Prt. 2 Kabanata 74: Aksidente MATAPOS ang kanilang pagkain ay siya namang pagtawag ni Lumino kay Denzel. Hindi niya alam kung bakit ngunit sinagot niya nalang ito. Bihira lang kasing tumatawag si Lumino sa kanyang own cellphone number kung kaya’t nakapagtataka. “Hello po Tito? Napatawag po kayo?” “I want you to come here sa hideout dahil may ipakilala ako sa’yo,”ani nito. “Ipakilala? Sino po?” “Kasasabi ko lang na pumunta ka rito sa hideout hindi ba?” “Sorry po, sige Tito. Asap!” Pinatay na na niya ang tawag ay nagmamadaling nagpaalam kay Inday na noo’y katatapos lang nitong kumain ng ice cream. “Mag-iingat ka. Pakisabi kay Lumino na miss ko na siya,” ani nito sabay nguso. “Sige po Tita.” Mabuti na lamang at hindi isinarado ng ginang ang gate kaya mabilis na lumisan ng bahay si

