𝙺𝙲-01

1130 Words
--* π™Ίπšπšˆπš‚πšƒπ™°π™» π™Ώπ™Ύπš… π™Ώπ™°πšƒπš„π™½π™Άπ™Ύ 𝙺𝙰𝙼𝙸 π™½π™Άπ™°πšˆπ™Ύπ™½ sa bahay ni tito Cesar dahil magsasama na sila ni mommy sa iisang bahay. Kasal na sila sa simbahan at divorce na sila ni daddy. At ngayon ay magsasama na sila sa iisang bubong. May iba na ring kinakasama si daddy sa Amerika pero kasama parin niya ang mga kapatid ko doon. Malungkot dahil hiwalay na ang mga parent ko. Wala naman akong magawa dahil iyon na ang gusto nila. Kaya ako, kapag nagka-pamilya na. Hindi ko hahayaang walang daddy ang magiging anak ko. At gagawin ko ang lahat huwag lang kami maghiwalay. Kahit hiwalay na ang mga magulang ko. Gusto ko paring magkaroon ng isang pamilya someday. " Okey ka lang, Krys?" Tanong sakin ni Mommy ng lingunin niya ako sa backseat ng kotse. Nasa likod ako, habang magkatabi sina mommy at tito Cesar sa unahan. Mabait naman si tito Cesar at mahal na mahal niya si mommy. Hindi niya rin akong tinuturing na iba. Para ngang anak na ang turing niya sakin sa tuwing pumupunta siya sa bahay namin ni mommy. Binibili niya rin ang mga gusto ko. Pero syempre, tumatanggi ako. Hindi ko naman siya daddy para magpabili ng kong ano-ano. Nakakahiya kaya. At ang sabi ng mommy ko. Magtipid-tipid na kami kasi hindi na katulad ng dati ang buhay namin. Kaya ngayon, nagtitipid na ako. Hindi na katulad ng dati kapag may gusto akong bilhin ay punta agad ako sa mall. Pero kapag nagpapadala si daddy ng pera sakin ay bumibili talaga ako ng mga gusto ko. Hindi pa naman nakakalimot si daddy sakin. Binibigyan niya ako ng allowance every month. At ayaw akong pag-trabahuin ni mommy dahil kaya pa naman daw niya. Kaya may pera ako kahit walang trabaho. Palagi lang ako sa bahay, wala akong ginagawa. Puro lang ako post sa social media ko. Pati sa black app, panay ang sayaw ko. Pero minsan ay napunta ako sa bahay nila ninong at ate Mhalee kahit ang layo ng bahay nila samin. " Yes, mommy." Tipid kong sagot sa kanya habang hawak ko ang teddybear na bigay sakin ni daddy. Hindi ko 'yun inaalis sa katawan ko. Depende na lang kapag aalis ako o may pupuntahan. Regalo sakin ni daddy noong bata pa ako dahil mahilig ako sa teddybear. Pero si tenderbear ang nagustuhan ko sa lahat kaya palagi ko siyang katabi sa kama at pagtulog. " Malapit na tayo." Sabi naman ni tito Cesar habang may ngiti sa labi. Napangiti naman ako sa kanya sabay lingon sa labas ng sasakyan. Kinakabahan ako at natatakot dahil magkakasama na kami sa iisang bubong. Ang sabi ni mommy, may anak daw si tito Cesar sa dati nitong asawa. Natatakot ako kasi lalake. Mamaya pangit pala ang ugali ng magiging stepbrother ko. Pero ang sabi ni tito Cesar. Mabait naman daw ang anak nito. Iyon nga lang ay tahimik lang daw ang anak nito. So far, okey naman ang lahat dahil mabait si tito Cesar sakin. Ewan kona lang sa anak ni tito. Mamaya may gawin sakin na masama kapag wala sila mommy at tito Cesar. Kaya nakakaramdam ako ng takot. Iba na kasi ang panahon ngayon, marami akong nakikita sa sosyal media. Kahit anak o kamag-anak, nire-rape. Kaya natatakot ako. Maya-maya'y pumasok kami sa isang village. Ang sabi ni mommy, may kaya daw sa buhay si tito Cesar. Pero noong kinasal sila sa simbahan, simple lang ang kanilang kasal. Wala rin masyadong bisita no'n, kahit ang anak ni tito. Hindi umattend. Pero may sariling restaurant si tito Cesar. Ngunit maliit nga lang at isa lang daw. Kaya sobrang sarap magluto ni tito dahil siya ang chief sa sarili niyang restaurant. Pagdating namin sa tapat ng bahay ni tito Cesar ay nakita kong bungalow lang ang bahay nito ngunit pahaba naman ang bahay niya. Mukhang malaki naman. Pero infairness ang ganda ng bahay niya. Kahit simple lang, kumpara sa mga dinaanan namin kanina. May sarili ring gate, kahit may gate sa labasan. Bumusina si tito Cesar. Maya-maya'y may nagbukas ng gate at nakita ko ang isang babae na nasa tingin ko ay 40+ na. " Si manang tinding." Narinig kong sabi ni tito Cesar. Pinasok na niya ang sasakyan sa loob at pinarada sa may garahe. May nakita akong isang big bike sa gilid. Mukhang sa anak ni tito Cesar iyon. " Tara na." Magiliw na sabi ni tito saka bumaba na ng sasakyan. Sumunod naman kami ni mommy na lumabas ng kotse. Pinakilala naman kami ni tito Cesar sa kanyang katulong. Mukhang mabait, base sa itsura niya. Minsan kasi, may nakikita ako sa palabas. Kahit katulong, ang sungit sa bagong asawa ng amo. " Manang, si Arisa ang asawa ko at ang anak niyang si Krystal. Dito na sila titira, from now on. Tumango naman ang matanda at bumaling kay mommy habang may ngiti sa labi. " Hello po maam. Ang ganda niyo po pala sa personal." Magiliw na sabi ni manang kay mommy. Parang nahiya naman ang mommy ko dahil sa papuri. Well, maganda naman talaga ang mommy ko. Sa kanya nga ako nagmana ng kagandahan. " Ay, salamat po." Nakangiting sabi ni mommy. Tapos ay sakin naman bumaling si manang. " Hello po, ganda ring batang ito." Saad nito sakin. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. " Hello po." " Si Connor, Manang?" Si tito. " Nasa kwarto niya po sir. Nagtatrabaho." Sagot ni manang kay tito. " Gano'n ba? Gawan mo nga ng meryenda ang mag-ina ko." Sabi ni tito sa katulong niya. Inaangkin na niya ako bilang anak. Well, okey lang naman sakin dahil mabait na tao si tito Cesar. Pumasok na rin kami sa loob ng bahay at si manang na lang daw mag-aayus ng gamit namin. Dinala ko lang ang teddybear ko sa loob. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay pinaupo kami ni tito sa may mahabang sofa. Namangha naman ako dahil ang ganda ng loob ng bahay. Kong simple lang sa labas, bongga naman ang loob. Nanuot rin sa ilong ko ang bango ng bahay. Parang palaging nililisan dahil ang linis at ang bango. Maaliwalas rin ang buong bahay. " Sandali lang, hon. Tawagin ko lang si Connor." Kapagkuwan ay sabi ni tito kay mommy. " Huwag na, hon. Nagwowork ang anak mo." Tanggi naman ni mommy. " Saglit lang naman." Giit nito kaya hinayaan na siya ni mommy at naghalikan pa sa harapan ko ang dalawa bago umalis si tito. Mukhang hindi papapigil si tito na hindi kami mameet ng anak niya. Wala kasi sa kasal nila mommy ang anak niya dahil busy raw ito. Alam ko naman na hindi tanggap ng anak ni tito Cesar ang mommy ko. Kaya nga natatakot ako na baka pangit ang ipakita ang ugali samin. Nako, huwag lang niya ako apihin at baka lumaban ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD