Kabanata 21

1530 Words
Treese "NAINTINDIHAN mo ba lahat ng sinabi ko?" tanong ng head ng housekeeping team na nag-training sa akin matapos kong gumaling. I flashed a shy smile and nodded. "Opo." She jerked her head. "Mamayang alas dos, nasa main track si Sir Sovereign. Nasa school naman ang mga bata kasama ang stay-out nanny nila. Babalik ang mag-anak bandang alas singko kapag nasundo ni Sir Sovereign ang mga bata sa eskwela. Ibig sabihin may tatlong oras ka lang para linisin ang villa." Sinabayan ko ang lakad niya patungo sa area kung saan kukunin ang mga cleaning materials na isasakay sa golf cart. "Uhm, pwede ko rin po silang ipagluto, 'di ba?" Malamig niya akong tiningnan. "Hindi kailangan. Kusang nagtatawag ang mga myembro ng kusinera kung gusto nilang sa villa kumain pero madalas ay sa resto sila ng clubhouse kumakain kasama ng iba." I made a mental note about it but I still want to prepare something for Sovereign and the twins. Siguro kahit simpleng putahe na napag-aralan kong iluto ay pwede kong ihanda. Hindi naman siguro malalaman ng head ng housekeeping department. "Ayaw na ayaw ni Sir Sovereign na may pumapasok sa kwarto niya. Iyon ang silid sa itaas at nasa bandang kaliwa. Siya lamang ang naglilinis doon kaya ang dapat mo lang intindihin ay ang silid ng mga bata, ang kusina at ang sala," dagdag niya. Tumangu-tango ako bago ko kinuha ang mga gamit na itinuro niya. I gathered everything I need and brought it outside where a golf cart is waiting for me. Hinintay ko ang oras na sinabi para puntahan ang villa nina Sovereign. Nang sumapit ang alas dos ay minaneho ko ang golf cart patungo sa villa. Caballero Compound is so huge that I had to use a map to get to Sovereign's villa. They have their own race track inside the perimeters where racers train every single day. May labindalawang permanent racers na kasapi sa asosasyon ng Cavalier Racers habang walo raw ang hindi pa opisyal ayon kay Sienna. Iyong labindalawang permanent racers ang may-ari ng labinlima sa dalawampung villas na nakatirik sa loob ng compound. Sienna said that Sovereign was the first one to own a villa in the compound without actually undergoing probationary period. Desisyon umano iyon ng coach ng Cavalier Racers at isa sa naging dahilan upang tanggapin ni Sovereign ang alok na maging racer ng Cavalier Cars. I looked around while driving the golf cart in a slow speed. Mula sa aspaltong daang tinatahak ko ay tanaw ko ang clubhouse kung saan madalas magpulong ang mga kasapi ng CRA. Sabi ni Sienna ay mayroong pool, entertainment, function, at sports room ang clubhouse. Naroon din ang restaurant habang sa tawid na daan ay nakatirik ang hotel na nag-a-accommodate sa guests na swerteng nakapapasok sa Caballero Compound matapos magbayad ng malaking halaga makapanood lamang ng eksklusibong trainings ng CRA. Sienna said they are strict when it comes to guests. Probably to prevent any snitch to spiel CRA's game plans and unique training methods. Isa pa ay nasa loob din ng compound ang Casa Del Caballero. Ang tirahan ng ngayon ay CEO ng Cavalier Cars. I've seen the mansion earlier. It's sitting at the heart of the compound, painted with ivory and beige. I parked the golf cart outside Sovereign's villa. Sa labas ay nakaparada ang personal car niyang S-Series Cavalier na kulay navy blue. I grabbed my cleaning materials and opened the door using the duplicate key that was given to me. Nang makapasok ako'y hindi ko napigilan ang mapangiti matapos kong makita ang mga larawang nakasabit sa pader at nakapatong sa slim cabinet. Inilapag ko ang mga gamit at nilapitan ang mga larawan. They were photographs of our kids taken on their previous birthdays. Ang ilan sa mga larawan ay kasama nila si Sovereign. There was even a photo of Sovereign holding the championship cup while Sofie and Sovie are standing next to him. Hinaplos ko ang larawang iyon ng may ngiti sa aking mga labi, ngunit sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa larawan ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa itaas. My eyes widened and I gasped when I heard Sovereign's voice. Tila may kausap sa phone at mukhang pababa ng hagdan. Bigla akong nataranta at hindi alam kung saan magtatago. I ended up hiding under the stairs with my heart pounding inside my chest like a wild beast. "Yes, I know," seryoso niyang sabi sa kausap bago dumiretso sa kusina. Namula naman ang aking pisngi nang mapagtantong bagong ligo siya dahil basa pa ang bagsak na buhok at tanging tuwalya lamang ang tapis sa ibabang bahagi ng katawan. Oh my goodness, nanuyo yata ang lalamunan ko nang mapagmasdan ko ang kanyang katawan. Look at those cracks and curves? He's more built now compared to the last time I saw him! "Yeah, training got canceled. Coach needs to deal with something important." He sighed while pouring himself a glass of water. "No, I think she already left. Hindi ko na rin tinanong kay EJ but I made it clear to him that I don't want that woman around me and my kids." Natulala na ako nang husto sa katawan ni Sovereign. Ni hindi ko na nga namalayan ang bahagyang pag-awang ng bibig ko dahil masyado na akong nahipnotismo ng pigurang natatanaw ko ngayon kaya naman nang mapabaling ang tingin niya sa aking pinagtataguan ay halos manlaki ang mga mata ko sa gulat. His eyes slightly widened, too. Hindi rin natuloy ang akma niyang pag-inom ng tubig nang magkatitigan kami. His expression turned dark after realizing it was me. Pinatayan niya ng tawag ang kausap bago ako galit na nilapitan. "What the f**k are you still doing here, hmm?" asik niya bago ako hinawakan sa braso at hinatak paalis sa ilalim ng hagdan. I winced when his grip on my arm felt too tight. "Sovereign--" "I told you to f**k off," putol niya sa aking sinasabi bago ako halos kaladkarin palabas ng villa. "Teka muna, please mag-usap muna tayo--" "We have nothing to talk about." Matalim niya akong tiningnan saka ako halos ipagtulakan palabas ng pinto. "Don't you ever show your face here again." His eyes glistened with anger and pain. "Hinding-hindi na kita hahayaan pang makapasok sa buhay namin ng mga anak ko." Lumamlam ang aking mga mata. "Anak natin, Reign . . ." He scoffed. Tila lalong nainis dahil sa sinabi ko. "Ngayon anak na natin? Are you for real?" Umigting ang kanyang panga saka ako pinasadahan ng tingin. "Mga anak na natin ngayon, hmm? Why? Your f*****g boyfriend dumped you so now you're trying to squeeze yourself back into our lives because I have money now?" Uminit ang sulok ng aking mga mata. "Huwag ka namang ganyan, Reign. Kung papakinggan--" "I don't wanna hear anything from you. I couldn't even stand the sight of you." Halos manginig siya sa galit habang ang mga mata niya ay kumislap sa sakit na alam kong nararamdaman niya ngayon dahil sa akin. "I made it. Nabuhay ko ang mga bata nang ako lang. In fact, they have the life I didn't even think I'd be able to give them. Hindi ako nanatili lang na mahirap gaya ng sinabi mo. I f*****g remember it all. Every single word so get lost and never come near my kids again, dahil hindi mo na sila anak the moment na pinili mo kaming talikuran dahil lang tingin mo hindi ko kayo mabibigyan ng magandang buhay." My lower lip trembled as my tears threatened to fall. "If only you will give me a chance--" "A chance? Naririnig mo ba ang sarili mo?" Lalong dumilim ang kanyang ekspresyon. "How dare you ask for a chance when you didn't even let me prove to you that I will do everything to give you and our kids a good life? Ako ba, Treese binigyan mo ng pagkakataon no'ng nagmakaawa ako sa'yo?!" "Reign--" "No." He smirked while anger and pain were sketched on his face. "I'm not gonna give you something you refused to give me before kaya mas mabuti pang umalis ka na rito dahil hinding-hindi ko hahayaang makilala ka ng mga anak ko bilang ang nanay na muntik na silang patayin at umabandona sa aming tatlo noong mga panahong pinakakailangang-kailangan natin ang isa't isa." Tumulo na lamang ang mga luha ko nang pabalang niyang isinara ang pinto. Hindi ko naman sinasadyang sabihin ang mga 'yon noon. I was just left with no choice but looks like Sovereign was deeply hurt because of everything I said back then. Suminghot ako't pinunasan ang aking mga luha. Naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling. May rason siya kung bakit ganito katindi ang galit niya pero pasensya na. Ngayong abot-kamay ko na sila ulit, hindi ako pwedeng sumuko hangga't hindi ko nakukuha ang kapatawaran niya. I swallowed the lump in my throat before I stared at the door. "Hindi mo ko mapapaalis, Reign. I'm gonna stay and I'm gonna keep proving to you that I deserve another chance. Lalambot ka rin, mahal. Makikinig ka rin sa akin, at sana . . ." I inhaled a sharp breath. "Sana kapag handa ka nang makinig, sana hindi pa huli ang lahat para sa ating dalawa . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD