Treese
Alam kong nagtataka na si Sovereign kung saan ko nakuha ang perang kailangan para sa operasyon ni Daddy. I keep ignoring his questions about it. At dahil ayaw niya akong ma-stress, hindi na siya nagpupumilit pa tuwing iniiba ko ang aming usapan.
"Mahal, kumain ka kahit kaunti," pilit niya habang nasa ospital kami. Hawak ko ang kamay ni Daddy, umaasang makahihiram ako kahit kakarampot na lakas upang itulak ang lalakeng mahal ko.
Allison gave me an ultimatum. Isang linggo ko na lamang maaaring makasama si Sovereign. Pagkatapos no'n ay aalis na ako sa bahay nila't gagawin ang lahat upang tigilan niya ako. I know it's going to cause me my heart but I had to do this.
Hindi bale nang masaktan kami huwag lamang lalong mahirapan ang lahat dahil lamang gusto kong makasama si Sovereign.
Humugot ako ng matalim na hininga habang pinananatili ang titig ko sa kamay ni Daddy. "Hindi ako gutom."
"Pero wala pa akong--"
"Ano ba?!" Labag sa loob ko siyang tinitigan nang matalim. "Hindi mo ba ako narinig?! Ang kulit mo naman!"
He was taken aback. Siguro ay hindi inasahang ganoon ang magiging asta ko. The look on his face caused a painful tug in my heart. Muntik na akong maluha sa sobrang awa kaya bago pa man niya makita ang pagpula ng mga mata ko ay muli na akong umiwas ng tingin.
I heard him sigh. "S-Sorry. Nag-aalala lang ako sa'yo. Nagiging matamlay ka lalo nitong mga nakaraan. Madalas ka ring walang gana."
Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. God knows how much I am breaking right now but if I wouldn't do this to him, then he might not let me go once I have to leave already.
"Umuwi ka na sa inyo at intindihin ang mga magulang mo. Malaki na ko, Reign. Kaya ko na ang sarili ko," pilit kong sabi.
I almost sobbed but I prevented myself from making any noise that will make him realize how I truly feel. Nanakit ang lalamunan at dibdib ko sa pagpipigil ng hikbi ngunit pinilit ko pa ring gawin.
"Mahal . . ."
"Please." I inhaled another sharp breath. "Hindi ito ang buhay na pinangarap ko."
Natahimik siya ng ilang sandali. Tila nabigla o kaya ay nasaktan sa narinig.
"Magdodoble kayod pa ako, Treese. Bago ka pa manganak, sisiguraduhin kong nasa mas maayos na tayong bahay. Sisiguraduhin ko rin na sa magandang ospital ka manganganak. Magpapakasal tayo--"
"T-Tama na," tuluyang namaos ang boses ko.
"A-Anong . . . tama na?" nanghihina ang tinig niyang tanong.
My lips pursed as I tried to trap my sobs in my throat. Kinailangan ko munang manahimik ng ilang segundo bago ko nagawang ibukang muli ang mga labi ko upang sagutin siya.
"I'm . . . getting tired of everything. Parang . . . hindi ko kaya ang mabuhay sa hirap. I . . . I put up with you . . ." My eyes shut as tears streamed down my face. "I put up with you . . . because I still had m-my luxurious lifestyle even w-when I'm dating a b-broke guy. B-But now . . . now that everything is gone I . . . I don't think I can s-still keep doing t-this."
Hindi siya nakakibo. It was as if my words were too painful for him to swallow it all. Alam ko namang masakit ang mga sinabi ko dahil kahit ako ay nadudurog pero kailangan ko iyong sabihin. I have to do everything to push him away so no one will suffer anymore.
Ako na lang. Kahit ako na lang.
I heard a sniff from him that's followed by a fake scoff. "Tama nga ang matatanda. Sensitive ang mga buntis. Hindi bale, mahal. Magsisipag naman ako. Panandalian lang 'to, ha? P-Pasensya ka na kung . . . kung nahihirapan ka at . . . wala pa akong magawa."
I nearly sobbed when I heard how his voice nearly trembled as if his words hurt him so much. Ang sakit pakinggan na parang nadudurog siya ngunit imbes na pagsalitaan ako nang hindi maganda ay mas pinipili pa rin niyang ayusin ang sitwasyon sa paraang alam niya.
If only I could tell him that I didn't mean what I said. That I love him so much and I appreciate all of his efforts to give me a good life despite him lacking financially. Hanga ako sa sipag at tyaga niya para sa amin. Sa pagmamahal niya sa mga magulang niya at sa taas niyang mangarap.
Lalong nanikip ang dibdib ko kasi hindi ko naman gustong maramdaman niyang maliit ang tingin ko sa kanya. I've always been his number one fan. I love seeing his eyes sparkle every time I tell him that I believe in him. Na alam kong darating ang araw na matutupad lahat ng mga pangarap niya.
Mga pangarap na hindi lamang para sa sarili niya. His dreams were forged out of his love for his parents and for me. Kami ang dahilan kung bakit siya nagsusumikap. It was never out of ego nor selfish desires, and I have loved him more because of that.
God, why do I have to break such a pure heart?
Muli siyang suminghot. "Hayaan mo, mahal. May karera ako mamaya. Malaki-laki ang pusta. Sisiguraduhin kong mananalo ako. Bibili ako ng mas malambot na kutson nang hindi manakit ang likod mo tapos . . . tapos 'yong mga damit mo, paunti-unti bibili tayo ng mga bago, ha? M-Magbubuhay prinsesa ka ulit, Treese. Pangako ko sa'yo 'yan."
Kumapal ang mga luhang dumaloy pababa ng aking mukha. If only I could tell him that I could sleep on a wooden bed for all I care as long as I'm resting my head on his chest. If only I could tell him that I'd rather thrift clothes as long as I'd wear it on our cheap dates. If only I could tell him that I don't need to be a princess as long as we share nothing but the truest kind of love.
Mahal na mahal ko siya. Oh, God mahal na mahal ko siya at hindi iyon mapapantayan ng materyal na bagay at sandamakmak na salapi, ngunit kung paiiralin ko ang puso ko, paano ang daddy ko? Ang mga magulang niya? Ang buhay na naghihintay sa kanya?
Our kids, what kind of life would we give them if Allison will destroy our future? Yes, I don't need an extravagant lifestyle but I don't want to see the man I love break his back just to feed our kids three times a day.
Nilunok ko ang barang namuo sa aking lalamunan. "May . . . dati akong manliligaw sa N-New York. He's willing to provide for my needs so . . ." Kinagat ko ang ibaba kong labi nang hindi mapahikbi sa kasinungalingan ko. "I will be moving out tomorrow."
"A-Anong . . . ibig mong sabihin, mahal?" tanong niya na tila nais nang manghina.
I sniffed. "Kung hindi mo pa rin nakukuha, ayaw ko na, Sovereign. I'll accept his offer--"
"Pero tayo, Treese. Nangako tayo sa isa't isa--"
"I don't care if we made some shitty promises, okay! I just wanna live my life the old way!" Muntik nang manginig ang boses ko. "I-I want my life b-back!"
It was a mistake to look at him. Dahil halos mabasag na nang tuluyan ang natitirang buong bahagi ng aking puso nang makita ko kung papaanong masaganang pumatak ang kanyang mga luha. Even his jaw clenched as he stared at me with pain in his eyes. Gusto kong tumayo at punasan ang mga luha niya ngunit kung gagawin ko iyon ay lalo akong mahihirapang itaboy siya.
Sovereign sniffed. "May mga anak na tayo, Treese. Please, kahit isang chance pa. Mabibigay ko rin 'yong kaya niyang ibigay. Bigyan mo lang ako kahit kaunting panahon pa--"
"T-Tama na." I wiped my tears and looked away. "I can't do this anymore. S-Sinagot ko na rin siya at p-pumayag na ako sa gusto niya. I-I can't let you ruin my c-chance to get my life back so . . ."
Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang manakit na ang lalamunan ko. My sobs were trapped inside my throat as I pursed my lips hardly together. Hindi rin siya kaagad nakakibo na tila talagang nadudurog ko na siya nang husto.
"Ang . . . mga bata. P-Paano?" namamaos niyang tanong.
Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "H-Hindi niya alam n-na buntis ako at h-hindi rin niya pwedeng malaman s-so I will . . . either g-give them t-to you or . . . have t-them aborted."
"Naririnig mo ba ang sarili mo?" He finally snapped. "Handa mong iabandona o patayin ang mga bata dahil hindi mo matiis ang mahirap na buhay?!"
I shut my eyes and held onto daddy's hand, wishing he'd wake up to give me a hug because God knows I couldn't take this pain anymore.
"P-Pakawalan mo ako at h-huwag mo na akong k-kukulitin pa kung . . . kung ayaw mong i-ipalaglag ko sila."
Sovereign wasn't able to respond. Nanghihina lamang siyang naupo sa bakanteng silya at yumuko. He clutched his hair while breathing sharply. Nang tila hindi na kinaya ay narinig ko na lamang ang paghikbi niya.
My lower lip trembled as I placed my other hand on my belly. I didn't mean those words. Oh, God I didn't mean those words. Mahal ko silang tatlo. Mahal na mahal ko sila.
Walang nagsalita sa amin. Tanging ang impit na mga hikbi na lamang ni Sovereign ang naririnig ko ng ilang minuto. Nang kahit paano ay kumalma siya ay roon lamang niya binasag ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
"Hindi." Tumayo siya't lumapit sa akin upang yakapin ako mula sa likod. I had to shut my lips firmly to prevent my sobs from coming out when Sovereign tightened his hug around me. "Ilalaban kita. Susuyuin. Hindi kita basta lang susukuan. Isisiksik ko nang isisiksik ang sarili ko hanggang sa mapagtanto mong hindi ka seryoso sa mga sinabi mo."
I sobbed. "P-Please, don't make this hard--"
"Mahal kita." Namaos ang boses niya. "Mahal na mahal kita kaya patawad pero hindi ko kayang ibigay 'yang gusto mo, Treese. Tayo pa rin. Wala akong pakialam kung may nang-uutong iba sa'yo. Mahal na mahal kita kaya hindi ako papayag."
"Sovereign--"
"Aalis muna ako at hahanap ng isa pang trabaho." Pinatakan niya ng halik ang tuktok ng aking ulo saka siya suminghot. "Love you, mahal. Walang maghihiwalay . . ."
Nanginig na lamang ang ibaba kong labi nang bitiwan niya ako. He walked out of the room, and as soon as the door shut after he left, napatakip na lamang ako ng mga palad sa aking mukha dala ng aking pagtangis.
Diyos ko. Tulungan ho Ninyo akong magawa ang dapat kong gawin . . .