“HEY! TAMA NA. Kanina ka pa naglalagay ng pagkain sa plato ko. Hindi ko na kayang ubusin ito,” reklamo ni Hershelle. “Kailangan mong kumain ng marami para lumakas ka. Alam kong pagod na pagod ka mula pa kagabi,” pilyo ang ngiting wika ni Edmark. Pinanlakihan ng mata ni Hershelle ang asawa. “Kasalanan mo naman lahat iyon.” Bahagyang natawa si Edmark. “Sorry, Hazed. Ang sarap mo kasi kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko.” Napaubo si Hershelle sa sinabi nito. Nataranta naman si Edmark. Agad itong tumayo at hinagod ang likod niya. “Are you okay?” Sinimangutan ito ni Hershelle saka kinurot ang braso nito. “Aray! Bakit ka ba nananakit? Wala namang masama sa tanong ko, ah,” reklamo ni Edmark saka ito bumalik sa upuan. “Nakakainis kasi ang pinaggagawa mo. Ginagabi ka na sa pag-uwi tapo

