Chapter 2 - A Homecoming

2549 Words
PALINGA-LINGA si Hershelle habang itinutulak ang trolley kung saan naroon ang kanyang maleta at iba pang bagahe. Itinuro sa kanya kanina ng airport security na napagtanungan kung saan siya puwedeng sumakay pauwi sa kanila. Kaya maingat niyang sinundan ang lugar na sinabi nito. Nang makarating siya sa harapan ng mga nakaparadang taxi ay may sumalubong sa kanya. “Good morning, Ma’am! Kailangan po ba ninyo ng sasakyan? Ihahatid ko na po kayo,” bungad ng may edad ng lalaki kay Herselle. “Puwede po ba ninyo akong ihatid sa lugar na ito?” Kinapa niya ang tinuping papel sa kanyang bulsa saka inabot ito sa lalaki. Tumango ang lalaki. “Sige po, Ma’am. Ako na po ang magbubuhat ng mga dala ninyo,” wika pa nito. Hinayaan ni Hershelle na hilahin nito ang kanyang maleta kung saan nakapatong ang isa niyang travelling bag. Ang isa pa niyang bag ay binitbit nito sa kabilang kamay. Siya naman ay nakasunod lang dito. Nang makarating sila sa taxi ay binuksan nito ang sasakyan. Pumasok agad sa loob si Hershelle at habang nakaupo ay tiningnan niya kung paano inayos ng lalaki ang mga gamit niya sa likod ng sasakyan. Mahigit isang oras din ang itinagal ng biyahe nila dahil sa traffic. Kahit inaantok ang pakiramdam niya ay hindi siya natulog. Pinagmasdan na lang niya ang tanawin sa labas ng sasakyan. Pitong taon na mula noong umalis siya at nagtungo sa New York. Hindi na siya nagbakasyon mula noon. Kaya hindi na sila nagkita ng Mommy niya. Ayaw naman kasi nitong dalawin siya sa New York kahit ilang beses na niya itong inalok na magbakasyon doon. Hindi daw kasi nito gusto ang klima sa ibang bansa. Hindi man siya naniniwala sa katwiran ng ina, hinayaan na lang niya ito. Kahit kasi anong sabihin niya ay ayaw umalis ng Pilipinas ang Mommy niya. Nang huminto ang taxi sa tapat ng gate nina Hershelle ay agad siyang bumaba. “Manong, heto po ang bayad ko,” wika ni Hershelle sabay abot ng isang libo sa driver. “Sandali lang po, Ma’am. Kukuha lang po ako ng sukli,” sambit ng driver nang maibaba nito ang mga gamit. Umiling si Hershelle. “Sa inyo na po ang sukli, Manong,” nakangiting wika niya. Namilog ang mata ng driver. “Naku, Ma’am, maraming salamat po! Hulog po kayo ng langit,” malapad ang ngiting sabi ng driver. Natawa na lang si Hershelle sa tinuran nito. Nang makaalis ito ay saka niya pinindot ang doorbell. Ilang sandali pa ay lumabas ang Mommy niya. Nang mapansin siya nito ay patakbong lumapit sa kanya. “Hershelle, anak, ikaw na ba iyan? Bakit hindi mo sinabing darating ka? Sinong naghatid sa iyo dito?” sunod-sunod na tanong ng Mommy niya habang binubuksan nito ang gate. “Kung sasabihin ko na darating ako, eh, hindi na surprise iyon,” masayang wika niya. “Ikaw talagang bata ka!” sambit ng Mommy niya bago siya nito niyakap ng mahigpit.   “I miss you, Mommy!” wika niya at gumanti rin siya ng yakap dito. “I miss you, too, anak,” tugon din ng Mommy niya. Ilang sandali rin sila sa ganoong posisyon bago kusang humiwalay ang Mommy niya sa kanya. “Tara na sa loob. May sorpresa din ako sa iyo,” wika ng Mommy niya habang pinapahid ang gilid ng mata nito. “Talaga, Mommy? Let’s get inside, then.” Hinila ni Hershelle ang kanyang maleta at ang travelling bag. Binitbit naman ng Mommy niya ang isa pa niyang bag. Naunang pumasok sa loob ng bahay ang Mommy niya. Kapapasok pa lang niya sa loob nang mapansin niya ang matandang lalaki na sumalubong sa kanyang ina. “Mommy, who is he?” kunot-noong tanong ngunit ang mga mata niya ay sa lalaki nakatuon. Bagaman may edad na ito ay mababakas pa rin ang kaguwapuhan nito. Nagkatinginan ang Mommy niya at ang lalaki. Nang humarap sa kanya ang ina ay napansin niyang ilang beses itong lumunok bago nagbukas ng bibig. “Siya ang Daddy mo, anak,” mahinahong wika ng kanyang ina. Pakiramdam ni Hershelle ay nabingi siya kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang ina. “Why did you come back? Where were you all those years? Bakit pinabayaan mo na lang kami ng Mommy ko?” gumaralgal ang tinig na nasambit ni Hershelle. Lahat ng sama ng loob at galit na naipon sa dibdib niya ay muling nanariwa. Galit na tinalikuran ito ni Hershelles at naglakad siya patungo sa kanyang kuwarto. Ngunit nakailang hakbang pa lang siya nang magsalita ang kanyang ina. “Hindi totoong iniwan tayo ng Daddy mo. Ako ang kusang lumayo sa kanya,” mahinahong wika ng Mommy niya. Napahinto sa paghakbang si Hershelle. Nilingon niya ang ina. “Why are you covering him up? Ganoon ba katindi ang pagmamahal mo para akuin ang kasalanan niya?” Halos basag na ang tinig niya. Sunod-sunod na rin ang pagpapatak ng kanyang luha. “Nagkakamali ka, anak. Nagsasabi ako ng totoo. Mahal na mahal ako ng Daddy mo kaya hindi niya magawang hiwalayan ako. Pero noong ipinagbuntis kita, natakot ako para sa ating dalawa lalo na nang pagbantaan ako ng tunay niyang asawa. Papatayin daw niya ako kapag hindi ko hiniwalayan ang Daddy mo,” umiiyak na wika ng Mommy niya. “What? You’re a kept woman?” halos pasigaw na tanong ni Hershelle. Hindi na ba matatapos ang sorpresa sa kanya sa araw na ito? Mabuti nga sana kung maganda ang mga sorpresa sa kanya. Pero para siyang naghuhukay ng mga nakabaon na skeleton ng sarili niyang mga magulang. “It’s my fault, iha. May asawa na ako pero nagawa ko pa ring makipagrelasyon sa Mommy mo. Mahal ko kasi ang iyong ina. Pero wala akong pagmamahal kay Evelyn. Napilitan lang akong pakasalan siya dahil pinalabas niyang nabuntis ko siya kahit walang nangyari sa amin. Napaniwala niya ang kanyang mga magulang kaya nagbanta ang mga ito na papatayin ang buong pamilya namin kapag hindi ko siya pinakasalan. Makapangyarihan ang pamilya nila sa aming lugar kaya napilitan akong pumayag para lang mailigtas ang buhay ng mga magulang ko at mga kapatid,” nanlulumong pahayag ng Daddy niya. Natutop ni Hershelle ang sariling bibig. Gusto niyang magsalita ngunit wala siyang maisip na sasabihin. Masyado nang mabigat at masakit ang nalaman niyang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. “Matagal ko na kayong hinahanap ng Mommy mo. Lalo akong nagpursige na hanapin kayo noong namatay si Evelyn, limang taon na ang nakaraan. Pero noong isang taon ko lang nakita ang Mommy mo. Nalaman kong nasa New York ka na pala. Sana mapatawad mo ako anak, sa mga kasalanan ko sa inyo ng Mommy mo.” Hindi nakaimik si Hershelle. Pero hindi niya mapigilan ang sariling mapahikbi. Kasabay ng pag-agos ng masaganang luha niya ay ang pagkawala ng mabigat na dalahin sa kanyang dibdib. “Daddy,” mahinang sambit niya saka mabilis na yumakap sa ama.   “HI!” Agad na nilingon ni Hershelle ang Daddy niya na naglalakad patungo sa kinauupuan niya. Nasa garden siya ng oras na iyon at nagbabasa ng paperback sa swing na katabi ng malaking puno.  “I was looking for you all over the house. I thought you went out when I could not find you. Pero nandito ka lang pala,” wika nito nang huminto sa mismong harapan niya. Bahagyang napangiwi si Hershelle. “Are you reading those gossips about me? They weren’t true. I would rather stay home than go out or attend parties.” Biglang natawa ang Daddy niya kaya napakunot naman ang noo niya nang mapatingin siya rito. “I can’t help it. You’re Mommy has a collection of magazines and newspaper clippings about you. She had me read them so, I would get to know what’s happening to you,” he smirked. Hershelle bit her lower lip and shook her head. “So, you’re having fun reading about those crap?” Ang lakas ng iling ng Daddy niya. “No, of course not!” mariing sabi nito nang umupo sa tabi niya. “Hindi nakakatuwa ang mga iyon lalo na kung hindi naman totoo,” dagdag pa nito. Hindi umimik si Hershelle. Ngumiti lang siya sa ama. Mahabang sandali ng katahimikan ang namayani sa pagitan nilang mag-ama. “Do you have a boyfriend?” Biglang nilingon ni Hershelle ang ama. Seryosong nakatitig ito sa kanya. “Do you want an honest answer?” Umangat ang kilay ng Daddy niya. “Yes, of course! Bakit may dalawa bang sagot ang tanong ko?” Bumuga ng hangin si Hershelle. “You may not believe me if I tell you the truth.” Nagsalubong ang kilay ng kanyang ama. “Why not?” “People don’t believe my words,” she simply said. “Why don’t you try me?” pangungulit nito. “If I tell you that I didn’t have a boyfriend while I was in New York, will you believe me?” “You’re my daughter, why should I not believe you?” Naramdaman ni Hershelle ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. “Thanks for believing in me. It means a lot to me.” “You don’t have to thank me. I’m your Dad, anyway. So, stop crying.” May inilabas na panyo ang Daddy niya. Pinahid nito ang luha niyang kusang nalaglag. Napayakap naman siya dito. Nasa ganoon silang posisyon nang biglang tumunog ang cellphone ng ama. Napilitan siyang bumitiw sa Daddy niya. Biglang sumeryoso ang mukha ng kanyang ama nang buksan nito ang cellphone. “What is it, Daddy?” curious niyang tanong. Hindi siya sinagot nito. Sa halip ay hinalikan siya sa noo bago ito tumayo. “Stay here, I will just take this call,” wika nito saka nagmamadaling lumayo sa kanya. Pinanonood ni Hershelle ang Daddy niya habang nakikipag-usap ito sa cellphone. Hindi nagsasalita ang ama at nakikinig lang sa kausap nito. Ngunit napansin niyang ilang beses na facepalm ito. May problema ba ang Daddy niya? Maya-maya pa ay ibinulsa na ng ama ang cellphone nito at nakayukong naglakad patungo sa kanya. “Is there any problem, Daddy?” usisa niya rito nang umupo sa tabi niya. “I don’t know how I am going to tell you this,” sambit ng Daddy niya nang hindi tumitingin sa kanya. Napakunot ang noo niya sa narinig. “It’s about me?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Yes,” maikling tugon ng Daddy niya nang tumingin ito sa kanya. Biglang kinabahan si Hershelle. Nanlamig ang buo niyang katawan. s**t! Si Mama Becky ba ang kausap ng Daddy niya kanina? Anong sinabi nito sa kanyang ama? Hindi magawang magsalita ni Hershelle. Nakatitig na lang siya sa Daddy niya. “I don’t want to drag you into this mess. But you are the only hope I have. Yet, I’m giving you the chance to say no if you think you can’t do it.” She felt relieved knowing that it’s not Mama Becky who called him. But then she was wondering what his father is talking about. “I don’t understand,” she said while shaking her head. “Makinig kang mabuti sa sasabihin ko, iha. Pagkatapos nito, bahala ka na kung ano ang magiging desisyon mo. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo,” sambit ng Daddy niya nang pisilin nito ang kanyang kamay. Naguguluhan man ay napilitang tumango si Hershelle. “Noong ikinasal kami ni Evelyn, ibinigay ng mga magulang niya ang restaurant business nila para ako ang mag-manage. Pero noong mamatay si Evelyn, nag-resign ako bilang General Manager para makapag-concentrate ako sa paghahanap sa inyo ng Mommy mo. Ipinasa ko ang posisyon ko kay Andrei, ang panganay namin ni Evelyn. Kaya lang, six months ago, biglang tumawag ang dati kong secretary. Ibinalita niya sa akin na umalis raw si Andrei at iniwan ang negosyo na nalulugi. I cannot blame him. Napilitan lang naman siyang tanggapin ang posisyon noon kahit hindi niya gusto. That is why I had to take over. But it’s almost too late. Nakasangla ang restaurant at lupang kinatitirikan nito sa bangko. Isang buwan na lang ang natitirang palugit ng bangko bago ito tuluyang ma-foreclosed. Kapag nangyari iyon, tuluyan nang maglalaho na parang bula ang negosyong ipinagkatiwala ng pamilya ni Evelyn,” malungkot na kuwento ng Daddy. Hindi alam ni Hershelle kung ano ang sasabihin sa Daddy niya. Pero kung may maitutulong siya, gusto niyang tumulong. “Is there a way to save the business?” “There are the only two ways to save it. Una, kapag may taong magpapahiram sa akin ng malaking halaga ng pera para mabayaran ko ang utang sa bangko,” paliwanag ng Daddy niya. Puwedeng gawin iyon ni Hershelle. Malaki na rin naman ang ipon niya mula sa kanyang pagmomodelo. Ngunit gusto rin niyang malaman kung may iba pang option ang Daddy niya. Iniipon niya kasi ang perang iyon para sa kanyang sarili, kung sakaling dumating ang panahon na wala na siyang trabaho ay may gagastusin siya. Hindi naman sa pinagdadamutan niya ang kanyang ama. Pero ilang taon na lang ay kailangan na niyang mag-retire. Ayaw naman niyang mag-invest sa negosyo dahil bukod sa wala siyang hilig doon, natatakot din siyang malugi o kaya ay maloko. “What is the other option, Dad?” Huminga ng malalim ang Daddy niya. “A long-time friend of mine offered to invest in the restaurant. Gusto nga rin niyang magtayo ng branches ng restaurant sa mga hotel na pagmamay-ari niya. But in return, he is asking a favor from me.” His Dad was eyeing him as if he was in pain. “What favor is that?” His Dad gritted his teeth before he opened his mouth. “You have to marry his son.” She was speechless for a few moments. “Is that the reason why you asked me earlier if I have a boyfriend?” she asked after gathering her wits. Napa-facepalm ang kanyang ama. “I’m sorry. But you don’t have to do this.” He patted her shoulder and stood up. Napa-buntunghininga si Hershelle. Nakailang hakbang na ang Daddy niya nang muli siyang magsalita. “Daddy, mahalaga ba iyong restaurant na iyon sa iyo?” wala sa sariling naitanong niya. Nilingon siya ng ama. “Mas mahalaga kayo ng Mommy mo,” sagot nito bago siya muling tinalikuran. Ilang beses na huminga ng malalim si Hershelle bago ito muling nagsalita. “Do you have any idea what your friend’s son look like?” Ewan kung bakit biglang naitanong niya iyon sa ama. Basta pumasok na lang sa isip niya ang ganoong tanong. Huminto ang Daddy niya sa paghakbang saka ito humarap sa kanya. “You don’t have to do this, Hershelle,” napapailing na sambit nito. “Hindi naman akin ang restaurant, General Manager lang ako.” “Dad, I’m willing to help,” she almost shouted. Napakamot sa batok nito ang kanyang ama. Saka nito inilabas ang cellphone. May pinindot ito bago inabot sa kanya ang cellphone nito. Hershelle can’t help but smirked upon seeing the picture on her Dad’s cellphone. “But I insist. I know the restaurant is important to you because you want to save it. Let me help you. I just had a few conditions for your friend.” Napakunot ang noo ng Daddy niya sa kanyang sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD