isang kamay ni Miu sa likod ng batok ko para alalayan sya.
"Miu, kaya ba naten umuwi?" natatawang tanong ko at tawa lang din ang sinasagot nya sakin.
Napatigil kami sa paglalakad ng may humarang sa dinadaanan namin isang lalaki matanda na sya pero hindi halata, tinuro pa sya ni Miu na parang kilala nya ang lalaki.
"Hatid ko na kayo, madilim na baka maligaw-ligaw pa kayo..." bahala na pero sumama naman kami at meron pala syang kotse! Kaya naman siguro idaan nyang sa medyo magubat diba? Ewan, bahala na basta maka-uwi kami.
Sumakay na kami sa backseat at sinandal ni Miu ang ulo nya sa balikat ko, ano kayang magiging reaction ni Kaiper? Lagot ako don! Nilasing ko girlfriend nya! Gamitin ko na lang kaya ability ko sa kanya para hindi sya magalit.
"Kailan pa kayo andito?" kumunot ang noo ng biglang magtanong sakin ang lalaki. "Kailan pa kayo dinala dito ng Papa mo?... Kayo ng kapatid mo"
"Matagal na po..." hindi naman kami dinala dito nila Mama at Papa, pinahanap nila kami. Diba kahit sila hindi nila kami kayang hanapin, nag-utos pa sila ng iba. Kilala nya ba ako? Bakit parang kilala nya ako, unang kita palang namin tapos kilala na nya ako?
Hindi kami sa dinaanan namin dumaan, sa ibang direksyon marami din mga sasakyan. Para akong nasa normal na buhay. Tumigil lang sa mismong tapat ng gate ng Academy, kinabahan kaagad ako! Tinapik-tapik ko pa ang pisngi ni Miu para gisingin, nag-thank you na din ako sa lalaking nag-hatid sa amin.
"Sabi nyo madali lang kayo," bungad sa amin ng isang guard.
"A-anong oras na ba?" nauutal na tanong ko.
"Exactly 10 pm" halos galit na ang tono ng isa pang guard sa amin.
"Ganun ba?... Hindi namin napansin, sorry" dali dali na kami pumasok ni Miu sa loob, ang isa nya pa rin kamay ay nasa likod ng batok ko at ang bigat nya. Iniisip ko palang ang kailangan namin akyatin, napapagod na ako.
Nilakad pa namin ang napalawak na field bago makarating sa main door, pagkapasok namin ay umupo muna kami sa couch sa gilid. Tinatawanan lang ako ni Miu, wala ng mga studyante, siguro tulog na silang lahat.
Nagpahinga muna kami at ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Kaiper at Dev, nagulat din sila na makita kami. Saan naman sila galing? Lumapit kaagad si Kaiper kay Miu at kinausap pero hindi si Miu sumasagot sa kanya.
"Nilasing mo?!" gulat na sabi ni Kaiper.
"Ayaw magpa-awat" sagot ko sa kanya. "Saan kayo galing?"
"Kayo ang saan galing?" napatingin ako kay Dev ng bigla syang magtanong.
"Sabi ko kasi sayo na pupunta kami sa Veagonia... Ayaw mo naman ako samahan"
"Hindi mo naman ako niyaya, sinabi mo lang na pupunta ka" walang reaction lagi ang mga mata nya at laging nasa-bulsa ang mga kamay. Hindi ko tuloy alam kong nagbibiro sya.
Habang tahimik kami ay doon naman sumuka si Miu, halos matawa ako kasi si Kaiper ang nasukahan. Binuhat na lang nya si Miu sa likod nya, sumunod na din kami ni Dev. Inaantok na ako, natatawa ako kay Kaiper kasi tuwing magsasabi si Miu na nasusuka sya, tumatakbo ng mabilis si Kaiper.
"Ano yong slowmo?" lumingon ako bigla kay Dev na nasa likod ko pero nagkibit-balikat lang sya at nilagpasan ako!
***
Kakatapos ko lang maligo at sinuot ko na ang uniform ko at nilagay ko na din ang... Ribbon na kulay pula sa buhok ko. Pagkalabas ko ng pinto ay meron akong nakita isang pirasong papel kaya kinuha ko yon at nakita ang nakasulat na 'To The Storage Room, 7th floor' para sakin ba to?
Pupunta ba ako? At sino ang naglagay nito dito? Dapat nilagyan na din ng nagsulat na to kung para kanino, sinunod ko na din na pumunta sa 7th floor baka si Yvaine ang andun. Mala-late ba ako? Tatlong floor pa ang inakyat ko at nahirapan pa akong hanapin ang storage room.
Nang makarating ako sa tapat ng storage room ay kumatok muna ako at ng walang sumagot ay binuksan ko na ang pinto. Nung una wala akong nakitang tao pero meron na akong narinig ng paglalakad ng madaming paa, madilim kasi kaya hindi ko makita.
"Akala ko hindi ka na pupunta," bumukas na ang ilaw kaya nakita ko na ang nasa harap ko si Polly! Ano na naman ba ang kailangan nya?! "Meron akong kasama... Hindi mo ba sila kilala?"
Lumabas ang isang lalaki at isang babae, parang pamilyar sila sakin. Nakita ko na sila, bakit hindi ko makilala. Nagsimula na akong kabahan ng makilala ko ang lalaki at babae sila yong gustong umampon kay Yvaine. Bakit sila andito?! At paano nakilala yan ni Polly? Paano nya nalaman ang tungkol jan?!
"Sinabi mo sakin na wala akong alam tungkol sayo kaya naman inalam ko na ang past mo, Nova"
"Sa tingin mo matatakot mo ako gamit sila?..." tinaasan ko sya ng kilay ko at pinag-kruss ang kamay sa dibdib. Hindi ko na kailangan matakot sa kanila, kasi wala na silang magagawa. Hindi na nila makukuha si Yvaine kasi andito na sila... Mama at Papa.
At hindi naman nagsasalita ang lalaki at babae na kasama sya kaya alam ko na hindi sila mga totoo. Andito ako sa lugar kung saan lahat ng bagay ay umiikot sa kapangyarihan.
"Huwad!" sigaw ko at palabas na sana ng storage room hanggang sa hinila ako ni Polly at tinulak. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya? Nababaliw na ba sya? Witch! At yong babae at lalaki ay naging studyante na rin na kaibigan nya.
Naramdaman ng mga paa ko ang pag-yanig sa kinatatayuan ko, habang sila Polly ay tuwang tuwa sa nakikita. Hanggang sa mahulog ako sa butas, napaka-dilim dito. Halos wala akong makita! Liwanag lang galing sa butas na nakikita ko.
"Walang tutulong sayo, sisiguraduhin ko yan!" sumilip si Polly sakin sa butas at narinig ko na ang tunog ng mga sapatos nila at pinatay nila ang ilam kaya sobrang dilim na!
Magsisisi ka Polly! Mapupunta ka rin dito sa kinatatayuan ko.
Sinubukan kong makalabas dito pero hindi ko abot! Sumigaw sigaw na din ako para humingi ng tulong. Nagsisimula na akong matakot at kabahan, baka may pain na nilagay dito si Polly at mamaya sugurin na lang ako.
"Miu!"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang matanda na nasa itaas ng butas! Multo ba sya? Naka-ngiti sya sakin at iniabot sakin ang kamay nya hindi naman ako nagdalawang isip na kunin ang kamay nya at tinulungan nya akong maka-akyat.
Bumuntong hininga ang matandang babae at umiling iling ang ulo nya. "Apo... Matuto kang makiramdam kung may mali bago ka sumubok para hindi ka masaktan at mapahamak"
"Ikaw ang Lola ko?" sinampal-sampal ko ang pisngi ko para magising ako sa kabaliwan pero hindi nawala ang Lola ko na nasa harapan ko pa rin, nakangiti.
"Mala-late ka na" na tulala lang ako at bigla na syang nawala sa harapan ko. Dapat ba akong sumigaw?! Totoo ba yon? Totoo yon, Nova!
Bahala na, buti dumating si Lola at may tumulong sakin. Tumakbo na lang ako papunta sa classroom ko, may quiz kami ngayon! Ayaw ko mag-take ng special quiz kasi mas mahirap na yon, math pa naman.
Hingal na hingal ako pagkapasok ko ng classroom namin at napatigil din ang lahat sa ginagawa nila at tumingin sakin. Start na ng quiz?!
"You're late..." bungad sakin ni Ms. Daila.
"Hindi late si Polly?... Magkasama lang tayo kanina, diba?" tinaasan ko si Polly ng kilay ko at umiwas sya tingin sakin.
Binigyan na ako ng test paper ni Ms. Daila at umupo na din ako sa upuan ko, tumingin ako kung saan nakatingin si Dev at sa siko ko sya nakatingin. May sugat pala ako dun dahil sa pagkakahulog ko sa butas.
Nakahabol naman ako sa test at pagkatapos ay back to lesson na at hindi ko matanggal sa isip ko si Lola, nakita ko sya! May maniniwala ba sakin? Kapag sinabi ko. Sasabihin lang nila nababaliw na ako.
Pagkatapos ng klase ay kanya-kanya na ang iba kong mga classmates, iniintay ko lang si Miu na lumabas sabay na kami papunta sa cafeteria. Napatingin ako kay Dev na inaabot sakin ang band-aid.
"Wag na, maliit lang naman" sabi ko pero kinuha nya ang siko ko at sya na ang naglagay ng band-aid. Minsan hindi nya ako pinapansin, minsan mabait sakin at minsan masungit sakin. Ang gulo naman ng lalaking to', ang dami nyang personality.
"Sorry, nilasing kita kahapon"
"No, ang saya nga kahapon. Ikaw lang kaya nakapag-papayag sakin na umiinom... Anong nangyari jan sa siko mo?" turo nya sa siko ko.
"Hindi ba galit sayo si Kaiper?" napakunot sya ng noo ng ibahin ko ang usapan.
"Galit ako sayo," rinig kong sabi ni Kaiper naka-kruss ang kamay sa dibdib.
"Hindi naman ikaw yong nalasing pero ikaw yong galit sakin," ginaya ko din ang posture nya.
"Nilasing mo girlfriend ko!"
"Nagiging sweet ka ba sa girlfriend mo or galit ka sakin?" sabi ko habang pinipigil ang tawa ko.
"Both" mabilis nyang sagot.
"Tama na nga yan, tara na gutom na ako" aya naman samin ni Yohji.
Sabay sabay na kami lumabas ng classroom at nakita ko pa si Polly na kausap ang mga kaibigan nya. Tinutusok-tusok lang ni Yohji ang sugat ko sa siko ko, nang-aasar. Hinhintay na din kami ni Yvaine sa table namin, himala hindi nya kasama sila...
"Ate, nabasa mo na Diary ni Mama?" sabi nya sakin pagkalagay ko ng tray ko.
"Nabasa na nya, nag walk-out pa nga sya sa klase" tumingin ako ng masama kay Yohji ng sya ang sumagot.
"May napapansin ako sayo Yohji..." napatigil pa sya ng pagkain nya at tumingin sakin ng meron pagtataka sa mukha.
"Ano nga yong slowmo-moment?" tanong ko ulit kay Dev ng hindi nya sagutin kagabi ang tanong ko sa kanya.
"Dev, meron ka na?!" gulat na tanong ni Kaiper.
Ano ba yon? Bakit hindi nila masabi-sabi sakin kung ano yon? Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko halos magbulungan na lang silang apat at nagsisispaan sa ilalim ng lamesa except kay Yvaine na naguguluhan din sa nangyayari.
Palabas na sana ako ng cafeteria, ako lang mag-isa naguusap-usap pa sila Miu don at at nakasalubong ko si Polly sa hallway. Diretso lang sa paglalakad at nung maka-dikit sya sakin ay hinawakan ko ang braso nya.
"Sisiguraduhin ko na mumultuhin ka ng nakaraan mo" bulong ko sa kanya at bigla nyang tinanggal ang kamay ko sa braso nya. Kung gusto nya ng ganito laro, bringing back the past?
Game!