Kabanata 4
Invitation
Napanganga ako ng bahagya ng marinig ko ang sinabi ni Avi. Teka, tama ba ang narinig ko na isasabay niya na naman ako pauwi? Hindi ma-process ng utak ko ang sinabi niya kaya hindi ako makapagsalita.
Binasag ni Erann ang malalim kong pag-iisip.
"Aw you're so sweet babe! Okay I'll go ahead," isang flying kiss ang pinakawalan ni Erann papunta kay Avi. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil parang ako ang nahiya sa ginawa ni Erann.
"Ingat!" Pahabol ni Avi. Parehas kaming nakatayo habang nakatingin kay Erann nang pumasok ito sa sasakyan niya at agad na pinaandar iyon.
Pagkaalis ng sasakyan ni Erann ay umikot na siya papunta sa sasakyan niya. Nanatili akong nakatingin kay Avi habang naghihintay sa sasabihin niya kung puwede na ba ako sumakay o hindi pa.
Bago pumasok ay tumingin siya sa akin.
"Sakay na! Dito ko sa tabi ko." Ani Avi saka pumasok na sa loob.
Natuod muna ako ng ilang segundo dahil sa sinabi niya. Balak ko sanang kiligin kaya lang ay mukhang hindi naman niya iyon sinasadya at saka hindi naman siya siguro aware sa sinabi niya.
Kung wala siyang fiancé at narinig ko mula sa kanya 'yon ay sigurong iisipin ko na mahal niya pa rin ako or gusto niya pa ako, pero hindi.
Iwinaksi ko iyon sa aking isip.
Ang malakas niyang busina ang nagpabalik sa akin kaya naman agad akong pumasok sa may passenger seat. Kunot noo niya akong sinalubong pagka-upo ko.
"Para kang tuod na nakatayo roon," medyo natatawang sabi niya. Hindi ko iyon pinansin at nag-ayos na lamang ng seatbelt. Ang sling bag ko ay nasa may hita ko lamang.
Tumingin muna siya sa akin at parang naghihintay sa sasabihin ko.
"Okay na," alangan na sagot ko. Tumango lamang siya sa akin saka pinaandar ang sasakyan niya.
Nakatingin lamang ako sa bintana habang bumabyahe kami. Malayo kasi ang condo niya roon sa botique na pinuntahan namin kaya may kabagalan ang byahe, bahagya ring trapik kaya minsan ay natitigil kami.
Walang kumikibo sa aming dalawa. Mabuti na rin 'yon, para wala ng tanungan na maganap tungkol sa dati at ngayon. At alam kong hindi rin naman siya magiging interesado.
Maya maya ay sumagi sa isip ko ang pagpipinta ko.
"Nga pala, puwede ba tayong dumaan sa bookstore?" Basag ko sa katahimikan naming dalawa. Balak ko kasing bumili ng gamit at baka makalimutan ko pa.
Saglit siyang bumaling sa akin.
"Sure." Maiksing sagot niya sa akin saka baling ulit sa kalsada. Ngumiti ako ng bahagya.
"Thank you," sambit ko pabalik. Tumingin na lamang ako ulit sa may bintana dahil hindi naman na siya nagsalita ulit. Tanging tango lang.
Balak ko sanang sabihin na okay lang kung hindi naman siya pumayag, pero hindi ko na rin ni-voice out pa. Libre na pamasahe ko kaya okay na 'to sa akin. Mas nakatipid ako ngayong araw.
Tahimik na muli kaming dalawa.
Dinadalaw ako ng antok pero pinipigilan ko. Ayokong burden pa sa kanya at baka mamaya ay malawayan ko lang ang interior seat ng sasakyan niya, medyo maselan pa naman siya.
Nakaka-antok naman kasi talaga kapag wala kang ginagawa o wala man lang kausap. Mas nakakatuyo ng lalamunan, wala pa naman akong dalang tubig. Panis na ang laway ko dahil sa byahe na 'to.
"Saan ka ba nakatira sa Bulacan?" Taong ni Avi. Malayo pa kami sa Condo niya at natigil din kami dahil trapik.
