Simula
“You’re such a loser,” mahinang sabi ko sa tainga ni Clyde, medyo natatawa.
“And that was because you’re good at this, Yuki. Just give me more time...” sabay hapit niya sa baywang ko. Mabilis kong isinangga ang aking kamay sa kaniyang balikat para hindi niya tuluyang mahila papalapit ang aking katawan, “and I’ll beat you.”
Kanina pa tapos ang laro. He just sat beside me and hugged me sideways. This idiot even wanted us to make out! Here! Dumb ass.
Ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya. No. This was your only chance, Clyde. I’m not really a believer of second chance kaya sorry na lang kung hindi nag-work itong gusto mo.
“Alam mo naman palang magaling ako sa larong ‘to. You should have learned how to play this well, right? You…” I scrunched my nose as I playfully poked his cheek, “and your excuses. See you never.”
I stood up recklessly that made the chair leave a loud creak. Nilingon ko ang kabuuan ng library at gaya nga ng inaasahan ko, everyone is throwing dangers at me like I just made a crime. Nagkibit-balikat na lang ako bago dahan-dahang inayos ang upuan.
“So, when is the next match?” Clyde asked, laughing, while putting back the chess pieces on the chess board.
Hindi na ako sumagot at tinalikuran na lang siya. Sakto namang may dadaan sa likod ko kaya nabangga ko iyon dahilan para mabitawan niya ang makakapal na librong hawak. Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ng mga estudyanteng halos mapahilamos na sa inis.
“I’m sorry…” tinulungan ko na ang babaeng pulutin ang mga gamit niyang nagkalat na sa sahig. “Here…”
Itinulak niya muna ang suot na salamin bago nanginginig ang kamay na inabot ang mga highlighter mula sa kamay ko. “Th-Thank you, Yuki..”
My brows shot up. Kilala niya ako? Medyo nakakagulat na may nakakakilala sa akin dito, e hindi naman ako rito nag-aaral. Nakapasok lang naman ako rito dahil kay Clyde. Isang kindat lang sa matandang librarian ay nakapasok na ang isang outsider na gaya ko.
“No worries...” ngiti ko bago tuluyang nagmartsa palabas ng library.
Dire-diretso ang lakad ko at hindi na pinansin ang pagtawag ni Clyde sa aking likod. May mga estudyanteng napapalingon dahil sa paraan ng pagsigaw niya. They must be wondering why is he shouting like that. He is known as the Captain of their varsity team so it’s a news for them to see him shout for someone else’s name.
Lumiko ako sa kaliwa at mabilis na pumasok sa isang bakanteng classroom. Kitang-kita ko kung paano siya naglakad palayo para sundan ako, nag-aakalang doon nga ako tumungo.
When I was sure that he’s gone, I went out and walked slowly towards the staircase. Kaunti ang estudyante sa banda rito dahil siguro ay kalagitnaan pa ng klase.
It’s really fun to date someone from other university. Bukod sa mangilan-ngilan ang nakakakilala sa akin ay nakakapasyal din ako. Ours is big, yes, but roaming around somewhere I’m not really familiar with is like a mind game that I need to solve. Though I’m not really into solving mind games and such. Basta. I love exploring things that satisfies my eyes and feeds my curiosity.
“Wala pa ba?” tanong ko.
“Wala pa pero bilisan mo! Baka maunahan ka pa no’n…” Ariessa said, my friend.
“Think of an excuse, papunta na ako.”
“You do it, yourself. Quota na ako kay Sir, uy!”
I stepped on it as I laugh. Sorry, Riess.
Madalas kasi akong mahuli sa klase, lalo na ngayon dahil sa layo ng unibersidad ni Clyde mula sa amin. Nagkataon naman na sa klase ni Sir Rivera lagi ang natatamaan. Strikto pa man din iyon sa pagpasok ng maaga. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ako napapatawag sa guidance office dahil sa dalas ng pagka-late ko. He’s our major, after all. He has all the rights to report me. Mabuti na lang at lagi akong sinasalo ni Ariessa. Magaling talaga ang isang iyon.
“You’re late…” salubong ni Sir habang nakakunot ang noo pagtapak ko pa lang papasok, “…again.”
Umayos ako ng tayo at nginitian siya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-iling ni Ariessa.
Sir Rivera is not that old. I believe he is still in his mid-20s, masyadong bata para sa isang stressful subject. Hindi ko alam kung paanong sing-bata niya ang na-assign sa klase namin.
“I had an emergency, Sir…” sabay ngiti ko sa kaniya.
“What should we do with her? Nakaka-ilang late na siya sa klase ko,” he said, almost tilting his head in disappointment.
Saglit kong tinitigan si Sir bago nilingon ang mga kaklase.
“Strip tease!” sigaw ng isang lalaki sa likod. I just smirked.
“Do you really want that?”
Mabilis ang naging paglingon ko kay Sir Rivera. His lips were on a grim line and eyes so strict.
Sabay-sabay na naghiyawan ang mga kaklase ko habang ako ay halos manlaki ang mga mata sa gulat. He will really let me do that here? In his class? No way.
Tumaas ang dalawang kilay niya habang nakatitig sa akin, parang may hinihintay. Suminghal ako ng isang beses bago hinawakan ang laylayan ng aking skirt. Gosh, I can’t believe this.
When I’m about to lift the hem of my skirt, he immediately grabbed my wrist to stop me from doing it. Of course, I won’t really do it! It’s not like I’m not wearing a shorts under it! Though hindi ko naman talaga iaangat iyon. I’m just teasing, without the strip.
Tatlong linggo na ang nakakalipas mula nang mangyari iyon pero hindi pa rin iyon maalis sa isipan ko. At magpa-hanggang ngayon ay lagi akong natatawa kada maaalala iyon. I don’t really know why. Hindi ko alam na kaya pala ni Sir Rivera na sumabay sa mga estudyante. Kahit na pinigilan niya naman ang gagawin ko. I was just shocked that he never had to think twice as soon as my classmate said it!
“Ang gwapo ni Sir, ano?” wala sa sariling sabi ni Riess.
“Sir? Si Sir Telles?”
Natawa naman ako agad nang makitang mabilis na naglaho ang ngiti niya. Bakit? Sino ba ang tinutukoy niya? Si Sir Telles ang unang pumasok sa isip ko dahil siya ang huling klase namin bago pumunta rito sa coffee shop.
“Hindi ‘no! Sabog ka ba? Si Sir Darwin ang tinutukoy ko!”
“Fine fine,” natatawa pa ring sabi ko. “Ba’t ka galit?”
Sinundan ko ng tingin ang mata ni Riess. Nasa likod ko iyon kaya medyo tumalikod ako para tingnan.
Pumasok si Sir Rivera sa isang store at sinalubong naman siya agad ng isang babae. Malaki ang ngiti ng babae habang medyo nakatingala dahil may katangkaran si Sir. She’s smiling so wide, her mouth is about to rip off. I think he said something that made her blush. Sa layo namin ay kitang-kita pa rin kung paano namula ang kaniyang pisngi.
“May jowa na kaya si Sir?”
Napaayos ako ng upo sa tanong niyang iyon. Siguro ay mayroon na. Nasa tamang edad naman na siya, baka nga may asawa na iyan, e. Sa ganiyan ka-gwapong mukha, mananatiling single hanggang ngayon? I don’t think so.
“Tingin mo?”
“Ha?”
She rolled her eyes. “Tingin mo may girlfriend na si Sir?”
I shrugged. “Siguro...”
Pero mukhang may malalim siyang iniisip dahil hindi siya nag-react sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko habang pinapanood siya. Muli kong sinulyapan ang likod ko.
Sir Rivera is still talking with the girl but after a while, he tapped her shoulders like he’s trying to bid goodbye. Mabilis ang lakad niya papuntang sasakyan at maya-maya lang ay umalis na ito.
He must be going home or what. He seems like he’s in a rush.
I just shrugged and took a sip on my frappe.
“Tingin ko may gusto sa ‘yo si Sir,” wala sa sariling sabi ni Ariessa pero halos mawindang ako roon!
I choked on my drink then glared at her. How dare she throw those words at me like it’s nothing! And I’m freaking drinking on my frappe! Malamang ay masasamid ako.
“What the f**k was that?” singhal ko habang inaabot ang tissue para punasan ang aking baba.
“It’s just a random thought. But we never know, right?” makahulugan niyang sabi.
Umiling lang ako ng dalawang beses at nasundan pa iyon ng isa na parang pinipilit kalimutan ang sinabi niya.
Sir Rivera is just.. nice. Sa lahat. Wala namang special treatment sa kahit kanino, lalo na sa akin. Kaya imposible iyong sinasabi ni Ariessa. Ganoon naman si Sir sa lahat ng babaeng estudyante niya. May mga pagkakataon pa ngang inaakbayan niya ang mga ito. Wala namang malisya dahil friendly akbay lang naman. He’s a few years older than us pero alam niya kung paano makisama sa mas bata pa sa kaniya. So there’s no way that he likes me.
“Do we still have class?” Kinawayan ko pabalik iyong isang kakilalang kumaway mula sa kabilang table. Tumayo ako at ilang sandali lang ay sumunod naman si Riess.
“Wala na, may meeting kasi sa faculty. Kaya siguro nagmamadali si Sir kanina..” She picked her things and stared at the guy that waved earlier. “Ex?”
“No.”
Nagtagal pa ang tingin niya roon pero sa huli’y sumunod din naman agad sa akin.
“Sasama ka ba sa akin mamaya?” I asked her. I’m going to buy a gift for Aidan. His birthday is around the corner and I’m not sure if I’m gonna make it to his party.
Pero wala akong nakuhang sagot kay Ariessa kaya nilingon ko na siya. She’s busy fiddling with her phone at hindi man lang niya magawang tingnan ang mga nakakasalubong. Halos mabangga na siya ng isang lalaki dahil sa pagmamadali kaya mabilis kong hinila ang kamay niya.
“Ano ba kasi ‘yan?”
“Naaalala mo si Aira? Iyong long-term enemy mo?”
“Why?”
Of course, I remember her. Who would not, right? Madalas kong makaaway ang babaeng iyon high school pa lang. Kasalanan ko ba kung iyong mga boyfriend niya ang naghahabol sa akin kaya madalas makipaghiwalay ang mga ito sa kaniya?
Boys flock at me like I’m some kind of a trophy. Sinasagot ko naman sila pero kapag nagsawa na ay agad ko namang pinapalitan. I never kissed those guys. Dumaan na kay Aira kaya no way. I just want to see her reaction every time her guy’s attention is on me. They just won’t stop courting me. Some even wanted to take it seriously which I immediately opposed. I don’t do serious relationship. Sorry about that.
“She got a new boyfriend. And she picked a…”
Napahinto ako sa pagpasok sa driver’s seat at nilingon si Ariessa. Her mouth is wide open, nang mapansing hinihintay ko ang sunod niyang sasabihin ay mabilis niya iyong itinikom.
“Ano?” iritado kong tanong.
“Her boyfriend is.. hot. I mean, really hot! She posted a photo and dang!”
I shook my head, never minding her weird reaction. Lahat naman ng nagiging boyfriend ni Aira ay gwapo at hot sa paningin ni Ariessa. I got fooled sometimes because she’s drooling too much while looking at her uploaded photos. Aira’s feed looked like a…
“I’m serious, Yuki! Nanalo kaya ‘to sa lotto kaya nakakuha ng ganitong klase ng boyfriend?”
I laughed at that. Ganiyan kasi madalas ang mga litanya niya. Sinubukan niyang ipakita sa akin ang kanina niya pa tinitingnan na picture pero inilingan ko lang siya.
“I’m not interested, Riess. Stop it.”
“Oh, come on! Baka mamaya makita na lang kita isang araw na kahalikan ‘to, ha?”
“Hey, you went over board! Hindi ako ganoon, ‘no!”
I don’t kiss those guys na napagsawaan na ni Aira. Ew.
Maya-maya ay iniba ko ang usapan dahil wala yata siyang balak tumigil sa pagpuri sa bagong lalaki ni Aira. She declined my invitation to Aidan’s party. Pupunta ako kung sasama si Riess. Like it’s easier to escape from that party if I got bored.
Aidan texted, saying that he wanted us to meet because he badly misses me. Kahit kakahiga ko lang sa kama pagkatapos maglinis ng katawan ay tumayo ulit ako para magbihis. Wala namang mawawala kung papayag akong makipagkita sa kaniya. I’m not sleepy anyway.
“I miss this..” sabay halik niya sa leeg ko.
“I bought a gift for you. Here...”
Inabot ko sa gilid ang isang paper bag at inabot iyon sa kaniya. It’s just a shirt, nothing special.
“How sweet of you, babe..”
Umirap ako sa sinabi niyang iyon. I’m not really a fan of endearments because I find it weird and corny.
Tinanggap niya iyon at agad na inilagay sa kaniyang gilid. Ni hindi man lang niya pinutol kahit saglit ang paghalik sa leeg ko.
The bar is loud and lights were blinding. Maiingay at abala sa pagsasayaw ang mga nasa loob kaya hindi masyadong kita ang ginagawa namin sa couch.
Aidan’s hands were all over my body, touching every part of my exposed skin. Mabilis ko siyang itinulak nang maramdaman ang bahagyang pagsipsip niya sa isang parte ng leeg ko.
“Sorry, I can’t help it. Maliit lang naman…”
“Don’t do that!”
He nodded for a few times and resumed kissing my neck. Saglit akong napapikit at nang imulat ko ang mga mata ay agad na nahagip ang isang pigura sa malayong couch.
My eyes widened a fraction after seeing that man. I never knew that a simple white shirt and dark pants would fit this place. People who comes here tend to spend time to choose what to wear. At ang lalaking ito ay hindi man lang nag-abala! He looked effortlessly hot! That shirt compliments his muscles!
His figure says that he was meant to destroy the best adjectives to describe a hot, attractive and handsome guy. It’s not enough for him.
The veins from his biceps didn’t escape my sight and his arms look tight. I can’t help but notice all of his manly features.
This man looked wild, he seems like he is waiting for a prey to go near him, and he’ll immediately devour it for his delicious meal.
Oh, f**k. That man will be the death of me.