--*
πΊπππππ°π» πΏπΎπ
π½π°πΏπ°π·ππΆπΎπ π½π° π»π°π½πΆ π°πΊπΎ nang malalim na buntong hininga ng marinig ang sinabi ni kuya Connor at habol ko ng tanaw habang paakyat sa taas.
" Ang arte naman. Ano bang magagawa niya? Babae ako." Malungkot kong bulong saka sinundan siya para ibigay ang plastik na may lamang pagkain.
Pagdating doon ay kumatok ako sa pintuan nito, at bumukas naman agad ang pintuan.Pero napanganga ako ng makita kong walang suot na pang-itaas si kuya Connor.
" Wow! ang sexy." Hindi ko pa napigilan sabi ko habang nakatingin sa mga tinapay nito at nakaawang ang mga labi ko.
" Anong kailangan mo?" Rinig kong sabi ni kuya Connor dahilan para mapakuraprap ako ng mga mata ay nag-init ang pisngi ko ng mapagtanto ang sinabi ko.
" Ito." Hindi makatingin na abot ko sa kanya ang plastik dahil sa labis na hiya. Marami na naman akong nakitang katawan ng lalake sa america pero kakaiba kay kuya Connor.
Sobrang sexy at hot niyang tignan. Pwede na siya maging model ng mga briefs hehe. At hindi ko pa nakikita ang maganda niyang katawan o nakahubad kaya namangha ako ng makita ko ang maganda niyang katawan.
" Salamat." Sabi nito saka kinuha ang plastik mula sa kamay ko dahilan para magdikit ang aming mga kamay at may kong anong dumaloy na kuryente sa aking kamay. Muntik ko pa mabitawan ang plastik dahil sa nangyare.
" Sige po." Paalam ko.
" Babalik kapa do'n?"
Tumango naman ako habang hindi tumitingin dahil nahihiya pa ako sa nangyare.
" Okey." Saad nito saka sinara na ang pintuan ng kwarto niya. Napahugot naman ako ng malalim na buntong hininga. Sanay naman akong makakita ng katawan sa Amerika. Pero bakit kakaiba kay kuya Connor? Bakit parang may nararamdaman ako. Noong magdaiti ang aming mga kamay?
Kaya ngayon ay nahihiya ako. Dapat walang malisya kasi mag-step sister kami. Muli ay napabuntong hininga ako bago umalis para bumalik sa restaurant.
Pagdating doon ay ang dami paring customer. Sa sobrang sarap kasi ay ang daming nakain. Kaya naman masayang-masaya si mommy at tito Cesar.
" Nandiyan kana pala anak. Pakidala nga nito sa table number 4." Sabi ni mommy ng makalapit ako sa counter.
" Okey po." Sagot ko saka dinala ang tray na may lamang pagkain. Lumapit ako sa table number 4 habang may ngiti sa labi. " Hi, maam and sir. Ito na po ang order niyo." Sabi ko ng makalapit sa dalawa saka nilapag ang tray sa ibabaw ng mesa.
Napatingin naman sakin ang lalake na tila kinikilala ako.
" Parang kilala kita. Diba ikaw si Lady Krystal?" Sabi ng lalake dahilan para mapangiti ako. " Ikaw nga. Pwede pa picture?" Masaya nitong sambit.
" Sino siya babe?" Tanong naman ng babae sa boyfriend niya na mukhang selosa.
" Si Lady-Krystal babe." Masaya paring sagot ng lalake na tilang siyang-siya ng makita ako.
" So?" Pagtataray naman ng babae sabay taas kilay. " Wala akong paki. Pumunta tayo dito para kumain at hindi magpa-picture sa kanya." Pagtataray parin ng babae kaya humingi sakin ng pasensya ang lalake dahil sa inasal ng girlfriend niya.
" Sorry, miss."
" Okey lang. Sige enjoy." Nakangiti kong sabi kahit ang gusto ko ay irapan ang babae. Ang taray, akala mo kagandahan at aagawin ang boyfriend. Saksak niya sa baga niya.
Maya-maya'y naging busy na ako dahil marami parin kumakain sa restaurant ni tito. Hindi ko akalain na sikat pala ang kainan na ito dahil maraming nakain o nagkataon lang. Tapos ay ang dami rin nakakilala sakin. Ang daming nagpa-picture na para bang artista ako.
Syempre masaya ako dahil ang daming nakakakilala sakin. Kahit puro pa cute at sayaw lang ako ng sayaw sa Bitetrend.
Hindi ko naman gusto sumikat o maging vlogger talaga. Ang akin lang ay gusto ko lang sumayaw o magpa-cute. Pero hindi ko akalain na maraming nagpa-follow sakin dahil ang ganda at ang galing kong sumayaw.
" Sikat ka pala anak." Sabi ni tito Cesar ng kaunti na lang ang customer at nagpapahinga na lang kami. Grabe, sobrang pagod na pagod ako. Panigurado ay bagsak ako nito mamaya pag-uwe.
" Hindi naman po. May bitetrend lang po ako."
" Ano bang ginagawa doon? Hindi ko kasi alam 'yan." Tanong pa sakin ni tito.
" Pwede ka pong sumayaw o kumanta. Minsan naman ay pwede kang mag-mukbang o kahit na ano pong gawin niyo. Pero bawal po ang mga bastos." Pagku-kwento ko sa kanila.
" Ah, kaya pala maraming nakakakilala sayo." Nakangiting sabi ni tito. Napangiti naman ako dahil saksi sila kanina na maraming nagpa-picture sakin.
Nang dumating ang gabi ay nag-asikaso na sila mommy at tito dahil uuwe na kami. Mga staff na lang maiiwan para maglinis at magsara ng restaurant. May pinagkakatiwalaan silang tao na maghahawak ng susi. Pero ang mga benta ay dinadala na nila mommy para sa bahay na bilangin kong magkano ang kinita.
Sumakay agad ako sa likod ng kotse ng makapag-paalam na ako sa mga staff. Mga kaibigan kona sila dahil ang babait nila.
" Napagod kaba iha?" Narinig kong tanong ni tito sakin habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Pauwe na kami sa bahay at sa bahay na lang kami kakain sabi ni mommy. Nagluto na kasi si manang.
Ayaw na nila kumain sa restaurant dahil nagsasawa na sila. Kumain ako kanina pero kaunti lang.
" Opo, tito. Masakit lang po ang mga paa at binti ko." Reklamo ko. Ngayon ko lang naramdaman dahil nakaupo na ako. Kanina kasi hindi, busy kasi ako at masaya ako dahil may nakakakilala sakin.
" Ibabad muna lang mamaya sa maligamgam na tubig para mawala ang sakit. Tapos pa hilot muna lang mamaya kay manang." Suhestiyon nito.
" Huwag na po. Pahinga na lang po ako. Nabigla po ata." Tanggi ko sa kanya.
" Hindi ka kasi sanay sa trabaho anak. Kaya sumakit ang mga paa at hita mo." Sabi ni mommy dahilan para mapasimangot ako. Totoo naman, wala akong ginagawa o trabaho.
Pagdating sa tapat ng bahay ay nag-busina si tito at bumukas ang malaking gate. Si manang ang nagbukas. Pinasok naman ni tito ang sasakyan sa loob at pinarada sa garahe.
Bumaba naman ako ng sasakyan habang napapangiwi at paika-ika. Inutusan ko naman si manang na magdala ng maligamgam na tubig sa kwarto ko para ibabad ko ang aking mga paa.
" Sige po maam." Sagot nito saka nagpaalam na. Pumasok na rin kami sa loob ng bahay at nakita ko ang aking stepbrother na bumababa. Napatingin siya sakin pero hindi nagsalita at nanatiling walang emosyon ang mukha niya.
" Connor. Tulungan mo nga si Krystal na umakyat at masakit ang mga paa niya." Narinig kong utos ni tito sa anak niya. Agad naman akong tumutol at baka sungitan lang niya ako.
" Huwag na po. Kaya ko naman po." Tanggi ko saka nagpaalam nasa kanila. Hindi na nagpumilit si tito Cesar at pumunta na sila ni mommy sa kusina.
Ako naman ay naglakad na patungo sa hagdanan. Mamaya na lang ako kakain kapag okey na ang pakiramdam ko. Nagulat naman ako ng tumabi sakin si kuya Connor at tinulungan ako.
" Huwag na-"
" Huwag kana tumanggi pa. Hirap na hirap kana nga." Pagsusungit nito saka inalalayan ako. Hinawakan niya ako sa may beywang dahilan para mapakagat ako sa ibabang labi dahil magkadikit ang aming mga katawan.