1
“Hija gabi na ah? Bakit tila yata napapadalas si Rod sa pag uwi ng hating gabi? Madalas din na hindi kayo nag uusap nito?”
Napansin na pala ni Manang Selma ang mga ito. Napangiti siya upang itago ang sakit na nararamdaman niya.
“Manang Selma busy lang po si Rod. Nakapag sabi naman po siya na ganito palagi ang schedule niya. Sa hindi naman po namin pag uusap e, normal lang naman po sa asawa ang magka tampuhan di'ba po?”
Tumango ang kasama niya sa bahay na si Manang Selma. Simula ng mag sama sila ni Rod ay kasama narin niya si Manang sa mga gawaing bahay. Lalo na sa pagluluto dahil nga 'di niya ito kinasanayan. Ngunit alang-alang sa asawa niyang si Rod ay ginawa niya ang lahat matutuhan lamang ang mga dapat niyang ginagawa.
Isang taon na sila ni Rod. Dalawang taon silang mag kasintahan, tapos ay inaya na siya nitong mag pakasal. Hirap sila sa simula kaya nga napilitan siyang gumamit ng impluwensiya upang maipasok ang asawa niya sa sarili nilang kompanya. Mataas kasi ang standards sa kompanya na hinahandle ng ama niya pansamantala.
Dahil nga sa pinili niya ang buhay sa labas ay pinabayaan narin muna siya nito. Ngunit kung babalik daw siya ay open naman ang mga ito sakaniya. At dahil mataas ang pride ni Nadia ay nag tiis siya sa hirap kasama si Rod.
“Hija wag mo na hintayin ang asawa mo kumain kana. Hindi maganda sa'yo ang palaging nalilipasan. Ilang gabi na ba siyang 'di nakakasabay sa'yo mag dinner? Dapat ay alam mo na 'di ulit siya makakasabay ngayon kaya kumain kana.”
“Manang Selma dito lang po ako. Uuwi po si Rod.” Paninindigan ni Nadia bago inayos ang mga iinitin niya para mamaya.
Napailing na lamang si Manang Selma. Hinayaan na siya nito dahil oras narin naman ng pahinga nito. S'ya naman ay naiwan sa sala upang hintayin na naman si Rod. Pinilit niyang hindi makatulog ngayon kaya sandamakmak na kape ang nilaklak n'ya wag lang dalawin ng antok.
Oras kasi na makatulog siya ay kinaumagahan na ang gising niya. Hindi na niya nakikita anong oras umuuwi si Rod. Sa umaga naman ay wala itong imik ayaw pag usapan kung anong oras ito nakauwi. Sa madaling salita, nararamdaman na ni Nadia ang panglalamig ni Rod sakaniya.
Ngunit ayaw niyang isipin na may iba na ito. Ayaw niyang maging praning dahil talagang busy lang siguro ang asawa niya sa trabaho.
Sinubukan niyang tawagan si Rod bandang alas onse ng gabi.
Ilang tawag pa bago ito sumagot.
“Bakit ba?!” Galit pa ang tono nito ng sumagot.
“Rod? Bakit ba galit ka agad? Gusto ko lang naman alamin anong oras uwi mo? Ilang gabi kanang—”
“Nadia abala ako sa trabaho! Bakit ba 'di mo maintindihan?! Bakit paulit-ulit nalang ako na nag pa-paliwanag sa'yo?”
Pinahid ni Nadia ang luha na nangilid at umagos. “Pasensya kana. Sige hihintayin nalang kita. Hindi dapat kita kinukulit, sorry Rod.” Mapait siyang ngumiti.
“No, wag kanang mag hintay dahil wala na akong balak umuwi. Nakaka badtrip ka eh. Bukas na ako uuwi matulog kana Nadia.”
Bago pa man siya makapag salita ay binaba na ni Rod ang tawag.
Mariin siyang napapikit. Pinahid niya ang luha niya at tinatagan ang loob. “Wala siyang iba. Abala lang si Rod.” Pilit na pinapatatag ni Nadia ang loob n'ya.
Ginusto niya ito. Hindi dapat siya basta nalang sumuko at bumalik ng luhaan sa mga magulang niya.
************
“Hija.”
Napamulat si Nadia sa boses at tapik na gumising sakaniya. Nasinagan rin ng araw ang mukha niya at dito lang niya napag tanto na umaga na pala.
“Manang nakauwi na po ba si Rod? Tanghali na ako!”
Natatara siya ng hawakan ni Manang Selma ang braso niya.
“Nadia kanina pa umuwi ang asawa mo. Nasa silid s'ya 'di ka man lang ginising.” Inis ang tono ni Manang Selma.
“Ayaw lang ho siguro akong maistorbo. Sige ho puntahan ko lang.”
Nilagyan ni Nadia ng ngiti ang mukha niya bago pumasok sa silid nila ni Rod.
Binati niya ito at niyakap. “Good morning mahal ko. Sorry ha, tinanghali na ako ng gising.”
Ngunit nakakadiring tingin ang binigay nito sakaniya.
“Bitaw,” utos nito.
Agad siyang kumalas sa yakap. “May problema ba?”
“Malapit na akong ma-promote sa kompanya. Malapit na Nadia.” Wika nito.
“Masaya ako para sa'yo mahal ko.”
Nagagalak siya kahit na s'ya naman ang may pakana kaya ito mapro-promote. Nilakad niya ito sa ama niya kahit pa ayaw ng ama niya dahil baka daw lumaki ang ulo nito.
Mahal talaga siya ng kaniyang ama dahil ginawa parin nito.
Napansin niyang iniimpake ni Rod ang gamit nito. “Oh? Out of town kana naman?”
Hindi agad ito kumibo. Patuloy lang ito, at mga ilang segundo pa ay hinarap siya nito. Bumuntong hininga muna si Rod. “Nadia isang taon kong inasikaso ang divorce natin at ngayon pirma mo nalang ang kulang. Nadia hindi ko na kayang makisama sa'yo na walang narating sa buhay. Hindi na kita mahal Nadia, pasensya kana.”
May inilabas itong papers.
“Please, pirma mo nalang. Iiwan ko na sa'yo ang bahay na 'to bilang tulong. Dahil si Georgia kaya niyang bumili kahit ilang bahay pa. Suportado rin n'ya ako sa lahat.”
“Suportado din naman kita eh.”
Napahalakhak ito. “Saan? E, para kalang din si Manang Selma eh. Mukha kayong mag ina na katulong.”
“Rod ginampanan ko pagiging asawa ko sa'yo kaya iniwan ko ang lahat. Hindi mo alam kung anong sinakripisyo ko para lang sa'yo.”
“Wala akong pake. Ayaw ko sa babaeng wala naman narating sa buhay. Walang asenso ang buhay. So, pirma na.”
Isang malakas na sampal ang ginawad ni Nadia sa asawa niya.
“Wala kang utang na loob! Kundi dahil sa akin wala ka sa posisyon mo Rod!”
“Pinapatawa mo 'ko Nadia. Wala kang kayang gawin. Hindi ikaw ang dahilan ng nakamit ko kundi ako mismo. Pasok ako sa standards na hinahanap ng kompanya kaya wag mong isusumbat sa akin ang 'di mo kayang gawin. Ito pera para manahimik kana.”
Inabot ni Rod ang tseke sakaniya. Napangisi siya ng makita ang dalawang daang libo na inaalok nito. Pinunit niya iyon at agad na pinirmahan ang gusto ni Rod.
“Mali ka ng desisyon Rod. Sinayang mo ang pagmamahal na binibigay ko sa'yo.”
Tinulak siya nito at sinampal. “Masyado kang madaldal!” Dinuraan rin s'ya nito.
Balak pa sana siyang saktan ni Rod ngunit hinarang na ito ni Manang Selma. Si Rod naman ay umalis na dala ang mga gamit nito. Sa labas ay naghihintay ang babaeng ipinalit nito sakaniya.