Kabanata 19

1549 Words
"MISS, hanggang San Fernando lang ticket mo," paalala ng konduktor sa akin nang makitang hindi pa rin ako bumababa ng bus kahit na nasa bus stop na kami ng San Fernando. I swallowed the pool of saliva in my mouth before I slowly nodded my head. "O-Oo nga pala. S-Sorry." Labag sa loob akong tumayo. I thought I'd at least make it until Bataan but looks like they're very strict when it comes to tickets. Bumaba na lamang ako nang hindi na ulit masita saka ko dinukot ang natitira kong barya. I contemplated for a moment before I finally went near a stall. "Magkano po 'yong malaking bote ng tubig?" "Forty," sagot ng tinderang may inaasikaso ring ibang customer. Napakamot ako ng sintido. "Iyon hong maliit?" "Twenty five." "Twenty five," I murmured before I counted my last money. Thank goodness twenty eight pesos pa iyon. May tres pang matitira. Kung may madaananang sari-sari ay pwede kong ibili ng dalawang maliit na sitsiryang pantawid ng gutom. Ibinigay ko ang barya. "Heto po." I accepted the bottle of water. Nanubig ang bibig ko sa mga pagkaing naroroon pati sa mas malaking bote ng tubig kaya lang ito na lang talaga ang kaya ng pera ko kaya bago pa man kumalam ang aking sikmura ay sinimulan ko nang magtanong kung saang direksyon ang dapat kong tahakin. Inayos ko ang hood ng jacket ko nang hindi gaanong mahalatang babae ako. Mahirap na at madilim ang paligid. It's scary, especially when I reached the parts where street lights no longer work. Sa lupa na lamang ang tutok ng tingin ko habang ibinubulong ko sa aking sarili na kailangan kong tatagan ang loob ko nang makita ko na ang mga anak ko at ang tatay nila. The beginning of my walk wasn't that bad. Malamig pa dahil madaling araw, ngunit pagkarating ng Bataan at nagsimula nang tumirik ang araw ay naramdaman ko na ang hirap ng ginagawa ko. I had to take a couple of breaks because my legs are beginning to ache. Pati ang lower back ko ay masakit na't dama ko na rin ang kirot sa aking paanan. How long has it been since I started walking? Parang anim na oras na yata. Pinaypayan ko ng aking kamay ang aking sarili dala ng init. Nauuhaw pa ako ngunit wala nang kalahati ang laman ng bote. I have to save it until I get to Olongapo. Baka mamaya ay himatayin na ako sa daan kung ngayon pa lang ay uubusin ko na. I sighed. "Kaunti pa, Treese. Para sa mga anak mo at kay Sovereign," paalala ko sa sarili bago ako muling nagpatuloy sa paglalakad. Para akong nagpepenitensya. Tagatak na ang pawis ko at kumakalam na rin ang sikmura. Sometimes I'm getting tempted to eat some of my babies' cake. Gutom na gutom na ako't namamanhid na ang mga binti sa layo ng nilakbay ngunit pilit ko pa ring sinaway ang sarili ko. I want to give them the cake once I see them. Ngayon ko na lang nga sila madadalhan ng cake, may bawas pa. Halos manghina na ako pagkarating ng Sta. Rita. May napagtanungan ako roon ng direksyon, at nang napansing kaunti na lang ay hihimatayin na ako sa pagod ay inalok akong sumilong muna nang kahit paano mapawi ang pagod ko. "Saan ba ang punta mo, hija?" tanong sa akin ng mabait na nagpapataya ng jueteng. Hingal na hingal akong naupo sa tablang silya. "Sa Caballero Compound po. Ang sabi sa akin sa SBMA iyon. Gaano pa ho ba kalayo?" "Ah, sasakay ka ng jeep o kaya tricycle hanggang sa gate na katabi ng SM tapos pasok ka at doon sumakay ng taxi papunta ng Caballero Compound. Mga trenta menutos na byahe ng taxi iyon mula sa gate." Napalunok ako. "Thirty minutes ho kung naka-taxi? Eh kung . . . lalakad ho?" "Naku, eh aabutin na ng dilim kung lakad lang." I heaved a frustrated sigh. "Kung gano'n ho kailangan ko na palang magpatuloy sa paglalakad." Nalukot ang noo niya. "Bakit mo lalakarin? Teka, saan ka ba galing?" I wiped my sweat with the sleeves of my jacket. "Naglakad po galing ng San Fernando." Nanlaki ang mga mata niya. "San Fernando? Diyos ko, iba rin ang trip mo sa buhay! Eh halos kalahating araw ng lakaran magmula rito hanggang San Fernando!" Pagod akong ngumiti. "Wala ho kasing pamasahe. Naholdap ho, eh." Napabuntonghininga siya. "Kawawa ka naman. Sandali." Dumukot siya ng bente pesos sa bulsa. "Mahina ang pataya ngayon pero pagtyagaan mo na 'to. Mag-jeep ka at bumaba ro'n sa sinabi ko. Pagkapasok mo ng gate, tingnan mo kung pwede kang isabay ng shuttle ng Zoobic Safari para mga kinse menutos na lang ang lalakarin mo mula roon hanggang Caballero." Gusto kong tumanggi ngunit kung magmamatigas ako, baka himatayin na talaga ako sa daan dahil tanging sitsirya lang ang kinain ko't paubos na talaga ang tubig ko. Siguro mga dalawang lagok na lang ito at wala na kaya kahit nahihiya ay tinanggap ko ang pera't pinasalamatan siya. "Ano ho pala ang pangalan ninyo?" "Karding, hija." I forced a smile. "Maraming salamat ulit, Mang Karding. Hayaan n'yo ho. Babalik ako rito at susuklian ko po ang tulong n'yo." "Naku, huwag na, hija. Oh, ayan na ang jeep." Ipinagpara niya ako't binilinan pa ang driver ng jeep na ibaba ako sa gate ng SBMA. Tumango naman ang driver at ginawa ang sinabi ni Mang Karding. Pagkababa ko sa gate ay hinanap ko ang sakayan ng shuttle na sinabi sa akin ng mabait na matanda. I asked if I could get a free ride. Luckily, pagarahe na rin ang shuttle na roon sa safari ipinaparada. "Miss, dito na ang safari. 'Yong Caballero, lakarin mo lang 'yang daan na 'yan hanggang sa makita mo 'yong sangang daan. Kumanan ka tapos diretso lang hanggang sa makita mo 'yong malaking gate nila." I stood up. "Maraming salamat po," I told the driver before I got off the shuttle. Nanginginig na ang mga hita ko sa ilang oras na paglalakad ngunit lakas-loob pa rin akong nagpatuloy. Kaunti na lang. Sabi mga kinse menutos na lakaran na lang naman, 'di ba? Malapit na. Makikita ko na ang mga anak ko at si Sovereign. Madilim na ang mapunong paligid. Nahihirapan na rin akong makita ang daan dahil iilan lang naman ang street lights kaya kahit ang sakit na ng mga paa ko kalalakad ay binilisan ko na ang mga mga hakbang ko. I was panting and so thirsty when I finally saw the large steel gate of Caballero Compound. Halos umikot na rin ang paningin ko dahil kung tutuusin ay wala pa naman akong tulog at maayos na kain ngunit hindi ako tumigil sa paghakbang. Para akong maiiyak sa tuwa na sa wakas, narating ko na rin ang destinasyon ko. Parang ngayon ko nadama lahat ng pagod at sakit ng katawan ko. Pati na ang gutom at matinding pagkauhaw kaya nang makarating sa guard house ay halos wala na akong lakas pang tumindig nang maayos. "Sir," hingal na hingal kong bati. "Sir, ako ho si Treese Loreno." I struggled to stand up straight. "Pakisabi naman po kay Sovereign Alcaraz na nandito ako," I continued, panting. I already feel dizzy. Kung hindi nakakalso ang kamay ko sa gate ay baka natumba na ako. The guard looked at me as if he finds me weird. "May passes ka ba, Ma'am? Wala ho kasing nabilin na darating na bisita si Sir Sovereign." Nanghihina kong iniiling ang aking ulo. "Wala po pero . . ." Nahihilo na talaga ako. "K-Kilala niya ako. Please paki . . . pakisabi . . ." Hindi ko na nagawa pang ituloy ang gusto kong sabihin. I already lost my strength to remain standing. Umikot na ang paningin ko at ang katawan ay lumupaypay hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. Nang magising ay bumati sa akin ang puting kisame. I could hear voices coming from somewhere. Pilit kong ikinurap ang mga mata ko. I groaned when I felt sore all over my body. Tila nakuha naman ng impit kong daing ang atensyon ng mga taong nag-uusap. Lumapit sa akin ang lalakeng nakaputing coat at tila doktor. "Good evening, Miss Loreno. Can you hear me?" tanong niya. I tried to move. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid hanggang sa aksidente akong napabaling sa direksyon ng lalakeng nakatayo ilang metro ang layo sa akin. His eyes were narrowing at me while his familiar rosy lips were hardly pressing against each other. Tila galit at gusto na akong kaladkarin palabas ng clinic. My heart pounced out of longing, guilt, love, and fear. Fear that this might not be real at all. Pilit kong nilunok ang sarili kong laway habang nananatili ang titig ko sa lalakeng ilang taon kong pinangarap na muling makasama. Am I dreaming or it's real that Sovereign is really staring back at me right now? "Reign . . ." namamaos kong tawag kasabay ng paglamlam ng aking mga mata. His jaw clenched as anger flickered in his brown eyes. Maya-maya ay humugot siya ng hininga bago ako tinalikuran. "Make sure you'll kick her out of the compound as soon as she regains her strength." I saw his hands clenched into a tight fist. "I don't want that woman near me and my kids ever again . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD