“Hija ano bang nangyari?!”
Gulat na gulat si Manang Selma. Ngunit walang lakas ng loob si Nadia upang isiwalat lahat kay Manang ang naganap na pag uusap nila ni Rod.
Napakasakit na sakabila ng tatlong taon nilang pagsasama ay ganito lang pala ang gagawin ni Rod. Ibinigay n'ya lahat. Ito ang una n'ya. Iniwan n'ya ang karangyaan para sa taong mahal n'ya at palihim n'ya itong binuild up sa Daddy n'ya. Ngunit lumaki ang ulo nito at naging walang kwenta na s'ya para kay Rod.
Dahil ba simple lang s'ya? Dahil ba mas may mahihita s'ya sa babaeng iyon?
“Manang si Rod iniwan na n'ya ako.”
Wala sa sariling sambit ni Nadia.
"Manang nakita mo ba 'yung babae? Manang iniwan n'ya ako para lang sa isang babaeng para sa lahat. Sinayang n'ya at tinalikuran ang pinagsamahan namin ng tatlong taon.”
Dito na tuluyang napahagulgol si Nadia.
“Hija pabayaan mo na si Rod. Sinasaktan at binabalewala kalang naman n'ya. Maganda ka, at higit sa lahat napakabuti mo. Natitiyak kong luhaan na pagsisisihan ni Rod ang naging desisyon niya. Lumaban ka hija. Ituloy mo ang buhay mo kahit pa wala na si Rod. Nandito ako 'di kita iiwan.”
Niyakap siya ni Manang Selma.
“Manang napakasakit pa hanggang ngayon. Hindi ko pa alam paano ako mag si-simula. Gusto ko munang mapag-isa isa Manang Selma.”
Lumabas si Nadia ng silid at bumaba upang lumabas ng bahay. Nakaligtaan pa nga niya ang mag tsinelas dahil sa sobrang lutang niya. Sumabay pa ang sakit na nararamdaman niya. Halos mag halo na ang luha at sipon niya dahil sa labis na pag iyak. Oras na makita siya ng ama't ina niyang ganito ay pwersahan siyang ku-kuhanin ng mga iyon. Paniguradong dadalhin siya sa ibang bansa wag lang ulit siyang makita ni Rod.
Inabot si Nadia ng ulan sa paglalakad niya. Masakit nadin ang paa niya dahil wala siyang tsinelas. Bumubusina na nga lang ang mga sasakyan sakaniya kapag napapagitna siya sa kalsada. Para bang sa mga oras na 'to wala siyang ibang maisip kundi ang wakasan ang buhay niya dahil sa sakit na nadarama niya.
*********
“Gulay ho! Gulay! Isda! Sariwa ho ang gulay at ang isda ko!”
Bibo ang pag sigaw ni Paul. Paubos narin naman ang paninda niya kailangan nalang niyang ilako kung saan-saan upang makauwi na siya at makapag asikaso na ng pagkain para sa dalawang nababata niyang kapatid.
“Paul magkano naman ang gulay mo? E, ang talong mo sariwa ba?”
Ito na naman ang mga bibong tita na palaging bumibiro sakaniya. Natawa siya bago sumagot. “Sariwa ho ito mga binibini.”
Para namang mga kiti-kiti ang dalawang matanda sa kilig.
“Sige na nga bilhin ko na lahat ng gulay mo.”
“Inagawan mo pa 'ko etchosera ka! Sige na Paul ako na sa isda, pero Paul.” Bumulong ito. “May isda rin ako baka bet mo.”
Napangiwi ng lihim si Paul.
“Binibini ingatan ang iyong salita dahil baka ano ang isipin ng iba. Sa akin ay wala iyon dahil kilala ko na ang iyong bibong sinasalita.”
Nakatulong ang panunuod ni Paul ng mga makaluma at historikal drama dahil nahahasa ang malalim na pananalita niya upang maipang uto sa mga may edad na customer niya.
“Ikaw talaga Paul! Sana ay hindi ako multohin ni Emilio dahil sa mga nasasabi ko.”
Hindi na lamang kumibo si Paul. Umalis na agad siya ng maubos ang paninda niya. Binaybay na niya ang kahabaan ng highway patungo sakanila. Sa ilalim ng tulay sila nakatira, at mahirap man ay nakasanayan naman na. Wala rin naman silang choice dahil wala silang sarili lupa.
Sa 'di kalayuan ay natanaw ni Paul na may babaeng nakahiga sa kalsada. Maulan ngunit kita parin niya dahil malinaw naman at matalas ang kaniyang paningin. Agad niya itong nilapitan at inalam kung humihinga pa ba ito. Buhay naman ito tila nawalan lang ng malay. Binuhat niya ang babae at agad na dinala sa munti nilang tahanan dahil 'di naman na ito kalayuan mula sa hinihigaang kalsada ng babae.
“Loh! Si kuya may dalang magandang babae!”
Sigaw ni Jasper ng makita siyang buhat ang walang malay na babae. Hiniga niya ito sa papag.
“Sssssh! Napaka ingay mo Jasper baka marinig ka pa ng kapitbahay natin.”
Sa ilalim ng tulay marami sila. Hindi lang naman sila ang nakatira dito. At puro chismosa rin ang mga ito.
“Sino po iyan kuya Paul?” Takang tanong naman ni Badong.
“Hindi ko kilala nakita ko lang na walang malay e, kawawa naman pag iniwan ko.” Sagot niya. “Si Mama pala? Nakauwi na ba o nasa sugalan parin?”
“Nasa sugalan parin po.” Si Badong ang sumagot.
“Sus! Inaasahan mo pa si Mama na umuwi para mag saing? E, mag laba nga 'di n'ya magawa, tsaka tamad si Mama di'ba? Umuuwi lang naman iyon kapag kakain o kaya'y kapag hihingian ka ng pang sugal.” Masama ang loob na sabi ni Jasper.
“Jasper ina parin natin s'ya. Hayaan nalang ninyo wag lang siyang mag dala ng lalaki dito o kaya'y saktan ang isa sainyo.” Paliwanag niya.
“E, bakit ba kasi umuwi pa s'ya? Sana linubos-lubos na n'ya kuya. Sana 'di na s'ya umuwi. Masaya naman tayo nila Papa ah? Nauna nga lang mawala si Papa.”
“Jasper hindi ngayon ang oras para mag usap ng ganiyan, may babae pang walang malay dito. Sige na mag asikaso na ng iluluto. Bumili na kay aling Nena, may pera diyan sa bag. Papalitan ko lamang ang babaeng ito.”
Tumango naman ang dalawa niyang kapatid at agad na sumunod.
Hindi narin niya masisi ang mga ito na mag tanim ng sama ng loob sa ina nila. Totoo naman kasi na walang matinong ginawa ang Mama nila kundi mag sugal at mag inom. Hindi rin nila ito nakasama ng maayos kundi ang ama lang nila. Umuwi lang naman ito nung palayasin na ito ng kinakasama nito na mahilig mambugbog. Mas pinili ng ina nila na sumama sa ibang lalaki kaya ama nalang nila ang nag taguyod sakanila. Masama din naman ang loob n'ya sakaniyang ina. Ngunit ina parin naman n'ya ito 'di n'ya magawang hayaan nalang na maging palaboy. Ngunit hindi nga nag palaboy ay nag pabigat naman sakanila.