Kabanata 17

1483 Words
Treese "I'm sorry but you're gonna have to take the money out of your pocket if you don't have any medical insurance." Parang gusto ko na lang maglupasay. Ni singko wala na ngang natira sa akin pagkatapos ay ganito pa ang nangyari. If this is God's way of preventing me from seeing Sovereign, then I don't really know what to think anymore. Parusa ba sa akin ito? Kung oo, bakit naman masyado yatang matindi? We're officially homeless. Swerteng hindi kami pagbabayarin ng land lord dahil hindi naman sa unit namin nagmula ang sunog pero kung wala akong pambayad ng initial deposit, wala kaming titirahan ni Daddy. Kailangan ko rin ng pera para sa pagkakaospital niya. Wala rin ni isang gamit na naisalba. The only thing we have are what we're already wearing. Bagsak ang mga balikat akong naglakad pabalik sa kwarto ni Daddy. Paul, our neighbor who bravely saved my Dad, stood up as soon as he saw me came in. "How'd it go?" he asked. Bumuntonghininga ako't ikinwento sa kanya ang napag-usapan namin ng staff. Mukhang naawa naman si Paul sa amin ni Daddy kaya nang sabihin kong pipirma kami ni Daddy ng dokumentong nagsasabing kusa na kaming aalis ng ospital, nag-offer si Paul na mag-book ng motel para sa amin. We'll be there until my coming payday. Nahihiya man ay tinanggap ko na rin ang tulong niya kaysa wala kaming matuluyan. "What about you? Where are you planning to stay?" tanong ko nang maidala namin si daddy sa loob ng hotel. Paul buried his palms in his coat's pockets. "One of my buddies offered to share his room with me. I think I'm gonna crash at his place for a few nights before I go back to Arizona." He smiled. "Guess my old man was right, Treese. I'd still drag my f*****g ass back to our boring hometown." Naikwento niya sa akin ang mga pangarap niya at kung bakit siya nagtungo sa San Francisco. He wanted to become a professional violinist. Kaya lang ay walang music school na tumanggap sa kanya sa ilang lugar na pinuntahan niya. He ended up selling his violin to pay last month's rent. Ngayong nasunog din ang mga gamit niya, wala na talaga siyang choice kun'di ang umuwi na muna sa kanila. I sighed. "I hope I'd get into the racing stadium tomorrow. If I'd be able to talk to my bo--" Alanganin akong napatingin kay Paul. "I mean, my old friend, maybe Dad and I can finally go home." Kumunot ang kanyang noo. "Are you serious? I'm a utility guy in the racing stadium. I got a free pass, Treese. I can get you in." Napakurap ako. "Oh my God!" Napahawak ako sa kanyang braso sa sobrang pagkabigla. Malay ko ba kasing doon siya nagtatrabaho, eh bihira lang kaming magkausap. Minsan nagkakasabay lang kami sa pag-akyat sa floor namin. Ngayon lang nga kami nagkausap ng mahaba pa sa sampung minuto. "Thank you! Oh, God thank you, Paul! You have no idea how much this means to me!" He grinned. "Nah, don't mention it. Guess I'll see you tomorrow at seven o'clock? I'll pick you up." Naluluha akong tumangu-tango. Kinagabihan ay hindi na ako nakatulog sa sobrang excitement. I kept staring at Sovereign and the twins' photograph with my heart pounding inside my chest. Ngayon pa lang naghahalo na ang kaba at pananabik ko. Paano pa kung makita ko na si Sovereign nang malapitan? My smile faded away when something hit me. Napabangon ako't naibuga ang mabigat na hangin sa aking dibdib. What if he wouldn't believe me? Paano kung . . . hindi niya ako tanggapin dahil masyado ko siyang nasaktan noong huli naming pagkikita? I rubbed my palms on my face before I banged my chest. "No, Treese. Mahal ka ni Sovereign. Makikinig siya," pagpapalakas ko ng loob ko. Muli akong nahiga upang subukang matulog kaya lang ay masyado talaga akong excited kaya hindi rin ako dinalaw ng antok. I ended up getting ready. Ginamit ko iyong ilang pirasong damit na nabili sa dollar store kagabi gamit ang perang ipinahiram ni Paul. Nang makapagbihis ay lumapit ako kay Daddy at hinawakan ang kamay niya. "Daddy, pupuntahan ko lang po si Sovereign, ha?" Basag akong ngumiti. "Tatagan mo pa ang loob mo, Daddy. Makakauwi rin tayo ng Pilipinas nang hindi na nag-aalala." I kissed him on his forehead before I finally went out of the motel. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Paul. He gave me the ticket and told me to wait on the line. Pero dahil free pass lang naman iyon sa empleyado ay sa pinakataas ang nakuha kong upuan. Kinagat ko ang ibaba kong labi nang magsimulang ianunsyo ang pangalan ng bawat kalahok. Nang matawag ang pangalan ni Sovereign pati ang inirerepresenta niyang car company ay lakas-loob na akong tumayo upang maglakad pababa. I tried to look for a way to get near the pit stop. Ngunit nang malapit na ay naharang ako ng security personnel. I ended up going back to my seat. Bagsak tuloy ang mga balikat ko habang nanonood ako ng karera. Not until the race finally started. I saw Sovereign's blue number 22 Cavalier car swiftly passed through every gap between the other cars. Napaawang ang aking mga labi nang makita kung paano siyang nanlamon sa daan. Ang laki ng iginaling niya! Yes, I know he's already good at this but . . . oh my gosh! Look how smooth he's drifting in every curve? Kahit maraming kagitgitang sasakyan ay hindi siya napag-iwanan. I ended up enjoying the race. Para akong sira na sigaw nang sigaw ng pangalan ni Sovereign lalo na nang pumangatlo na siya sa karera. The two other racers in front of him are veteran drivers. Nagwawala tuloy ang dalawang announcer dahil sa husay niya! "Go, love! Oh my God, go Sovereign!" halos manakit na ang lalamunan kong sigaw. Napatalun-talon pa ako sa saya nang makitang nalampasan na niya ang kanina'y pumapangalawang sasakyan! Grabe na ang kilig ko noon sa tuwing nananalo siya sa illegal races na sinasalihan nila ni Raven pero itong international race na, parang pakiramdam ko ay ako iyong may hawak ng manibela dahil hindi ko na ma-contain ang emosyon ko. The race ended with Sovereign on the second spot out of the forty two cars that participated the event. Nagmamadali akong bumaba at sinalisihan ang security personnel. Humalo ako sa mga may VIP pass at pwedeng makapagpapirma ng merchandise nila sa drivers. Mabuti na lang at may kaliitan ako kaya nang mapalibutan ng mga amerikanong panatiko ay hindi kaagad ako napansin. "Sovereign!" I shouted with so much excitement when I finally spotted him. Halos isang metro na lang ang layo niya sa akin ngunit dahil dinudumog na ng fans ay hindi ko siya malapitan nang basta-basta. Dumadagundong na ang dibdbi ko. Naghahalo ang kaba at excitement. Ang takot at pangungulila. He's so near. God, he's so near . . . Sinubukan kong makisiksik habang panay ang tawag sa pangalan niya. I managed to sneak between two other bigger girls who nearly broke my eardrums after they squeaked. "Sovereign!" Hindi niya ako nilingon. Nafu-frustrate na ako dahil naitutulak na at natatakpan ng ibang babaeng nakikipagbalyahan. Yes, I know! Gwapo ang lalakeng mahal ko pero nakakainis! Bakit kailangang magsikuhan na?! I clenched my fists and shouted on top of my lungs. "Mahal!" Sovereign paused from signing a shirt. Naka-helmet pa siyang lumingon sa aking direksyon, ngunit bago pa man nagtama ang aming mga tingin ay may naniko na sa aking ulo. Sa lakas ay nawalan ako ng balanse at muntik nang matapakan. "No . . ." I stood up. "Sovereign!" tawag ko ngunit unti-unti na siyang inilayo ng security team ng Cavalier Cars. My heart jerked out of fear. Panay ang tawag ko sa kanya ngunit nasasapawan ng boses ng iba pang fans na pilit humahabol sa kanya. I tried my best to sneak between the other fans, ngunit nang makarating ako sa harap ng barikada ay masyado nang malayo si Sovereign. Nakatanggal na rin ang helmet at may kausap na sa cellphone habang sinasabayan ng lakad ang coach niya. Natulala na lamang ako habang hinang-hinang nakatitig sa direksyon niya. No, please mahal bumalik ka. Please, please lingon dito, please. My eyes began to water as frustration begin to claw my heart. Kumapit ako sa barikada at hinayaang pumatak ang aking mga luha. I felt like I'm shrinking on my spot while the man I badly wanted to come home to is taking his steps away from me. Ngunit bago ako tuluyang nilamon ng pagkadismaya ay humugot ako ng malalim na hininga't muling tinawag ang pangalan niya. "Sovereign!" My heart widened when Sovereign stopped from taking another step. His head slightly tilted as if he's planning to look back. Nagwala ang dibdib ko't ang mga palad ay lalong humigpit ang hawak sa barikada. Lingon, mahal ko. Nandito ako . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD