C12 HH “A-Ansel, ‘w-wag ka namang m-magalit h-hindi ko naman a-akalain na m-mabubuntis ako,” iyak kong wika sa kanya habang bumangon sa kama. Bakas naman sa kanyang mukha ang gulat. Kinuha ko naman si Jachin at binuhat ito dahil hindi pa rin siya tumigil sa kaiiyak. “Anak, tama na,” wika ko habang itinaas ang aking damit at isinubo ko sa kanya ang aking dibdib. Agad niya naman itong sinunggaban at tumigil sa pag-iyak. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Nag-angat ako ng mukha dahil sa tanong niya, hindi ko rin mapigilang matakot dahil galit sa kanyang galit na boses. “A-alam k-ko naman na a-ayaw mo ri-.” “Damn! Jillian!!” sigaw niya na ikinagulat ng mga bata, kaya mabilis ko silang binuhat at inilayo sa kanya. “Saan mo sila dadalhin?” tanong niya sa galit na boses, habang kanyang mga

