Sovereign
I couldn't keep my head on the race. Pakiramdam ko kahit anong gawin ko ay idinadala ako ng isip ko sa usapan namin ni Treese sa ospital.
Hindi ko naman siya masisisi. Bigla na lang nagbago ang buhay niya. Namatayan siya ng ina at ngayon, hindi pa namin sigurado kung magigising pa ba ang daddy niya. She's pregnant, grieving, and totally lost.
Gusto ko siyang intindihin kahit ang sakit ng mga salitang sinabi niya pero tao lang din naman ako. Kahit sabihin kong ayaw kong maniwalang mayroon na talaga siyang iba, para pa rin akong dinudurog nang pinung-pino.
Inapakan ko ang gas nang mas mariin ngunit dahil wala ako sa focus, muntik nang sumalpok ang kotse ni Raven sa kurbada dahil sa naging tulin ng takbo ng sasakyan. I wasn't able to change gears immediately. Mabuti na lamang at nakabig ko ang manibela kaya lang ay umikot-ikot ang sasakyan ng ilang beses bago ko nagawang itigil.
Raven rushed towards the car then opened the door with an angry expression written on his face. "What the f**k was that?"
I sighed. "Sorry. Hindi ko sinasadya. Kung may gasgas, ipapagawa ko na lang--"
"You think this is about my f*****g car, hmm? One wrong move and you would've been fighting for your life right now!" asik niya.
Mas matanda ako pero kapag nagagalit siya, parang siya pa itong lamang ng ilang taon. I get it. I made him worry. He's not that good at expressing empathy so he often shows he cares by projecting anger.
Lumabas ako ng sasakyan. Lumapit naman ang isang kaibigan niya para iparada ang kotse. Tinanaw ko na lamang din ang mga kalaban saka ako bumuntonghininga. Tangina naman. Kung kailan kailangan ko ng malaking pera.
Naupo kami ni Raven sa harang ng bangin. He offered me a beer that's given by one of his friends. Hindi ako pala-inom pero halos tunggain ko ang laman ng bote sa tindi ng sama ng loob na nararamdaman ko.
"What the f**k just happened back there?" basag ni Raven sa katahimikan.
I sighed and run my fingers onto my hair. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang magkwento. Pakiramdam ko ibubuka ko pa lang ang bibig ko ay naninikip na ang dibdib ko. My words are getting trapped in my throat, making it hard for me to breathe so I had to let out another sharp breath to ease the suffocating feeling clawing my chest.
"Si . . . si Treese kasi." Nilunok ko ang namuong bara sa lalamunan ko habang nakatitig ako sa bote ng alak. Halos nakalahati ko pala iyon nang hindi ko namamalayan.
"Why? Hormones?" he asked before jugging his beer.
I shook my head. "Tingin ko ay . . . higit pa ro'n." Muli akong nagpakawala ng hangin dahil sa pagbigat lalo ng dibdib ko. "Sabi niya hindi niya gusto 'tong buhay na kaya ko pa lang ibigay. N-Nahihirapan siya."
"She's probably having an existential crisis. You can't blame her. Her life just turned upside down."
"Maiintindihan ko naman, bro kung 'yon ang nangyayari. Kaso parang . . . parang hindi na niya ako mahintay na umangat sa buhay. It's like she's losing faith in me. Lalake ako, bro. Ang sakit sa'kin na marinig mula sa buntis kong girlfriend na may ibang lalakeng handang magbigay ng maayos na buhay sa kanya."
Natigilan si Raven. "What the f**k did you just say?" salubong ang mga kilay na tanong niya.
Alam kong dapat ay sa amin lang ni Treese ang problema naming dalawa pero parang hindi ko na kasi kayang sarilinin lahat. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa sama ng loob ko oras na hindi ko pa mailabas.
I ended up telling Raven everything Treese had told me. Pinayuhan niya akong hayaan na munang mag-isip si Treese dahil baka nabigla lang. I know he only said it because he thinks it's what I wanted to hear. Kahit na ramdam ko namang kung siya ang tatanungin ay mas gugustuhin niyang talikuran ko na si Treese dahil may iba nang lalakeng involved.
"Oh," ani Raven bago ako inabutan ng sampung libo.
Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa pera. "Para saan 'to?"
"Wala kang maiuuwi ngayon dahil muntik ka nang mamatay kanina. Bayaran mo ko kapag naging racer na tayong pareho," aniya bago tinungga ang bote ng alak.
I sighed. Hindi ko sana tatanggapin dahil ayaw kong isipin niyang inaabuso ko ang pagkakaibigan namin. Nag-open up lang naman ako dahil kailangan ko ng mapaglalabasan ng loob kaya ibinalik ko sa kanya ang pera kaso ayaw nang tanggapin.
Umuwi ako sa amin na bagsak ang mga balikat, ngunit lalo lang akong nanlumo nang madatnan ko si Treese na hinahatak na ang maleta niya palabas ng kwarto.
"Mahal?" Kumabog sa takot ang dibdib ko. "Teka muna, saan ka pupunta?"
Treese looked away. "Aalis na ko. Ready na 'yong condo na lilipatan ko."
Lalong nanikip ang dibdib ko. "T-Teka lang, mahal. May . . . may pera ako. Hahanap ako ng apartment ngayon mismo--"
"Bakit ba ang kulit mo, Sovereign? Ayaw ko na nga!"
I swallowed the lump in my throat as my eyes begin to sting. "Treese, baka nabibigla ka lang. Sabi ko naman sa'yo makakaahon din ako sa hirap. Ibibigay ko sa'yo 'yong buhay na nakasanayan mo--"
"Kailan pa, hmm? Kapag tirik na ang mata ko sa gutom?!" she shouted.
Para akong sinaksak sa dibdib. Ni minsan hindi niya ipinamukha sa aking importante ang pera sa relasyon namin. Kahit nga simple lang ang mga date namin, wala naman akong narinig. Siya pa itong nagpapalakas palagi ng loob ko noon at nagsasabing darating ang araw na magiging maayos din ang buhay namin ng pamilya ko. Bakit ngayon, parang siya na 'tong walang tiwala?
"Treese, sinisipagan ko naman--"
"Oo, alam ko 'yon pero masipag din naman ang nanay at tatay mo, 'di ba? Umangat ba kayo sa buhay? Hindi naman kaya tigilan na natin 'tong ilusyon natin, Sovereign. Hindi tayo mabubusog ng pag-ibig."
She dragged her suitcase but I immediately stepped towards her and locked her in my arms. Kinakain ako ng takot dahil dama kong buo na ang loob niya.
"Treese, please huwag naman ganito. Kaya pa natin 'tong ayusin--"
"Bitiwan mo ko, Reign--"
"Please, mahal may mga anak tayo--"
"Ipapalaglag ko sila. Buo na ang desisyon ko."
Para akong tinadyakan sa dibdib. Nanghina ang kalamnan ko kaya nagawa niyang kumalas mula sa pagkakayakap ko.
"A-Ano?" halos manghina kong tanong.
Treese immediately wiped her tears. "Sabi ko ipapalaglag ko sila. Hindi ako handa sa buhay na naghihintay sa amin. Pahihirapan ko lang sila kung sakali saka . . . saka kung mabubuhay sila, baka gamitin mo pa sila para makalapit sa akin kaya ipapalaglag ko na lang."
Nangilid na nang tuluyan ang mga luha ko. Napuno ako ng sama ng loob at galit kaya kahit anong pilit ko sa sarili na intindihin siya, hindi ko na magawa. Paano niya nagagawang sabihin 'yon? Anak namin ang kambal. Binuo namin sila sa pagmamahal tapos gano'n lang? Papatayin lang niya dahil tingin niya hindi ko kayang bigyan sila ng magandang buhay?
I tried to take a sharp breath while clutching my hair. Tumalikod ako sa kanya habang sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko. "Gusto kitang intindihin, Treese. Gano'n kapag mahal mo ang isang tao, 'di ba? Kahit . . . kahit sobrang hirap na, iintindihin pa rin pero ito . . . hindi ko . . ." Nilingon ko siya. "Bakit mo sila idadamay?"
She looked away while pursing her lips. Maging siya ay hindi na rin mapigilan ang pagluha kaya hindi ko maintindihan. Nasasaktan din ba siya? Para saan ang mga luhang 'yon? Was it out of guilt or frustration? I want to understand. God, I want to understand.
"Hindi mo ba ako narinig?" Muntik nang manginig ang boses niya. "Kung isisilang ko pa rin sila, mahihirapan lang sila dahil wala kang pera. Wala kang kakayanang buhayin sila--"
"Kaya ko!" Tumaas na ang boses ko sa sobrang sama ng loob ko. "Putangina naman, Treese kaya ko! Kahit magkandakuba ako sa pagtatrabaho, kahit wala na akong maging tulog, kahit isusubo ko na lang ibibigay ko pa rin sa kanila! Kaya ko dahil tatay nila ako at mahal ko sila! Kayo! Tangina, kaya ko . . ."
Namaos na nang tuluyan ang boses ko. Yumuko naman siya. Ang mga balikat ay umalog habang mahigpit na nakahawak sa handle ng maleta niya.
She sniffed. "K-Kung gano'n, kunin mo sila oras na ipanganak ko." Pinunasan niya ang kanyang magkabilang pisngi. "Ikaw ang mag-alaga at bumuhay tutal sabi mo kaya mo. Ako, hindi ako handa. Ngayon ko lang napagtanto na marami pa akong pangarap. Na marami pa akong gustong maabot sa buhay. I can't let them, and you, to weigh me down so t-take them."
Gumulong pababa ang aking mga luha habang nakatitig ako kay Treese. I hate that I am slowly hating the woman I vowed to love forever, but I'm human, too. At nasasaktan ako para sa mga walang kamuwang-muwang na batang handa niyang patayin o iabandona.
"Lumabas din ang totoo. Gusto mong ipalaglag dahil sa sarili mong mga pangarap." Inis akong natawa sa kabila ng patuloy na pagpatak ng mga luha sa magkabila kong pisngi. "Iyon ang totoo . . ." I sniffed. "Hindi ako makapaniwalang maririnig ko 'yan sa'yo, mahal. H-Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo."
She sniffed. "H-Hindi mo naman ako gano'n kakilala." Nagpunas siya ng pisngi. "Tama na 'tong usapang 'to. Kung ayaw mong ipalaglag ko ang mga bata, lubayan mo ko. Huwag mo na akong kukulitin pa o susubukang suyuin. Ayaw kong mapurnada lahat ng mga plano ko. Kapag naipanganak ko sila, saka mo kunin. Doon lang kita hahayaang lumapit ulit sa'kin. Huwag mo kong subukan. Kayang-kaya ko silang patayin oras na hindi mo irespeto ang desisyon ko."
Hindi na ako nakakibo. Para akong nanghina at nawalan ng kakayahang magsalita pa o kumilos man lang. Napako na ako sa kinatatayuan ko kaya hindi ko na siya napigilan pa noong tuluyan na siyang lumabas ng bahay.
I shut my eyes and listened to her footsteps, and the moment I heard the door shut, I finally lost the remaining strength in my body. Napaupo na lamang ako sa lumang sofa at isinabunot sa sariling buhok ang mga palad ko.
Kung alam ko lang sanang sa ganito hahantong ang lahat, sana hindi na lang ako naglakas-loob noong ligawan ang taong akala ko, may busilak na puso at habambuhay kong makakatuwang . .