Chapter 3 - It's A Deal

2742 Words
“BAKIT BA ang seryoso ng mukha mo, Hon? Para ka namang namatayan, ah,” puna ni Isabel sa asawang nagmamaneho. “Don’t mind me. I’m just thinking and a bit worried of Hershelle,” seryosong sagot ni Andrew nang sandaling lingunin nito ang asawa. Tuhikhim nang malakas si Hershelle na nakaupo sa likuran ng kotse. Nang oras na iyon ay nagbibiyahe sila papunta sa main office ng Glorious Hotel sa Makati. Doon gaganapin ang pag-uusap at pirmahan ng kontrata sa pagitan ng Daddy niya at ng kaibigan nito na may-ari ng hotel.  “Are you okay, iha?” tanong ng Daddy niya. Sinulyapan siya nito sa rear mirror. Tumango ang dalaga. “I’m good, Dad. You don’t have to worry about me. Besides, I don’t intend to back out. I’m keeping my promise to help you.” Narinig ni Hershelle ang malakas na buntunghininga na pinakawalan ng kanyang ama. “If there is only another way, then I would not want you to be involved in this dilemma.” Ramdam ni Hershelle ang lungkot sa tinig ng ama. Nahagip din ng kanyang mga mata ang ginawang pagpisil ng Mommy niya sa kamay ng Daddy niya na nakapatong sa manibela. “It’s okay, Daddy. I understand you. Kung hindi kita tutulungan, sino pa bang tutulong sa iyo? Kawawa naman sina Amethyst at Angeline kapag hahayaan mong mawala ang restaurant.” Ang tinutukoy niya ang kambal na bunsong anak ng kanyang ama sa unang asawa nito. Eighteen years old pa lang ang dalawa at parehong nasa kolehiyo. Kung tuluyang mawawala ang negosyo ng ama ay baka hindi na makapag-aral ang mga stepsisters niya. Mahihirapan na rin namang makahanap pa ng trabaho ang Daddy niya dahil sa edad nito. Sixty-four na ito. Kung tutuusin ay matanda na ito para magtrabaho pa. Hindi man lang ay inisip iyon ni Andrei bago nito iniwan sa ere ang restaurant. Bilang panganay, dapat sana ay mas responsable ito lalo na at mas matanda pa sa kanya ng limang taon.  “Hindi dapat ikaw ang magbabayad sa kasalanan namin ni Andrei. Wala ka namang kinalaman doon. Ako pa nga ang dapat na magbayad sa inyo ng Mommy mo sa laki ng kasalanan ko sa inyo,” nanginginig ang boses na wika ng Daddy niya. “Hey! Huwag mo namang sabihin iyan. Napatawad ka na namin ng anak mo. Hindi ba, Hershelle?” Lumingon pa sa kanya ang Mommy niya. “Oo naman, Mommy. Kaya nga tutulungan ko si Daddy,” nakangiting tugon ni Hershelle. “We are a family so we should be in this together.” Binalingan ng kanyang ina ang Daddy niya. “Narinig mo iyong sinabi ng anak mo? Pamilya tayo kaya dapat lang na magtulungan. Isa pa kung hindi tayo nagkakilala at nagmahalan, wala sana si Hershelle ngayon. Kapag nagkataon, baka walang tutulong sa iyo kung may darating na problema na katulad nito,” saad ng Mommy niya. “I’m overwhelm. You are a very good mother by raising up our daughter well.” Kinuha ng Daddy niya ang kamay ng kanyang Mommy saka ito hinagkan. “Oops!” malakas na sambit ni Hershelle. “I’m still here. Please no PDA is allowed when I am around,” matigas niyang sabi. “Ano? Bakit naman? Dahil ba matatanda na kami, hindi na kami puwedeng maglambing sa isa’t isa? Kasal na kami ng Daddy mo kaya walang dahilan para pagbawalan mo kami,” nakaingos na sambit ng Mommy niya. Hershelle shook her head. “I don’t mean it that way, Mommy. It’s just that…I’m not comfortable seeing people doing those things regardless of age or gender.” “Wow naman, anak! Kung makapagsalita ka parang hindi ka nanggaling sa New York. Iyong mga pictures mo nga na lumalabas sa mga magazines, mas malala pa,” matalim ang mga matang wika ng ina. “Mommy, that’s for the show! I have to bear some skin because that’s what in the script,” she explained. “Alam ko naman iyon. Pero hindi iyon ang tinutukoy ko. Ang sinasabi ko ay iyong mga pictures na may kasama kang iba’t ibang lalaki.” Umiikot ang mga mata ni Hershelle kasabay ng mariing pag-iling. “How many times do I have to tell you that what you see in those pictures are not true. Those men are the ones making advances on me. Lumalaban nga ako at hindi pumapayag sa gusto nilang mangyari. Pero binabayaran nila ang mga press people para palabasin na ako ang masama. Kaya iba ang lumalabas sa mga pictures,” naiiritang wika niya. “Kung ganyan pala ang nangyayari sa iyo sa New York, huwag ka nang bumalik doon. Dito ka na lang sa Pilipinas magtrabaho,” may diing wika ng Daddy niya. “At least dito, mababantayan ka namin ng Mommy mo.” Nilingon siya ng kanyang ina. “Bakit hinahayaan ni Rebecca na mangyari sa iyo ang mga ito? Bakit hindi rin siya magpa-press con para maipaliwanag mo ang iyong panig at malinis ang pangalan mo? Aawayin ko iyang si Rebecca, eh,” galit na sambit nito. “Mom, it’s okay. I can handle myself. Anyway, one-year na lang ang kontrata na babalikan ko sa Estelle. After that, I might stay here in Manila for good,” pampalubag-loob niya sa mga magulang. “If you say so,” malungkot na pahayag ng Daddy niya. “Anyway, we’re here.” Inihinto nito ang sasakyan at saka mabilis na lumabas. Inayos muna ni Hershelle ang suot niyang long sleeve midi dress. Nang akmang hahawakan na niya ang door handle ay bigla na lang itong bumukas. “Come here, my princess,” nakangiting inilahad ng Daddy niya ang kamay nito. Ginantihan din niya ito ng ngiti nang tanggapin niya ang kamay ng ama. “Let’s go!” anyaya ng Mommy niya at sabay-sabay silang naglakad papunta sa entrance ng building. “Wow!” nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ang mataas na building na nasa harap nila. “Is this the hotel?” hindi makapaniwalang tanong niya. Titig na titig siya sa magandang landscape. May fountain at mini garden sa mismong harapan ng entrance. “Yup,” maikling tugon ng Daddy niya. Nang lumapit ang mga magulang niya sa entrance ng hotel ay biglang bumukas ang glass door. Nangiting sinundan niya ang mga ito. Pagpasok nila sa loob ay isinenyas ng Daddy niya ang sofa sa lobby saka ito dumiretso sa reception desk. Hinila naman siya ng kanyang ina sa sofa. Tahimik na pinagmasdan ni Hershelle ang paligid niya. Sa bawat sulok ay may mga indoor plants. May mga nakasabit din na painting at decorative mirror sa dingding. Napapaligiran din ng cushioned seat at sofa ang buong lobby. Sa isang sulok ay naroon din ang newspaper at magazine stand. Simple lang ang disenyo ngunit eleganteng tingnan ang buong lobby. Hindi na rin ito pahuhuli sa mga hotel na napuntahan niya sa New York. “Hey, ladies, let’s go,” sambit ng Daddy niya nang bumalik ito. Inalalayan nito ang Mommy niya samantalang siya naman ay kumapit na lang sa kabilang braso ng ama. “Let’s follow her.” Inginuso ng Daddy niya ang babaeng nasa unahan nila. Huminto ito sa tapat ng elevator. Nang bumukas ang elevator ay nauna silang pumasok sa loob. Inihatid sila ng babae hanggang sa reception area sa opisina ng may-ari ng hotel. Sinamahan naman sila ng receptionist sa conference room. “Ang lamig naman dito,” puna ng Mommy niya nang nakaupo na sila. “Giniginaw ka na, Mommy?” kunot noong tanong ni Hershelle nang mapunang hinahaplos ng ina ang braso nito. “It’s only twenty degrees.” Iyon kasi ang nabasa niya sa screen ng aircon na nasa mismong tapat niya. “Alam mo namang mahina ang katawan ko sa lamig. Kaya nga ayaw kong pumunta ng Amerika,” nakasimangot na saad ng Mommy niya. “Sorry,” nakangiting wika niya. Napansin niyang hinubad ng Daddy niya ang suot nitong coat at ipinatong sa balikat ng kanyang Mommy. Nagpasalamat naman ang Mommy niya saka hinalikan sa pisngi ang Daddy niya. Umiwas na lang siya ng tingin nang mapansin niyang nagsisimula na namang maging sweet sa isa’t isa ang mga magulang. Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan ng conference room. Pumasok ang isang lalaki na kasing-edad ng Daddy niya. Kasabay nito ang isang babae na halos kaedad din ng kanyang Mommy. “André, my friend,” nakingiting nakipagkamay ang lalaki sa kanyang ama. “I’d like you to meet my wife, Melanie,” wika nito nang akbayan ang babaeng kasama nito. Nakipagkamay naman ang Daddy niya rito saka sila ipinakilala ng Mommy niya. “Oh! You look familiar? Have I seen you before?” nakakunot ang noo na tanong ni Mrs. De Castro. Hindi na nagawang sumagot ni Hershelle dahil biglang sumabad ang Mommy niya. “My daughter is a famous ramp model in New York,” malapad ang ngiting sabi nito. Namilog ang mata ni Mrs. De Castro. “Oh, really? That’s good to hear,” tumatangong wika nito. Nginitian na lang ito ni Hershelle. Hindi na siya umimik, baka humaba pa ang usapan tungkol sa trabaho niya. “Shall we sit down and talk about business?” pag-iiba ni Mr. De Castro sa usapan. Agad naman silang bumalik sa pagkakaupo. Habang nag-uusap ang mga matatanda ay tahimik lang na nakikinig si Hershelle. Wala rin naman siyang masyadong maintindihan dahil tungkol sa negosyo ang usapan nila. “Nasaan nga pala ang anak ninyo?” biglang tanong ng Mommy niya. “He is still on the way. Galing pa kasi siya sa Davao, doon sa bagong tayo na branch ng Glorious Hotel,” tugon ni Mrs. De Castro saka siya nito tinapunan ng tingin. Pilit naman ngumiti si Hershelle dito. Pero kinakabahan na siya dahil kanina pa pasulyap-sulyap sa kanya ang ginang.  “You must be the one I saw in the magazines. Have you work with Estelle?” nakangiting tanong nito sa kanya. Akmang sasagutin ni Hershelle ang tanong nito nang bigla na lang bumukas ang pintuan. Agad na pumasok ang isang matangkad na lalaki at nagmamadaling lumapit sa kanila. “Sorry, I’m late. Traffic sucks,” wika nito sabay tanggal sa suot na dark shades. Halos malaglag ang puso ni Hershelle nang masilayan ang mukha ng bagong dating. Nang mapatingin ang lalaki sa kanya ay nanlaki ang mga mata nito. “Hershelle?” sambit nito sa mahinang boses. “Magkakilala kayo?” magkakasabay namang tanong ng mga matatanda sa kanila. Napahawak tuloy si Hershelle sa kanyang tainga sa lakas ng boses ng mga ito. “We were…” “Schoolmates in Saint Andrew,” mabilis na dugtong ni Hershelle. Nang sulyapan niya si Edmark ay seryosong nakatitig ito sa kanya. Kaya ibinaling niya sa mga matatanda ang kanyang paningin. “We are about to finish. Do you still have something to say, iho?” tanong ni Mr. De Castro. “I want to talk to…Hershelle. Can you leave us alone here?” mabilis na saad ni Edmark. Akmang magpo-protesta si Hershelle ngunit pinukulan siya ng matalim na titig ng binata. Nanahimik na lang siya at inirapan ito. “Of course!” nakangiting tugon ni Mr. De Castro. Agad itong tumayo at inanyayahan ang mga magulang niya sa opisina nito. Bago sila lumabas ay binulungan siya ng kanyang Daddy. “I hope you can handle him. If not, then give me a call. I’ll be here at once.” Nakangiting tinanguan lang niya ito. Inihatid pa niya ng tingin ang mga magulang hanggang makalabas sila ng pintuan. “I didn’t know he was your father,” sambit ni Edmark. Tumaas ang kilay niya nang mapatingin kay Edmark. Hindi niya namalayang nakaupo na pala ito mismong tapat niya. “I haven’t heard from him until two weeks ago,” walang emosyong wika niya. “Huh? That’s quite interesting. Baka naman may motibo siya kung bakit ngayon lang siya nagpakita sa inyo,” nakangising saad ni Edmark. Napaismid si Hershelle. “Are we going to talk about my father? If that is so, then you better talk to him. You are barking at the wrong tree.” Iniatras niya ang swivel chair saka tumayo. Bago pa man niya maihakbang ang kanyang paa ay nahawakan na ni Edmark ang kanyang kamay. “We’re not done talking yet. So, you can go back to your seat,” he hissed. Sinimangutan niya ito saka hinila ang kanyang kamay. Padaskol din siyang bumalik sa pagkakaupo. Pinagkrus niya ang kanyang mga kamay sa ibaba ng kanyang didbib habang ang mga mata ay nakatuon sa mesa. Mahabang sandaling namayani ang katahimikan. Nang hindi na makatiis si Hershelle ay nag-angat siya ng tingin. Nahuli niyang seryosong nakatitig sa kanya si Edmark. Agad siyang umiwas ng tingin. “What do you want?” usisa niya nang muling tumingin dito. Bago pa makasagot ang binata ay ibinaling niya ang tingin sa suot nitong damit. Nakasuot ito ng puting polo na pinatungan ng black coat. Wala itong suot na necktie at bukas ang dalawang butones ng polo nito. “You. I want you Hershelle.” Mahina lang ang pagkakasabi nito, Kung hindi lang siguro siya nasa harapan nito ay baka hindi niya ito narinig. Napangisi siya. “Oh! You can have me after the wedding.” Kung papayag ako muntik na niyang idugtong. Kumurap ng ilang beses si Edmark saka ipinilig ang ulo. “I mean…I want to talk to you about the wedding,” parang nagulat na sambit nito. Tumaas ang kilay niya. “Okay. So, what kind of wedding do you have in mind?” walang ganang tanong niya. Nagsalubong ang kilay ni Edmark. “I should be the one asking you that question. But unfortunately…at this very moment, marriage is the last thing on my mind. So, just tell me how much,” seryosong wika nito. “What are you talking about? Akala ko ba magpapakasal tayo. Hindi ba gano’n ang usapan?” nagtatakang tanong niya. Naloloko na ba ang lalaking ito at kung ano-ano ang pinagsasabi sa kanya. O tulad pa rin ito ng dati na babaero kaya walang planong magpakasal? Tumaas ang isang sulok ng labi ng binata. “Tell me, do you still want to get married even if you know that I am the groom?” Hindi agad nakasagot si Hershelle. Biglang lumikot ang mga mata niya. “I’m not doing this for myself, but for my Dad.” At alam ko na ikaw ang mapapangasawa ko, muntik na niyang idugtong. “Then, let’s have a deal. I’m going to give your father the money he wants for his business. But there will be no wedding between us,” he said coldly. Napatulala si Hershelle sa narinig. Thirteen years ago, hinahabol-habol siya ni Edmark. Pero bakit ngayon para na itong walang amor sa kanya. Anong nangyari? Nilipad na ba ng hangin ang ipinangako nitong pag-ibig sa kanya? Heh! Hershelle Daze Gonzales, ang tagal na ng panahong iyon! Hindi ba puwedeng nagbago na rin ang mga tao? Baka ikaw na lang ang hindi. Umaasa ka ba na hahabulin ka pa rin niya hanggang ngayon? Ipinilig ng dalaga ang kanyang ulo para mawala ang masamang daloy ng isip niya. “I cannot do that. We are not just talking here of money. My Dad needs both money, influence, and the good name of your family to rescue his business. If you can’t provide those things I mentioned, then there is no deal between us.” Tumayo na siya at naglakad papunta sa pintuan. Akmang hahawakan na niya ang pintuan nang marinig niya ang tinig ni Edmark. “Do you love your father so much that you are willing to sacrifice for him?” Nilingon niya si Edmark. Naglalakad na rin ito palapit sa kanya. “Yes, I will do anything for the person I love,” she replied sincerely before turning her attention to the door. “I hope you won’t regret your decision.” Ilang sandaling napahinto ang kamay ni Hershelle sa plano niyang pagpihit sa doorknob. Pero hindi na niya nilingon si Edmark. Nang makabawi sa pagkabigla ay binuksan niya ang pintuan saka lumabas. Nakailang hakbang na si Hershelle nang muli niyang nilingon ang pinanggalingan. Nakita niyang nakatayo sa tabi ng pintuan si Edmark habang seryosong nakatitig sa kanya. Nakaramdam siya ng panlalamig sa kanyang buong katawan kaya ipinagpatuloy na lang niya ang paglalakad.  Kaya mo ito, Hershelle. Matutulungan mo na ang iyong Daddy, may pagkakataon ka pang gumanti kay Edmark. Lintik lang ang walang ganti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD