bc

Love at Second Time

book_age16+
28
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
playboy
goodgirl
heir/heiress
sweet
bxg
campus
office/work place
classmates
like
intro-logo
Blurb

Mikky Louis tubong taga Davao City. Subalit mapapadpad ng Manila, nang dahil sa nakatatandang kapatid.

David George tubong Manila. Nag-iisang anak ng isang mayamang negosyante. Lumaki ng walang Ina at tanging kanyang Daddy ang kasama, ngunit madalas pa silang hindi magkita dahil sa negosyo nito.

Kapwa galing sa mayamang angkan.

Kapwa pagtatagpuin ng mga landas.

Mag-iibigan...

Magmamahalan...

Subalit!

Maghihiwalay!

Subalit!

Pagtatagpuin muli.

May second chance pa kaya?

Gayong kapwa sila may pinagdadaanan.

ohh...

Baka naman tapos na ang sa kanila at bahagi nalang ng kanilang nakaraan ang mamamagitan sa kanila sa muling paglalandas ng kanilang mga kapalaran.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
DAVID'S POV'S "Anong nangyari, Pre? tila hindi maipinta 'yang mukha mo." tanong ng makulit na si Ethan. "Mukha yatang kay lalim ng iniisip mo?" ang tanong naman ni Kia. Silang dalawa ang malalapit kong kaibigan, madalas kong kasama at mga kaklase sa eskwela. "May problema ka ba?" muli na naman niyang naitanong, si Kia "Maaari ba naming hulaan?" nakangiti nilang tanong na dalawa. "Tiyak na babae 'yan, tama ba?" Pabirong sabi ni Kia. Tumatawa. "Sigurado ka ba?" kunwari ay gulat si Ethan, pero tumatawa habang sinasakyan ang biro ni Kia. Para silang mga praning at napagtripan na naman nila akong dalawa. “Tiyak na yan, Pre?” tila mga sigurado sa mga sinasabi nila. Pinagkakatuwaan talaga nila ako. “Kita mo na, tumawa si Dave. Talaga ngang babae ang pinoproblema ng kaibigan natin." malakas na bulalas na sabi ni Kia. Nagtatawanan silang dalawa at pilit na inaasar ako. Sa katuwaan ko ay binatukan ko sila. “Aray, masakit yon, Pre." daing na sambit ni Kia at Ethan. Natawa ako sa kanilang reaksyon. Mga lasing na kasi sila, kaya makukulit at walang tigil ang mga bunganga sa kakadaldal. “Kayong dalawa, tigilan niyo na nga ako at baka maisaboy ko ito sa inyo." Biro na hinaluan ko ng pagbabanta na sinabi sa kanilang dalawa. “Ano ba kasing dahilan?" Lumapit sila at tumabi sa aking tabi. Naupo si Kia sa kanan bahagi ko at sa kabilang gilid naman si Ethan. Inilapit pa nila ang kanilang mga mukha sa akin at kala mo'y dumadaan ako sa isang interrogation at pilit akong pinaaamin sa mga lumalaro sa kanilang isip. “Hindi kaya yung babae na nakilala mo nuon?" sabay na tanong nilang dalawa. "Alam niyo mga lasing na kayo, sige at magpahinga na kayo." Gilalas kong sabi sa kanilang dalawa ni Ethan, iniisip tiyak nila na tutugunin ko ang kanilang tanong. Pero hindi ako tumugon, imbis ay tumayo na ako sa aking pagkakaupo, pero mabilis silang dalawa at ibinalik ako sa pagkakaupo ko sa upuan. “Dito ka lang!" sabi nilang dalawa. Lasing na nga! sinabi na nga ba at hindi sila titigil na hindi nila makuha ang sagot sa kanilang mga tanong. Pero sa part na ganito ako madalas mainis sa kanilang dalawa. “Pre, hindi mo pa nga sinasagot yung tanong namin sayo." Ang makulit na si Kia, sinabi niya, habang hawak ako sa isang braso at si Ethan sa kabila. Napabuntong hininga ako dahil madalas na laging ganito sa tuwing malalasing sila ng husto, tapos ako rin ang unang susuko at napipikon sa makukulit nilang, wala naman mga kwentang tanong. “Pre, sagutin muna" pangungulit ni Ethan naman. Lasing lang sila, kaya mga wala sa katinuan, makukulit at ayaw mga manahimik. “Hindi, kaya matulog na tayo at magpahinga." Sabi ko, saka nila ako tinigilan dalawa. “Mamaya na tayo matulog." Sabay na sinabi nilang dalawa kay David. Tahimik na nakikinig nanunuod si David sa mga lasing na kaibigan. Nabibingi na siya sa mga tawa ni Ethan. Sa tuwa pa nito, naibuhos ang baso na may lamang alak, na kanyang hawak, sa kanyang katawan. Si Ethan, malalakas na tawanan ang pumuno sa loob ng condo ni David, nang mabasa ang damit ni Ethan at tila nahimas-masan mula sa sobrang kalasingan. Kasalukuyang nasa condo unit ni David ang kanyang mga kaibigan at nagbukas agad ang mga ito ng isang bote ng whiskey at siyang iniinom nila. At nang maubos nagbukas pa muli ng isa, kaya ngayon maiingay at lasing na lasing ang dalawa niyang kaibigan na nagawa pang sumayaw habang bitbit ang bote ng alak. Sumasayaw si Kia habang iniinom ang laman ng bote, habang nakaharap kay David. "Sandali lang, baka maibuhos mo yan sa akin." Natigil ako at sinuway siya. Bigla nalang akong kinabahan na baka maibuhos niya ang nilalaman ng bote na hawak niya, sa aking harapan. Ngumisi si Kia ng pigilan ko siya sa pagyugyog ng laman ng bote na hawak niya. "s**t," bulalas ko, namula ang mukha ko mula sa inis at takot na muntik na nitong maisaboy sa mukha ko ang laman ng bote ng alak na hawak ni Kia. "f**k," inis kong sigaw. Sinabi ko na at ang inaasahan kong mangyayari, ay nangyari na nga, habang iniinom ni Kia ang laman ng bote, bumuhos ang whiskey sa kanyang katawan, at bago pa niya maubos ang laman ng bote, ibinuhos ito sa akin. "Ang kulit mo, Kia" Nagalit ako at sinigawan ko siya. Nababaliw si Kia upang mapatitig sa'kin, matapos halos ubusin ang laman ng bote na hawak niya at saka ibinuhos naman sa akin. Baliw na siya! si Kia, lasing na talaga. ************* MIKKY POV’S "Hello, my name is Mikky Louis, 19 years old, Davao City." Sinigaw ko habang nagpapakilala ako sa isang pageant na ginaganap sa aming school. Napagkatuwaan ako ng mga kaklase ko at ako ang kanilang ipinasok upang maging kalahok para sa aming departamento. Sa pagtatapos ng aking pagpapakilala muli ay malakas kong isinigaw. “From the Engineering Department." Napasigaw ako nang malakas at nilagyan ng arte ang aking pagkakasabi sa lahat ng mga sinambit kong mga salita upang maging malinaw at tumatak sa mga manonood na aking mga kapwa mag-aaral, professors at ilang mga piling mga judges, kasama na rin ang mga kasama ko sa aking departamento na ngayon ay mga maluluwang ang ngiti at malalakas ang palakpak at maging ang kanilang sigaw. “Mikky" paulit-ulit nilang sambit habang malalakas na pumapalakpak. Todo ang suporta nilang lahat, dahil kung hindi rin sa kanilang pamimilit sakin malamang na wala ako rito ngayon sa gitna ng entablado. At talaga naman na maganda ang kinalabasan ng aking ginawa sa harap ng maraming viewers dahil lahat sila ay sumisigaw, naagaw ko lahat halos ng kanilang atensyon kumpara sa ibang kontender na nasa aking likuran. Lahat ng maririnig halos ay aking pangalan. “Mikky" nakabibingi na sigaw ng lahat. Sobrang pressure para sa akin ang sumali at lumahok sa Mr. and Miss Campus. Kundi talaga sa mga kaibigan ko at ilang mga kasamahan ko ay hindi ako sasali rito. Ito ang unang beses na sumali ako sa isang pageant at hiyang-hiya ako. "Your performance on stage was fantastic." Masayang bulalas ni Letty. "Binabati kita, Mikky!" Mainit na pagbati mula sa aking mga kasamahan at kaklase sa Engineering Department. "Wala akong masabi kasi simula pa lang." proud na sabi nila. "Napaka swabe, grabe!" Ang masayang-masaya bigkas pa ng mga kaklase ko. "Excellent" sigaw ng isa. “Sobrang galing ng ginawa mo Mikky, proud na proud kami sayo.” Masayang sabi pa ng isa sa mga student sa aming department. "Just a quick hello, my name is Mikky Louis, 19 years old, Davao City" Sigaw ni Letty. "From the Engineering Department" muli niyang sigaw, natawa nalang din kami at ang makulit na si Letty, ginaya pa maging ang pagsasalita ko, kung papaano ko lahat iyon binigkas sa harap nila kangina. "Sabay sumigaw pa siya, Diba? tapos sabay umikot at kembot, umitsa maging malapad niyang balakang." Biro nila at ako ay pinagtatawanan. “Ang husay niya talaga, diba guys?" Nagkakaisang sabi nila pa, pumapalakpak at masayang binati ako, sinabi “Congratulations, Mikky. We our so proud of you." Niyakap din ako ng ilang mga malalapit kong kaibigan at kaklase. “Group hug" Sigaw ng mga kaklase ko, sobrang ingay nila sa lakas ng mga kanilang sigaw. Bakas sa kanila ang sobrang kasiyahan, nag-group hug kami, halos mapisa ako at mabingi sa lakas ng sigaw at higpit ng yakap nila. Gaya na rin ng inaasahan ko, nagbunga ang paghihirap ko. Heto na at malalakas ang mga sigawan at palakpakan ng iaanunsyo na ang nanalo. “Miss Campus is...." Napuno ng malalakas na sigaw at hiyawan kung sino ang kani-kanilang boto. “Miss Campus is Mikky Louis" Malakas na anunsyo ng host speaker. Lahat ay natuwa, mayroon rin nalungkot at nadismaya. Pero ang higit na nakatutuwa dahil ako ang nakoronahan at nanalo na Miss Campus. “You won Mikky, that's great, Congrats." sabi ni Ma'am Ivy ang aking isa sa mga professor. Nararamdaman ko ang kanilang kagalakan para sa akin at sa tagumpay ng aming buong departamento. Lahat ay masayang-masaya. Ngunit ng una pa lang ako umakyat sa entablado kangina, pakiramdam ko ay hihimatayin na ako, sa lakas ng aking kaba. Nangangatog pa nga maging binti ko. Buong akala ko ay hindi ko kakayanin ang umakyat sa entablado at humarap sa maraming tao. Lalo na ng swim suit na, suot ko lang naman ang bikini na ipinasuot nila sa akin. Halos lumitaw na ang kinatatago ko ng mag-umpisa na akong rumampa sa harap ng lahat, sa kaba ko pa ay hindi sinasadya na mapatid ako at matimpalok na kinagulat ng lahat, lalo na syempre ako. Hiyang-hiya man ako, nagpatuloy nalang ako at lumakad, rumampa hanggang matapos. Sa lahat ng mga pinagdaanan ko, thanks God. Dahil nagbunga ito. Ako na ang tinanghal na bagong Miss Campus sa among eskwelahan. ****************** DAVID POV’S "Kangina ko pa napapansin ang pagtingin-tingin mo sa labas?" May pagtataka kong itinanong sa kanya, kay Ethan na walang ginawa ang pagsulyap mula sa mga dumadaan palabas at papasok sa bar. Tila ba kangina pa siya mayroong inaabangan at hindi ko malaman dahil hindi rin siya mapakali sa kanyang inaabangan. Nasa isang kilalang bar kami sa Makati City. Kung saan ay madalas rin kami maglagi. “Pre, ano bang inaabangan mo?" si Kia naman ang siyang nagtanong. Napansin rin pala niya ang kangina pa palingon-lingon ni Ethan. “Pare, ano ba talagang inaabangan mo sa mga taong pumapasok at lumalabas sa bar?” sinundan ko ang tanong ni Kia, ngunit hindi sumagot sa aming tanong si Ethan. “Alam niyo ang iingay niyong dalawa" tila inis na sinambit ni Ethan, kapwa naman kami natawa ni Kia. Maingay raw? Hindi nga kami nagsasalita mula ng hindi niya kami sagutin sa aming itinanong sa kanya ni Kia. Si Ethan talaga! “Pre, tinanong lang naman 'namin ikaw, hindi ka naman sumagot." katwiran na sinabi ko sa kanya, tumango-tango pa si Kia. “Uminom na nga lang tayo" Sabay taas ko ng aking baso. “Kia, Ethan" tawag ko sa kanilang dalawa. Itinaas ko ang aking baso at nginitian ko sila. Sumunod naman sila at itinaas rin ang mga hawak nilang baso na may lamang alak. "Cheers!" Bulalas ni Kia habang tinaas ang kanyang baso upang magsaya at ienjoy nalang namin ang gabi na magkakasama kaming tatlo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook