Kabanata 2
Help
Kinaumagahan maaga akong ginising ng magkakasunod na katok na halos masira na yata ang pinto. Naalimpungatan ako dahil sa ingay.
Papikit pikit muna ako at kino-kondisyon ang mata saka tumingin sa oras. Alas diyes na pala ng umaga. Mas lumakas ang katok sa pinto kaya naman kahit alam kong bangag ako ay dumiretso na ako palabas ng kuwarto.
Didiresto na sana ako sa pinto at bubuksan iyon ay napatingin ako sa buong bahay.
"Shet baka si Avi 'to!" Kumabog dibdib ko sa kaba dahil sa naisip. Muli kong tiningnan ang bahay. Nagkalat pa sa lounge area ang iba kong damit.
Pasalit salit ang tingin ko sa pinto na matatangal na yata sa lakas ng pagkaka-katok at sa mga damit na nasa lapag.
"Wait lang!" Sabi ko saka tumakbo pabalik sa kama at tinaggal ang ilang damit na nagkalat maging ang bote ng alak at tsokolate na ininom at kinain ko kagabi.
Halos madulas pa 'ko habang tinatakbo ang kusina at bathroom kung marumi iyon. Napabuntonghininga na lang ako na maayos naman. Kinuha ko ang duffel bag ko saka inalagay roon ang ilang gamit kong nakakalat.
Huminga ako nang malalim saka binuksan ang pintuan.
"Yes?" Nakangiting tanong ko sa taong nakatayo sa harap ko na nakasuot ng white long sleeve at black pants.
Hindi ako gaanong makatingin sa kanya dahil wala pang ayos ang mukha ko, kahit sipilyo o hugas ng mukha kumpara sa kanya na ayos na ayos.
Kumunot ang noo niya.
"Anong yes? Kanina pa 'ko kumakatok dito, hindi mo naririnig?" Inis ang boses na tanong ni Avi sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Umiling ako. Buong tapang.
"Hindi. Tulog ako kaya pa'no kita maririnig? Sobrang lakas ng katok mo kaya doon na 'ko nagising." Pabalik na banat ko. Tumaas lamang ang gilid ng kanyang labi.
Maya maya ay siya na ang nagbukas nang malaki sa pintuan at pumasok siya.
Umayos na lamang ako ng tayo habang sinusundan siya ng tingin. Malamang at sigurado ako na magkakaroon siya ng inspection kung ginamit ko ba 'yong ganito, 'yong ganyan.
Huminto siya sa may sala.
"Nalimutan mo ba 'yong mga paalala ko sa'yo?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko.
"Ang alin? 'Yong bawal kong gamitin ang halos lahat ng nandito?" Tanong ko pabalik. Seryoso ang tingin niya kaya umurong ang dila ko.
Masama ang tingin na ibinigay niya sa akin.
"Then bakit ginawa mo pa rin?" Galit ang tono ng boses niya. Nagulat ako at napaawang ang bibig ko pero agad din namang nakabawi.
"Ahm... w-wala naman," utal ang boses na sagot ko habang hindi makatingin sa kanya. Tinablan ako ng sobrang hiya kaya naman natatakot ako sa sasabihin niya kapag tumingin ako sa kanya.
Napapaisip ako kung paano niya nalaman na ginawa ko 'yon? Gusto kong tanungin sa kanya kaya lang baka mas lalo siyang magalit, kaya nanatiling tahimik ako.
Narinig ko ang pag-tsk niya.
"There's a CCTV. That's why next time, 'wag mo ng gawin 'yon. Kung ayaw mong paalisin kita. Libre na nga 'to para sa'yo, ayusin mo naman." Inis ang boses na sabi niya.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya kahit gustong gusto kong itanong kung bakit may CCTV siya loob nito, pero naiintindihan ko naman. Mamahalin ang lahat ng gamit niya at wala ako ni-pisong ginastos, kaya kailangan may ganoon.
Tama naman siya roon sa nakikitira lang ako kaya kailangan kong ayusin, kaya hindi na ako sumabat pa. Malakas ang kahig ng dibdib ko na para bang anumang oras ay lalabas ang puso ko.
Muli siyang nagsalita. Kahit kinakabahan ay tiningnan ko siya.
"By the way, pupunta si Erann dito. She wanted to talk to you." Simpleng sabi niya habang nakatingin sa akin. Nahiya ako sa tingin niya dahil hindi pa 'ko nakakapaglinis ng mukha.
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Ginapang na naman tuloy ng kaba ang dibdib ko dahil doon. Para akong aatakihin.
"B-Bakit?" Utal ang boses na tanong ko.
Ngumisi siya pero agad din namang naglapat ang labi niya.
"Nothing. Just a girl talk," naniningkit ang mata na sagot niya na halatang nang-iinis. Hindi ko na lamang 'yon pinansin at hinintay na umalis na siya.
Mahabang katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa. Tama nga ako na tiningnan niya ang lahat ng sulok ng condo niya kahit na sigurado akong nakita niya na naglinis ako ng—kusina lang.
Masyadong segurista, wala naman akong nawalang gamit niya o kaya'y kukuhanin.
"Treat her better." Sabi niya.
Napairap ako.
Nakakainis, anong akala niya sa'kin isang predator. Ganoon ba ako kasamang— ex-something para gawan ng masama si Erann? Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Alam ko sa sarili ko na mabait ako— sabi nila.
"I'll text you kung papunta na siya rito," sabi niya. Inisang tingin pa muna siya sa condo niya bago pinihit ang door knob para makalabas.
Humirit ako.
"Wala akong cellphone. May kamay naman siguro si Erann para kumatok?" Sagot ko. Mula sa pagkakaharap sa pinto ay pumihit siya paharap sa akin saka ako tinaasan ng kilay.
Tumaas din ang kilay ko. I didn't meant to offend him and Erann, I'm just stating fact. Hindi 'yon bellow the belt—siguro. Napaiwas ako ng tingin dahil doon. Na-feel guilty tuloy ako sa mga tingin na binibigay niya.
"She does. Which I love to hold." Sambit niya sa akin habang nakangiti na para bang may naalala siya habang sinasabi iyon sa akin.
Iyong mga ngiti niya halatang masaya siya. Ngiting sigurado at in love. Tumango na lamang ako sa kanya.
"Sorry..." pahinging paumanhin ko.
Hindi ko alam kung para saan 'yong sorry ko. Para ba kay Erann dahil sarcastic ang pagkasabi ko o para kay Avi. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko kayang makita ang emosyon niya.
Naiinis din ako at s'yempre kaunting selos na rin. Nakakainis lang dahil umagang umaga ay papaandaran niya ako ng mga ganong salita. Like hello? Respeto naman sa kagigising lang.
Tsk!
"No need. I have to go." Iyon lamang ang sinabi niya saka pinihit ang door knob at agad na umalis. Hindi ko na siya sinilip pa at agad na ni-lock ang pinto.
Napahilig na lamang ako sa pinto habang nakatingin sa buong condo niya. Hindi ko mawari ang gustong maramdaman ng puso ko sa tuwing nagkikita kami o 'di kaya'y magkalapit lang.
Anim na taon na. Still affected pa rin ako kapag nandiyan siya. Pakiramdam ko may tali pa rin na naka-konekta sa mga kamay namin. Na kapag gusto ko kumawala, ay nai-is-stretch lang at bumabalik ako ulit sa kanya.
Napabuntonghininga na lamang ako.
Sinimulan ko munang maglinis ng katawan pagkatapos ay sinunod ko ang Condo bago nag-ayos ng kaunti. Nakakahiya naman ang itsura ko kapag dumating si Erann at maabutan akong ganito.
Sinilip ko rin ang pera sa wallet ko. Balak kong lumabas ngayon at pumunta sa bilihan ng canvas at ilang pintura. Mamamatay ako sa pagka-boring dito kapag wala akong ginawa.
Wala kasi akong cellphone kaya naman hindi ko alam kung ano ang mga updates sa social media. Hindi ko rin makontak si Sammy at maka-kuwentuhan.
Kaya kailangan ko na talaga bumili ng canvas, siguro para na rin palitan 'yong painting na nasira na sana ay ireregalo ko sa kasal nila.
"Umuulan na," sambit ko ng makita ko ang malakas na patak ng ulan sa labas ng bintana. Kanina lang ay mataas ang araw, ngayon ay halos dumilim na.
Tinungo ko ang bintana at bahagya iyong binuksan. Dumampi sa akin ang malamig na hangin na dala ng ulan maging ang ingay ng mga patak nito. Halos minuto rin ang tinagal ko na nakatingin at pinapanood ang pagpatak ng ulan.
"Aysel?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Erann na nakatayo sa may pintuan.
Agad kong sinara ang bintana saka siya pinuntahan. May bitbit siyang pagkain at sa tingin ko ay mga CD.
"Nabasa ka ba ng ulan?" Pag-alala ko.
Mahirap na kung sumugod siya sa ulan para lang makapunta rito. Sigurado akong kapag nabasa siya ng ulan ay magagalit din sa akin si Avi.
Umiling siya.
"Hindi. May dala kong payong, nasa labas." Nakangiting sagot niya saka lumapit sa sofa at inilapag ang dala dala sa babasaging lamesa.
"Ang dami mo naman yatang dala," puna ko sa limang supot na kalalapag niya lamang. Para siyang sasama ng field trip sa dami noon.
Natawa siya sa tanong ko at iniisa isa ang paglabas ng dala niya sa plastic. Halos mapuno ang maliit na lamesa sa mga tupperwares na dala niya.
"Sinobrahan ko talaga, para kahit papano may stock ka habang nandito ka." Sagot niya saka ako matamis na nginitian. Sobrang ganda ng ngiti niya, nakakahawa.
Tumango ako.
"Salamat. Teka kukuha ako ng iinumin natin. Umiinom ka ba ng beer?" Tanong ko. Siya ang nagse-set up ng movie na papanoorin namin.
Tumango siya.
"Oo naman!" Masigla ang boses na sagot niya kaya naman natawa ako nang bahagya. Kumuha ako ng dalawang bote ng heineken, pati dark chocolates para sa akin.
Nakasanayan ko na ang beer at chocolates ang partner. Mamamatay siguro ako kapag hindi ako nakainom noon sa isang araw, na siyang bawal talaga, pero 'di ko naman maiwasan.
"Anong movie?" Tanong ko sabay lapag ng beer na hawak ko.
"The Vow," ani Erann.
Kumuha ako ng Takoyaki na dala niya at ganoon din naman siya. Nang makakuha na kami ng kakainin namin ay tumutok na kami sa palabas. Nakipag-kampay pa muna siya bago kami nagsimula.
Hindi ako nasarapan gaano sa Takoyaki. Hindi naman siya ang nagluto noon, kaya puwede ko naman siguro sabihin na hindi ako nasarapan. Kaya naman 'yong chocolates na lamang ang nilantakan ko. Sa totoo lang ay mas malasa pa 'yong chocolate at beer kaysa sa mga kinakain ko.
"Aw, hindi niya siya naalala," comment ni Erann sa pinapanood namin. Nakakaiyak pala 'to ng kaonti. Maya maya ay tumayo ako para kumuha ng tissue dahil baka tuluyan na umiyak si Erann.
Kumuha siya ng tissue.
"Kainis! Sobrang babaw ng luha ko!" Naiiyak na natatawa na sabi niya habang pinupunasan ang luha sa mata niya. Bahagya rin akong natawa dahil sa sinabi niya.
Napatingin ako sa kanya. Sobrang effortless ang ganda niya. Alam niyo 'yong mukha na hindi niyo pagsasawaan tingnan? Ganon na ganon siya. Maging 'yong attitude. Kaya hindi talaga nakakapagtakang bagay sila ni Avi.
"Ikaw, ano ang dream wedding mo?" Biglang tanong niya sa akin. Nalabas kasi sa movie 'yong wedding scene ng mga bida.
Napatingin ako sa kanya at umiling.
Kumunot ang noo niya. "Wala kang dream wedding?" Ulit na tanong niya. Ni-pause niya muna ang pinapanood namin saka tumingin sa akin.
Umiling akong muli. "Wala. Kahit judge lang, puwede na sa akin, na kahit isang witness lang," natatawang sagot ko.
Tumungga ako sa beer.
Ano nga ba ang dream wedding ko? Siguro noon church wedding, hindi bongga pero 'yong sakto lang. For me naman wedding it's all about the feeling of being married. Alam kong isang beses lang 'yong mangyari sa buhay ng tao, but I want it to be lowkey.
Kung puwede nga lang kaming dalawa lang ng groom na mapapangasawa ko, why not.
"Ikaw?" Balik na tanong ko sa kanya.
Her eyes sparkle like something pop up in her mind.
"Beach wedding sana, kaya lang Avi wanted a church wedding kaya naman iyon na lang din." Mahinhin ang boses na sagot niya saka may kaunting excitement.
Tumango ako.
"Good choice," iyon lamang ang sinabi ko saka umisang tungga ulit ng alak. Bumalik na siya sa panonood kaya naman ganoon din ang ginawa ko.
Gusto kong maintindihan ang story ng pinapanuod namin kaya lang ay nalulunod ang isip ko sa sinabi ni Erann. Ikakasal na nga talaga sila ni Avi. Malapit na.
Pilit kong inaalis iyon sa isip ko dahil ang kasunod na mararamdaman ko ay inggit at pagsisisi, na hindi magandang combination. Mahirap talaga kapag iyon ang nararamdaman ko, dahil iyon ang mga bagay na hindi ko nakukuha.
Mga bagay na wala sa akin. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil doon.
"Busy ka mamaya?" Tanong ni Erann sa akin pagkatapos namin manuod ng pelikula. Inaayos ko ang pinagkainan namin at sinimulang hugasan sa sink.
Sure naman akong hindi magagalit si Avi dahil kasama ko naman si Erann, mahal niya si Erann kaya hindi niya ko magagawang sungitan.
Napatingin ako sa kanya habang patuloy na naghuhugas.
"Hindi naman. Bakit?" Tanong ko habang nakatalikod sa kanya at hinuhugasan ang pinagkainan namin.
"Puwede mo ba kong samahan? Magsusukat kasi ako ng wedding gown," sagot niya.
Napahinto ako sa paghuhugas at natulalang napatitig sa plato na hawak ko. Muntik ko ng mabitawan ang platong hinuhugasan ko, pero buti na lang ay nahawakan ko agad.
Huminga ako nang malalim saka ngumiti at bumaling sa kanya na nakaupo sa dining table.
"Oo naman," ayoko.
"Thank you!" masayang tugon niya.
Huminga ako nang malalim at ipinagpatuloy ko na ang paghuhugas at agad na lamang iyong minadali. Maayos naman na ang suot ko kaya kinuha ko na lamang ang sling bag ko at tumuloy na kami sa labas.
Ni-lock ko naman ng mabuti ang Condo dahil mahirap na. Kinuha ni Erann ang payong niya na nasa labas. Isang pulang sasakyan ang sumalubong sa akin sa parking lot, sasakyan niya.
"Nabasa ka ba?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Hindi naman gaano," sagot ko saka sumakay na. Umaayos ako ng upo at nag-seat belt na.
Agad akong napahawak sa dalawa kong braso dahil sa lamig sa loob ng sasakyan. Napansin naman iyon ni Erann kaya naman agad niyang pintaya ang aircon.
"Thank you," ani ko.
May apat na taon na rin nung huli kong sakay sa kotse. Wala naman kasi akong sasakyan noon pa man, nakikisabay lang talaga ako kay Avi noon kapag papasok at uuwi. At ngayon nakakapanibago.
Avi even try to suprise me a brand new car before. Valentines gift niya raw pati ng parents niya para sa akin. Pero imbis na matuwa at maging grateful, ay nainis ako at nagalit.
Nag-away kaming dalawa dahil doon.
Mas nangibabaw ang pride ko na 'wag tumanggap ng kahit na ano mula sa kanya o sa mga magulang niya. Dahil laging nasa isip ko na kaya kong bumili ng sasakyan gamit ang sarili kong pera.
Na hindi kailangan ang financial support niya o kaya ng mga magulang niya.
Because I know I can do that too. I can buy whatever I want to buy, I feel like giving me a brand new car from his own pocket makes me poor and less fortunate. Para bang ang hirap hirap ko.
Dahil kaya kong bumili noon, dati.
Iwinaglit ko iyon sa aking isip at tumanaw na lang ako sa bintana habang tinitingnan 'yong mga dinadaanan namin. Siguro para na rin makakuha ako ng ideya para sa pagpipinta ko.
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng magsimulang magtanong si Erann tungkol sa akin.
"When was your last relationship?" Tanong niya.
Ang tingin ko sa labas ay nalipad papunta sa kanya. Umayos ako ng upo at marahang tumikhim para sagutin ang tanong niya.
"Six years ago." Simpleng sagot ko sabay tawa nang bahagya. Ewan ko, hindi ko alam pero sa loob ng nakalipas ng anim na taon siya pa lang ang nagtanong kung kailan ang huli kong relationship.
Saglit siyang tumingin sa akin.
"Oh, what happened? I mean kung okay lang sa'yo," ani Erann.
Tumango ako.
"Okay lang. I just fell out of love." Sagot ko. Looking back six years ago parang hindi naman iyon ang dahilan ko. I envy Avi, that's why I decided to do something where I can see my worth— I guess.
I'm a toxic person, na imbis na maging proud kay Avi sa lahat ng nagagawa niya noon, ay mas kina-iinggitan ko siya. Because all the things he gets, ay never kong nakuha o nagawa.
Sa madaling salita, wala ako nung mga bagay na mayroon siya.
Kaya gusto kong may patunayan. That's why I take the risk na mag-change ng platform, from Engineer to Painter. I don't see myself in the field of Engineers, saka hindi rin ako contented.
"That's sad. Have you seen him now? Or may naabalitaan ka ba sa kanya after your break up?" Tanong niya ulit.
Umiling ako. "Nope, we parted ways and after that I didn't search or try to reach out him." Simpleng sagot ko. "He's getting married," pabulong na sabi ko, sapat lang para sa akin.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin pagkasagot ko sa tanong niya. Kalaunan din ay siya rin ang bumasag sa katahimikan.
"I think both of you are successful now." Nakangiting sabi niya sa akin kaya naman ginantihan ko na lamang iyon at sinandal ang aking ulo sa bintana.
Si Avi lang ang naging successful sa aming dalawa. Ako kasi, hanggang ngayon hinahanap pa rin kung ano 'yong para sa akin talaga. Wala pa ako sa kalingkingan ng tagumpay ni Avi.
Maya maya lang ay huminto ang sasakyan niya sa isang malaking wedding botique. Sabay lang kaming bumaba sa sasakyan, pero nauna siyang pumasok. Nakasunod lamang ako sa kanya.
Ni-welcome siya ng isang receptionist.
"Hello, I'm Erann I'm the one who reserved a wedding gown," sabi niya roon sa babae. Nanatili lamang akong nakatayo sa likod niya.
Halatang nasa mamahalin siyang botique dahil sa elegant na designs sa labas maging sa loob. Kung malaki ang condo ni Avi, mas malaki 'to.
Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha.
"Magsusukat na po kayo?" Tanong sa kanya nung babae. Tumango si Erann kaya naman ginaya siya nito sa isang room kung nasaan ang mga napili ni Erann na susukatin.
Nanatili ako sa labas. Maya maya pa ay lumabas muli si Erann.
"Puwede mo ba 'ko samahan sa loob?" Tanong niya sa akin. Nakakaboring maupo sa labas kaya naman tumango ako sa kanya at sumunod sa kanya.
Pagkapasok sa room ay bumungad sa akin ang maraming mga wedding gown. It's a dream come true na makapunta rito and to be able to see these wedding dresses, sayang lang at hindi naman ako ikakasal.
Ang sarap sa mata ng designs ng room na kulay rose-gold. Idagdag pa ang magagadang white wedding gowns. Para tuloy akong nasa isang reality show. Ang ganda gawing background.
"Go ahead Miss. You can try the fit of your choices," ani nung babae kay Erann. Gumilid siya katabi ko para makita ni Erann ang mga gown na pinili niya.
Habang ini-isa isa ni Erann ang mga choices niya sa gown, ay kinausap ako nung babae.
"She's beautiful right?" Tanong niya sa akin. Ang tono ng boses niya ay puno ng pagkamangha.
Tumango ako.
"Yeah, very. Very beautiful." Sagot ko pabalik saka siya nginitian nang matamis.
"Last week she and his groom went here. And I can say that they're really a great couple. The way her groom look at her, it's sparkling diamonds." Kuwento niya. Parehas lang kaming nakatingin kay Erann.
Simple lamang akong ngumiti at tumango upang sumang-ayon sa kanya.
"Magkaibigan kayo?" Usisa niya pa.
"I can say," simpleng sagot ko pabalik. Tumango lang siya at napaiwas ako ng tingin.
Hindi ko naman kasi alam kung kaibigan ko si Erann, I mean, I know it's possible to be friend your ex's boyfriend present lover. Hindi ko rin masabi kung magkaibigan na ba kami, kasi isang araw pa lang naman kami nagkakilala.
Nang makapili si Erann ng isa sa mga gown na pina-reserved niya ay agad siyang tumuloy sa fitting room. Hindi ko alam kung susundan ko ba siya roon at tutulungan o hihintayin na lang siya rito.
Umupo na lang ako habang naghihintay sa kanya.
Maya maya tinawag niya ang pangalan ko kaya naman agad akong lumapit. Nagpapatulong siya sa pagsara ng zipper sa likod, hindi niya abot.
Napapalibutan ng malalaking salamin ang fitting room kaya kahit saan ka tumitingin makikita mo talaga. Pagkasara ko sa zipper ng gown niya ay agad akong napatitig sa salamin.
Sobrang ganda niya at bagay na bagay ang gown na napili niya. Maya maya ay kinuha niya ang kwintas niya at inilahad iyon sa harap ko.
"Puwede mo ba kong tulungan na ikabit 'to?" Nakangiting tanong niya.
Tumango ako. "Oo naman," sagot ko. Agad ko iyon kinuha sa kamay niya at agad na tiningnan. Natuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa kwintas.
I swallowed hard.
Iyon 'yong promise necklace na hugis puso na ibinigay sa akin ni Avi noon nung first anniversary namin. Ibinalik ko sa kanya 'yon noong naghiwalay kami. Nagulat lang ako dahil ibinigay din pala ni Avi sa kanya iyon.
Hindi ako magkakamali dahil iyon na iyon talaga 'yon.
"Are you okay, Aysel?" Napabalik ako sa wisyo dahil sa tanong niya. Napatingin ako sa nakatinging mukha niya. Peke akong tumingin.
May kung anong gustong umahon mula sa mga mata ko pero pinigilan ko. Kumakabog ang puso ko dahil doon, para bang anumang oras ay sasabog ang dibdib ko.
Huminga ako nang malalim.
"Yeah," sagot ko saka sinuot sa kanya ang kwintas. Pagkakabit noon ay agad niyang hinawakan iyon habang nakatingin sa salamin.
"Avi gave it to me as a gift for helping him to get over to his ex-girlfriend." Ani Erann.