C11 HH Dahan-dahan akong tumayo habang sinusuot na niya ang kanyang damit. Pinulot ko rin sa semento ang mga damit ko. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking tuhod dahil sa ilang beses akong nilabasan bago siya tumigil. Nagpapasalamat din ako at hindi pa bumalik sina Tatay at Nanay kasama ang mga anak ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil nakatayo siya sa harapan ko habang nagbibihis ako. “Paano ka nakarating dito? Dito ba nakatira ang ama ng mga anak mo?” tanong niya habang nakayuko ako at nagbibihis. Umiling ako sa kanya bilang sagot. “Paano ka nakarating dito?” ulit niyang tanong sa akin. “N-noong n-naghahanap a-ako ng trabaho,” mahinang sagot ko habang sinuot ang aking damit. “Diba mayaman kayo? Bakit ka nagtatrabaho?” aniya habang umupo sa upuan na katabi ng mesa.

