𝙺𝙲-07

1127 Words
--* π™Ίπšπšˆπš‚πšƒπ™°π™» π™Ώπ™Ύπš… πš‚πš„π™Όπ™°π™Όπ™° 𝙽𝙢𝙰 𝙰𝙺𝙾 𝙺𝙸𝙽𝙰 mommy sa restaurant ni tito Cesar para naman may magawa ako sa buhay ako. Ako kasi ang taong walang ginagawa sa buhay kahit hiwalay na ang mga parent ko. Hindi naman ako pinipilit ni mommy na maghanap ng trabaho dahil kilala niya ako kapag nagtrabaho na. Ilang araw lang ay magre-resign na ako. Sa una lang ako magaling. Kaya hindi ako inaasahan ni mommy sa paghahanap ng trabaho. Atsaka bata pa naman ako. Nasanay kasi ako sa Amerika na hindi na nagwowork noong hindi pa hiwalay ang mga magulang ko. Puro lang ako shopping at travel. Pero ngayon ay hindi kona nagagawa dahil maliit na lang ang binibigay ni daddy sakin. Si Mommy naman ay binibigyan rin ako pero hindi parin sapat. Kaya sa mga online na lang ako bumibili ng mga gusto ko. Buti na lang hindi ako gano'n ka spoiled brat kaya ng maghiwalay ang mga magulang ko ay nasanay agad ako sa buhay namin ngayon. Hindi ako mapaghanap at kong ano lang merun ay tinatanggap ko. Nahihiya naman ako manghingi kay tito Cesar at baka magalit ang kuya ko. Jusko, hindi nga niya kami tanggap ni mommy kaya sinusungitan niya ako palagi at hindi matanggap na magiging magkapatid na kami. Hindi naman sumasama ang loob ko sa kanya dahil naiintindihan ko naman si kuya Connor. Hindi gano'n kadali dahil babae ako. Siguro kong lalake baka matanggap niya agad ako. Pero hindi ako titigil dahil gusto ko siya maging kuya. Malayo ang mga kapatid ko kaya gusto ko makuha ang loob niya kahit sobrang sungit niya. " Okey ka lang, iha?" Tanong sakin ni tito ng pumasok ako sa loob ng hot kitchen. Nagluluto siya ng mga oras na iyon dahil ang daming costumer. Pero hindi lang naman siya ang nagluluto dahil may mga kasama pa siya dito sa loob. Kahit may edad na ay gusto parin niya magluto dahil passion niya talaga ang pagluluto. Tapos sobrang sarap pa ng mga pagkain sa restaurant. Bale chinese food ang niluluto niyang pagkain kahit hindi naman chinese si tito cesar. Pero ito ang tinayo niyang restaurant at pinangalan kay kuya Connor. Ang name ng restaurant niya ay House of Connor. At mura lang ang mga pagkain kaya maraming kumakain. " Opo, medyo nakakapagod nga lang." Nakangiti kong sagot. " Gano'n ba? Oh ito, humigop ka muna ng sabaw." Wika nito saka inabot ang mangkok na may sabaw. Hindi ko alam kong anong name. " Salamat po tito." Nakangiti kong saad saka humigop ng sabaw. " Hmmm, ang sarap." Masaya kong komento. Napangiti naman si tito at nagpatuloy sa pagluluto. Ako naman ay kumain lang habang nando'n parin. Si mommy naman ay nasa counter dahil siya ang humahawak ng kaha. Maya-maya'y may tinawag si tito na isang staff at pinapasok sa hot kitchen. " Sir." Sabi ng lalake. Ito 'yung delivery boy nila. Nagpapa-order kasi si tito kaya malakas ang maliit niyang restaurant. " Deliver mo nga ito sa bahay. Nagpapa-deliver ang anak ko." Utos ni tito sa lalake dahilan para sumingit ako sa usapan nila. " Ako na lang po magdadala tito." Pag-presenta ko. " Sure ka?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito. Nakangiti naman akong tumango. " Opo, para naman po hindi na siya maging masungit sakin." Natawa naman si tito dahil alam niyang sinusungitan ako ng unico iho niya. " Oh sige. Mabuti pa nga para naman lumambot sayo." Nakangiti pa nitong segunda saka binalot na ang dadalhin kong pagkain ni kuya Connor. Maya-maya'y nagpaalam na ako kay mommy habang dala ko ang pagkain na gusto ni kuya Connor. Mahilig pala si kuya sa pagkaing chinese. Sabagay, may restaurant nga sila. " Mag-iingat ka. May pamasahe kana ba?" Tanong sakin ni mommy. " Opo, mommy. May pera po ako dito." Nakangiti kong sagot saka yumakap sa kanilang dalawa bago umalis. Magga-grab ako at nagpa-book na ako kanina habang inaayos ni tito ang pagkain ng kuya ko. Ginagawa ko 'to para makuha ko ang loob ng kuya ko. Ang hirap pa naman kunin ang loob niya. Para akong nangliligaw dahil ang hirap niyang suyuin. Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na ako sa westbell na kong saan ang bahay ni tito Cesar. Nang huminto ang grab sa tapat ng bahay nila tito Cesar ay nagbayad na ako kay kuya driver bago bumaba ng sasakyan. Nag-doorbell ako ng tatlong beses. Nakangiti pa ako habang inaantay na bumukas ang gate. At habang naghihintay ay may lumapit sakin na lalake dahilan para kabahan ako. " Hi, diba ikaw si Lady Krystal?" " Kilala mo ako?" Gulat ko naman tanong dahil kilala niya ako. " Oo, nag-follow ako sayo." " Ay, wow salamat po." Masaya ko naman sambit. May nakakakilala na talaga sakin dahil marami na akong followers sa mga sosyal media ko. " Pwede ba ako makipag-picture sayo? Idol kita eh. Ang galing mong sumayaw." Papuri pa niya sakin kaya mas lalo lumaki ang ngiti ko sa labi at kinilig dahil may nakakakilala na sakin. Feeling sikat pa ako ngayon. " Sure." Paunlak ko. At sakto namang bumukas ang gate. Nakita ko si kuya Connor ang nagbukas ng gate. " Wait lang kuya." Sabi ko kay kuya Connor at lumapit sa lalake saka nag-picture kami. " Salamat idol." Sabi ng lalake habang may ngiti sa labi. Mukha namang bata pa siya at mukhang malapit lang sa edad ko. " Walang anoman. Salamat, sige." Nakangiti kong sabi saka nagpaalam na dito. " Hi kuya." Bati ko kay kuya Connor. " Bakit nandito ka? Diba nasa restaurant ka ni papa?" Masungit na naman niyang tanong habang walang emosyon ang mukha niya. Ang sarap niyang kaltukan. " Syempre, dinala ko ang paborito mong pagkain." Ani ko na may matamis na ngiti sa labi kahit nakakairita siya dahil ang sungit-sungit niya. " Bakit ikaw nagdala? May delivery boy naman si papa." Muli ay tanong niya. Huminga naman ako. " Wala naman akong ginagawa. Atsaka para mapalapit na rin sayo. Ang sungit-sungit mo kasi kuya." Nakanguso kong aniya. Napatitig naman siya sa mga mata ko ng ilang segundo bago nagsalita. " Bakit kasi lumalapit kapa sakin. Alam mo namang hindi kita gustong maging kapatid." Masungit nitong sambit saka pumasok sa loob. Pumasok naman ako sa loob at sinara ang gate bago sumunod dito. " Bakit kasi ayaw mo? Mabait naman ako, maganda, sexy at matalino. Ano bang ayaw mo sakin bilang kapatid?" Tanong ko sa kanya habang sumusunod dito. Ang bilis niyang maglakad. Pero natigilan ako ng tumigil siya sa paglalakad at bumaling sakin. " Alam mo kong bakit?" Malamig niyang tanong habang nakatingin sakin. " Bakit?" Kinakabahan ko naman tanong sa kanya. " Hindi ka lalake. At kong naging lalake ka lang, baka tinanggap pa kita bilang kapatid ko." Sagot nito sabay talikod at umakyat nasa taas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD