--*
π²πΎπ½π½πΎπ πΏπΎπ
π½π°ππΈπΆπΈπ»π°π½ π°πΊπΎ ππ° πΏπ°πΆππΈπΏπ° sa keyboard ng laptop ko ng maramdaman kong may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko kaya napalingon ako doon. Nakita kong bumukas ang pintuan at nakita ko ang aking ama na si Cesar ang pumasok.
Umalis ito kanina at sinabing i-uuwe na niya ang bago niyang asawa dito sa bahay.
Tutol man ako sa pakikipag-relasyon niya sa babaeng 'yun kahit hindi ko pa siya nakikita dahil sabi niya ay hindi na siya mag-aasawa ulet after kaming iwan ng aking ina at sumama sa ibang lalake.
Tapos nalaman ko pang may anak ito at isasama dito sa bahay. Kaya naman hindi ako umattend sa kasal nila papa dahil ayaw kona siyang mag-asawa. Pero tinuloy parin niya.
" Dumating na pala kayo. Anong kailangan mo, pa?" Tanong ko sa aking ama ng bumaling dito. Wala rin emosyon ang mukha ko. Palagi naman, simula ng iwan kami ni mama. Hindi na naging maganda ang mood ko. Trabaho at laro na lang ang pinagkakaabalahan ko sa buhay kaya hanggang ngayon ay wala pa akong asawa.
" Nandiyan na ang mag-ina. Ipapakilala kita sa kanila." Masayang sambit ng aking ama. Masaya ang bukas ng mukha nito at masaya ito sa bago niyang asawa. Masaya na rin naman ako para sa aking ama.
" Huwag na, pa. Hindi naman ako interesado sa kanila." Walang emosyon na sagot ko sa kanya. Alam ko mabait si papa, kaya nga tinanggap niya ang babaeng 'yun kahit may anak na. Pero kong ako ang tatanungin. Hindi ako papayag dahil masaya na kami kong kami lang dalawa.
Wala ng iisipin sa buhay dahil stable na ang pamumuhay namin dalawa. May trabaho ako at maganda ang sahod. Si papa naman ay may sariling bussiness. Pero gusto ni papa ulet mag-asawa kaya hindi ko siya pinigilan. Pero huwag lang niya akong pilitin na pakisamahan ang mag-ina. Hindi ko talaga gagawin 'yun.
Pangit na ang ugali ang tingin nila sakin. Pero wala ako sa mood na kilalanin sila.
" Please, Connor. Kahit ngayon lang. Kilalanin mo ang bago kong asawa at magiging stepsister mo. Magiging isang pamilya na tayo." Saad nito dahilan para mapangisi ako. Isang pamilya? Talaga ba? Iniwan nga kami ng mama ko.
" Fine!" Maya-maya'y sabi ko. " Ngayon lang. At kausapin mo ang bago mong asawa saka anak niyang huwag nila akong papakialamanan." Ani ko dahilan para mapabuntong hininga ng malalim si papa.
Alam ko, hindi niya gusto ang inaasal ko pero wala na siyang magagawa dahil matagal na panahon bago ulet siya nag-asawa. 25 ako no'n ng iwan kami ni mama at 35 na ako ngayon.
10 years ng nakakalipas. May sarili na ring pamilya ang mama ko.
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko saka lumabas na kami ng kwarto at pumunta kami sa may sala's kong nasaan ang mag-ina. Napalingon agad samin ang dalawang babae at napatingin naman ako sa anak ng stepmom ko. Tumutok agad ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko napigilan dahil nakuha niya agad ang atensyon ko.
Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang dalaga habang nakatingin siya sakin na may kiming ngiti sa labi. Hindi ko alam kong bakit nag-react ang katawan ko at parang may kakaiba akong naramdaman. Ngayon na lang ulet nag-react ang katawan ko ng matitigan ko siya. Para bang may ginigising siya sa katawan ko habang nakatingin ako sakanya. Parang bumilis rin ang t***k ng aking puso habang nakatingin ako sa kanya.
Masasabi kong maganda siya, matangkad, maputi at sexy. Sa itsura ng dalaga ay halatang anak mayaman at spoild brat. Nakakahalina ang kagandahan niya. Parang lahat ng lalake ay mapapalingon dahil sa taglay niyang ganda.
Nang mapatingin ako sa mga labi niya ay biglang nag-react ang alaga ko at parang nauhaw ako ng mapatitig ako sa mga labi niya. Maliit at walang lipstick ang labi niya at natural lang. Parang ang sarap halikan dahil nakakaakit titigan.
Maya-maya'y napaiwas ako ng tingin dahil naramdaman kong parang tumitigas ang alaga ko. Mabilis kong tinakpan ang pagkalalake ko at baka magulat sila kapag bumakat iyon. Malaki pa naman ang alaga ko. Biniyayaan ako ng malaking pagkalalake.
" Connor, ang tita Arisa mo nga pala. At anak niyang si Krystal." Narinig kong pakilala ni papa sakin sa mag-ina. Halata sa tono nitong masaya siya dahil sa makakasama na niya ang bagong asawa.
Mahina akong tumango habang walang emosyon ang mukha ko. Hindi na rin ako lumingon sa dalaga dahil nag-iiba ang reaction ng katawan ko.
" Hi, ikaw pala si Connor. Kinagagalak kitang makilala." Sabi ng matandang babae at nagulat ako dahil lumapit siya sakin saka niyakap ako. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahilan para matawa ang babae. " Ang cute mo naman mag-react, iho." Aniya at pinakilala sakin ang anak niya. " Ang anak ko nga pala, si Krystal."
Hindi naman ako kumibo at tumingin lang dito saka umiwas agad ng tingin. Nagulat naman ako sa tinawag niya sakin.
" Hi kuya."
" Hindi kita kapatid." Bastos kong sabi dahilan para mapahiya ang dalaga at namula ang pisngi niya.
" Connor!" Galit naman sigaw ni papa sakin. Alam ko, immature ang inaasal ko. Pero hindi ko talaga gusto ang tinatawag niya sakin.
Hindi ko pinansin si papa at iniwan sila sa may sala's namin saka bumalik sa kwarto ko.
Narinig ko pa ang sinabi ni papa bago ako tuluyang makarating sa kwarto ko.
" Pagpasensyahan niyo na ang inasal ni Connor. Hindi lang siya sanay na may tatawag sa kanya ng kuya."
Umismid naman ako saka pumasok sa loob ng kwarto ko. Pangarap kong magkaroon ng kapatid noon. Pero dahil iniwan kami ni mama. Nawala na ang pangarap kong magkaroon ng kapatid. Tapos ngayon may tatawag sakin na kuya pero hindi ko ka dugo? Tsk.
Lumapit ako sa may gaming chair ko at naupo saka huminga ng malalim. Natigilan pa ako dahil biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si papa na galit.
" Hindi ko gusto inasal mo, Connor."
" Tinawag niya akong kuya." Malamig na sabi ko sa aking ama. Hindi ako natatakot dahil hindi naman nanakit si papa.
" Ano naman? Mas matanda ka sa kanya. 24 palang si Krystal kaya kuya ang tawag niya sayo."
" Ayaw ko! Hindi ko siya kapatid." Matigas na ani ko sa kanya habang nagtatagis ang bagang ko. Kapag naiisip kong kuya ang tawag niya sakin ay parang kinikilabutan ako. Hindi ko alam kong bakit. Hindi ko gustong tawagin niya akong kuya.
" Connor naman." Mahina na ang boses ni papa na tila pinapakalma ang sarili. " Ang gusto ko lang ay maging mabuti ka sa kanila dahil pamilya na natin sila."
" Kong gusto niyo maging maayus kami. Huwag niya ako tatawagin kuya." Walang emosyon kong sabi kaya muling napahugot ng malalim na buntong hininga si papa.
" Sige, kakausapin ko si Krystal." Saad nito saka iniwan na ako sa loob ng kwarto ko. Hindi ako mapipilit ni papa kapag sinabi ko. Kilala niya ako dahil kaming dalawa lang ang magkasama sa bahay na ito. Alam niya ang ugali ko.
Humarap na ako sa laptop ko para magsimula ng magtrabaho at nagpukos ang atensyon ko doon.