--*
πΊπππππ°π» πΏπΎπ
πΏπ°πΆπ³π°ππΈπ½πΆ ππ° ππ°πΏπ°π π½πΆ kwarto ko ay nagpasalamat ako kay kuya Connor. Medyo naiilang pa ako dahil sa pagiging masungit niya at seryuso.
Napaka-seryuso naman kasi niya. Pati ang mukha niya, para bang hindi marunong ngumiti. Well, kailan ko ba siya nakitang ngumiti? Hindi ko pa ata siyang nakitang ngumiti simula ng tumira kami dito ni mommy.
" Salamat kuya."
" Don't call me that kong gusto mong hindi ako magalit sayo."
" Bakit? Ano bang masama do'n? Buti nga ay tinatawag pa kitang kuya kasi may respeto ako sayo." Pangangatwiran ko sa kanya habang nakasimangot.
" Hindi ko hinihingi iyon sayo. Kaya okey lang kong hindi mo ako tawaging kuya." Malamig nitong sabi sabay talikod at umalis na. Nasundan kona lang siya ng tingin at huminga ng malalim.
" Hmp! Sungit!" Bulong ko saka hinawakan ang siradura ng pintuan at pinihit iyon saka tinulak pabukas. Pumasok ako sa loob saka pumunta sa kama. Hindi ko nilock dahil papasok si manang.
Naupo ako sa kama ng makalapit. Naiistress ako kay kuya Connor. Napaka-arte. Mabuti nga ay mabait ako sa kanya at gusto kong mapalapit sa kanya. Tapos ayaw niya akong tanggapin na kapatid. Ano bang masama do'n? Hindi naman nakakatanda na tawagin siyang kuya.
Maya-maya'y dumating na si manang at nilapit sakin ang dala niyang palangganita saka nilapag sa sahig.
" Kuha mo ako towel, manang please?" Pakiusap ko. Mababait ang mga katulong nila tito Cesar at si kuya lang ang bukod tanging masungit sa bahay.
Mga ka vibes kona sila at tanggap nila agad kami nila mommy. Hindi sila mataray kagaya ng napapanuod ko sa tv na kahit katulong ay masungit sa bagong asawa ng amo.
" Ito po maam." Abot sakin ni manang ng towel.
" Salamat po. Sige na, ako na bahala dito." Pagtataboy ko sa kanya. Hindi na ako masyado nag-uutos sa kanila basta kaya ko. Nahihiya kasi ako.
Kahit papaano ay marunong na ako simula ng maghiwalay sina daddy at mommy. Iyon nga lang ay hindi parin ako marunong magluto, maglaba, maglinis pero marunong na ako mag-ayus ng kama ko. Iyon nga lang ay ang pangit parin.
Nang wala na si manang sa kwarto ko ay binabad ko ang aking mga paa sa maligamgam na tubig habang nagse-cellphone. Nanunuod lang ako sa bitetrend kong saan ako sumasayaw. Napangiti pa ako ng makita ko ang isang followers kona pinost ang picture namin dalawa.
Ang saya ko kapag nakikita ko 'yun kasi feeling ko sikat na ako. Ang babaw lang kasi ng kaligayahan ko.
Nang matapos sa pagbabad ng paa sa maligamgam na tubig ay inalis kona doon ang mga paa saka pinunasan gamit ang towel.
Then binuhat ang palanggana saka dinala sa banyo para itapon ang tubig. Lumabas ako ng kwarto para ibaba ang planggana.
Nakasalubong ko pa ang masungit kong kuya. Nakangiti ko naman siyang binati kahit ayaw niya. Bahala siya, gusto ko siyang tawagin na kuya.
Hindi naman niya ako pinansin at dere-deretso lang siya sa paglalakad. Napangiti naman ako habang patungo sa kusina. Mukhang tapos na silang kumain at wala ng tao sa kusina ng makapunta ako.
" Ano kaya ang ginawa niya?" Tanong ko sa sarili saka pumunta sa laundry kong saan ko ilalagay ang planggana. Nang mailagay kona doon ang planggana ay bumalik ako sa kusina at tinignan ang ref kong anong pwede makain.
Kaya ko naman asikasuhin ang sarili ko. Basta nandiyan na ang pagkain at iinit kona lang sa microwave. Hindi ako pwede magluto kong ayaw kong masunog ang bahay nila tito Cesar.
Kumain na ako habang nagse-cellphone kaya naman ang tagal kong matapos. Ganito ako, parang bata. Matagal kumain kapag nakatapat sa cellphone. Samantalang ang kaunti lang ng pagkain ko.
Naabutan pa ako ni kuya Connor na kumakain, na busy sa panunuod ng mga vlog.
" Paano ka matatapos niyan kong inuuna mo ang panunuod?" Pansin niya sakin.
" Ay, may boses ka pala." Pang-aasar ko pero sinamaan niya ako ng tingin at hindi nagsalita. Napangiwi naman ako dahil ang talim ng tingin niya sakin na para bang gusto akong sakalin. " Sorry." Naka-2 peace ko pang sabi.
" Bilisan mona diyan. Anong oras na. Puro ka puyat kaya nagmumukha kang panda." Saad nito sabay talikod.
" Excuse me?" React ko dahil tinawag niya akong panda. " Hindi ako mukhang panda no? Wala kaya akong eyebags." Pagtataray ko.
" Bilisan mona. Anong oras na." Maawtoridad niyang utos saka pumunta sa ref.
" Bakit ba? Kumakain pa nga ako eh." Pangangatwiran ko.
" Paano ka matatapos kong puro cellphone ang inuuna mo?" Masungit nitong wika dahilan para mapaismid ako. Pakialamero.
" Oo na." Inis kong sabi saka tumayo na at dadalhin ko sana sa lababdo ang pinggan kona may laman paring pagkain.
" Oh, hindi mo uubusin 'yan?" Puna nito. " Alalahanin mo, maraming batang hindi kumakain ngayon tapos nag-aaksaya ka. Wala ka naman ambag."
Napaawang naman ang labi ko dahil sa labis na gulat. Hindi ko akalain na pagsasabihan niya ako ng gano'n. Alam ko, wala akong ambag. Pero andiyan naman si mommy para pakainin ako. Kaya may ambag parin ako sa bahay na ito.
" Oo na, sorry huh? Wala akong ambag." Inis kong wika saka inubos ang pagkain sa plato ko saka dinala sa lababo at hinugasan kona rin ang pinggan kahit ang hirap. Then inis ko siyang iniwan sa may kusina.
Nasaktan ako sa sinabi niya. Kailangan ba talagang ipamukha sakin na wala akong ambag sa bahay na ito.
--*
π²πΎπ½π½πΎπ πΏπΎπ
π½π°πππ½π³π°π½ πΊπΎπ½π° π»π°π½πΆ π½πΆ tingin si Krystal habang palabas ng kusina. nakaramdam ako ng guilty dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kong paano siya kakausapin na hindi nagsusungit. Hindi ako sanay makipag-usap ng mahinahon kapag kaharap siya. Para bang kinakabahan ako.
Napahugot ako ng malalim na buntong hininga saka kumuha ng beer sa ref. Mamaya pa ako matutulog kaya iinom muna ako habang naglalaro ng online games. Kina-adikan kona ang maglaro ng online dahil nga wala na akong ginagawa after work. Tinatamad naman akong lumabas kasama ng mga kaibigan ko.
Matanda na talaga ako. Lahat na lang kinatatamaran kona. Umalis ako ng kusina after ko makuha ang mga dapat kunin at pinatay ang ilaw. Then umakyat sa taas at pumunta sa veranda. Nagsimula na akong maglaro hanggang sa antukin na ako.
Ala una na, sabi ng orasan ko sa kwarto. Kaya naman natulog na ako. Kinabukasan ay maaga ulet ako nagising dahil 6:00 oclock ang trabaho ko. Naligo muna ako bago magkape sa kusina. Tapos ay nagtipa-tipa muna ako sa laptop habang inaantay si manang na magluto ng almusal.
Nang dumating ang 5;30 ng umaga ay kumakatok na si manang para mag-almusal na ako.
" Si Krystal hindi mo gigisingin?" Tanong ko kay manang.
" Huwag na lang daw muna sir. Masyado pa daw maaga sabi ni maam. Mamaya na lang daw pong ala-sais." Sagot nito saka umalis na. Napabuntong hininga naman ako saka pumunta nasa kusina.
Nakita kona doon sina papa at ang stepmom ko.
" Good morning iho." Nakangiting bati sakin ng step mom ko. Tumango naman ako sa kanya saka lumapit sa ama ko.
Mabait ang napangasawa ng papa ko at nakikita kong mahal na mahal niya si papa. Alagang-alaga niya, kaya paano pa ako tutol.
" Morning pa." Bati ko naman sa aking ama.
" May trabaho kaba today?" Tanong ni papa.
" Opo, pa. Bakit po?" Balik tanong ko.
" Wala naman. Bukas magsisimba kami sa quiapo. Sasama kaba?" Muli ay tanong nito habang kumakain na kami.
" Tignan ko pa. Baka may trabaho ako bukas." Wika ko.
" Oh sige. Para naman makapasyal ka. Puro kana lang kasi trabaho. Hindi kana nakapag-asawa." Saad nito na halatang malungkot.
" Darating rin po ako diyan. Sa ngayon ay wala pa." Sabi ko naman. Gusto na talaga niya ako mag-asawa dahil matanda na nga ako. Para daw may kasama ako sa buhay at may apo na siya sakin. Alangan naman kumuha lang ako ng babae sa tabi-tabi para lang buntisin ko.
" Sige iho, pero dapat bago ka mag-40 may apo na ako sayo." Nakangiti na nitong wika. Napailing naman ako at napangiti naman ang stepmom ko.
Hindi naman ako pinipilit ni papa na mag-asawa na ako. Pero kapag naisipan niyang magtanong, magtatanong na naman siya kong kailan ako mag-aasawa.