KINABUKASAN ay na-discharge din agad sa ospital si Hershelle. Pinayuhan siya ng doktor na magpahinga at huwag magbubuhat ng mabigat. Kailangan din niya ng bed rest ng ilang araw. Bago siya tuluyang lumabas ng ospital ay dumaan pa siya sa kuwarto ng kanyang ama. Nagkamalay na noon ang Daddy niya. Nang makausap niya ito ay nalaman niyang nalungkot ito sa nangyari sa kanya. Ngunit umaasa ito at ang Mommy niya na magiging maayos din ang lahat. Pagdating nila ng bahay ay dumiretso na sa kanilang kuwarto si Hershelle at nagpahinga. Habang nakahiga siya ay sinisilip niya ang garapon kung saan naroon ang namatay niyang anak. Ang suhestiyon ni Nanay Anita ayilibing nila nang maayos ang labi ng bata. Hindi siya makapagdesisyon kaya hihintayin na lang niya na makauwi si Edmark. Anim na araw pa s

