Natigil lang ang titigan naming iyon nang marinig ang mabibilis na yapak ng kabayo papalapit sa gawi namin. Ako ang unang nag-iwas ng tingin at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog. “Pasensya na, naistorbo ko ba kayo? Atat na kasi yatang lumapit itong si Pepper kaya hindi ko na napigilan.” Ngumiti ang isang matandang lalaki sa akin at agad na bumaba matapos ko iyong sukliin ng nahihiyang ngiti. He probably noticed the awkwardness in it that he immediately jumped off the horse. “Magandang umaga, Mang Samuel.” Lucas stood up to greet the old man. Tumayo na rin ako at muling ngumiti sa matanda. Tumango ang lalaki at muling sumulyap sa akin. “Mabuti naman at naisipan mong bumisita ulit… at kasama mo pa ang gelpren mo.” Nagpagpag muna siya ng kamay bago inilahad iyon sa akin. Hindi na

