Pagkaraan ng ilang buwan at taon ay patuloy ang pagsusulatan ng dalawa.
'Dear Maryam, I'm coming home by next month, I'm sending you this letter together with my last Christmas gift for you this is the most exciting announcement my Dear ... hoping you will wear this necklace when I'm home just send me a kiss for my lovely Auntie Pacita… I'm keeping all your pictures and you are so beautiful take care too' ang sabing tugon ng sulat ni Hunio kay Maryam. "Wow! english marunong na pala tala mag-ingles ang lalake na yun? Ehhemm! Ang sabi ay beautiful daw ako? eh, abah syempre talagang talaga! ‘yon mga ibang sulat kong ingles talagang inaral ko pa ‘yon!!!" sabi ni Maryam na tuwang tuwa sa nabasa. Binuksan ng dalaga ang kahon ng regalong padala ni Hunio "ay! mukhang mamahalin!?" sambit niya ng makita ang makislap na kwintas tumapat sya sa salamin at isinuot ang kwintas. "anak bagay na bagay sa'yo… akin na at ng maisuot mo" sabi ni Aling Pacita ng mapansing suot nya ang kwintas...
“Syanga po nay? Ngayon lang po ako nakapagsuot ng ganito kagandang uri ng alahas? Napakabait talaga ni Hunio” pagkatapos noon ay gumawa din siya ng sulat para kay Hunio...
Muling binasa ni Maryam ang sulat ng kaibigan ng malakas
"paano pu ba ito Nay, magandang balita naman po na parating na daw po ng Pilipinas ang pamilya nila Hunio. Uuwi na daw po sila para magbakasyon naku! Nay, paano napo yon? nahihiya po ako magpakita... at ang sabi nya po sa sulat ay gusto nya akong makita na suot ko ang kwintas…"
"Hay, anak dalaga ka na nga nahihiya kana sa matalik mong kaibigan… pero kailan daw ang dating nila?" proud na sabi ni Aling Pacita anak. “Excited na rin akong makita si Hunio paniguradong magandang binata ang kaibigan mo anak”
Itinuloy ni Maryam ang pagbabasa ng sulat ni Hunio at yun nga ay nalaman ni Aling Pacita na parating ito sa susunod na buwan.
Sinagot naman ni Maryam ang sulat ni Hunio…
'Dear Hunio, I'm fine don’t worry about me I just want to let you know that even for the cheapest or smallest things that you gave me is meaningful to me... your visit is the most important of me here. I really appreciate it so much... hoping we could see each other soon. I will wait you. Thank you for being wonderful to me much of love and kisses!! with you. mwah!"
“Nay, ok pu ba ang sulat ko? Inigsian ko lamang ang liham na ito para po makakarating sa kanila agad dahil paparating na daw po sila...” pagbabakasaling sabi ni Maryam na masayang masaya…
Kailan lamang ay isang maliit na bata si Maryam napakamasayahin nito at napakasipag.
May mga ngiting nakakabighani may mga munting biloy sa kanyang magkabilaang pisngi na malapit sa kanyang mapulang labi, katamtaman ang hubog ng pangangatawan.
Ilang taon na lamang ay magtatapos na rin ito sa pag-aaral ng sekondarya.
Nag-iba na pati ang boses nito na noon ay may tonong pataas na parang patula magsalita.
Ngayon bagamat sya ay isang teenager di na maikakaila ang dahan dahang paglabas ng natural nitong ganda pati ang magandang hubog ng kanyang pangangatawan. May malulusog at magandang, hiblang unat na itim na buhok. Napakaganda ni Maryam na kung sa konting ayos lang sa mukha ay lalo itong mapapaganda tulad ng mga sopistikadang iba nilang anak ng kamag anak.
Bigla kinabahan si Aling Pacita para sa anak hindi sya makapaniwala darating na si Hunio ang matalik nitong kaibigan. Tila maluluha siya dahil sa ilang taon pa ay baka mag-aasawa na ito maiiwanan syang mag-isa… Kada linggo ay palaging dumadalaw ang dalagita sa dating bahay nila Hunio habang nagpapalaki ng tiyan si Aling Loring ay tumutulong rin ito…
At ngayon naman ay madalas na napapatrobol sa palengke si Maryam sa t’wing nagtitinda ng mga gulay kasama ng kanyang nanay.
May iba naman mga tauhan sa kabilang bayan ng kanyang lola ang madalas na nanggugulo sa kanila. Sinasabi nilang bawal ang kakalat kalat sa kanilang nasasakupan madalas na nagmamakaawa pala itong si Aling Pacita sa palengke para makapagtinda subalit may mga ubligasyon daw ang mga dayo sa mga tauhan ng pamilya Del Mundo. Marami rin ang naiinis kay Maryam ng dahil sa angkin nitong ganda hindi raw ito nababagay sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Nagseselos na daw ang kanilang mga asawa dahil hindi daw sya pangtindera sa palengke dapat daw ay mag apply sya sa opisina ng kanyang lola.
Pero hindi pa nga sya tapos sa pag-aaral anu ba na hindi man lamang sya mapagbigyan? Hindi sya makakapasok sa opisina ng kanyang lola dahil mataas lamang ang pinag-aralan ng mga pinapapasok nila doon. At ang tanging alam naman ng lahat sa buong bayan na strikta ito kikilalanin lang naman sya kung sya ay successful na. Ayaw ng nanay ni Maryam na sila ay mapapahiya.
Hanggang sa pagkaraan ng anim na taon nagbalik na si Hunio na isa ng ganap na binata na nasa edad 19. Pareho ni Maryam malaki ang pinagbago nito magaling na sya magsalita ng Ingles na medyo nakakailang pero hindi naman nagpapatalo si Maryam dahil matalino din naman ito.
Isang umaga sa kanilang bahay
Sa bahay nila Maryam na isang studyanteng magtatapos sa high school. Ilang buwan na lang na sa wakas malapit na itong mag graduate sa highschool. Nagkataon na biglaan nakasalubong ang di nakikilalang kaibigang lalaki... Sa di kalayuan ay tanaw ni Hunio ang isang babaeng nakauniporme. Ipinagtanong nya ito sa bayan at ipinapakita pa ang larawan nito. Sa pagkatanaw niya ay medyo kinakabahan at para rin mahihiya si Hunio. Di nya alam ang nararamdaman. Medyo natutuwa ang mga taong natanungan ni Hunio na madaan ito dahil ang kisig nito.
Di na nagpatumpik tumpik pa si Hunio sa pagtatanong niya ay napansin niyang kumikislap ang suot na kwintas na tulad ng suot nya.
'it's her!' tugon nya sa sarili… bumaba sya at pinuntahan kung nasaan nya nakita si Maryam paglapit sa dalaga ay nangumusta ito itinanong kung sya ang kababata.
Ngunit Lahat ng yun ay palabas lamang…
Isang araw ng tanghali sa bahay nila Maryam na isang studyante ay tila may nakasalubong syang lalaki na hindi pamilyar ang hitsura sa kanilang barangay. Makailang saglit lang ay naalala niya na ngayon ang araw ng pag-uwi ni Hunio subalit, hindi nya pa iniisip na ngayong oras na ito ang dating nito. Medyo namukhaan niya ang lalaki ng mapansin nyang maputi ito kaya’t nag-atubili sya sa kanyang pagtago. Pasilip-silip lamang si Maryam sa kanyang pinagkukubllian at mga ilang metro pa ang layo ng patakbo syang bumalik sa kanilang bahay.
Di nakaligtas sa mga mata ni Hunio ang nakitang gawain ng dating kababata dahil napansin nito ang pagkislap ng pares niyang kuwintas.
“It’s her!” pansing sabi nya kaya bumaba siya sa kanilang sasakyan at naglakad ito sa direksyon kunsaan nagpang abot sila ni Maryam.
Nang makalapit si Hunio kay Maryam
"Hi, Miss, my name is Hunio… would you mind if I ask your name? cos I… saw you… uhmm" iiwas sana si Maryam hindi naman nya alam kung paano ang kanyang gagawin hindi nya akalain na sa bibo sya sa sulat ay mahihiya pala sya. Natakot si Maryam baka iba ang isipin nito kaya naman hindi na sya nakaiwas kaya naman nakayuko ito
"Ah-ako? ako nga! A- ako nga si Maryam! napansin din nya na tutuo ng na magpakapareha sila ng kwintas
Nang patanghaling iyon ay pareho silang may kaba sa dibdib, naglalakas loob at di kumikibo. Habang naglalakad ay palagi lamang nakamasid sa kanya at nakangiti ang binata. Makikita sa mga mata nitong light brown ang excitement na makita ang kaibigan
"So how are you?" pangungumusta ni Hunio.
"A-I'm fine thank you'! nakangiting sagot ni Maryam na labas ng dalawang maliliit na biloy sa ibabang gilid ng kanyang labi.
Hindi komportable ang dalaga sa binata at tila nahihiya sya... 'ang laki ng pinagbago nya. bakit ganun ang gwapo nya?' bulong nya sa sarili... 'si Hunio ba ito? bakit ganun? hindi ako makapagsalita? Gusto ko na sana syang kwentuhan ng kung anu ano? ang amoy? ang bango bakit ako nagtitiwala sa kanya dahil ba sa kwintas? Ang gwapo nya talaga!' bulong nya sa sarili… ang kutis ang puti!!! kinikilig na nasa isipan niya…
Habang naglalakad sila ay nakatanaw rin sa malayo si Hunio. May mga napansin si Hunio sa lugar na kinalakihan na gaya ng pakiramdam nila.
"Oh, the place looks different now... good thing I saw you walking on the street... if not I wouldn’t be able to…" sabi ni Hunio habang nakangiti pa rin na napapayuko rin. Paminsan minsan at nakatanaw sya sa malayo na tila kinikilala nito ang lugar.
“Your place is still great!” sabi ng binata napakapresko ng simoy ng hangin na dumadampi sa kanilang balat.
Nakangiti lamang ang tanging sagot ni Maryam na papuntang bahay ni Maryam at si Maryam naman ay nakatingala sa binata medyo malayo ang tirahan ng dalaga dahil dadaan pa sila sa mahabang kalsada na nasa gilid ay ang maluwang na palayan
"Hmmm… are you alright?" pakunot noong tanong ni Hunio sa dalaga…
'bakit ba ganito ang pakiramdam ko pakunot noo palang ang gwapo nanya…?' nangingiti nanaman na bulong sa kanyang sarili... pati mata nya ang ganda! pero bakittt...?' tila kinikilig sya.
"Yeah, let’s go in our house I will show you my mother... do you remember Aling Pacita?" sabi ni Maryam.
"Oh, yeah! yes ofcourse! how is she?" sagot na sabi ni Hunio na lalo pang gumwapo sa pagbuka ng bibig na may ngiti…
"Mm… my mother is fine and is it ok if we will just walk? remember our house is far from the school..." tanong nya sa binata habang naglalakad sila... 'tama ba ang ingles ko?' paninigurado nya sa sarili. "Sure! not a problem… yes in States before we go in school, we need to ride a car…" sabi ng binata.
“How about your mom and Dad Mr. Kline did they went backhome with you?” bawing tanong rin niya subalit ang nasa sulok ng kanyang isipan ay kung dala rin ba nila ang nanay nyang matapobre?
Habang naglalakad sa kalsada ay nagkakabanggaan ang kanilang mga kamay… na parang gusto nilang hawakan ang kanilang mga palad. Sa katahimikang gumigitna sa kanila halos di na nila pansin ang paglipas ng oras.
Sa wakas ay nakarating na rin sila sa loob ng bahay nila Maryam. Pinag-uusapan nila ang mga litrato na kani-kaniyang ipinadala. Napa-akbay nalang bigla si Hunio, sabay nahiga sa hita ni Maryam na parang wala lang. Namiss nila ang isa't-isa pero di gaya ng dati na wala silang halong malisya si Maryam.
Inilaglag ni Maryam ang ulo ng kaibigan sa sofa naiilang kase sya. Mabuti na lamang at may maliit na foam sa isang parte ng upuan na kinahihigaan ni Hunio. 'abah nananaching na ata ito ah!? kararating palang eh, nagsasamantala' medyo iritableng bulong nya sa sarili nag-iba na sila... at pakunwang nagtingin ng mga picture di naman naimik ang kaibigan at nangingiti sa nakikitang mga litrato na tila lutang din sa hangin.
Nineteen years old na kase si Hunio at si Maryam naman ay disisais na nahihiya at palagi lang nakangiti. Gusto sana sabihin ni Maryam na madami syang mga bagay na gustong itanong sa kaibigan... Subalit tila nahihiya sya at kunsabagay ay kararating lang naman nito.
"teka nga, may nakita akong picture mo eh," sabi niya ng naglalakas loob sabay halungkat isa-isa "ah, heto! sino sya? alam mo ang ganda nya…Amerkana.." tanong niyang tila may duda.. feeling close agad sa unang pagtatagpo pero maano ba naman ay kung makaakbay nga si Hunio ay wala lang!
"Ah! si... ano yan! hindi ko kase naiintindihan… hindi ko alam pangalan nya… hehe ah, teka anak 'yan ng kakilala ni mama..." nagpapaliwanag nyang tila may takot.
“Anong oras naba?” nagkasabay nilang sabi ng mapatingala sila kay Aling Pacita. Lumabas si Aling Pacita galing kusina.
"Alas dose na tayo na't mananghali." Napabangon si Hunio sa pagkakahiga sabay biglang tayo sa harap ng Nanay ni Maryam. "kamusta po kayo?" magalang nyang bati...
"teka? ito naba si Hunio? ang batang gwapo! napakakisig mo pa rin iho… at ang tangkad mo na!? oh, hindi ko na mareach!" patingalang tayo ni Aling Pacita sa tabi ni Hunio.
"syanga po Nay, si Hunio ang kababata ko…"
"halina kayo at mananghali… pasensya kana iho konti lang nakayanan ko…" sabay pumasok na sila sa kusina at naupo..
"wow! sinigang! salamat po tita hindi ko po talaga ito makakalimutan yung galing nyo pong magluto!" ng maamoy ang bagong lutong pagkain..
"syempre naman iho, sinadya kong magluto ng paborito mo.."
"Hay naku si Mama hindi man ako pinagluluto doon?" reklamo nya.
"ano bang mga pagkain sa America friend?" ni Maryam.
"Mga… pasta, hamburger? si Mama kasi eh, Amerkana na daw... kaya ngayon ko lang ito natikman uli…"
"hala sige kain ka lang.." sabi ni Aling Pacita.
"hayaan mo na ang mama mo na lasapin ang ginahawa ng buhay... kasama nyo ba papa mo?"
"Eh, opo..."
"Oh, atleast kumpleto kayo..." masayang sabi ni Aling Pacita habang sumasalo ng kanilang pananghali.
Sa tagal ng panahon madami rin ang nagbago sa lugar na kanilang kinalakihan.. "nasan na ba ang sapa na malapit sa inyo?" muli nyang tanong
"bakit maliligo ka ba? gusto mo ba magpunta na tayo uli doon?"
"sa susunod na lang.." iwas ni Maryam na tila tinatamad...
"ano bang araw ngayon?"
"tamang tama! byernes ngayon!"
"sige maligo tayo!!"
"saka na!" tanggi uli ni Maryam
"hindi ka ba pagod?"
“anak, iba ang pakiramdam ng mga taga ibang bansa malalaman mo hindi sanay sa init ang mga ‘yan! At habang bata pa ay napakaactive nila pagdating sa mga adventures” sabad ni Aling Pacita.
"Ang O.A mo naman! grabe ka ha! Hindi bale sa susunod wag ka mag-alala wala ka namang dalang bihisan eh," maalala nyang sabi tulad ng sila ay musmos pa lamang?
Pagkatapos nilang mananghalian lumabas sila muli sa kanilang bakuran. Naupo lamang ang dalawa sa harap ng kubo nila Maryam... may duyan roon at nahihiga si Hunio hindi sila masyadong nagkukwentuhan pero napansin nilang may mga kapitbahay na nakamasid sa kanila..
"hindi ka nanamin sinalubong sa airport iho kase nahihiya daw itong kaibigan mo… hehe" agaw muli ni Aling Pacita sa dalawa na parang walang naririnig nap ag-uusap sa dalawa. Nagulat si Maryam na napahawak sa kanyang dibdib "Nay, naman nandyan pala kayo? abah! kanina pa ako naghihintay dito di naman ata kayo nag-uusap?"
"Oh, heto ang mangga miryenda natin..." sabay abot sa isang mangkok na may manga at isang pinggan na may bagong. "pagpasensyahan mo na iho ang kaibigan mong mukhang nosebleed kaya di makapagsalita… hehe" paasar na nakangiti sa kanila. "Nay, ang asim ng mangga anong mangga pu ba ito?" reklamo nya. "Wag nyo na ibida na nosebleed ako? baka maturn off sya..."
"ano naman hitsura ng Amerika iho?"
"hayun po tiya... maaliwalas po ang paligid puro kalsada sa city maganda, may mga nagsisipag taasang building... marami pong mga sasakyan, busy po palagi roon at madalas twenty-four hours na gising ang syudad..."
“siyudad?”
“uu…”
“siyudad ba kamo ay parang palengke sa bayan?” pangungulit ni Maryam sa kaibigan
“medyo.” Sabi ni Hunio.
Inabot na ng hapon si Hunio pakiramdam nya ay ayaw nanyang umuwi pabalik sa kanilang bahay. Naaaliw sya sa tanawin na kanyang nakikita. Lalo pa ang makahiga sa isang duyan.Kinagabihan
"Hunio, hindi ka ba hahanapin ni Aling Celeste?" sabi ni Maryam habang nakasunod pa rin sa kanya ang kaibigan. Nag-gugulay na si Maryam ng kanilang pang gabing pagkain "naku! alam naman nilang dito lang ako sa inyo! saka malaki na'ko! Abah! Paano ba ‘to gawin?" tanong niya sa ginugulay ni Maryam ng bigla ay nagsipag tahulan ang mga aso…
"Kuya Hunio! tao po? damit mo daw..." sabi ni Utoy na anak ni Aling Loring…
Si Utoy malaki na ang dati ay laman palang ng tiyan ng nanay nyang si Ate Loring. Ang batang kailan lang ay ipinaglilihi pa lamang sa sinapupunan ni Loring noon.
"nakita mo na? alam nila kung nasaan ako…?" natatawang sabi nya…
"Kuya! sabi ng Mama mo bantayan daw kita..."
"Oh, sabi ko sa’yo Maryam? ano bang ginagawa ni Mama sa bahay?" ...
"alam mo na yun kuya…"
"haha eh, si Dad?... may mga inaayos po… anong oras ka daw ba babalik?" tanong ng batang may limang taong gulang...
"sinong nagtatanong?"
"ako kuya, madami po kaseng bisita sa bahay nyo… mga bebot kuya!" pabulong na sabi ni Utoy.
"Ganun ba?
sabihin mo may asawa na si Hunio!" biro niya sa bata... "magandang binibini..." habang nakangiting tingin kay Maryam… na nagbabalot ng yelo sa kusina.
"dito po muna ako sa inyo tiya makitulog… ok lang puba?"
"hala ka! uy! friend baka paluin ka ng mama mo!" birong sabi ni Maryam sa binata
"nandito naman si Utoy eh, babantayan nya ako tabi kami matulog… at wag ka mag-alala may dala akong damit.." excited na sabi ni Hunio.
"Tiya Pacita paki-usap dito po muna ako... baka habulin po ako ng maraming aso makagat ako?" nagmamakaawa na parang batang nagsusumbong nyang sabi…
"ano pa nga bang magagawa ko eh, bisita ka namin saka ngayon ngayon lang naman tayo muli nagkita..." sang-ayon ni Aling Pacita.
"Yes! anlakas ko po talaga sa inyo Tiya! hay ansarap mahiga dito!" nahilata agad sa balkunahe nila. Sabay nagkumot namiss ko ang blanket na ito napakatigas! haha!!" ang kumot na yari sa katsa na binabad sa gawgaw
"Oy! Utoy nanonood ka ba dyan? matulog kana sige ka di ka lalaki." pananakot niya pero pansin nyang ang bata ay tila bantay habang nanonood nakaupo lang sa kanilang upuan sa sala.
Sa tagal ng panahon madami din ang nagbago sa lugar na kanilang kinalakihan lalo na sa Barrio Mahusay. Sa pagbabakasyon ni Hunio tila isang pinipilahang pelikula ang madaming taga hanga na lumiligaw sa binata. Wala naman kaalam alam ang binata basta ang alam nya ay dati rin syang taga roon at normal lang sya. Madami syang kakilalang mga babae na nagbibigay ng regalo at iniingles rin sya. Pero marunong naman sya magtagalog.
Magmula ng makauwi si Hunio galing Amerika ay nadadalas rin ang pagsulpot ng mga iba’t ibang mga babae sa bahay nila sa bayan. Ang mga babae na iyon ay nanggagaling pa sa mga iba’t ibang mga barangay. Kaya naman tulad nung sya musmos pa lamang ay umaalis sya at naglilibang kung san san.
Madalas na matunog ang pangalan na nagpapakita doon ay si Milagros na palaging bisita ng kanilang bahay. Sa twing magbibigas ito ng regalo ay ayaw pa nito paabutin kay Aling Loring ang bigay na regalo. Ito daw ang paraan niya para sadyang makita nya si Hunio. Napaka gwapo kase ni Hunio matangkad, matangos ang ilong syempre hubog ng katawan ng isang palikero… kapag ngumiti ay makalaglag panty na bida ng ilan sa kanilang kapit-bahay at kapag nagsalita ay astig…
Si Milagros ay ang anak ng suking kasugalan ni Aling Celeste sa kanilang bahay. Kaya naman maski na ilang lingo na ang nag-daan ay doon na halos nakatira si Hunio sa tahanan nila Maryam.
Isang araw hindi na muna naglagi si Hunio sa bahay nila Maryam dahil mayroon raw itong importanteng lalakarin. Kaya naman nalungkot nanaman muli ang dalaga. Muli tuloy pumasok sa kanyang isipan na napakabilis naman ata ng bakasyon nito. ‘Ah baka naman may ipinareha sa kanya sa dami ba naman ng babae na nagpupunta sa kanila...?’ napanguso nyang iniisip.
"anak, isuot mo nga ito..." sabay abot ni Aling Pacita isang araw na manggaling ito sa palengke "ano po iyan Nay?" sabi ni Maryam na naglalampaso naman sa kanilang bahay "damit! bumili ako sa palengke ng bestida kanina lalabas ka ba mamaya?"
"Eh, opo, kagagaling lang po dito ni Utoy nag-iimbita po punta po kila Hunyo anibersaryo daw po ata ng mga magulang nya?"
"tamang-tama anak isuot mo yan! ay naku bagay na bagay sayo! madaming maiingit sa’yo pagdating mo don!" sabi ni Aling Pacita sa anak
"Nay, naman! hayaan nyo sila! wag tayo masyado pahalata uuwi din naman si Hunio sa Amerika madaming magaganda dun!" protesta nya…
"bakit anak? Ano bang meron sa Amerika? Yun ba ay ang mga babaeng nagtatangusan ang ilong na ang babata pa lamang ay may uban na ang buhok? anak wag, na matigas ang ulo. Pagbigyan mo na ako ipakita natin na maganda tayo! at wag tayo patatalo sa iba nating kapitbahay dyan! " nangiti na nagbibigay lakas loob sa anak…
Kinagabihan...
"Utoy! magbantay ka dyan sa pinto hintayin mo si Maryam!" sabay abot sa bulaklak na kanyang pinitas galing sa hardin. “iabot mo ito sa kanya mamaya…”
"sige, Kuya! Pero bakit di mo sya sinundo?” tanong ni Utoy “hindi ka ba malagot nyan?”
“...gusto ko kase syang sorpresahin. Hindi kase busy ako alam mo naman sila mama at dad they are trully busy?
Nang gabi rin na iyon ay nakaposturang maayos si Utoy na parang sya ang manliligaw kay Maryam habang hawak nito ang isang bigkis ng bulaklak.
Pero sige ako ng bahala! Tumayo sabay sumaludo pathumbs up nya na tila isang gwardya... "magbantay ka dyan!" paninigurong sabi ni Hunio...
Maririnig ang malakas na tugtuging umaalingaw-ngaw sa buong bayan nila na parang isang piyesta. Maiingay ang mga tao.
Pag bungad palang ng gabi din na iyon ay parang nakakahiyang pumasok sa engrandeng anibersaryo ng magulang ni Hunio… naglakas loob naman si Maryam na pumasok ‘nalate na ata ako?’ sabi nya sa sarili.
"Stars shining bright above you
Night breezes seem to whisper, "I love you"
Birds singing in the sycamore tree
Dream of a little dream of me Say," ang liriko ng awitin sa combo ng mag-sipagsayawan ang mga magulang ni Hunio at ang ilan pang mga bisita…
Napakaromantiko ng musika na bumungad kay Maryam… napansin niya na ang kulay ng bulaklak at damit ni Maryam ay katulad ng kaniyang suot na bestida. Itinago ni Utoy ang bulaklak inilagay sa isang lamesa na may tablecloth na kaparis ng bestida ni Maryam.
Bigla tumakbo si Utoy ng makita ito... bumulong kay Hunio…
Sa di kalayuan ay naupo naman si Maryam sa isang tabi hinahagilap si Hunio...
Nakita ni Hunio si Maryam na nakatanaw sa malayo na para bang may hinahanap. Palihim syang lumapit at naupo sa tabi nya si Hunio.
"Uy, sa wakas! akala ko hindi kana darating!” kunwari ay gulat nyang sabi ni Hunio na nakangiti sa dalaga “kanina pa'ko sa'yo naghihintay dito..." sabi ni Hunio na nakangiti... at naupo sa kanyang tabi.
"Ganun ba?! salamat nga pala sa pag-imbita" nasabi ni Maryam ng bigla nanaman silang nagkaroon ng katahimikan ng marinig at mang enganyo ang musika…
"Nighty-night" and kiss me...
Just hold me tight and tell me you'll miss me...
While I'm alone and blue as can be
Dream, a little dream of me…'
"Maryam?" mahinang sabi ni Hunio… maari ba kitang isayaw?" pag-aya ni Hunio sabay iniabot ang kamay na nag-aayang sumayaw sila… nakatingin naman si Maryam ng siryoso hinawakan ni Hunio ang kamay ni Maryam at sumabay sila sa tugtugin…
'Stars fading but I linger on dear (oh, how you linger on)
Still craving your kiss (how you crave my kiss)
Now I'm longing to linger 'til dawn, dear
magkahawak kamay sila at magkadikit ang mga mukha nila pareho habang isinasayaw ang musika. Dinadama nila pareho ang liriko ng awitin tulad nong sila ay mga bata pa...
'Just saying this…
Give me a little kiss
Sweet dreams 'til sunbeams find you
sa gitna ng musika nakasandal sa dibdib ni Hunio si Maryam... bulong ng isipan ni Maryam na.. 'Tayo na ba?'
Sweet dreams that leave all worries behind you
But in your dreams whatever they be
Dream of a little dream of me'
Nang patapos na ang awitin...
"Tara kila mama ipakilala kita sa kanila..."
Naglakad sila patungo sa kabilang hardin ng bahay nila Hunio. Hindi naman makapaniwala na maluwang pala ang ispasyo ng bahay nila Hunio... Lumapit sila sa mga ito at nakitang nadoon ang mga puti na may asawang Filipina… "Mom, Dad happy anniversary..." sabay halik sa magulang this is Maryam my bestfriend do you remember her?
"How are you iha? nice to meet you..." sabay halik at yakap sa dalaga... si Celeste.
"Wow! Hunio, you got a beautiful friend here in your country... huh! Celeste? we never know that Celeste?" sabi ng isa sa mga bisita... tila nang aasar
"Well, she's Hunio's childhood friend..." parang nahiya naman si Celeste sa mga kaibigan "Oh, yes I remember her, she's one of Hunio's dream girl... did you have your dinner iha?" sabad ng ama ni Hunio…
"Yes, Sir I am… thank you."
"You know my friends my son's friend is very important.
The last time I saw them crying each other and my boy Hunio's tantruming..." nakatawang kwento ng ama ni Hunio "it looks like Hunio is a big spoil brat?" sabi ng kaibigan ni Celeste…
"Not anymore dad because Maryam is with me now… that’s not a real story guys…" nahihiyang deny ni Hunio.
"So why are you so pretty? what's your name again?" sabi ng isa sa mga anak ng kaibigan ng mama ni Hunio… si Sabrina ay mestiza din pero bakit halos lahat ng taong nakikita nya ay parang gusto sya sungaban…
"My name is Maryam Del Mundo..." sagot niya.
"Oh, Del Mundo? it sounds like familiar are you related with the Del Mundo realty and the Hacienda del Herederas here? I think they owned the half land of this Province..."
"Where are you from? iha…" sabi pa ng isa nilang bisita. Nahirapan intindihin ni Maryam ang kausap
"Ah, opo I live in Barrio Mahusay!" English Tagalog nyang sabi... nagtawanan ang mga kausap
"Oh, really? your family owned that land..." hindi naintindihan
"Family? yes Ma'am! my mother is widowed, and she is in the house..." sagot nyang nanlalamig sya napahawak kamay sya sa kamay ni Hunio kinakabahan sya...
"But I'm not sure if this young lady is honest… what's your mother's name?" sabi ng isa pang babae na tinitignan sya mula ulo hanggang paa... "nanay ko po si Aling Pacita Byuda Del Mundo..."
"Oh, Pacita!!? mi Prima! Mi prima se ve misserable... hablamos espanyol o yo no habla?" pagtatanong ng bisita habang umiinom ng alak. Di nya kilala hawakan sana sya sa braso ng bisita. 'bakit ba itong mga tao na'to? kunway mahirap ako nilalait ako pati nanay ko...'
"w-wait, what's happening here? what's the matter?" tanong ni Hunio sa bisita... hindi kumikibo ang dalaga
"Celeste she is one of my relative!" sabi ng bisita nakapoint ang kamay sabay tungga ng alak.
"Oh, really? may kamag anak ka palang mayaman iha?" sabi ni Aling Celeste.
"a distinctive relative but not that too close but I think they have a money…" dagdag ng bisita sabay taas kilay sa kanya… sabay paglibak 'Oo, na! hindi ko naman kayo kakilala! hitsura!' bulong nya sa sarili habang tinitignan sya…
"Ah-hello po…?" kunwaring bati nya… "excuse me. lang po..." nakangiti sabay talikod sa mga kausap...
Paglalim ng gabi na iyon ay agad din syang inakbayan ni Hunio. "San ka ba pumupunta?" tanong nito sa dalaga.
Sumenyas si Hunio para pahinaan ang malakas na tugtog tumayo sya sa harap ng mga tao. Hawak ang cocktail glass...
"mga kaibigan alam naman po natin na ngayong gabi ay anibersaryo ng aking mga magulang" habang nakahawak sa kamay ni Maryam… nanlalamig ang mga kamay ni Maryam sa kung anumang ginagawa ni Hunio.
"mga kaibigan nais kong ipakilala ang aking girlfriend na si Maryam Del Mundo ang first love ko!"
"Wow!"
"Congratulations!"natutuwang sabi ng iba nilang bisita… nagpapalakpakan sila at ang mga iba naman ay mga nagbubulungan.