Chapter 1 - A Dreaded Holiday

1619 Words
“MAMA BECKY, you’re back!” masiglang bati ni Hershelle nang bumukas ang pintuan ng kanyang apartment. Ibinaba niya ang hawak na magazine saka siya tumayo.  at iniluwa roon ang kanyang long time agent na si Rebecca Mondejar. “Don’t get too excited. I have bad news. Hindi mo magugustuhan,” seryosong wika ng long time agent niyang si Rebecca Mondejar. Lumapit ito sa kanya at umupo sa sofa. Nalukot ang mukha ni Hershelle. “Huh? What did the management tell you? Tinanggal na ba ako?” kinakabahang tanong niya nang umupo siya sa tabi nito. “How can you be so stupid to full that kind of stunt? Of all people, why did you kiss somebody’s fiancé in front of the media? Ano bang gusto mong palabasin, ha?” halos bulyawan siya ng agent niya habang pinandidilatan siya nito. Nakagat ni Hershelle ang pang-ibabang labi. “I…I’m sorry. I made a mistake. Hindi na mauulit,” nakayukong wika niya. “Mistake? Is that so? Or you did it on purpose? Anong kalokohan na naman ang nasa isip mo, ha?” Bahagyang tinampal ni Rebecca ang kanyang hita na naka-exposed dahil sa suot niyang shorts. Biglang nag-angat ng tingin si Hershelle. “Mama Becky! How can you say that?” “Huh? Don’t give me that look! I know you better than anyone else. You’re doing this because you want something. Ano ba ang gusto mong mangyari?” nanunuri ang mga matang tanong ni Rebecca kay Hershelle. “I don’t know what you’re talking about. Wala akong masamang intensiyon,” naiiling na sambit ni Hershelle. “Ha? Gusto mong maniwala ako sa iyo? You’ve been with me since you started at Ford and that was seven years ago. I know you so well. Kaya sinong niloloko mo, iha?” Umiwas ng tingin si Hershelle. Wala sa sariling napatingin siya sa malaking picture frame na nakasabit sa dingding. Kuha ang larawang iyon noong unang beses na lumakad siya sa runway sa isang fashion show sa New York. Nakasuot lang siya noon ng manipis na satin nightslip at halos maaninag ang kanyang underwear. “Wala ka naman sigurong balak sirain ang image ng actor na iyon, hindi ba? O gusto mo na namang magpapansin sa mga press? Sikat ka na. Hindi mo nakailangang magpasikat pa,” nandidilat ang mga matang wika ni Rebecca. “Mama Becky!” nakataas ang kilay na sinulyapan niya ang kanyang agent na itinuturing na rin niyang pangalawang ina. Bagama’t matanda lang ito sa kanya ng mahigit sampung taon. Tumayo si Rebecca at pinameywangan siya nito. “Heh! Let me give you an earful one more time!” Eksaheradong pinaikot ni Hershelle ang kanyang mata. “Don’t you find yourself blessed? You are one of the few Asians who ever made it to the elite Ford Models. Ilang beses ka na bang na-feature na cover sa iba’t ibang international magazines. Tapos ngayon may kontrata ka pa sa sikat na lingerie manufacturer. Ano pa bang gusto mong mangyari?” litanya ni Rebecca habang palakad-lakad ito sa harap niya. “Mama Becky, please…” pakiusap ni Hershelle sabay takip ng dalawang kamay sa kanyang mga tainga. Hinila ni Rebecca ang mga kamay niya. “Hey! Listen to me, I’m not yet done talking!” nag-high pitched na sambit nito. Napangiwi si Hershelle. Natuon ang mga mata niya sa pintuan. Kung malapit lang sana ang pinto sa kinauupuan niya ay baka tinakbo na niya. Pero alam niya sa sariling hindi rin naman niya kayang gawin iyon dahil lalong magagalit sa kanya ang agent niya. Kaya kapag ganitong naiinis o nagagalit ito sa kanya ay pinagtitiyagaan na lang niyang pakinggan ang mga reklamo nito. Sigurado naman kasi siya na lalamig din ang ulo nito kapag natapos ang pag-uusap nila. “Noong magsimula ka sa Ford, hinayaan kitang gumawa ng kung ano-anong pakulo para lang mapansin ka ng press. Pero sinobrahan mo naman, iha. Ano bang nasa utak mo kapag ipinaparada mo ang iyong sarili kasama ang iba’t ibang lalaki tuwing haharap ka sa press? You were even caught kissing men in public. Ang pinakamalala pa ay noong bumalandra sa mga newspapers at magazines ang picture mo kasama ang isang sikat na businessman habang palabas kayo ng apartment niya. For goodness’ sake! That man is married and a well-known womanizer! Hiyang-hiya talaga ako noong humarap sa management ng Ford,” nanlilisik ang mga matang pahayag ni Rebecca. Napayuko na lang si Hershelle. Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa kausap niya. “Why are you doing this? You want more money or fame? O baka naman pareho.” Narinig ni Hershelle ang malakas na buntunghiningang pinakawalan ni Rebecca. “Are you still a virgin? Or you lost your vcard a long time ago? Ah…never mind. You don’t have to answer that question. It’s irrelevant, anyway.” Napaangat ng tingin si Hershelle. Ngunit hindi siya umimik. Nakatitig lang siya sa mukha ng kanyang agent. Ang totoo’y wala rin siyang balak sagutin iyon kahit pa puwersahin siya nito. Kung anuman ang kalagayan ng p********e niya ay sa kanya na lang iyon. Ayaw na niyang ipagsabi sa iba. Hahayaan na lang niya kung anuman ang iniisip ng ibang tao. “But going back to my question, why are you doing these things? Sikat ka na. Maglakad ka nga lang sa labas, pinagtitinginan ka na ng mga tao. Ang laki na rin ng suweldo mo. You are being paid two hundred dollars per hour every time you had photoshoot. Iba pa iyong kinikita mo sa Estelle per month. Bukod pa sa apartment na ito na ibinigay nila sa iyo dahil ikaw ang top Asian model ng kompanya. What more can you ask more?” Kumurap ng ilang beses si Hershelle. “Even if I tell you the truth, you won’t understand it. So, just let it be.” “Why not? I will try to understand whatever your reason is,” Rebecca assured her with a smile on her face. Umiling si Hershelle. “No one will understand, not even my Mom. So, forget it. Saka ayaw mo bang ng gano’n, kapag sumisikat ako ng husto, lumalaki rin ang commission mo,” nakangiting wika pa niya. Rebecca sighed before seating down beside her. “Sa tingin mo ba pera lang ang habol ko sa iyo kaya inaalagaan kita. You’re mistaken, young woman. I care for you as if you are my own child. That’s the reason why I am not interested in getting married anymore because I have you.” Napangiti ng mapait si Hershelle. Pinisil niya ang kamay ni Rebecca. “You are only thirty-eight, too young to be a mother to a twenty-seven-year-old lady. Get married and have a life of your own. Huwag mong ubusin ang panahon mo sa akin o sa iba mo pang alaga. Balang araw mawawala din kami sa poder mo. Kapag nangyari iyon, paano ka na?” Rebecca pouted her lips. “Huh? Why don’t you just me tell to resign if you don’t want me to be your agent anymore?” Tumaas ang kilay ni Hershelle. “Wala naman akong sinabing gano’n, ah. Kung ano-ano iyang naiisip mo. Mabuti pa sabihin mo na lang kung may good news,” nagkakamot ang ulong sabi niya. Napangiti si Rebecca. “Well, the good news is you’re going to get a long holiday in the Philippines. Estelle management is giving you a one-year vacation.”             “What?” Hershelle can’t help but frown after hearing the news. “Is that their way of saying that my contract has expired?” Rebecca looked horrified. “No! Of course not! You still have a one-year contract with them. You can resume that after your vacation. Then you can sign another five-year contract with them if you wish.” “Ah, akala ko may plano na silang alisin ako,” mahinahong wika ni Hershelle. “Hindi nila gagawin iyon. Kailangan ka ng Estelle. You are one of the reasons why they remain on top even if there are competitors. Besides, they don’t have complaints about you. You’re always on time. You can get along well with anyone, even to the lowliest employee. So, saan pa sila makakahanap ng katulad mo. Ang problema lang talaga ay iyong image na pino-project mo sa press. You are tagged as flirt and playgirl,” Rebecca explained. Hindi na pinansin ni Hershelle ang huling sinabi ni Rebecca. “Okay. So, kailan ang flight ko?” walang emosyong tanong niya. “Parang hindi ka masaya, ah. Ayaw mo bang makita ang Mommy mo?” untag ni Rebecca. “Actually, gusto kong makita at makasama si Mommy. Pero ayoko lang umuwi ng Pilipinas,” diretsahang sagot ni Hershelle. Kumunot ang noo ni Rebecca. “Why not? Is there something wrong?” “Wala naman. I just had bad memories in my hometown. That’s all.” “So, saan mo gustong magbakasyon kung ayaw mo sa Pilipinas?” Bumuga ng hangin si Hershelle. “Sa Pilipinas na lang para magkita kami ni Mommy. Alam mo namang ayaw niyang pumunta dito sa New York. Kaya sigurado rin akong ayaw niyang magkita kami sa ibang lugar,” paliwanag niya. “Okay. At least hindi masasayang iyong ticket na binili ko kanina. Your flight will be on Saturday. That’s five days from now.” Napatango na lang si Hershelle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD