--*
πΊπππππ°π» πΏπΎπ
πΏπ°πππ½πΆπΎ π°πΊπΎ ππ° π±π°π·π°π nila ninong at ate Mhalee. Wala kasing magawa sa bahay kaya makikitambay muna ako sa kanila. Yung bago ko naman kuya. Masungit at suplado, hindi makausap kaya pupunta muna ako kina ninong.
Wala si mommy at tito Cesar dahil nando'n sila sa maliit na restaurant ni tito. Palaging magkasama ang dalawa kaya palaging wala si mommy sa bahay. Halatang mahal na mahal nila ang isa't isa dahil hindi mo mapaghihiwalay. Masaya naman ako para sa kanila at hinahayaan kona lang ang mommy ko. Ayaw ko maging kontrabida sa buhay nila dahil mabait naman si tito Cesar. Yung anak lang ata niya ang kontrabida.
" Hi, manang." Sabi ko ng bumukas na ang maliit na gate at si manang Zeny ang nagbukas no'n.
" Hello, Krystal. Pasok ka." Masaya nitong sabi saka binuksan ng bahagya ang pintuan ng gate.
" Sina ate at ninong, manang?" Tanong ko naman dito.
" Nasa work si sir. Pero si Mhalee nasa garden. Nandito kasi ngayon ang pamangkin kong si Mel."
" Ay talaga po?" Masaya ko namang sambit. Nakangiti naman itong tumango kaya nagmamadali akong pumunta ng garden at iniwan si manang. Pagdating sa garden ay nakita ko nga ang dalawa habang nag-uusap. Dali-dali naman akong lumapit sa kanila. Napansin kong wala ang anak ni ate Mhalee. Mukhang pinapatulog na ng yaya nito.
Mahal na mahal kasi ni ninong si ate Mhalee at ayaw mapagod kaya kumuha ng yaya.
" Hi." Masaya kong sambit ng makalapit sa kanila. Nakatalikod kasi sila kaya hindi nila ako pansin.
" Krystal!" Gulat na sabi ni ate Mhalee at agad na tumayo saka niyakap ako ng mahigpit. Napangiti naman ako. " Kamusta kana? Bakit hindi kana napunta dito?" Tanong nito ng maghiwalay na kaming dalawa.
" Wala, tinatamad ako. Ang layo ng bahay niyo eh." Nakangiti kong sagot. Nag-taxi lang akong pumunta dito. Wala na kaming sasakyan ni mommy at benenta na niya. Hindi na naman kasi kami katulad ng dati na mayaman.
Si daddy ang mayaman kesa sa mommy ko. Kaya naman kaunti lang ang pera niya at kailangan mag-work. Hindi katulad ng daddy ko. Mayaman siya kumpara kay mommy.
" Kamusta naman ang bago mong daddy? Diba may anak siya, sabi mo?" Tanong ni ate Mhalee. Si ate Mel naman ang niyakap ko. Friend kona rin siya dahil palagi siyang napunta sa bahay nila ate Mhalee noon.
Dito kasi ako tumira, nang mga panahong nagkakalabuan na sila daddy at mommy. Nalungkot ako ng sobra. Buti na lang ay nandito sila ninong at ate Mhalee kaya ginagabayan nila ako.
Huminga naman ako ng malalim saka naupo sa tabi niya.
" Okey naman si tito, sobrang bait niya. Pero kong anong bait ni tito, siya namang nuknukan ng sungit ng anak ni tito Cesar. God! Ang sungit niya sobra mga ate." Pagku-kwento ko sa kanila.
Isang buwan na kaming magkakasama sa iisang bahay. Pero, ni minsan ay hindi ako kinausap o kinibo ni kuya Connor. Para lang akong hangin kapag dumadaan siya sa harapan ko. Tapos sinungitan pa ako noong tinawag ko siyang kuya. Ano ba ang gusto niya? Lolo?
" Really? Bakit ilan taon na ba siya?" Si ate Mel.
" Sabi ni tito 35 na ang anak niya."
" Kaya naman pala. Kulang sa kiliti." Nakangising sabi ni ate Mel. Napakunot nuo naman ako dahil 'di ko gets ang sinabi niya.
" Kiliti?" Anang ko pa.
" Wala." Saad nito na may pilyang ngiti sa labi.
" Bakit masungit? Siguro gano'n talaga siya. Hindi pasalita o palakibo." Si ate Mhalee.
" Sabi ni tito. Naging gano'n lang siya simula ng iwan sila ng mama niya. Parang nagalit na siya sa mundo dahil naghiwalay ang parents niya at iniwan sila." Pagku-kwento ko. Iyon kasi ang sinabi samin ni tito Cesar.
" Kausapin mona lang palagi o makipag-kaibigan ka para hindi kana sungitan pa." Si ate Mhalee ulet.
" Nako!" Wika ko naman sabay ismid." Palagi ko naman siya binabati pero dedma lang ako. Inaalok ko pa siya palagi ng pagkain pero sinusungitan lang ako." Pagsusumbong ko sa kanila.
" Pangit siguro." Si Ate Mel habang nakatawa.
" Hindi, ang gwapo ng anak ni tito Cesar." Pagbibida ko. Ang gwapo naman talaga ni kuya Connor kahit puro balbas ang mukha niya na para bang pinabayaan ang sarili. Pero makikita mo ang ka-gwapuhan niya kahit puro balbas.
" Weh? Totoo?" Parang hindi naniniwalang sabi ni ate Mel.
" Totoo nga." Giit ko.
" 35 na, wala pang asawa?" Takang tanong naman ni ate Mhalee.
Nagkibit balikat naman ako. " Ayaw pa daw mag-asawa sabi ni tito."
" Nako, sayang ang lahi kong gwapo siya." Si Mel.
" Nasaktan daw sa unang girlfriend sabi ni tito." Kwento ko naman.
" Ayun lang. Baka tumandang binata kaya masungit. Kasi gano'n naman halos ang mga matatandang binata. Nagiging masungit." Komento ni ate Mel.
" Siguro." Segunda ko. " Kaya naboboring ako sa bahay kasi wala akong kausap. Si mommy naman palaging wala sa bahay dahil sumasama kay tito Cesar sa restaurant nito." Dagdag ko pa sabay simangot.
" Alam mo, ilabas mo ang kulet mo. Diba makulet ka? Para hindi na maging masungit ang kuya mo sayo." Maya-maya'y sabi ni ate Mhalee kasabay ng pag-inom ng juice sa may baso. Naki-share naman ako at uminom.
" Oo nga, Krystal." Segunda naman ni ate Mel.
" Nako, parang hindi uubra mga ate. Sobrang sungit ng lalaking 'yun. Ni hindi ko nga nakikitang ngumiti o tumawa 'yun. Parang ginto ang ngiti no'n."
" Bakit hindi muna lang akitin?"
" Huy!" Saway ni ate Mhalee kay Mel. Natawa naman ako dahil sa suggestion niya. Hindi ba niya naisip na anak ni tito Cesar si kuya Connor?
" Bakit?" Nagtanong pa nga.
" Stepbrother niya 'yun. Kaloka ka. Mag-aadvice ka lang. Kalibugan pa." Pagtataray ni ate Mhalee.
" Baka kasi kulang sa himas kaya masungit." Hirit pa nito.
" Gaga ka talaga." Naiiling na sabi pa ni ate Mhalee. Napailing naman ako. Open minded naman ako at alam ko mali 'yun dahil anak siya ni tito Cesar na asawa ni mommy. Maya-maya'y humarap sakin si ate Mhalee at pinayuhan ako. " Huwag mong sundin ang impaktang 'to. Kausapin mona lang palagi para hindi kana sungitan. Syempre, naninibago lang siguro siya dahil may istant kapatid siya."
" Alam ko naman po 'yun ate. Pero, mahirap talaga makuha ang ugali ni kuya Connor."
" Pag-gano'n, dito kana lang pumunta kapag nabobored ka." Alok ni ate Mhalee sakin.
" Gano'n na nga ate." Wika ko at muling uminom ng juice sa baso ni ate. Hindi naman ako maarte.
" Magtrabaho kana lang kaya sa restaurant ng asawa ng mommy mo? Para hindi ka nabobored?" Suhestiyon ni ate Mel.
" Ayaw ni mommy at tito Cesar. Kaya naman daw nila ako suportahan. Pero baka magtrabaho na rin ako. Para hindi ako ma-bored. Kaya lang mabilis rin ako mabored kapag nag-work na."
" Nye! Huwag kana magtrabaho." Si ate Mel muli.
Natawa naman ako. " Pero nagso-sosyal media ako. Baka sakaling sumikat." May ngiti sa labing ani ko.
" Weh? Anong pangalan mo sa sosyal medya?"
" Lady Krystal." Sagot ko kay ate Mel. Sumasayaw ako sa sosyal medya at gumagawa ako ng video. Marami na akong followers at nasa thousand na. Kahit papaano ay sumasahod na rin. Kahit maliit lang." Pagbibida ko.
Gusto ko sana maging affiliate. Kaya lang tinatamad naman akong mag-live. Mas gusto ko pang makipag-kwentuhan sa mga followers ko. Hindi ko alam kong tamad ba ako o sadyang mabilis lang ako mawala ng gana sa mga bagay. Nasanay kasi ako noon. Kapag ayaw kona, ayaw kona. Kaya hindi ako natagal sa mga nagiging work ko.
" Sige add kita. Para naman friends na tayo. May sosyal medya ka pala. Hindi mo sinasabi." Ani ate Mel.
" Nagtanong kaba?" Sarkasmo kong tanong pero may ngiti sa labi.
" Hindi." Aniya at nagtawanan kami. Nag-kwentuhan pa kami hanggang sa magising na ang anak ni ate Mhalee at pinuntahan na siya ng yaya ng bata. Hinahanap na siya ng kanyang anak. Sumama naman kami sa taas ng kwarto nila.