Treese
MY HEART pounced in anticipation while waiting for Sovereign to turn around. Ngunit nang mismong sandaling lilingunin na niya ang aking direksyon ay may sumiksik sa aking harap hanggang sa tuluyan akong nahatak.
"No. No, Sovereign!" I shouted. Ngunit nang makasingit nang muli ay nakaliko na ang team nina Sovereign hanggang sa hindi ko na siya natanaw pa.
"Alright, that's enough. You gotta leave the stadium, ladies," dinig kong anunsyo ng isa sa mga security guards.
Pilit kong inakyat ang barikada ngunit kaagad ding nahuli ng mga security personnel.
"No, please! Please, I just need to talk to Sovereign! Please tell him I'm here, please!" I begged. Naiiyak na dahil kinakaladkad na ako palabas.
"Knock it off," asik ng may hawak sa aking braso.
"You don't understand, Sir please . . ." Uminit na nang husto ang sulok ng aking mga mata. "Please, I just need to see him . . ."
Kahit anong pakiusap ko ay hindi ako pinakinggan ng mga gwardya. They even warned me that if I wouldn't behave well, they'll make sure I'll see my ass in jail.
Wala na akong nagawa nang tuluyan nila akong pinaalis. Bumalik ako sa motel namin ni Daddy na bagsak ang mga balikat. I sat on the chair and let my tears fall, wondering how things turned out this way. Dati isang tawag ko lang kay Sovereign ay nasa tabi ko kaagad. Ngayon ay ang hirap-hirap na niyang abutin.
That was the last time I had the chance to see him meters away, but every time I'd lost hope in life especially after my father passed away a year after the fire in our apartment, I'd think of that moment at the stadium and imagine a different ending.
What if he saw me? What if he looked back at the right time? Maybe I wouldn't have to grieve alone when my father died.
"Tulala ka na naman, Treese," agaw ng katrabaho kong si Myla sa aking atensyon.
I inhaled a sharp breath before I continued packing the buns. "May naalala lang."
Humalimuyak ang amoy ng bagong hangong tinapay na hinugot sa malaking oven. Sa maliit na panaderya sa QC ako nakahanap ng trabaho. Sobrang hirap maghanap ngayon ng mapapasukan kaya buti na lang at may nakita ako.
Tatlong araw pagkatapos mamatay ng daddy ko ay sumuko ako sa immigration. They helped me bring my father's body back to the country. I reached out to some of our previous employees. Nag-ambagan sila para maipalibing ko si Daddy sa tabi ng himlayan ng mommy ko kaya kahit na ang sakit sa akin na pati si Daddy ay kinuha na rin ng langit, iniisip ko na lang na at least ngayon, magkasama na ulit sila ni Mommy.
Kinuha ko ang gamit ko pagkatapos ng trabaho. Una kong dinukot sa bag ang mumurahing cellphone na pikit-mata kong binili matapos mapag-ipunan. I checked if Sovereign had finally seen my messages, ngunit sa higit isandaan ko na yatang mensahe sa page niya, ni isa wala siyang nabasa.
I sighed. Kahit man lang sana PR na lang niya. Umaasa ako na maipararating sa kanya kung sakali ngunit talagang delivered lang ang status ng chats ko. Ganoon siguro talaga. He's well-known now. Hindi lang sa Pilipinas kun'di pati sa ibang bansa.
"Ate Bev, 'yong cake po na pinatabi ko?" tanong ko sa kahera namin nang makalabas ako sa processing area.
She reached for the small cake box and gave it to me. "Tama ba? Five 'yong number ng kandila?" tanong niya.
I forced a smile and nodded. "Opo. Salamat, ah?"
She nodded. "Ingat ka. Pakisabi sa mga anak mo happy birthday."
Parang kinurot ang aking puso. Sure. I'd tell them that . . . once I finally meet them.
Dala ang cake ay nagtungo ako sa sementeryo. I sat on the grass and placed my stuff beside me. Inilabas ko sa bag ang mumurahing mga kandila saka ko ipinagtirik sina Mommy at Daddy. I then opened the box and lit the candle for my twins.
Wala pa man ay uminit kaagad ang sulok ng mga mata ko. My lower lip trembled as pain and longing filled my mourning heart. "Panlimang birthday na 'to, Mom, Dad." My tears begin to cloud my eyes. "Panlimang birthday na ng mga anak ko na hindi ko man lang sila mabati nang personal."
I watched the flame dance with the wind while my tears rolled down my face. Limang taon na, pero imbes na masanay akong wala sila sa tabi ko, parang lalo lang naging mas mahirap sa aking tanggaping ang tagal nang panahong hindi naranasan ng mga anak ko ang init ng yakap ko.
I sobbed. "H-Happy birthday, S-Sovie and S-Sofie." Nabasag ang aking tinig. "M-Mahal na mahal kayo ng Mommy . . ."
Ang sakit bilang isang na hindi ko man lang sila mayakap at mahalikan tuwing kaarawan nila. Gabi-gabi akong umiiyak habang yakap ang unan, ipinanalangin sa Maykapal na sana ay mapawi na ang bagyong ilang taon nang sumasalanta sa buhay ko.
I just want to be with Sovereign and our kids. I wanted to shower them with my love no matter how bruised my heart has been. Gusto kong ubusin ang lahat ng panahon ko sa mundo na ipinararamdam ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal tatlo. I want to watch them grow, guide them, and let them know every single day that their mother never forgot about them.
Mahal na mahal ko sila. God, mahal na mahal ko ang mga anak ko . . .
I shut my eyes and made a wish that they will still accept me once I finally meet them. Hinipan ko ang kandila at inilapag ang cake sa aking tabi. I then grabbed my wallet and counted all of the money I was able to save.
"Mommy, Daddy." I sniffed. "Dapat last month pa po ako pupunta sa Caballero Compound pero nagtaas kasi ng renta sa inuupahan kong bed space. Napilitan akong magbawas."
It took me this long to save up for my fare. Alam kong maliit na halaga lang ang kailangan dahil sa SBMA ang lokasyon ng Caballero Compound. Ang lugar kung saan nananatili ngayon ang mag-aama ko kaya lang ay kinailangan ko pang hulug-hulugan ang lupang pinaglibingan kay Daddy. Isa pa ay nahirapan din akong i-trace sina Sovereign dahil hindi naman kaagad naisapublikong sa mismong compound kung saan nagti-training ang mga Cavalier races sila nakatira.
I counted the bills with tears in my eyes. Nang mabilang ang lahat ay para akong siraulong ipinakita iyon sa puntod ng mga magulang ko. "May pamasahe na po ako." My voice cracked. "Makakauwi na ako sa mag-aama ko."
Naghahalo ang saya, pangamba, excitement at takot sa dibdib ko ngunit mas nanaig pa rin ang kagustuhan kong makita na sa wakas ang mga anak ko at ang tatay nila. Plano ko na pagkagaling ko mismo ng sementeryo ay uuwi lang ako upang maligo, magbihis at kumuha ng mga damit pagkatapos ay babyahe na ako, ngunit sa kalagitnaan ng pagsasaya ko sa harap ng puntod ng parents ko, isang lalaking naka-jacket ang lumapit sa akin.
I gasped when I felt something sharp poking my side. "Holdap 'to. Akin na ang cellphone at pera."
Horror glistened in my eyes as I trembled in fear. "K-Kuya, parang awa mo na. H-Huwag po. Kailangan kong puntahan ang mga anak--"
"Akin na sabi kun'di babaon 'tong kutsilyo sa tagiliran mo!" Idiniin niya pang lalo ang talim sa aking tagiliran. "Bilis!"
Nag-unahan sa pagbagsak ang aking mga luha. Gusto kong manlaban at huwag hayaang makuha niya ang perang nakalaan para sa pag-uwi ko sa mag-aama ko, ngunit bago ko pa man nagawang kumilos ay inagaw na niya ang perang hawak ko kasama ang cellphone na nakalapag sa aking kandungan.
"Hoy!" I cried and tried to chase him. "Please, parang awa mo na! Gusto ko nang makita ang mga anak ko, please!" Nanghina ang aking mga tuhod nang mabilis siyang nakalayo. "Please . . ."
My lower lip trembled. Bakit ba ganito? Bakit ang malas-malas ko? Is this God's way of telling me that I don't deserve to see my kids again?
Umalog ang aking mga balikat. "Diyos ko. Gusto ko lang makasama na ang pamilya ko. Gusto ko lang silang makita ulit at maparamdam sa kanilang mahal na mahal ko sila." Tiningala ko ang padilim nang langit habang nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha. "Bakit N'yo ho ba hinahayaang mangyari sa akin ang lahat ng 'to?" My lower lip trembled. "Masama ba akong tao? Wala ba talaga akong karapatang mayakap at mahalikan ang mga anak ko?"
Napayuko ako't humagulgol. Hindi pwede. Even if God doesn't want me to see them, I'd still do everything I could just to hold them in my arms again. Kahit magkandalumpo ako marating ko lang ang mag-aama ko, gagawin ko. I've waited long enough. Mourned for our family long enough. Hindi ko na kayang hayaang idikta ng mga pangyayari sa buhay ko ang dapat kong gawin.
I sniffed, wiped my tears, and walked back towards my parents' resting place. Isinara ko ang box ng cake at binilang ang mga baryang hindi nakuha ng holdaper. Nang mabilang ang lahat ay kinagat ko ang ibaba kong labi saka ako humugot ng malalim na hininga.
Bahala na.
I wiped my tears and took out the old photograph of my kids and their father. Pinatakan ko iyon ng halik saka ko basag na nginitian.
"Pupuntahan kayo ni Mommy. Even if I have to walk just to get to you, Mommy will finally come and see you, my loves." I sniffed. "Mommy will finally come home to the three of you . . ."