Sovereign
Hindi ko alam kung totoo bang kapag tinamaan ka ng malas, hindi mo na mapipigilan.
Iniwanan ako ni Treese at hindi na siya ulit nagpakita pa. I just heard from Allison that she went abroad to live with her new man who's now funding her father's medical needs.
Si Papa, naaksidente habang nasa trabaho dalawang buwan matapos maiuwi sa bahay ang mga anak ko. Nilagnat si Sofie kaya nag-overtime si Papa nang makabale. Sa sobrang pagod, nadulas daw at nabagok ang ulo. Wala pang bente-kwatro oras, binawian na ng buhay.
Si Mama naman, na-stroke isang buwan pagkatapos mailibing ni Papa. Dinamdam daw siguro nang sobra ang pagkawala ni Papa kaya hindi kinaya. Na-coma ng isang linggo pero pagkatapos no'n, wala na.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat, pero tuwing gusto ko nang sumuko, isang bagay ang nagiging dahilan ko para pilitin ko pa ring tumindig kahit hindi ko na alam kung saan pa ba ako huhugot ng lakas para ipagpatuloy ang nagkandaletse-letse kong buhay.
I sniffed and wiped my tears when I heard one of my babies' cry. Pumasok ako sa kwarto at binuhat si Sofie. Anim na buwan na ang kambal, pero sabi ng pedia, masyadong mababa ang timbang nila para sa gulang nilang dalawa.
"Shhh." Isinandal ko ang anak ko sa aking dibdib saka ko siya pinatakan ng halik sa ulo. "Nandito si Daddy, Sofie. Nandito si Daddy."
Lumabas ako ng kwarto na buhat siya matapos kong masigurong masarap pa rin ang tulog ni Sovie. Nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng gatas ni Sofie, umaasang mapababalik ko siya sa pagtulog oras na makadede na, ngunit pagbukas ko ng lagayan ay halos manlumo ako nang makitang wala nang isang takal ang natitirang gatas.
I sighed. Bumalik ako sa kwarto para maghanap ng pera kaya lang ay halos wala pang sampung piso ang baryang nakolekta ko. Hindi na ako makakautang sa tindahan sa haba ng listahan ko ro'n. Kulang 'tong syete pesos para makabili kahit iyong maliit na sachet lang sana ng Bear Brand.
Nangilid na lang ang luha ko habang pinakikinggan ang iyak ni Sofie. Ang hirap. Ang hirap-hirap kapag ikaw lang. Kapag ikaw na lang. Para na akong mababaliw kaiisip kung ano ba ang dapat kong gawin.
Allison offered me a job in their company but the salary isn't enough for all of our needs. Mula renta, bills, diaper, gatas, pati vitamins. Nagbabayad pa ako ng mag-aalaga tuwing pumapasok ako sa trabaho. Nag-alok naman si Allison ng tulong pero tinanggihan ko. Baka isipin ay sinasamantala ko na siya. Madalas na nga niya akong tulungan sa pag-aalaga sa mga anak ko, hahayaan ko pang maging unfair sila sa mga empleyado at taasan nang husto ang sahod ko.
I swallowed the lump forming in my throat. Bumalik ako sa kusina at isinalang ang natitirang isang gatas na bigas para makagawa ng am. Masakit man sa aking ito ang ipapadede ko sa mga anak ko ngayon, wala naman akong magawa. I have to do something so my kids wouldn't starve to death. Hindi baleng ako ang maubusan ng pagkain huwag lang silang dalawa, dahil kapag sila ang nawala, hindi ko na alam kung saan pa ako huhugot ng lakas para magpatuloy sa buhay.
Hinaluan ko ng kaunting asukal ang am saka ko pinadede kay Sofie. Mabuti na lang at hindi maselan kaya nang maibigay ko na ang tsupon ay tahimik nang dumede habang buhat ko.
I rocked her to sleep while I'm sitting on the edge of the bed, watching her and Sovie with my tears trailing down my cheeks.
Gusto ko silang bigyan ng maayos at magandang buhay. Ng masaya at kumportableng tahanan.
Ng pamilyang buo.
But how am I supposed to do that? Ni hindi ko alam kung saan ba talaga ako dapat magsimula. Ano ang kailangan kong gawin. O kung aling direksyon ba ang tamang tahakin.
I cannot be reckless anymore with my decisions. I am completely on my own now with two kids that are depending on me. Kung mawala ako ay paano sila? Kung magpapatalo ako sa emosyon ko, anong buhay ang maghihintay sa kanila?
Isinara ko ang mga mata ko nang hindi ko na napigilan ang paninikip ng dibdib ko. "I'm sorry. Hindi mayaman ang Daddy. Sorry kung electric fan lang ang meron kaya madalas kayong ubuhin dahil napapawisan ang likod ninyo. I'm sorry kung . . . kung kailangan magtiis sa lampin dahil tuwing gabi lang kayo nakakaranas magsuot ng diaper. A-At s-sorry kung . . . kung minsan walang-wala si daddy kaya kahit isang maliit na karton ng gatas, hindi ko pa kayo mabilihan."
Ang sakit maging magulang na hindi kayang ibigay ang mga bagay na kailangan ng mga anak mo. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nagkakandakuba noon ang mga magulang ko kahit alam kong pagod na sila at matatanda na rin.
They wanted to provide my needs and give me the things I want. Kahit na iyong mga simple lang. Ganito pala kapag magulang ka na. Pakiramdam mo masama kang ama kapag hindi mo maibigay ang kailangan ng mga anak mo.
Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko. I put Sofie next to her twin before I laid next to them. Nakatulog akong lumuluha at mabigat ang dibdib dahil hindi ko pa alam kung paano na naman bukas. Malayo pa ang sahod at ayaw kong humiram na naman kay Allison. Isa pa ay nasa abroad sila ngayon para sa bakasyon nila ng daddy niya. Nakakahiya kung iistorbohin ko pa.
Nahihiya man ay nakiusap muna ako sa mabait naming kapitbahay. Nangako akong magbabayad na lang kapag nagkapera na.
"Huwag mo na nga munang isipin ang bayad, Sovereign. Mabuti ngang dito mo iniiwan ang dalawang ito. Naaaliw kaming mag-asawa. Kaysa naman maghapon kaming nakatunganga sa harap ng telebisyon," sagot ni Manang Joy sa akin.
"Eh, baka ho kasi naaabala ko na kayo kaya hindi ko na muna iniiwan kasi wala pa ho akong extra. Minsan naman ho payag naman sila sa opisina kaya lang hindi ho pwedeng palagi kong isama." Hinaplos ko ang ulo ng kambal. "Babalikan ko ho kaagad. Hahanap lang muna ho ako ng perang pambili ng gatas at diaper."
Tumango ang matandang babae. Nagpaalam na rin ako sa kanila pagkatapos. Pumunta ako sa bahay nina Raven, umaasang may marerekumenda na siyang karera . . . kahit pa noong huli naming kita, sinabi ko nang titigil na ako sa pangangarera dahil natuto lang akong magmaneho para kay Treese. Getting behind the wheels means having the chance to remember Treese again. I cannot torture myself more, but this is my last resort.
Ilang buwan na ring natigil ang illegal drag racing na sinasalihan namin dahil may naaksidente pero nagbaka-sakali akong may alam siyang bago. Naging abala na rin ako masyado sa mga bata kaya hindi ko na rin siya nakukumusta. Baka sakaling may iba na siyang nasasalihan ngayon.
"Naku, ilang buwan nang wala rito si Sir Raven. Hindi rin namin alam kung saan ba nagpunta. Ang alam lang namin, nagtalo sila ni Sir Liam tapos wala na. Umalis na at hindi na ulit nagpakita."
Parang gusto kong manlumo nang marinig ko ang sinabi ng katulong nina Raven. "G-Gano'n po ba? S-Sige ho, Manang. Kung umuwi, pakisabi naman ho dumaan ako."
"Sige, Reign. Mag-iingat ka."
I jerked my head and left. Dahil wala na akong pamasahe ay kinailangan ko nang lakarin hanggang pauwi. Halos tulala na ako sa sobrang dami kong iniisip. Paano 'to ngayon? Paano ang gatas at diaper ng mga anak ko?
Huminto ako sa may tulay at ikinalso ang mga palad ko sa semento. I couldn't hold back my tears anymore. Para nang sasabog ang dibdib ko. I don't know what to do anymore. God, I don't know what to do . . .
I shut my eyes as tears streamed down my face. "Diyos ko, hindi ko na ho kaya." My voice faded. "Pahiram naman ho kahit kaunting awa. Kahit para na lang sa mga anak ko. Wala akong pakialam kahit ilang beses kumalam ang tiyan ko basta busog sila palagi. Basta hindi nila kailangang magtiis sa sabaw ng kanin." Tumangis na ako nang tuluyan. "Parang awa na ho, kahit para na lang sa mga anak ko, paambon naman ng awa . . ."
I let myself cry until I felt a little better. Nang medyo gumaan ang dibdib ko ay pinunasan ko ang basa sa aking mukha saka ko sinuntok ang dibdib ko ng dalawang beses.
"Laban, Sovereign. May dalawang anghel na palaging handang ngumiti sa'yo kahit gaano pa kabigat ang pasan mo," pagpapalakas ko sa sarili kong kalooban bago ako nagpatuloy sa paglalakad pauwi.
Tirik na tirik ang araw kaya halos hingal na hingal na ako nang marating ang kanto namin. Ni hindi na rin ako makahakbang nang maayos dala ng pagod, gutom at pamomroblema sa ibibili ko ng mga kailangan ng mga anak ko. Halos handa na nga akong ibaba ang sarili ko at mangutang na naman sa tindahan, ngunit habang naglalakad pabalik sa bahay nina Manang Joy ay natanaw ko sa harap ng inuupahan kong bahay ang isang mamahaling sasakyan.
I wiped my sweat and furrowed my brows. I thought it was Raven who dropped by, but I was wrong.
A man wearing a simple black polo-shirt went out of the car with his eyes glued on my direction. There was a hint of curiosity in his cold brown eyes. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, at nang narating ko ang direksyon niya ay siya pa ang naunang nagsalita.
"Are you Sovereign Alcaraz?" he asked.
Sandali akong lumunok habang nakatitig pabalik sa lalakeng tantya ko ay matanda lamang ng sampung taon sa akin. "Ako nga ho. Sino ho kayo at bakit ninyo ako kilala?"
He offered his hand. "I'm Coach Race . . . and I'm here to invite you to become one of Cavalier Cars' international racers . . ."