Bumaling ako sa kanya.
"Sa lugar ni Sammy," sagot ko pabalik.
Napalunok ako ng laway dahil sa tanong niya. Nahihiya akong sabihin na nakikitira ako sa may garahe ng magulang ni Sammy dahil tiyak kong magugulat siya at uusbong na naman ang pagka-makulit niya.
Kunot noo siyang tumingin sa akin.
"Really? Sa mismong bahay nila? O kapitbahay?" Usisa niya pa. Halata talagang chismoso siya. Umusad na kami sa trapik at diretso ang tingin niya sa kalsada.
Huminga ako nang malalim. Lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya alam kong kinakabahan ako. Ayoko kasi ng ganitong topic sa usapan. Sobrang nahihiya ako kapag sinabi ko ang totoo.
"Sa bahay mismo nila." Tipid ang sagot ko dahil hindi ko makapa ang tamang sagot para hindi na siya magtanong ng mas malalim pa.
"Hindi ko alam na lumipat na pala ang mga Magulang niya. Mga magulang niya kasi ang nakatira roon, if I'm not mistaken," bakas sa boses niya ang pagtataka.
Para bang sobrang eager niya malaman kung saan ako nakatira. Habang ako kinakabahan at nag-iisip ng paraan kung paano lulusutan ang tanong niya na hindi niya nahahalata.
"Ah doon pa rin naman nakatira ang mga Magulang niya, sila Tita." Sagot ko.
Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa para hindi niya na ako matanong pa. Gusto ko na lang na paliparin niya ang sasakyan para agad na kaming makapunta sa bookstore para hindi na siya makapag-tanong pa.
Lord, please help me!
"And you also live there?" Tanong niya sabay baling sa akin ng saglit. Kita ko ang pagka-kunot ng kanyang noo at ang boses niyang hindi makapaniwala.
Tumango ako.
"Yup. Nirerentahan ko ang garahe nila," halos pabulong na sagot ko. Pero alam ko namang narinig niya iyon. Umiwas ako ng tingin dahil bumaling ulit siya ng tingin sa akin.
Napakagat na lamang ako sa labi ko dahil nahihiya talaga akong malaman niya na sobrang gulo ng buhay ko. Na sobrang hirap ko at hindi ko man lang afford na mang-upa ng isang maliit na apartment.
Mangha ang mukha niya ng saglit siyang tumingin sa akin.
"You live in there garage?" Mataas ang boses na tanong niya. Nagulat naman ako roon kaya kumabog na naman ang dibdib ko.
Bahagya akong natawa.
"Yes," simpleng sagot ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tanging yes lang ang nasagot ko.
"Why? I mean what happened?" Mas mahinahon na ang boses niya pero bakas pa rin ang pagtataka sa boses niya.
Napahawak ako sa aking buhok dahil hindi ko alam ang isasagot. Kinakain na naman ako ng hiya at sa loob loob ko ay ayoko rin pag-usapan 'yon dahil medyo hindi ako kumportable.
"Iyong kinikita ko kasi sa pagpipinta sa pagkain at gamit lang napupunta. Hindi ko pa kasi kayang umupa," simple kong sagot.
Kailangan ko pa munang makapag-ipon at magbawas ng utang kay Sammy para kapag nakahanap na ako ng uupahan ay 'yong bayad na lang buwan buwan ang iispin ko.
"Oh sorry to hear that. Gaano ka na katagal na nakatira roon?" Tanong niya pa.
Gusto ko sana na sabihin na tumigil na siya kaya lang ay nahihiya naman ako sa ugaling ia-asta ko kung sakali. Gusto niya lang naman siguro malaman ang buhay ko kaya hinayaan ko na lamang.
Huminga na lamang ulit ako nang malalim saka sinagot ang tanong niya.
"Two years," simpleng sagot ko.
"Why don't you look for an apartment? 'Yong mas maayos at mas maluwag?" Ani Avi. Sa kalsada pa rin siya nakatingin at saglitan kung bumaling sa akin.
"May balak naman talaga ako, sadyang naghihintay lang ako ng timing." Masaya ang boses na sagot ko. Timing sa magandang uupahan at timing sa pera.
Tumango lamang siya sa sinabi ko at nag-pokus na muli sa pagmamaneho. Katahimikan muli ang bumalot sa aming dalawa. Nanatili akong nakatanaw sa bintana at hindi lumilingon sa kanya.
Makalipas ang kalahating oras na byahe ay huminto kami isang bookstore. Makulimlim pa rin ang langit ng lumabas ako sa sasakyan. Nauna na akong naglakad dahil hindi ko naman alam kung sasama siya sa loob o maghihintay sa sasakyan niya.
Malakas ang hangin sa labas kaya sigurado akong uulan anumang oras. Pagkapasok sa store ay sinalubong ako nang malamig na paligid. Sobrang lakas ng aircon sa loob kaya naman nagsitaasan ang balahibo.
"Wooh ang lamig!" Hawak ko ang dalawa kong braso saka dumiretso ako sa stante ng canvas at mga pangkulay.
Gumalaw galaw na rin ako para hindi ko gaanong maramdaman ang lamig. Hindi ko kasi dala ang jacket ko dahil kanina ay hindi naman gaanong malamig kahit umuulan.
Medyo nahihirapan kasi akong pumili ng mga kulay dahil lahat ay magaganda at kailangan ko o 'di kaya'y gusto ko i-try kaya lang ay hindi ko naman puwede isingit iyon dahil nandito ako sa maynila at medyo magastos ang bilihin.
"Nilalamig ka?" Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Avi na ilang hakbang lang ang layo sa akin.
Nailang ako ng kaunti dahil sa usapan namin kanina. Hindi ko alam na kasunod ko pala siya mula pa kanina, hindi ko kasi napansin dahil busy ang atensyon ko sa magagandang kulay sa harapan ko.
Ibinaba ko ang kamay ko mula sa braso ko.
Umiling ako sa kanya. "Ah hindi," palusot ko.
Tumango lang siya sa akin kaya naman ako ay bumalik ang atensyon ulit sa mga pangpinta. Nakasunod lang siya kaya naman may pagkakataon na binibilisan ko ang lakad ko sa mga istante para lang hindi niya ako maabutan.
Ayoko kasing malapit siya sa akin.
Sa huli ay dalawang canvas at isang kulay blue na paint ang binili ko. Dala ko naman ang ilan sa mga art materials ko kaya kaunti lang ang binili ko.
Nakasunod pa rin si Avi sa akin.
"That's all?" Taas ang kilay na turo niya sa mga binili ko.
"Oo," sagot ko.
"Kumuha ka pa ng kailangan mo, ako ang magbabayad." Maliit ang ngiti sa kanyang labi habang sinasabi iyon. May pila kasi sa counter kaya medyo nasa huli kami.
Umiling ako.
"Hindi na. Ito lang naman ang kailangan ko, may iba pa 'kong gamit na dinala ko." Pagtanggi ko sa alok niya. Ayokong gumastos ng pera ng ibang tao para sa mga luho ko. Gusto ko ay 'yong galing lang talaga sa akin.
Kumunot ang noo niya.
"You sure?" Paniniguradong tanong niya pa sa akin.
Nag-step forward muna ako dahil may isang customer ang tapos na. Lumingon ulit ako sa kanya saka tumango at ngumiti ng bahagya.
Mas nakaramdam ako ng lamig dahil nakatapat sa counter ang aircon na sobrang lakas ng buga. Kahit hindi ko pansinin ay alam kong nagsisitayuan ang mga balahibo ko.
Nanatiling nakatayo si Avi sa likuran ko habang hinihintay namin ang pag-usad sa pila. Nasa balikat lamang ni Avi ang height ko kaya naman nakaka-ilang ng kaunti. Para siya body guard na pogi.
Bumaling ako sa kanya.
"Puwede mo naman akong hintayin na lang sa labas." Untag ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nakatayo pa siya sa likod at naghihintay sa counter kung pwede naman siyang maghintay sa labas.
Umiling siya.
"Huwag na. Saka malapit naman na ang turn mo." Pagtanggi niya. Tumango na lamang ako saka muling bumaling sa may pila.
Maya maya pa ay turn ko na sa cashier. Inilagay ko na sa harap nung cashier ang lahat ng binili ko. Sinimulan niya iyong ni-punch. Habang pina-plastic iyon ay napatingin siya sa akin at kay Avi.
"Mr. Dela Fuente ikaw pala 'yan. Long time no see ah?" Pagbati niya kay Avi na nasa likuran ko. Umusog ako ng bahagya para makapag-usap sila kahit papano.
Natawa si Avi.
"Oo nga. Kumusta ka na?" Balik na tanong ni Avi doon sa cashier. Ibinigay nung babae sa akin ang plastic na binili ko habang nakikipag-kuwentuhan siya.
"Ito okay pa rin. Balita ko malapit ka na pang ikasal?!" At doon napunta ang topic nila.
Tumango si Avi at sumilay ang ngiti sa labi. Itinuon ko ang aking atensyon sa pinamili ko dahil mahirap na baka akalain nila ay chismosa ako at hinihintay ko ang batuhan nila ng tanong.
"Yeah. Next month na," bakas sa boses ni Avi ang excitement at saya.
"Naks naman. Siya ba?" Tanong nung Cashier. Pagkarinig ko sa tanong na 'siya ba' ay otomatikong napaangat ang tingin ko papunta sa kanila.
Silang dalawa ay nakatingin sa akin. Iyong cashier ay naghihintay ng sagot. Nagpanic ang kaloob looban ko kaya naman agad akong nagsalita.
"Ay hindi po ako 'yon," sagot ko.
"She's friend. My fiancé's name is Erann." Sagot ni Avi sa tanong nung Cashier. Napa-oh na lamang ang cashier. Ako naman ay napayuko.
Habang nag-uusap pa sila ay nakatingin lamang ako sa labas habang hawak ang plastic na binili ko. Maya maya ay bumuhos ang ulan, sobrang sama siguro ng pakiramdam ng langit kaya hindi na kinaya.
Napailing ako sa naiisip ko.
"Mauna na kami. Nice meeting you again." Sabi ni Avi sa cashier.
"Okay. Ingat kayo at malakas ang ulan." Nag-wave lang ang cashier at inasikaso na ang isang customer na kung hindi pa yata magbabayad ay hindi sila papatinag sa usapan.
"Let's go." Aya ni Avi sa akin. Siya na ang nagbukas ng pintuan. Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Bumungad sa amin ang malakas na ulan.
Isang kanto ang layo ng parking kung nasaan ang sasakyan niya sa bookstore kung nasaan kami. Wala naman akong dalang payong kaya hindi ko alam kung anong gagawin namin.
"Puwede naman nating hintayin na tumila ang ulan." Suhestyon ko.
Napatingin siya sa akin.
"May trabaho pa kasi ako, kaya bawal akong malate." Sagot niya. Napatango na lamang ko sa sinabi niya.
Dapat kasi ay hindi na lang siya sumama sa akin o di kaya'y hindi niya na lang ako hinintay. May trabaho pa pala, e 'di sana hindi siya naabutan ng ulan.
Maya maya ay hinubad niya ang suot niyang black coat. Ngayon ay naka-puting long sleeve na lamang siya at 'yong tie niya. Napatingin ako sa ginagawa niya.
"Okay lang ba kung ito na lang?" Tanong niya sa akin. Natuod ako ng bahagya sa suhestyon niya kaya hindi ako gaanong nakapagsalita.
Tumango ako.
"Okay," simpleng sagot ko. Ibinuklat niya ang kanyang jacket at ipinatong niya iyon sa ulo naming dalawa. Nasa kaliwa niya ako at siya naman ay sa kanan sa gilid ng kalsada.
"Puwede ka bang tumakbo? Para makarating tayo nang mabilis at hindi gaanong mabasa." Untag niya. Tanging tango lang din ulit ang nasagot ko.
Bumilang siya ng hanggang tatlo hanggang sa tumakbo kaming dalawa. Parehas na hawak namin ang jacket niya upang hindi kami mabasa. Walang tao sa kalsadang tinatawid namin dahil sa sobrang lakas ng ulan. Kaming dalawa lang.
Muntik pa akong madapa dahil hindi ako makapag-pokus sa dinadaanan namin. Mas nabibigyan ko ng pansin kung paano kami tumatakbo sa ulan ng kaming dalawa lamang.
Dahil doon, ang kaliwa niyang kamay ay lumipad sa kaliwa kong balikat at saka ako hinapit palapit sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nahigit ko ang hininga ko dahil sa ginawa niya.
Sa mga oras na 'yon ay para bang nasa isang pelikula kami.
Tumingin ako sa kanya habang tumatakbo kami kahit alam kong puwede akong madapa sa ginagawa ko. Ang atensyon ni Avi ay naka-pokus sa daan kaya naman ganoon din ang ginawa ko.
Nang makarating sa tapat ng sasakyan niya, ay ako ang una niyang pinapasok sa passenger seat habang pinapayungan pa rin ako gamit ang coat niya. Pagkasara ko ng pintuan ay siya naman ang umikot upang makapasok sa driver seat.
Parehas kaming hingal pagka-upo. Agad niyang pinatay ang aircon ng sasakyan niya dahil masyadong malamig.
"Okay ka lang?" Natatawang tanong niya sa akin. Basa rin siya ng kaunti gaya ko. Parehas na basa ang buhok namin at ilang parte ng katawan.
Tumango ako.
"Hiningal ako." Natatawang sagot ko pabalik.
Natawa siya.
"Me too." Sagot niya pabalik. Inilagay niya sa back seat ang basa niyang coat. At mula sa backseat ay may kinuha siyang isang grey na jacket.
Inabot niya sa akin iyon.
"Naku 'wag na." Tanggi ko. Siya ang mas basa sa amin kaya mas mainam na siya na ang mag-suot noon. May trabaho pa siya at basa ang long sleeve niya.
Siya na mismo ang naglagay noon sa hita ko.
"Suotin mo na 'yan, alam kong kanina ka pa nilalamig. Sige na." Wala na akong nagawa kaya naman sinuot ko na lamang iyon para hindi na kami magtalo pa.
After makapag-pahinga ay nag-drive na siya para ihatid ako sa Condo niya. Hindi ako makakibo dahil hiyang hiya na ako sa mga nagawa niya ngayon para lang sa akin. Hindi ko alam tuloy ang gagawin para mabayaran siya.
Nabasa pa ang attire niya para lang samahan ako bumili. Sabagay ayaw niya rin siguro biguin si Erann dahil pinangako niya na ihahatid niya ako sa Condo, para mapanatag si Erann.
Mahal na mahal niya talaga.
Muli lang akong tumanaw sa lumalagasgas na tubig sa bintana habang binabagtas namin ang daan pauwi sa Condo. Walang nagsasalita sa aming dalawa.
"Nga pala, pasensya na kanina kung napagkamalan kang ikaw ang Fiancé ko," pambabasag niya sa katahimikan sa aming dalawa.
Napatingin ako sa kanya.
"Okay lang," pilit ang sagot ko sa kanya.
Makalipas ang dalawampung minuto ay nakarating na kami sa Condo niya. Nagpa-assisst siya doon sa Guard para mapayungan kami papunta sa lobby.
Akala ko ay hanggang doon lang siya pero nagulat ako ng sumabay siya sa akin sa elavator. Ibig sabihin ay aakyat din siya sa condo niya. Malamang ay sa kanya iyon, kaya may karapatan siya.
Napailing na lamang ako.
Pagkapasok sa Condo niya ay hindi ko alam kung saan ako tutungo kaya naman ang ending ay pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.
Si Avi ay dumiretso sa kwarto niya. Pagkalabas ko mula sa kusina ay nakita kong nakapagbihis na siya at nakaupo sa couch. Hindi bukas ang aircon, malamang ay nilalamig siya.
"Gusto mo ng kape?" Alok ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at umiling.
"No need, thank you. Paalis na rin ako." Tumango lamang ako sa kanya. Nanatili akong nakatayo sa hamba ng kitchen at naghihintay sa pagtayo niya para maihatid ko siya sa pinto.
Ilang minuto rin ang tinagal bago siya tumayo.
"Ihahatid na kita," bulalas ko. Napatingin siya sa akin. Nagulat ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro halata na pinapaalis ko na siya?
Napapikit ako roon nang mariin.
Bago siya maglakad papunta sa may pinto ay may iniabot siyang makintab na papel sa akin. Kumunot ng bahagya ang noo ko kaya naman agad ko iyong kinuha sa kanya at tiningnan.
Axton Vito and Erann wedding invitation.
Umangat ang tingin ko sa kanya saka pekeng ngumiti.
Biglang kumirot ang dibdib ko dahil doon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Nabigla ako. Akala ko nung tumawag si Sammy sa akin at sinabi na ikakasal na si Avi, ay kaya ko at okay lang sa akin.
Pero ang makita ang invitation, at mismong si Avi ang nagbigay, iba ang atake. Feeling ko ay mahahati sa dalawa ang puso ko.
"Thank you," tipid ang sagot ko sa kanya.
Tumango siya.
"Inaasahan ka namin sa wedding, kaya sana makapunta ka." Nakangiti siya sa akin habang sinasabi iyon. Bahagya na lang din akong ngumiti para naman maramdaman niya na gusto ko rin.
"Sure. Makaka-asa kayo." Paninigurado ko sa kanya. Iyon lang muna siguro sa ngayon ang masasabi ko sa kanila. Masaya ko para sa kanila at totoo 'yon.
Ang hindi lang totoo para sa akin ay ang katotohanan na hanggang ngayon ay affected pa rin ako. Hindi ko alam, pero sa tingin ko ang hirap sa part ko na magpunta sa kasal nila at magpanggap na tanggap ko at okay lang sa akin, kahit hindi.
It's hard to watch the wedding of a person, who promised to marry you.
Muli siyang ngumiti sa akin at tumango. Ganon din naman ako. Nagpaalam na siya na aalis na dahil may trabaho pa raw siyang naiwan. Um-oo lang ako at hinatid siya sa may pintuan.
"Nga pala, salamat sa pagsama at paghatid." Pagpapasalamat ko. Mukhang sa kasal na niya kami ulit magkikita dahil magiging busy na sila.
Ngumiti siya.
"You're always welcome." Sagot niya pabalik.
Mukhang naging mabait siya sa akin ngayon dahil sa nai-kuwento ko ang buhay ko kanina, kung hindi naman siguro ay mang-iinis pa rin siya.
Bahagya lamang akong ngumiti.
"Malamig ngayon, you can use my heater para hindi ka na mag-init ng tubig." Iyon lamang ang sinabi niya saka nagpaalam at naglakad papunta sa elevator.
Nakatingin lamang ako sa kanya hanggang sa pumasok na siya sa elevator at hindi ko na nakita pa. Huminga ako nang malalim at pumasok na sa loob. Pagka-lock ng pinto ay agad akong naupo sa couch.
Binuksan ko ang loob ng invitation. Sobrang ganda ng design at mabango dahil scented paper ang ginamit. Halatang pinagkagastusan.
Maya maya ay napatingin ako sa jacket na suot ko. Nagulat pa ako dahil hindi ko naisuli kay Avi, malamang ay ito ang ginagamit niya sa lahat ng ginagawa niya.
Wala akong cellphone kaya naman nanghiram ako sa may lobby. Pinayagan naman ako nung babae. Hiningi ko rin sa kanya ang number ni Avi, mabuti na lang ay mayroong siyang copy.
Nagpakilala ako sa text.
To Avi:
Avi, it's Aysel. Nakalimutan kong isuli 'tong jacket mo. I'm thinking if where and when I can give it back to you? Ayoko namang itambak sa condo mo.
P.s I borrow the phone from the lobby. Just one reply only. Thank you.
Hinintay ko na rin ang reply niya para mabura ko ang message at mabalik doon sa babae sa reception desk.
Maya maya ay isang text ang pumasok.
From Avi:
It's okay, you can keep it. I love you!