Kabanata 20

1549 Words
Treese HINDI ko na mapigilan ang paghikbi ko habang nakahiga sa kama ng clinic. Sovereign refused to talk to me. Kahit na anong tawag ko sa kanya para bumalik siya ay iniwanan pa rin niya ako sa clinic matapos niyang sabihin sa doktor na ipatapon ako palabas ng compound oras na umayos na ang pakiramdam ko. The doctor made it clear. He needs to follow Sovereign's order or he will lose his job. Isa pa ay masyadong mahigpit sa Caballero Compound. I am not allowed to roam around and look for my twins once I regain my strength. "Mataas pa ang lagnat mo, Miss Loreno," sabi ni Doc EJ nang i-check niya ang vitals ko. I sniffed. "Doc, baka naman pwede mong tawagin si Sovereign? Kailangan ko lang talaga siyang makausap. Please, hindi ako pwedeng umalis dito nang hindi ko nakikita ang mga bata." Gumuhit ang awa sa mga mata niya. "I'm really sorry, Treese but as much as I wanna help you, hindi ko pwedeng kalabanin ang mga myembro ng Cavalier Racers' Association." Muling namuo ang aking mga luha. I feel so hopeless, knowing that my fifteen hours of walk came to waste. Ngayon, paano na? Maglalakad ako ulit pauwi naman ng QC? Parang gusto ko na lang mamatay. I shut my eyes when Doc EJ left my side. Impit akong napapahikbi dahil sa sakit na nararamdaman ng aking puso. I begged God, asked Him why this has to keep on happening to me. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtangis ko sa Diyos, bumukas ang pinto ng clinic at pumasok ang dalawang pamilyar na bulto. "Treese? Is that really you?" tawag ni Liam Samaniego, ang nakababatang kapatid ng best friend ni Sovereign na si Raven Samaniego. "Liam?" Bumaling ako sa babaeng kasama niya't lalong naiyak nang magtama ang aming mga tingin. "S-Sienna . . ." I sobbed. "Sienna . . ." Tila sa kabila ng galit sa akin ni Sienna ay hindi niya naiwasang maawa nang mapagmasdan akong mabuti. Her eyes watered as she remained on her spot while Liam went near me to offer me a comforting hug. "Liam, tulungan n'yo ko, please," I begged and looked at my cousin. "Sienna, please . . ." Umiwas ng tingin si Sienna kasabay ng pagpunas niya ng luhang lumandas sa kanyang pisngi. "Why the hell did you do that, hmm?" Galit na ang luhaan niyang mga mata nang muli akong tiningnan. "Bakit mo inabandona si Sovereign at ang mga bata? Bakit pati samahan natin hinayaan mong masira dahil sa mga desisyon mo? Akala ko ba . . ." Nanginig ang boses niya nang mag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. "Akala ko ba sanggang-dikit tayo?" Kumawala ang aking mga hikbi. "Hindi ko . . . sinasadya." Sienna sniffed. "Hindi mo sinasadya? Paanong hindi mo sinasadya? Limang taon, Treese! You left us clueless about you for five damn years, tapos hindi mo sinasadya?!" "Sienna, makinig ka muna, please . . ." Pinilit kong bumangon kahit na pinigilan ako ni Liam. Inalis ko ang IV na nakaturok sa akin at pilit ihinakbang ang nanginginig ko pang mga binti. Nang marating ko si Sienna at nagkatitigan ang luhaan naming mga mata ay hindi ko na natiis pa. I hugged my cousin, my first friend, and the person whom I know I hurt because of my choices back then aside from Sovereign and the twins. "I'm sorry . . ." I cried. "Wala akong choice. Wala akong choice, Sienna, I'm sorry . . ." Liam walked towards us. "Treese? Were you . . . forced to leave your kids and Sovereign before?" Nanghihina at humahagulgol akong tumango matapos kong kumalas sa pagkakayakap ko kay Sienna. I tried my best to tell them everything. Hindi ko alam kung paano ko nagawang ipagtapat sa kanila ang lahat. Basta nang maikwento ko ang mga pinagdaanan ko at kung bakit ko nagawa ang mga bagay na ikinagagalit nila sa akin, nayakap na lamang ako ni Sienna saka siya humihikbing humingi ng pasensya. "You should've told us." She sniffed. "Nagalit kami sa'yo nang hindi namin alam na ikaw ang may pinakamatinding pinagdaanan." Suminghot ako't pilit na kinalma ang sarili. "Gustuhin ko man pero parang . . . parang lagi kong kalaban ang pagkakataon, Sienna." I held her hand. "Pero ngayon, ngayon na kaunti na lang makikita ko na ang mga anak ko, hindi ko na pwedeng hayaang mawala sa akin ang tyansa na mayakap ko sila kaya please, please tulungan n'yo ko." I sobbed. "Miss na miss ko na ang mag-aama ko . . ." Sandaling nagkatinginan sina Liam at Sienna. Maya-maya ay sinabihan ako ni Sienna na magpahinga na muna at mag-uusap lang silang dalawa tungkol sa kung paano nila ako matutulungan. They went out of the clinic and spoke for almost fifteen minutes. Nang makabalik sila ay hinawakan ni Sienna ang kamay ko. "Listen." She sniffed. "It's nearly impossible for you to get close to Sovereign. Alam namin kung gaano katindi ang galit niya sa'yo dahil sa punyetang Allison na 'yon na ilang taon na ring nilalason ang isip niya." Parang nawalan yata ako ng lakas at pag-asa. "K-Kung gano'n ay . . . aalis ako r-rito?" Sienna shook her head and wiped my tears when I started sobbing. "No, no, no. Hindi mo kailangang umalis pero . . ." She sighed. "Treese, the only way for you to stay in the compound is to become an employee. Tumawag na si Liam sa HR kanina. May bakante pero . . . sa housekeeping lang." Nabuhayan ako ng loob. "Diyos ko, Sienna kahit anong trabaho basta dito lang ako tatanggapin ko. Wala akong pakialam kahit magkandakuba ako." Liam sighed before he sat on the edge of the bed with his hands slightly buried in his jeans' pockets. "Pwede kong kausapin ang HR so they will assign you to Sovereign's villa. Housekeepers only come to the assigned villas to them whenever the owner is out for training. This way, hindi basta-basta magtatagpo ang landas ninyo ni Sovereign. Makikita mo rin ang mga bata kung nasa training siya. Just don't tell them nor to their nanny your real name. We'll try to hide you as much as we can so he won't be able to kick you out. Ito lang ang paraan para masiguro nating hindi ka mapapalayas ng compound." I pursed my lips. Gusto kong makausap, mayakap at makasama na ulit si Sovereign pero tama si Liam. Kung magkikita sila ni Sovereign habang matindi pa ang galit nito ay siguradong sa labas siya ng compound pupulutin. She sighed. "Okay na ako sa kahit anong setup basta dito lang ako, Liam. Iisipin ko na lang mabuti kung paano ko ba mapapaamo ulit si Sovereign--" Natigil ang sinasabi ko nang bumukas ang pinto ng clinic at pumasok ang umaatungal na batang lalakeng buhat ng yaya nito. May nakasunod sa kanilang batang babaeng may suot na helmet ng bisikleta at tila pinagagalitan ang batang lalake. "Sovie kisi makuwit naman kisi sabi wag fash, eh. Yoo av boo na tunoy." My heart pounced and my eyes widened when I recognized the kids. Pati sina Sienna ay napatingin sa akin na tila ba alam nilang nakilala ko ang mga bata. "Treese, I don't think you should--" Hindi na naituloy ni Sienna ang sinasabi niya nang tuluyan akong bumaba ng kama at kinuha ang box ng cake. My heart banged loudly inside my chest as I held the box with my hands while I walk slowly towards them. Look at my sweet girl? Oh, God she's so big now. Hindi ko man lang sila napanood na lumaki. Hindi ko naturuang maglakad at hindi ko nayakap noong mga panahong umiiyak sila sa gabi. Did they look for me? Did they wish to have my arms around them at night? Kasi ako, walang gabi na hindi ko pinangarap na sana kasama ko sila. Sana ako ang nakakapagpatulog sa kanila. Sana ako ang pumupupog sa kanila ng halik at nag-aasikaso sa kanila. I felt so robbed. Ang laki-laki na ng mga anak ko, Diyos ko. Ang laki na nilang dalawa . . . My little girl looked at me with confusion when my tears began to cloud my eyes. Nilunok ko naman ang bara sa aking lalamunan at pinigilan ang pagpatak ng namuo kong mga luha habang nakikipagtitigan ako sa kanya. "H-Hi." I sniffed before I tried to smile. "H-Happy birthday." Her forehead creased. "Nichapos na bewtday po but tenkyu!" God, I wanted to hug her, kiss her on her head, and tell her that mommy is finally here to love and cherish them. Na hinding-hindi na ako ulit aalis at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang makasama ko sila kasi 'yon naman ang gusto ko. I went on one knee and waited for her to take the cake. Napahikbi ako nang tuluyan niyang tinanggap ang cake. MAya-maya ay lumapit siya sa kakambal niya't ipinakita iyon. "Sovie wag na cwy. Ebigay na tayo cake ng tita," ani Sofie. The little boy stared at me, wiped his tears with the back of his palm, and then game me the sweetest smile that mended all the pain I was feeling. "Thank you po," Sovie said. Nag-unahan sa pagbagsak ang aking mga luha. "Y-You're welcome . . ." My voice cracked. "Y-You're welcome." Baby ko . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD