bc

The Bride of the CEO (My Billionaire Husband Series)

book_age16+
5.8K
FOLLOW
33.2K
READ
billionaire
second chance
arranged marriage
playboy
drama
bxg
campus
city
first love
model
like
intro-logo
Blurb

Kilala ang sikat na ramp model na si Hershelle Daze Gonzales bilang playgirl dahil iba-iba ang lalaking kasama nito sa tuwing humaharap sa press. Ngunit ang hindi nila alam ay front lang iyon ng dalaga. Ang totoo ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang lalaking una niyang minahal na sinaktan siya.

Nang bumalik siya sa Pilipinas para magbakasyon ay masamang balita ang sumalubong sa kanya. Si Edrian Mark De Castro II, ang lalaking pinakaayaw niyang makita ay muling niyang nakaharap. Ang masaklap pa nito ay ipinagkasundo silang dalawa para magpakasal.

Gustuhin man ni Hershelle na umurong sa kasal ngunit hindi niya magawa dahil nanaig ang pagmamahal niya sa kanyang ama. Pikit-mata siyang pumayag na maikasal sa lalaking kinaiinisan niya para lang matulungan ang kanyang ama sa problema nito.

May pag-asa pa ba na maghilom ang sugat sa puso niya? Makakaya ba niyang pakisamahan ang lalaking ito nang hindi siya nasasaktan? O susuko na lang siya at hayaan ang ama na sarilinin ang problema nito?

Gulong-gulo ang isip niya. Pero isa lang ang sigurado. Kapag hindi na niya kaya, baka sumuko rin siya. Bahala na kung anong pwedeng mangyari.

chap-preview
Free preview
Prologue
ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa mukha ni Edmark. “Ang kapal ng pagmumukha mo!” nagpupuyos sa galit na wika ni Hershelle. “Ang akala ko pa naman ay nagbago ka na! Iyon pala ay babaero at manloloko ka pa rin! I hate you!” “Magpapaliwanag ako,” mahinahong sambit ni Edmark. “Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Sinungaling ka! Break na tayo!” Pagkasabi nito ay nagmamadaling tumakbo palayo si Hershelle. Akmang susundan ito ni Edmark ngunit naramdaman niyang may kamay na pumigil sa kanya. Nang lingunin niya kung sino ito ay nakita niyang nakatayo sa tabi niya si Edrian. Pinisil nito ang balikat niya habang umiiling ito sa kanya. “Hayaan mo na siya. Hindi ka niya pakikinggan sa ngayon,” sabi ng kakambal niya. “No!” pasigaw na sambit ni Edmark. “Kailangan ko siyang makausap. Sasabihin kong hindi totoo ang nakita niya,” pagpupumilit niya. “Tsk…ano na naman ba kasi ang ginawa mo?” nagkakamot ang ulong usisa ni Edrian. Imbes na sagutin ang tanong ng kapatid, napa-buntunghininga na lang si Edmark. “Uh-huh! Naku! May masama ka na namang ginawa, ano? Kaya siguro galit na galit ang girlfriend mo,” napapailing na wika ni Edrian. Hindi pinansin ni Edmark ang kapatid. Naglakad siya palayo rito. Ngunit nakailang hakbang pa lang siya nang muling magsalita si Edrian. “Hindi ko na tatanungin kung ano ang ginawa mong kalokohan. Pero sa tingin mo ba maniniwala siya sa iyo? Sarado ang isip niya ngayon. Sa ibang araw mo na lang siya kausapin,” suhestiyon nito. Hindi umimik si Edmark pero napahinto siya sa paghakbang. Nang lingunin niya ang kapatid ay naglalakad na ito palayo sa kanya. “Edrian…” tawag niya sa kakambal. Nilingon siya nito. “Tara nang umuwi. Kanina pa naghihintay sa atin si Manong Ireneo,” sambit nito bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Muling sinulyapan ni Edmark ang hallway kung saan tumakbo si Hershelle. Biglang uminit ang gilid ng kanyang mga mata. Ilang beses siyang nagbuga ng hangin. Nang masigurong maayos na ang pakiramdam niya ay saka niya sinundan ang kapatid. “Bakit ang tagal mo? Sinundan mo pa rin ba si Hershelle?” bungad ni Edrian nang buksan ni Edmark ang pintuan sa passenger seat ng kotse. Umiling lang si Edmark saka umupo sa tabi ng kapatid. “Manong, alis na po tayo,” untag ni Edrian sa driver. Nang magsimulang paandarin ni Mang Ireneo ang sasakyan ay isinandal ni Edmark ang likod at ipinikit ang mga mata. “Anong masakit sa iyo? Iyong pisngi mong sinampal o iyang puso mong nagluluksa?” Narinig ni Edmark na wika ng kapatid. “Shut up, Edrian! Noong binasted ka ni Khrysstynna, hindi kita pinagtawanan. Kaya wala ka ring karapatang asarin ako ngayon,” sambit ni Edmark nang hindi nagbubukas ng mata. “Serves you right.” Biglang nagmulat si Edmark. “Hindi ka talaga titigil?” sigaw niya sa kapatid. Itinaas niya ang kamao at akmang aambahan ng suntok ang kakambal. “Oops! Nagbibiro lang ako. Hindi ako lalaban sa iyo,” sambit ni Edrian habang nakataas ang dalawang kamay nito. Ibinaba ni Edmark ang kamay saka marahas na isinandal ang likod sa upuan. Hindi na niya sinubukang pumikit ulit. Itinuon na lang niya ang mga mata sa unahan. Tumikhim si Edrian. “Huwag kang magagalit, ha? Pero curios lang ako. Masakit ba talaga iyong ginawa ni Hershelle?” Matalim ang mga matang tinitigan ni Edmark ang kapatid. “Ano sa palagay mo?” angil niya rito. “Tingin mo hindi masakit iyong sampalin ka nang malakas pagkatapos ay makipag-break sa iyo ang nobya mo?” ganting tanong niya. Natahimik ang kapatid niya. Akala niya ay hindi na ito mangungulit pa. Pero makalipas lang ang ilang minuto ay muli na naman itong nagsalita. “At least, may pag-asa pang magkaayos kayo ni Hershelle. Pero iyong nangyari sa amin ni Khrysstynna, wala ng pag-asa. Kahit siguro bumuka ang lupa ay hindi niya ako pag-aaksayahang pansinin.” Marahas na nilingon ni Edmark ang kapatid. “Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin si Khrysstynna?” Mapait na ngumiti si Edrian nang sulyapan siya nito. “Ipinapanalangin ko nga na makalimutan ko na siya sa mga susunod na araw. Isasama ko rin sa panalangin ko na magkabalikan kayo ni Hershelle,” wika nito. Pinisil ni Edmark ang kamay ng kapatid. “Salamat, bro. Sana ay dinggin ng Diyos ang panalangin mo.”  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook