“Mabuti naman at naisipan niyo nang bumaba.” Inilapag ni Lola Bening ang isang plato ng isang meryendang hindi ko makilala kasunod ang isang tasa ng tsaa. Parisukat iyon na kulay lila at may mga bilog na malilit na kulay dilaw. Mukhang mais ang mga iyon? “Maja blanca ‘yan, hija. Tikman mo’t masarap ‘yan.” Nagpasalamat ako sa kaniya bago siya umalis. Tinikman ko ang nakahaing meryenda at napatango ng isang beses. Masarap. Hindi ako mahilig sa ganitong pagkain pero masarap naman ito. Nilingon ko si Lucas sa harap ko. His lips were closed tightly. Diretso ang titig niya sa akin na parang binabasa ang lahat ng kilos ko. Ganiyan ba talaga siya tumitig? Siguro iniisip niya iyong sinabi ko kanina? He’s probably wondering why I said that. “Don’t worry, it’s not like you’re getting ma

