Kabanata 13

1536 Words
Treese The last few months of my pregnancy was the hardest. Hindi dahil kambal ang dinadala ko kun'di dahil sa gabi-gabing nahihiga ako sa kama, hindi ko mapigilan ang tumangis dala ng pangungulila para sa Sovereign. I always write the words I wanted to tell him in my journal. Hoping that someday, I would be able to give it to him so he'd know I never meant everything I told him. Alam kong nasaktan ko siya nang husto dahil kahit na dumadalaw siya kay Daddy sa ospital ay hindi na niya ako kinukulit pa. Minsan ay sinasadya na rin niyang huwag kaming magpanagpo, at sa totoo lang, mas lalo lamang akong nasasaktan dahil doon. I know he's just trying to respect my decision because he thinks I would abort our babies if he wouldn't, but the more he's slipping away, the harder things are becoming for me to accept. Naptuluan na naman ng aking luha ang pahina ng journal. I shut the journal and hid it in my cabinet before I went out of the small apartment Allison had provided. She agreed to give me groceries and to pay my bills until I give birth. Kasama na rin sa aming kasunduan na lahat ng medical expenses para sa panganganak ko ay siya ang gagastos. She really did try to make my alibi believable. May lalake ring panay ang comment sa social media accounts ko na tinatawag akong "babe". Kung sino man iyon, wala na akong pakialam pa. I put on my best dress and wore a little bit of make up. Malaki na ang tiyan ko kaya hirap nang kumilos ngunit graduation day ni Sovereign kaya gusto kong lumabas. I took a cab to the university. Nagsuot ako ng face mask at bucket hat nang hindi mahirapang humalo sa mga tao. I stood on the farthest part so he wouldn't see me, and when his name was finally called, I took my phone out to film him while my tears are trailing down my cheeks. "Alcaraz, Sovereign B." Basag akong ngumiti habang hinahaplos ko ng isa ko pang kamay ang aking tiyan. 'Look at daddy, kids. He just finished college. We're proud of him, right?' pagkausap ko sa mga bata sa aking isip. They kicked. Nakaramdam ako ng kirot sa aking tiyan dala ng paghilab. Kaya kahit na gusto ko pa sanang panoorin si Sovereign ay pinatay ko na ang phone ko saka ako umalis sa university. Balak ko sanang dumiretso sa apartment upang magpahinga muna nang may lakas akong magbantay kay Daddy mamaya sa ospital. He had stroke a month after he woke up when he found out that mommy is gone. Kaya ngayon ay halos hindi kami nagkakausap. Tinititigan lamang niya ako palagi saka siya tahimik na luluha. "Manong sa--" Naputol ang sinasabi ko sa taxi driver nang muling sumakit ang aking tiyan. The pain extended to my lower back and inner thighs, making me realize that I was already going through labor. "Miss, ayos ka lang ba?" tanong ng driver. Humugot ako ng matalim na hininga habang pilit na iniinda ang sakit. "S-Sa ospital ho . . ." Bahagyang namutla ang driver na tingin ko ay halos kaedaran lang ni Daddy. He drove as fast as he could just to get me to the nearest hospital. Pagkaparada rin sa harap ng emergency room ay lumabas siya ng kotse niya upang magtawag ng staff. Nang makabalik siya ay kasama na ang ilang nurse na may tulak na stretcher. They helped me get onto the stretcher. Takot na takot ako habang tinutulak nila ang stretcher patungo sa delivery room. The nurses are asking me whom they can call to tell that I'm about to give birth but I had no one in mind. Sovereign couldn't be here while Sienna refused to talk to me as soon as she found out that I threatened Sovereign that I'll abort the kids. Pakiramdam daw niya ay hindi na niya ako kilala at nagsisisi siya na sinuway pa niya ang mommy niya noong pinalalayo sa akin. I had no choice but to ask for Allison since she'll be taking care of the hospital bills. Dumating naman siya at binayaran ang initial deposits ngunit sinabihan niya ang tauhang isinama niya na oras na manganak na ako ay ipaalala sa aking kailangan nang kunin ni Sovereign ang mga bata. Awang-awa ako sa aking sarili. Takot na takot ako para sa kaligtasan naming mag-iina, at sa mga sandaling ipinapanganak ang mga anak ko, wala akong ibang maisip kun'di ang pangamba na ito na ang una at huling beses na mahahawakan ko sila. "Ang mga anak ko, nurse?" I asked the nurse as soon as I was transferred to my room. Ngumiti ang nurse bago niya ibinigay sa akin ang kambal na ngayon ay balot na ng lamping may logo ng ospital. My eyes swelled with tears as I held the twins in my arms. Ang ganda at gwapo ng mga anak namin ni Sovereign, ngunit habang tumatagal na natititigan ko sila, lalo lang tumitindi ang bigat sa aking puso. I cried my heart out while pecking gentle kisses on their foreheads. "I'm sorry. I'm so sorry if mommy has to give the both of you to daddy. I'm sorry . . ." Paulit-ulit akong humingi ng tawad. I tried to memorize their cute faces as much as I could, wondering when will I ever hold them again this close after I give them away. Halos hindi ko sila binitiwan sa loob ng dalawang araw na nasa ospital kami. I kept giving them all the kisses I could give while telling them how much I love them. Tumikhim ang dumating na tauhan ni Allison. "Ma'am Allison wants to remind you to give Mr. Alcaraz a call already." Lalong nadurog ang aking puso. Nanginig ang ibaba kong labi at gumuhit ang matinding lungkot sa aking mga mata. "B-Baka pwedeng b-bukas na lang n-niya kunin?" Nabasag ang aking boses. "K-Kahit man lang i-isang araw pa, please? M-Makasama ko m-man lang ang mga anak ko . . ." Bumuntonghininga ang lalakeng nagngangalang Arcon. "I'm sorry, Miss Loreno but my boss might fire me if I'll ask for an extension. Nabigyan na ho kayo ng sapat na panahon. For discharge na rin ang mga bata kaya baka iniisip ni Ma'am Allison na itatakas ninyo ang mga bata." Kinuha niya ang phone kong iniwan ng nurse sa maliit na mesa saka iyon ibinigay sa akin. "Please make the phone call already before Miss Allison does something we both wouldn't like." Alam ko namang sumusunod lang siya sa utos pero nasasaktan pa rin ako kasi pakiramdam ko wala akong kakampi. I just wanted to hold my babies a bit longer, let them feel how much I love him, and have more memories of them that I will remember once we're finally apart. Wala akong nagawa. I had to call Sovereign to tell him that I already gave birth. Hinalik-halikan ko ang mga anak ko habang bumubuhos ang aking mga luha. Sinulit ko ang mga nalalabing minuto, at nang malapit na si Sovereign ay roon ko lamang sila ipinalagay sa crib saka ako tumalikod nang hindi makita ni Sovereign ang totoong nararamdaman ko. I shut my eyes as soon as I heard Sovereign's footsteps. Pigil na pigil ko ang paghikbi nang marinig ko siyang binati ang mga anak namin. He sniffed, too in between the kisses he's giving our kids. Nang iwanan kami ng nurse sa kwarto ay roon lamang din niya ako kinausap. "Hindi mo man lang ba sila titingnan o kakargahin bago . . . bago ko sila kunin, Treese?" Namaos ang boses niya na parang nasasaktan siya nang husto para sa mga bata. "Anak mo rin sila. Bakit . . . bakit ang dali sa'yo na huwag silang pansinin?" I pursed my lips hardly together as I clutched onto the pillow. Kung alam lang ni Sovereign kung gaano akong nababasag sa mga sandaling ito. Kung alam lang niya na kung may pagpipilian lang ako, hinding-hindi ko na bibitiwan pa ang mga anak ko. Suminghot siya. "Hindi ako makapaniwalang kaya mo talagang gawin 'to. S-Siguro . . . siguro nga tama ka." He let out a sharp breath. "Hindi pa nga talaga kita lubos na kilala. My kids . . . our kids don't deserve this . . ." Napahikbi siya sa awa sa mga bata. "They don't deserve a mom as selfish as you . . ." Kinagat ko na nang tuluyan ang ibaba kong labi nang marinig ko ang kanyang mga hakbang palabas. Nang tuluyang sumara ang pinto matapos niyang umalis dala ang mga bata ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. I buried my face on the pillow as I cried my heart out, the pain I am feeling as a mother tore me apart in ways I don't know if I can still survive from. Unti-unti ay pinagsalikop ko ang aking mga kamay habang humahagulgol. "God, please. Please, let my kids know how much their mommy loves them. Please, let them feel the love I couldn't show them myself." My voice cracked. "Mahal na mahal ko ho sila pati ang daddy nila. Mahal na mahal na mahal ko sila . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD