CHAPTER 2

1825 Words
"Pare, ang ganda nung babaeng yun" sabi ni Ethan. Sabay kaming napalingon ni Kia sa babaeng itinuturo ni Ethan. “Pare, ang seksy…” Nanlaki pa ang mata at tila nangingislap sa gulat, sa babaeng nakita niya. “How about those one?” Biro na itinuro ni Kia sa aming dalawa ni Ethan. “Siraulo” Sambit sa kabiglaan ni Kia, saka natawa. Binalibag pa niya si Ethan ng aming pinupulutan na onion chips “Kung gusto mo, sayo na…” Sabay tumawa, tinawanan rin ang sariling sinabi niya. “Gosh” kala mo'y nakakita ng artista si Ethan. “Pero yung isang yon, maganda talaga.” tinuro niya, matapos na winika. Si Ethan na palinga-linga ng tingin ng mawala sa mata ang kangina pa niya sinusundan ng mga mata. Iyon pala ang nakikita niya at inaabangan mula sa mga lumalabas at pumapasok sa bar nang medyo may katagalan na. “Ang ganda diba" bukang bibig na muli ay sinabi ni Ethan. Nahagip rin ng mga mata ko ang itsura ng babae na kanyang tinitingnan. Ang kanyang hubog ng pangangatawan ay maihahambing sa mga kalahok sa Miss Philippines. Sobrang payat, parang coke ang hubog ng kanyang katawan, isama pa ang mahahaba niyang buhok! Nakakaakit ‘ngang tingnan at hindi maaaring hindi ka matuksong sundan. Napakanipis pa ng kanyang katawan at mapusyaw ang kulay. Hindi maputi at hindi rin maitim, nasa kalagitnaan ng maputi at maitim, edi kayumanggi! Napangiti nalang ako ng bigla akong napalingon kay Kia. "Excellent!" Biglang sigaw ni Kia Nabigla ako ron! Napakamot rin ako sa ulo. Sinusundan na rin pala ni Kia ng tingin ang babaeng nabanggit at pilit na itinuro ni Ethan. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa katawan ng babaeng na para bang hindi mapakali, kangina pa. Bakit kaya??? Binatukan si Ethan, ni Kia habang nagsasalita, "Marahil Miss Universe, tanga." Bulalas niyang nawika sa narinig na sinabi ni Ethan. Pati pala si Ethan, iisa ang naisip namin kangina, kaya naman si Kia, bigla nalang hindi napigilan ang sarili na itama ang sinabi ni Ethan. Nagtawanan kaming tatlo habang hinihimas ni Ethan ang bahagi ng kanyang ulo, kung saan siya binatukan ni Kia. "Stop it," sabi ko habang nakatuon ang tingin ko sa babaeng tinutukoy nila. Sinuway ko sila sa paghaharutan nila. Maiingay kasi, hindi ako makapagconcentrate sa aking pag-iisip. Gumanti lang si Ethan kay Kia, ngunit negatibo ang reaksyon ni Kia, sa ginawa sa kanya ni Ethan! "Tama na, at pareho lang kayong dalawa may kasalanan." “Ang iingay niyong dalawa.” Bulalas na aking sinabi sa kanila. Saka ko sila pinarusahang dalawa, ngunit ang aking mapagnasa na mga tingin ay nakatungo sa babae na pinag-aawayan ng aking dalawang kaibigan. MIKKY POV’S Dito sa loob ng bar, napakalakas ng mga sigawan, nakakabingi, nakakatulig sa pandinig. Ayaw ko sanang tumungo rito ng mapilitan ako upang hanapin si Kuya Liam. Bakit kasi, hindi ako makakontak kay Kuya Liam? Sa dami ng mga taong laman ng bar, nahihirapan akong hanapin siya. Tumutunog ang telepono, ngunit ayaw naman sumagot si Kuya Liam. Pabalik-balik na ako dito sa loob ng mga bar at lalabas muli at papasok naman sa ibang bar. Pero dito ako napadpad ngayon, kung saan siya madalas pumunta upang makapagpahinga at makapag-unwind mula sa dami ng trabaho na ginagawa nito sa Opisina. Nabanggit na kasi niya saakin minsang itong lugar na ito. Kung saan ay inaabot pa siya ng umaga at uuwi ng lasing, pasuray-suray lumakad at madalas ay binubuhat nalang ng mga guwardiya sa baba ng condo unit niya, dahil sa labis na kalasingan. Gayunpaman, wala siya sa loob ng bar. Anong nangyari sa kanya? naibulong na aking naitanong sa aking sarili. Nagsisimula na akong mabagot! Nagsisimula na rin akong magduda! Baka kasi may kasama na siyang babae at wala na rito sa loob ng bar. "Ouach," mariin kong naibulalas nang may bumangga sa akin at tumilapon ako sa gilid. "F ***** g s**t," inis kong sigaw sa grupo ng mga kalalakihan na ngayon ay nakatingin sa akin at pinagmasdan ang buo kong katawan. “Ang ganda, ang seksi pa. Pre, panalo 'toh" nakangisi na sabi ng lalake na makatingin ay tila ako lalamunin. Binangga nila ako at hindi naman yun accident, kundi sinadya nilang banggain ako at tumilapon sa tabi, bumangga pa ang tagliran ko sa gilid ng lamesa sa lakas ng pagtilapon ko kangina. “Hi, Miss” Mapanutyang titig at sambit ng isa nilang kasama. “Sino ba kayo?" Inis na galit kong naibulalas. “Ikaw sino ka? Tila ngayon ka lang namin nakita rito sa bar." sabi naman ng isa na may patusok-tusok ang buhok. "F**k," sigaw ko pabalik sa kanila ng magkagat labi pa yung ilan sa kanila. Sinamaan ko sila ng tingin. “Huwag kayo lalapit." Banta ko ng mag-umpisa ng humakbang ang isa sa kanila. Pinalibutan nila ako. "S**t!" Napasigaw ulit ako, nang makalapit na ang isa at naramdaman ko ang mabilis na paghawak nito sa baywang ko at dumako pababa sa balakang ko at saka makailang pinisil iyon. Kinabahan na ako, ano ba naman kamalasan ang nangyari sa pagpunta ko rito. Napabuntong hininga ako, sunod-sunod ng aking naibulong. Nais kong sumigaw, subalit alam ko naman na ako ang higit mapapahiya sa gagawin ko incase na sumigaw ako at gumawa ng iskandalo. Pero bigla nalang may isang lalake ang pumasok sa eksena. “Sino ka?" tanong ng isa. “Kailangan ko bang sagutin?" maangas na sinabi ng lalake. “Bitiwan niyo yung babae" Mariin niyang utos, subalit hindi ako binitawan ng lalakeng may hawak sa akin. “Bakit, sino ka ba?" maangas na tanong ng isa pa sa kanila. “Wala ka nang pakialam kung sino ako, basta bitiwan niyo yung babae." Ang sagot at muli nitong utos. “Kung ayaw namin?" Tila nanghahamon na sabi ng lalakeng malapit sa amin ng lalakeng may hawak sa'kin. Nagkatitigan sila, ako yung mas kinakabahan sa posibleng mangyari sakaling magtatagal pa ako rito. Umiisip na nga ako ng paraan ng biglang lumitaw ang estrangherong lalake na nakikialam. Sino kaya siya? Tila maangas at laman rin madalas ng bar. Pero gwapo siya! Naibulong ko habang nanunuod sa kanilang mga pagtatalo. “Bitiwan niyo yung babae" May pagbabanta na utos muli nito. Subalit nagulat ako at hindi na nakapagpigil ng dumampi na naman ang palad sa pisngi ng aking pwet. Pinisil pa ng makailang ulit ng lalakeng nakayapos sa'kin. Dunggusin ko na kaya? Napipikon na ako na naiisip kong gawin sa lalakeng minamanyak na ako. Mga ilang sandali pa sa muli niyang pagpisil sa pwet ko sa aking inis, tinadyakan ko ang kanyang paa. “Ouchhh” Daing ng lalake. Pinihit ko pa ang aking sapatos banda sa may takong ang siyang pinangdiin ko sa sapatos niyang suot. Nang makawala ako, saka ako mabilis na lumakad palayo sa kanya. Subalit mabilis rin ako naharangan ng dalawa pa niyang kasama. "Sino ang nagsabi sa iyo na maaari kang umalis?" sabi ng isa. “Dito ka lang!” sabi pa muli ng isang lalake sa dalawang humarang sa dadaanan ko. "Hindi ka maaaring umalis.” Nakangisi na sabi pa ng isa na kanyang kasama. Hinawakan ako ng isa, sa dalawang lalake na humarang sa daraanan ko. "S**t," naibulalas ko, habang hinawakan ako sa braso ng may kadiinan. Masakit, sobrang sakit at mas diniinan pa ang paghawak nito. Subalit mabilis akong hinablot ng misteryosong lalaki na bigla nalang lumitaw at nangingialam. DAVID POV’S Nung una hindi ako makapaniwalang maganda ang babaeng itinuturo ni Ethan, nang makita ko ang babae, pinukaw niya ang atensyon ko at ninais kong lapitan at makilala ito. Kaya naman hindi ko na namalayan ang dalawa kong paa tila may buhay na kusang lumakad at sinundan ang babaeng pinagtatalunan nila Kia at Ethan. Hindi ko siya inalis sa paningin ko ng biglang napahinto ako sa gulat ng bigla nalang tumilapon yung babaeng sinusundan ko ng lapitan ng isang grupo. Ang groupo na mahilig gumawa ng gulo rito sa bar, lumapit ako ng tanungin ako ng isa. “Sino ka?” Maangas na wika ng isa sa kanila. Lahat mga napalingon at nakatingin sa akin, lahat mapanuri ang kanilang mga titig at tila ba nais akong sugurin at kuyugin. Mga siraulo na ito! “Wala ka ng pakialam kung sino ako.” Sagot ko, kinabig sila upang makaraan ako at makapasok sa gitna. Nagkatinginan sila, inuuri ang pagdating ko. Mukha naman sila galing sa mayayamang pamilya. “Huwag kang mangialam rito. Umalis ka na kung ayaw mong madamay rito.” Singhal ng isa, may pagbabanta na sabi niya pa. Pero hindi ako nagpatinag sa pagbabanta nila. “Aba't matigas ang isa na ito." Sabi ng mayabang na isa. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hindi rin naman ako natatakot sa nais nila “Talagang hindi natatakot, Nuk" sumabat yung isang kasama. “Ano?" Sumenyas yung isa at sinabi pa muli. “Sugurin na ba? Bigyan na natin ng leksyon ng madala sa pangingialam niya." Sinabi pa ng isa saka tinikom ang mga kamao na tila ba naghahanda ng sumugod. “Sabihin niyo lang, tuturuan na namin ng leksyon yan ng mapaisip sa kanyang maling pangingialam." Mayabang pang sabi ng isa at saka ko naman natanawan sila Kia at Ethan na papalapit sa amin. Ngumisi ako sa kanila, mas lalo pa silang nainis ng muntikan na akong sugurin ng sakto naman ang pasok nila Ethan at Kia. “Anong kaguluhan ito?" Maangas na tanong ni Kia, malayo pa sinabi na niya. “Ou nga, anong nangyayari rito?" si Ethan ang siya naman nagsalita. “Kayo na naman?" Gulat na sabay-sabay na sabi ng iba. “Ou, kami nga." Nangising sagot ni Kia. “Bakit may angal?" Pabiro niya tugon muli. “Ang hilig niyo talaga gumawa ng gulo rito sa bar, hindi na kayo nadala." Ang sinabi ni Ethan. “Wala talaga kayo kadalaan, heto at gumagawa na naman kayo ng gulo at nakuha niyo pang bastusin ang babaeng hawak niyo. Bitiwan niyo siya." Mariing utos na sinabi ni Ethan. Papasalamat ako at dumating na sila. Sila lang naman ang hari rin ng kaguluhan minsan sa bar. At ang groupo na ito, sa Pagkakatanda ko ay isa sa mga groupo na kanilang nakalaban minsan, kung bakit bigla ko iyon nakalimutan. “Umalis na nga kayo at huwag ng makialam." Singhal nung isa. May hawak na siyang isang balisong na kanyang inilabas. Nananakot lang naman, pero ang hindi ko malaman kung paano naipasok rito sa bar ang hawak nito, gayong napakahigpit rito. “Maganda sana kung bibitiwan niyo nalang yung babae ng hindi na tayo magkagulo." Sabi ko, nakatingin sa babaeng hawak nung isa. Lumapit ako, lumakad papunta sa dalawa. Agad na pinalibutan nila ako, lumapit naman si Ethan at Kia. “Umalis na kayo." hindi ko pinansin ang sinabi niya. Agad kong binatak ang hawak na balisong nung isa na itinurok sa harapan ko. Pinihit ko ang kanyang kamay, habang kinuha ko ang balisong ng nabitiwan niya iyon sa sakit ng ginawa ko sa kanya. “Ano, bibitiwan niyo ba siya o sa inyo ko ito ituturok isa-isa." Banta ko, subalit tila mga walang narinig ang lalakeng leader nila na may hawak sa babae. Matigas, mukhang pahihirapan talaga ako ng isang ito. Naibulong ko ng hindi ako pinansin ng lalakeng pinagbantaan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD