Dali-dali ko namang si-nave ang ginawa kong desings dahil ipapasa ko pa ‘to ngayon kay Miss Lavender at kay Ma’am Jean for approval. Hindi ko na kasi natapos kagabi dahil sa sakit ng ulo ko na hindi ko naman alam ang dahilan. Nasa second week na ngayon ng June, ibig sabihin ay malapit na ang deadline ng panibagong designs namin. “Miss Lav, ito na po ‘yung remaining designs for this month,” sambit ko naman sabay abot sa kaniya ng designs ko. “Finally, we get to finish all the designs for this month’s release. You can now focus on your haute couture designs, Belle.” Napangiti naman ako. “For sure, Miss Lav.” Bumalik na ako sa kina-uupuan ko at napa-inat. Pasado alas-tres palang ng hapon ay natapos ko na ang mga ginagawa ko. Gusto kong yayain muna sa ngayon si Ann dahil alam kong nahi

