Kabanata 3
Talk
Natuod ako sa pagkakatayo sa gilid niya dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko at hindi ko man lang magawang makalunok.
Namamawis na rin ako dahil bigla akong na-tense sa sinabi niya. Alam niya kaya? Kung anu ano na ang tumatakbo sa isip ko, na baka sabihin niya na alam niya lahat. Na kilala niya ako noon pa man.
Hindi ko magawang sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Umatras ang labi ko at walang ma-produce na salita ang utak ko.
Blangko.
"Masyadong devastated si Avi ng mga panahon na 'yon nung magkakilala kami. That's why I strive hard to help him, to be with him para makalimutan niya 'yong taong nagwasak sa puso niya." Pagkukuwento niya.
Nanatili akong nakikinig dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong sabihin na itigil na niya ang pagku-kuwento kaya lang ay wala namang lumalabas sa bibig ko.
Pakiramdam ko tuloy ay bibitayin ako at anumang oras ay hihimatayin dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko. Para bang bibigay ang puso ko sa mabilis na pagkabog nito.
Matagal ko na rin namang gustong malaman kung anong nangyari kay Avi magmula ng maghiwalay kami. Sa loob ng anim na taon na nawala ako ay hindi ko man lang siya nagawang kamustahin o di kaya ay i-try na i-search sa f*******:.
Dahil para saan pa? I'm sure he doesn't care rin naman sa akin.
Nagpatuloy si Erann.
"Kaya nung naging kami. He gave this necklace. Thank you gift niya raw sa akin dahil sinamahan ko siyang maka-move on. And the rest is history, and now we're getting married." Pagpapatuloy niya pa.
Bahagya akong napayuko sa huling sinabi niya.
Ramdam ko ang kilig sa boses niya habang sinasabi iyon. Iyong boses niya na para bang nagsasabi na hinding hindi siya magsasawang i-kuwento 'yon sa iba.
Napalunok na lang ako ng laway.
"Avi must be very thankful to have you for all the time when he couldn't love himself." Iyon lamang ang tanging nasabi ko habang hindi makatingin sa kanya.
Gustong lumabas ng mga luha ko pero pinigilan ko. Ayokong makita ni Erann na umiiyak ako at itanong ang dahilan kung bakit. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya malaman niya na ako ang dahilan kung bakit wasak na wasak si Avi noon.
But on the other hand kapag sinabi kong ako ang dahilan ay baka magalit siya pero agad din namang magiging masaya. Hindi niya makikilala si Avi kung hindi ko sinira at winasak ang puso nito.
Ngumiti siya nang malawak at tumango dahil sa sinabi ko.
"Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanya. Because before he's always there for me, when no one else was." Sagot niya pabalik.
Naging sandalan pala nila ang isa't isa noon. They met each other nung mga panahong wala silang inspiration.
Tumango na lamang ako at saka huminga nang malalim. Anim na taon na rin naman ang nakalipas, parehas na silang masaya ngayon. Kaya baka oras na rin para sa sarili ko na sumaya.
"Let's go," aya ko sa kanya. Pumasok 'yong babae kanina kaya dalawa kaming alalay niya palabas. Mahaba kasi ang veil nung gown na suot niya kaya nahihirapan siyang lumakad.
Napalakpak ang receptionist pagkakita kay Erann.
"Wow, you're gorgeous!" Namamanghang sabi nung receptionist. Napatango rin ako dahil sobrang bagay at ganda niya talaga habang suot suot 'yong gown.
"Ay hindi naman. Maganda kasi 'yong gown at maganda ang design." Ani Erann.
Nakatitig lamang ako sa kanya habang siya naman ini-i-sway ng bahagya ang gown niya. Maya maya ay nagulat ako ng biglang tumunog ang bell sa may pintuan ng botique.
Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Avi sa may pintuan, habang nakasuot ng pang-office attire. Tumagal ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko naman inaasahan na pupunta pala siya.
Hindi ba masama na makita niya ang bride niya habang nakasuot ng wedding gown?
Kumawala ang tingin ko sa kanya ng kainin niya ang layo nilang dalawa ni Erann. Agad niya itong niyakap at saka hinalikan si pisngi. Napalayo ako ng tingin ng bahagya.
"Wow!" Manghang sabi ni Avi ng pagtuunan niya ng pansin ang gown na suot ni Erann. Kahit nakatikod siya sa gawi ko ay ramdam ko ang excitement sa boses niya.
Sino ba naman kasi ang hindi magagandahan kay Erann, kahit babae ay magkakagusto sa kanya dahil sa ganda. Sobrang bait at innocent pa.
"You're beautiful," dagdag pa niya.
"Heh hindi naman." malawak ang ngiting balik na sagot ni Erann.
Naglalambingan sila sa harap namin kaya naman tumalikod na lang ako. Hindi naman sa bitter ako o ano, binibigyan ko lang sila ng privacy sa kanilang dalawa.
"Pari na lang ang kulang sa inyong dalawa." Pansin sa kanila nung receptionist. Umangat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Nakatingin sa akin si Avi kaya naman bahagya na lamang akong ngumiti. Lumalakas ang t***k ng puso ko kaya feeling ko anumang oras ay mahihimatay ako rito.
"Witness kayo," ani Avi.
Ako naman ang napatingin sa kanya dahil doon sa sinabi niya. Tsk! Dinamay pa kaming dalawa rito. Tumaas ang gilid ng labi ko, mabuti na lamang at nakatuon ang atensyon niya kay Erann.
Nanatiling nakatayo ako at 'yong receptionist habang hinihintay namin silang dalawa. Nag-uusap pa kasi sila at naglalambingan kaya medyo tumagal kaming naghintay.
Lumipad ang atensyon ni Erann sa amin nung receptionist ng sabihin niya na magpapalit na siya at iyong gown ang pinili niya. I am about to go in the fitting room kaya lang ay tumanggi siya.
"No. Si ate receptionist na lang, may pag-uusapan din kasi kami. Upo ka na lang muna diyan," ani Erann sa akin.
Tumango ako. "Okay," sagot ko saka umupo sa kulay rose-gold na couch na sobrang cozy tingnan at ang lambot.
Agad naman siyang inalalayan nung Receptionist na Bela pala ang pangalan. Habang si Avi naman ay naiwan rin dahil bawal naman siyang pumasok sa loob dahil magpapalit na si Erann.
Hindi ako tumitingin sa kanya. Nililibot ko lamang ang tingin ko sa buong lugar. Sayang lang at wala akong phone para naman magmukha akong busy na may kausap o maglaro.
Bakit kasi ang hirap hirap ko! Ako lang yata at taong nagpunta sa Manila na walang cellphone. Buti na lang buhay pa ko ngayon kahit papano. Akala ko ay mamamatay na ako sa pagka-bored.
"How's my condo?" Tanong ni Avi sa akin. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya dahil baka mamaya ay iba pala ang kausap niya o baka may iba pa siyang condo na tinutukoy.
Nang hindi ako sumagot ay umupo siya sa couch. Malaki kasi ang espasyo roon kaya naman kasya ang tatlong tao. Umusad ako ng kaunti habang hindi pa rin siya tinitingnan.
"Come on, wala akong sakit Aysel!" He exclaimed. Dahil doon ay saka pa lamang ako napatingin sa gawi niya. Parehas kaming nasa dulo ng couch at open ang gitna namin.
Tumaas ang kilay ko.
"Okay ang condo mo. Malinis na malinis!" May diin na sagot ko sa tanong niya kanina. Akala mo naman ay may nanakawin ako sa condo niya kung makatanong.
"Maayos kong iniwan 'yon, bago kami pumunta rito." Dagdag ko pa. Ayokong tumingin sa kanya dahil naiinis ako kapag nakikita ko ang gwapo niyang mukha.
Narinig ko ang pag-tsk niya.
"Mabuti naman, dahil kapag madumi 'yon ay papaalisin na kita." Sagot niya pabalik sa akin. Ramdam ko ang pagbabanta sa boses niya kaya bahagya akong kinabahan dahil doon.
Pero na-realize ko na hindi naman siya totoo sa mga binibitawan niyang salita. Kaya wala akong dapat na ikatakot, sanay na ako.
"Alam mo sabihan mo ako ng ganyan kung nakita mong madumi talaga ang condo mo. E hindi naman, once ko lang naman 'yon ginamit saka malinis akong tao sa bahay 'no!" Patutsada ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa kanya.
Napairap na lamang ako dahil mas natawa pa siya sa sinabi ko na para bang nagbibiro ako.
"Masama ka na palang tanungin ngayon," sagot niya.
Napairap ako sa kawalan.
"Oo masama kaya 'wag mo kong kausapin." Mataray na sagot ko sa kanya saka umayos ng upo. Saka inilihis ko sa ibang direksyon ang tingin ko.
Matagal pa naman si Erann sa loob kaya naman lumabas muna ako.
Naso-suffocate ako sa lapit ni Avi at hindi ako makahinga nang maayos. Lalo kapag kinakausap niya ako. Lagi kong nahihigit ang paghinga ko at nakakalimutan ko paano gawin 'yon.
Napailing na lamang ako.
May katapat na maliit na grocery stall ang botique kaya naman agad akong tumawid at bumili ng beer at isang pirasong snickers na chocolate. Pakiramdam ko kasi ay sobrang tagal ko na nung huling kinain ko 'to pero inaraw araw ko naman.
Pagkatawid pabalik sa botique ay nanatili lamang ako sa labas habang kumakain ng chocolates, mainam na rin dahil bawal yata ang pagkain sa loob. At ayoko rin makita si Avi.
Pero maya maya lang ay tumunog ulit ang bell ng pinto at bigla na lang tumabi si Avi sa akin sa pagkakatayo ko sa gilid noon. Nagulat ako kaya bahagya akong natuod doon.
"Pansin kong lagi iyan ang kinakain mo," pagbubukas niya ng topic. Uminom ako ng beer at hindi siya pinansin. Bahala siyang magsalita ng magsalita.
Tumikhim siya.
"Low budget ba?" Nang-iinis na tanong niya. Napairap ako at masama siyang tiningnan. Ang nakakalokong ngiti niya ang bumungad sa akin.
Tumaas ang gilid ng labi ko.
"Sanay kasi akong magtipid. Hindi ako gastador ng pera." Patamang sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Pero ang totoo ay wala talaga akong pera. Tanging ang hiniram kong sampung libo kay Sammy ang pera ko.
At utang pa.
Wala rin kasi akong naipon sa dalawang taon ko sa Paris noon. Imbis kasi na sarili ko at passion ang hanapin ko roon pagkalipad ko, ay stress at sama ng loob lamang ang nakuha ko. Pero masaya rin dahil na-experience ko iyon, minsan sa buhay ko.
Wala rin akong stable job at tanging pagpipinta ang kinakabuhay ko kaya wala rin akong naiipon, dahil lahat ng kinikita ko ay nauuwi lang sa mga gamit at panggastos ko.
"Pitong taon ka na atang nagtitipid. Mukhang malaki na ang pera mo sa bangko a?!" Usisa niya pa. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.
Bakas sa boses niya ang pang-aasar kaya naman hindi ko maiwasan ang makaramdam na naman ng inggit dahil doon. Napahinga na lamang ako nang malalim at uminom ng beer.
"Secret," tanging sagot ko sa kanya. Wala naman kasi talaga akong naipon, wala rin nga akong account sa bangko or kahit na ano.
Lumalim ang pag-iisip ko dahil sa topic na 'yon. Sayang lang at hindi ko naisip na magtabi noon para sa ngayon. Hindi siguro ako maghihirap ng ganito. E 'di sana hindi ako niyayabangan ng Avi na 'to!
Napapaisip tuloy ako na paano kaya kung Engineer pa rin ako hanggang ngayon. Paano kung hindi ko pinili ang pumunta sa Paris at ipagpatuloy ang pagpipinta?
Maayos kaya ang buhay ko? Kasal na kaya ako at may anak na? Napailing ako. Kahit pa ulitin ko ng ulitin ang mga what if's na 'yon ay hindi naman iyon maibabalik. Magsisisi lang ako.
"Bakit hindi ka magpagawa ng bahay rito sa Manila?" Tanong pa ni Avi sa akin. Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay dahil sa tanong niya.
"Seriously iyan ang tanong mo?" Balik na tanong ko sa kanya. Kung saan saan na napunta ang usapan namin, puwede naman kasi niyang iderektang itanong kung kumusta ako.
Tumango siya.
"Yeah," ani Avi.
"Hindi kasi ako taong Maynila. Saka I already made my life in Bulacan, kaya mas gusto ko roon." Sagot ko sa kanya sabay tungga ng beer.
"I thought gusto mo, may bakanteng lote kasi sa subdivision ni Erann kaya baka want mo bilhin," sagot niya sa akin. Seryoso ang boses niya.
Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman agad akong napatingin sa kanya. Nagkasalubong ang mga tingin naming dalawa.
"May subdivision si Erann?" Namamanghang tanong ko. Ngayon ko lang nalaman na may ari pala ng subdivision si Erann. Ibang klase rin pala ang yaman niya.
Tumango siya.
"Yes meron." Simpleng sagot ni Avi.
Napahanga ako roon at bahagyang napatango tango. Sabagay kung sa iba naman ay hindi na nakakagulat 'yon dahil isa siyang model at malaki ang kinikita niya.
"Ilang taon na ba si Erann?" Ako naman ngayon ang nagtanong sa kanya. Wala kasi akong gaanong alam kay Erann dahil hindi naman namin napag-uusapan.
"Twenty six," nakangiting sagot niya.
Mas lalo akong nagulat doon. Muntik pa yata akong masamid habang umiinom ng beer. Pinunasan ko ang bibig ko at tumingin kay Avi.
"Twenty six na siya? Magka-age pala kami." Sagot ko kahit hindi naman niya tinatanong.
Wala gusto ko lang sabihin na magka-edad kami. Hindi ko akalain na ang bata niya pa pero ang dami na niyang narating sa buhay at ngayon ikakasal na siya. Sobrang bilis talaga ng panahon kapag nag-e-enjoy ka sa buhay mo.
Saka nasa peek na rin siya ng age niya na maging successful dahil twenty six na pala siya. Kagaya ng age ko.
Ako nga twenty six na rin pero wala pa ring nakukuha sa buhay. Wala pa 'kong sasakyan o kahit man lang cellphone. Walang maayos na bahay. Kabilang na yata ako sa poorest of the poor.
Isa lang akong artist na walang pera.
Siguro maghihintay na lang ako ng tamang panahon para makuha ko 'yong dapat na para sa akin. Kung dadating man ang araw na 'yon.
Napabuntonghininga na lamang ako at agad na inubos ang laman ng beer maging 'yong chocolates. Marami yatang pinag-uusapan si Erann at si Bela, na receptionist dahil hanggang ngayon ay nandon pa rin sila sa loob.
"How about you? Ano na ang kondisyon ng buhay mo?" Pagtatanong ulit ni Avi sa akin. Parehas kaming nanatiling nakatayo at nakatanaw sa mga sasakyang nagdaraan.
Lumipad sa kanya ang tingin ko.
Nagkibit balikat ako saka bahagyang natawa. Ang dami niya pang tanong kanina, itong tanong lang pala ang ending na gusto niyang malaman.
"Eto alive and kicking. Still painting is my source of income. Wala naman gaanong nagbago sa akin ngayon. Ganoon pa rin noon." Sagot ko, kung iyon ang gusto niyang marinig.
Hindi ko naman puwedeng sabihin na mahirap pa rin ako hanggang ngayon. Na nakatira ako sa isang garahe at pinapagod ang sarili sa pagpipinta. Ayokong asarin niya ako at masira ang mood ko.
"You already have a boyfriend?" Usisa niya.
Nanlaki ang mata ko dahil doon. Tumingin ako sa kanya.
"Bakit mo naman natanong?"
Siya naman ngayon ang nagkibit balikat. Pahiwatig na gusto niya lang malaman at hindi naman siya gaanong interesado.
"Nothing. It's been six years, I mean ako masaya na 'ko. I'm getting married one month from now. Ikaw ba wala ka pang balak?" Tanong niya.
May lahi talaga 'tong chismoso.
"Naiisip ko naman. Pero sabi ko nga siguro hindi pa muna ngayon. I know I'm not any younger anymore, but tadhana na lang siguro ang magde-decide para roon." Maka hulugang sagot ko.
Hindi naman ako nagmamadali magka-pamilya, although ang lungkot dahil ako na lang ang mag-isa sa buhay still okay pa naman ako. Dadating naman siguro ako sa part na 'yon. Not now, but soon.
"By the way, hindi ko pa pala nasasabi 'to sa'yo pero congratulations sa inyo ni Erann. Masaya ko para sa'yo, totoo." Dagdag ko pa.
Hindi ako sigurado kung makakausap ko pa siya ng ganitong masinsinan at malapitan sa mga susunod na araw dahil magiging busy na silang dalawa at siguro medyo magiging awkward na rin kapag naulit pa 'to.
Ngumiti siya at tumango.
"Thank you. Masaya rin ako dahil tinaggap mo 'yong invitation namin. I'm glad to see you again after six years." Ako naman ngayon ang ngumiti at tumango dahil sa sinabi niya.
Hindi ko akalain na magkikita pa rin pala kami makalipas ang anim na taon. Mas lalong hindi ko na-imagine na tatagal ng anim na taon bago kami magkita ulit. Akala ko magbabago na ang buhay ko makalipas ang anim na taon, hindi pa rin pala.
Akala ko may uuwian ako pagkatapos ng anim na taon na usapan namin. I am excited before and vey realistic sa magiging buhay ko. Balak ko sana siyang surpresahin noon, pero ako pala ang mas na-sorpresa.
Katangahan ko na rin siguro na hindi ko pinaalam sa kanya na hindi naman ako umabot ng anim na taon sa Paris. Na after two years ay naka-uwi na agad ako rito. Masaya siguro ang buhay ko ngayon.
"Oo nga. Nagulat lang talaga ako dahil ikakasal ka na pala," sambit ko. Mahina lamang iyon pero alam ko na narinig niya ang sinabi ko.
Hindi ako nakatingin sa kanya at nanatiling nakapako ang tingin ko sa mga sasakyan. Gusto kong malaman sana kung bakit ang bilis naman, o kung paano nangyari 'yon. Pero magiging torture pala 'yon sa akin kaya 'wag na lang.
Kapag okay na sa kanya. O kaya kapag hindi na masakit para sa akin.
"Me too, I never saw it coming. I just found myself falling and falling for her, over and over again." Pagsisimula niya. I can't help but to wonder how they met, pero ayoko naman na tanungin siya.
Tumango ako at bahagyang ngumiti.
"Naiintindihan ko," simpleng sagot ko sa kanya.
"Letting you go was the hardest thing I've ever had to do. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula noon, kung paano. I tried to work hard para maalis sa isip ko ang nangyari. And it worked." Sagot niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Mas lalo akong nakaramdam ng guilty dahil sa nalaman ko. Mabigat ang bawat paghinga ko dahil sa nalaman ko. Hindi ko tuloy alam ang dapat na sabihin at isagot sa kanya.
Nanunuyo ang lalamunan ko.
"I'm sorry if you had to go through that way. Pasensya na kung nakagawa ako ng ganoong bagay," medyo natatawang sagot ko para maibsan ang bigat sa pagitan naming dalawa.
Walang bakas ng anumang hate or sadness ang boses niya kaya alam kung okay na sa kanya ang lahat. That he already moved on, ikakasal na nga siya. Ako na lang yata ang may galit pa sa sarili ko dahil sa ginawa ko.
"That's the time I met Erann. She was also broken hearted and we help each other to move forward. Nung una kaibigan lang, pero na-realize ko na ang tanga ko pa kung pakakawalan ko 'yong taong tumulong sa akin nung down na down ako." Dugtong niya pa.
I smiled. Sobrang swerte nila sa isa't isa. Kaya tama lang na bagay sila dahil parehas sila ng ugali. They met each other in the most heartbroken way and still be happy after years.
Nawala ang ngiti ko dahil doon. Na-realize ko na kung sakali pa lang bumalik ako sa kanya makalipas ng dalawang taon ko sa Paris, ay wala na pala talaga akong babalikan.
"You deserve to be happy. Both of you." Tanging sagot ko na lang. Proud ako sa kanilang dalawa. Pero mas proud ako sa sarili ko dahil nakaya kong pakinggan ang naranasan niya noon.
Kung maririnig niya rin siguro ang kuwento ko after naming maghiwalay, sigurado akong magiging proud din siya sa akin. Pero mukhang hindi na mangyayari pa 'yon.
Doon natapos ang usapan namin dahil ilang segundo lamang ay tumunog ang cellphone niya.
"Excuse me, sasagutin ko lang 'to." Aniya
Tumango ako at pumasok na lang ako sa loob para doon hintayin si Erann. Habang si Avi naman ay nanatiling nasa labas dahil sa tawag. Ilang oras din akong napatitig sa kanya pero agad ko din namang binawi.
"Let's go," si Erann pagkalabas niya sa fitting room. Ang tingin ko mula sa labas ay lumipad patungo sa kanya.
Tumango ako.
"Okay." Simpleng sagot ko. Tumayo ako saka sabay sukbit ng sling bag na dala ko. Nasa likod niya lamang ako habang palabas kami ng botique.
Pagkalabas ay tapos na makipag-usap si Avi sa kausap niya kaya naman agad niyang yinakap si Erann. Napaiwas ako ng tingin. Para namang ang tagal nilang hindi nagkita, sabagay ang tagal nga ni Erann sa fitting room.
"Let's go?" Ani Avi kay Erann.
Nanatili akong tahimik sa likod nila. Iniisip ko pa lang na isasabay nila ako pauwi ay para bang hindi na ako makahinga. Nawalan ng hangin ang lalamunan ko.
"Kahit na gusto kong sumabay sa'yo kaya lang ay tumawag si Daddy, pinapapunta niya ako sa office, so I have to go," ani Erann.
Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. Nalilito ako kung sasama rin ba ako sa kanya o mag-iiba na lang ako ng sasakyan?
"Okay. Take care! I'll see you tomorrow." Sambit ni Avi saka niya muling niyakap si Erann at ginawaran ng halik sa pisngi.
Ngumiti lang sa kanya si Erann.
"Aysel, is it okay na you ride on your own muna? I'll catch up with you soon." Ramdam ko ang sincere sa boses ni Erann habang nakatingin sa akin.
"Oo naman-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Avi.
"I'll take her home. Para mapanatag ka." Ani Avi.