“Hoy Bella, Belladona, kanina ka pa nakatunganga dito sa labas. Ano nga kasi ang problema?” Napabuntong-hininga nalang ako dahil kanina pa ako ni Ann kinukulit. Okay naman ako kanina noong hinatid ako ni Diego dito sa condo, pero hindi ko naman akalain na ganito ako kalala mag-overthink ngayon. “Ano nga kasi...hindi ko alam paano sasabihin, dahil baka unreasonable naman ng nararamdama ko ngayon.” Nagulat naman ako nang bigla niya akong kinurot sa braso. “Alam mo, isa pa talaga at sasabunutan nalang kita diyan. Simula nang umuwi ka kanina ay ganyan ka na ka balisa. May ginawa ba si Sir Diego sa’yo?” Agad naman akong umiling. “Wala! Wala! Uhmm, kanina kasi ano...nalaman ko na makikipag-collaborate pala ang Louis and Diego sa Apóllo.” “And then...what’s the matter with that?” Napahinga

