--*
πΊπππππ°π» πΏπΎπ
π½π°πΏπ°ππΈπΌπ°π½πΆπΎπ π°πΊπΎ habang habol ko ng tanaw ang kuya kong masungit. Ang sungit talaga ng lalaking 'yun kahit anong gawin kong bati sa kanya o kausap ay palagi na lang ako sinusungitan.
" Hmp! Ako na nga lumalapit. Nagsusungit pa." Inis kong bulong saka nagsimula ng maglakad patungo sa kusina.
Pagdating ko doon ay nakita kong kumakain na ang kuya kong masungit pati na sina mommy at tito Cesar. Palagi akong ginigising sa umaga ni manang para kumain ng almusal. Iyon kasi ang gusto ni mommy para sabay-sabay kaming kakain ng almusal. Minsan ay hindi ako sumasabay dahil puyat ako sa gabi. Napupuyat dahil sa mga pinapanuod kong turkish na palabas.
Grabe kinikilig ako sa mga ML dahil ang ga-gwapo at hot lalo na si Can yaman. Hindi ko talaga pinapalagpas ang mga seryes niya.
" Hi mommy, hi tito." Bungad ko sa kanila. Lumingon sakin ang mag-asawa, except sa kuya kona tila hindi ako narinig.
" Hello, iha." Saad ni mommy at tito Cesar. Yumakap naman ako sa kanila ng makalapit ako sa kanila. " Kain na." Wika pa ni mommy kaya tumabi ako sa tabi ni kuya Cesar dahilan para mapalingon sakin ang malamig niyang mga mata.
Hindi siya nagsalita at umiwas na lang ng tingin. Ganyan siya, hindi palasalita, panay lang ang tingin. At kailangan ay kapag tinignan ka niya ay makuha ka sa tingin.
Napangiti naman ako kay mommy ng mapalingon ako sa kanya saka kumuha ng pagkain. Hotdog at kaunting fried rice. Hindi naman ako masyado kumakain sa umaga.
Nakita kong napalingon si kuya Connor sa pinggan ko.
" Bakit?" Tanong ko sa kanya. Well, hindi na naman siya nagsalita at umiwas ng tingin. Napabuntong hininga naman ako. Mapapanisan ako ng laway kapag siya ang kasama ko.
Kumain na lang ako. Maya-maya'y narinig ko ang galit niyang boses.
" Ang ingay mo namn ngumuya. Ka babaeng mong tao." Mataas ang tonong sabi niya.
" Connor?" Si tito Cesar.
" Ang ingay niyang kumain, pa." Sumbong naman nito sa kanyang ama.
" Pwede mo naman kausapin ng maayus. Hindi pagalit kang magsalita. Matatakot sayo si Krystal." Ani tito sa kanyang anak. Sa totoo lang ay kampi sakin si tito at napansin ko 'yun dahil palagi si kuya ang napapagalitan kapag nasusungitan niya ako.
Imbes naman nagsalita si kuya Connor ay napahugot na lang ito ng malalim na buntong hininga para wala ng argumento pa. Hindi siya nakikipagpalitan ng salita sa kanyang ama at mananahimik na lang. Gano'n ang ugali niya. Hindi siya sumasagot. Minsan ay umaalis na lang siya.
" Sorry." Sabi ko naman pero nakatikim lang ako ng masamang tingin mula sa kanya. Tapos ay tumayo na at iniwan kami doon. Nakaramdam naman ako ng guilty kasi kaunti palang nakakain niya. Hindi naman talaga ako maingay kumain. Wala lang, gusto ko lang siya inisin. Kaya lang napagalitan siya ni tito dahil sakin.
" Pagpasensyahan muna si Connor, iha. Gano'n lang talaga siya. Mukhang nag-aadjust pa dahil matagal na panahon na kaming dalawa lang magkasama." Rinig kong sabi ni tito kaya tumango lang ako at tahimik na kumain.
Dadalhan kona lang siya ng food after kong kumain dahil nagtatrabaho siya at kailangan may laman ang tiyan niya para makapag-trabaho siya ng maayus.
" May gagawin kaba iha? Bakit hindi ka sumama sa restaurant ng tito Cesar mo para hindi ka ma-board dito. Kulang siya ng tao ngayon." Si Mommy.
" Wala po. Sige po, para naman po may magawa naman ako." Nakangiti kong sagot saka muling kumain. Nang matapos kumain ay nauna na sila mommy na lumabas ng kusina. Ako naman ay pinaghanda ng food si kuya Connor.
" Para kanino 'yan?" Tanong ni manang ng makapasok sa kusina.
" Kay kuya po. Kaunti lang po kasi ang nakain niya." Nakangiti kong sagot sa kanya.
" Nako, baka sungitan ka. Ako na lang kaya?" Nag-aalalang tanong ni manang sakin.
" Ako na po. Okey lang." Ani ko saka nilagay sa tray ang mga pagkain. " Pagawa na lang po ng kape ni kuya." Utos ko kay manang kaya sumunod siya agad.
Maya-maya'y patungo na ako sa taas kong saan ang kwarto ni kuya. Maliligo na rin ako after kong dalhin ito sa kuya kong masungit. Nang nasa tapat na ako ng kwarto niya ay kumatok ako ng tatlong beses. Hindi naman ako naghintay ng matagal at bumukas agad ang pintuan. Bumungad agad sakin ang malamig niyang mga mata at seryuso nitong mukha. Kahit gano'n pa man ay ang gwapo parin niya. Mas lalo pa nga siya nagiging gwapo sa harapan ko.
" Huy! Kuya mo 'yan teh.
Sabi ng utak ko.
" Hi, kuya." Sabi ko naman at hindi pinansin ang sinabi ng utak ko. Minsan ang malisyusa ng isip ko.
" What?" Masungit naman nitong tanong.
" Nagdala ako ng pagkain. Hindi mo kasi inubos ang food mo. Baka magutom ka." Nakangiti ko namang sambit kahit parang nangangatog ang mga tuhod ko at bumibilis ang t***k ng puso ko kapag kaharap ko siya.
" Kaya kong kumuha ng sarili kong pagkain. Hindi mo kailangan gawin 'yan." Masungit na naman niyang sabi. Pero hindi ako nagpapigil at pumasok pa ako sa loob dahilan para magdikit ang aming katawan at nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa aking katawan.
Pero binalewala kona lang at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Samantalang si kuya ay hindi niya ako sinaway at hinayaan lang ako. Maya-maya'y naramdaman kong sinara niya ang pintuan dahilan para kabahan ako at makaramdam ng takot.
Paglingon ko ay nakatingin siya sakin ng matiim dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam kong bakit ko iyon nararamdaman habang nakatingin ako sa kanya. Matiim ang tingin niya sakin habang wala akong mabasa sa mga mata niya, kundi seryuso lang ang bukas ng mukha niya.
" Ahm, kain kana huh? Sorry pala kanina." Parang natataranta kong sabi saka nagmamadali akong naglakad patungo sa may pintuan habang kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Natigilan ako ng tawagin niya ako sa pangalan ko sa malamig na tono. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Parang tanga lang, bakit ako kakababahan? Wala naman siyang gagawin sakin.
Bakit naman kasi nakasara ang pintuan. Kinakabahan tuloy ako, kainis.
" Po?" Sagot ko ng huminto muna pero hindi lumingon. Baka mamaya ay himatayin ako sa sobrang kaba ko.
" Kunin muna 'to. Hindi na ako nagugutom. Sa uulitin ay huwag mo akong dalhan ng food sa kwarto ko." Wika pa nito.
Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakaupo na siya sa kanyang swevil chair at hindi ginalaw ang pagkain na dinala ko. Nagtipa-tipa na siya sa kanyang laptop. Nakahinga naman ako dahil wala siyang ginawang masama sakin.
" Kainin mo 'yan. Baka magutom ka. Sige babye." Sabi ko sa nagmamadaling makalabas ng kwarto niya at baka ipilit pa niya sakin na kunin ko kaya mabilis na akong lumabas at pumunta sa kwarto ko.
Napangiti naman ako kahit sobrang kaba ko kanina.