Kabanata 75: Second Chance HINDI mapakali si Denzel habang minamaneho niya ang kanyang kotse patungo sa ospital na dinalhan kay Hezekiah. Tila nawala ang kanyang inis at galit rito sa nalamang aksidente. Mabuti na lamang ay nai-text kaagad ni Inday kung saang ospital. Hindi niya alam kung ano ang kagayan ngayon ng lalaki ngunit nakakasiguro siya na ito ay malala! Huwag naman sana aabot na may masisirang parti ng katawan nito or worst, ang isipan ni Hezekiah. Habang nagmamaneho ay paminsan-minsan ay napapapikit ng mata si Denzel. Taimtim siyang nananalangin na sana ay magiging maayos ang lahat at walang gaanong injury kay Hezekiah. Pagdating niya ng ospital ay halos liparin na ni Denzel ang emergency room. Sa malas niya ay sarado ito ng dumating siya. Sumilip siya sa salamin at sobran

