“You’re here. Wala kang lakad?”
Nakasilip si Kuya sa pinto ng kwarto ko, umagang-umaga. Umiling lang ako habang nakahilata pa rin sa kama. Kanina pa ako gising pero hindi pa rin bumabangon. I feel lazy and I don’t want to do anything.
“You’re not going to jog?” tanong ko nang hindi pa rin siya umaalis.
“No,” he answered, still looking at me. “Do not go downstairs wearing that. I have visitors.”
Pinasadahan ko naman ng tingin ang suot ko. It’s a satin spaghetti strap nightdress. Kumunot ang noo ko. Here we go again. “I’m wearing just fine.”
“Lalaki ang mga bisita ko, Yuki. You’re exposing too much skin.”
“What? This is decent!” natatawa kong sagot sa kaniya.
“Still a no,” sabay sara ng pintuan.
He went here just to say that? He is insane.
Maya-maya rin ay bumangon na ako. Nagsipilyo lang ako at nag-ayos ng kaunti bago lumabas. I just wore a white shirt with a bear printed on the upper left side paired with dolphin shorts.
Bumaba na ako at dumiretso sa dining room. Wala sina Kuya sa sala kaya malamang ay nasa garden sila. I’m eating my breakfast alone when Emily walked towards me. Adopted daughter siya nina Manang Leticia and Kuya Eddie.
“Saan doon ang boyfriend mo, ate?”
“What?”
That made me laugh. Alam kong iyong mga bisita ni Kuya ang tinutukoy niya at natawa ako na iyon agad ang una niyang tinanong. This girl knows everything I do. I don’t know how, baka kay Manang?
“May kasama po si Kuya Yael sa labas na dalawang lalaki. Sino po sa kanila ang jowa mo?” Nakatingala siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko. I pinched her cheek. She’s so cute.
“Emily, you’re only eight. It’s not good that you’re already talking about those things.”
“Sabi po ni Nanay ay maaga kayong nagka-jowa. Kaya ayos lang po sa akin.”
I burst out laughing. She’s so innocent. Ang sarap niyang tirisin!
Ginulo ko lang ang buhok niya at nagpatuloy na sa pagkain. I asked her if she already ate and she shook her head. Sabi niya ay mamaya na lang daw para kasabay niya ang Nanay niya.
“Wala pa po silang meryenda,” sabi niya nang nakatingala pa rin. She’s so cute. Her voice is so soft and gentle.
Tumango ako at binilisan na lang ang pagkain para makapaghanda ng meryenda para sa mga bisita ni Kuya. Emily said there are two guys. I don’t know much about making snacks and desserts, I think the cake is fine.
Iyon na lang ang inihanda ko. Medyo natagalan dahil nahirapan ako sa paghiwa. I eyed Emily who’s watching me intently. Akala niya siguro ay siguradong-sigurado ako sa ginagawa ko. I smiled when I saw her looking at me with her feet swinging. Mataas ang upuan para sa kaniya kaya iwinawasiwas niya ang mga paa.
“Cute…” I whispered.
Nagtimpla na rin ako ng orange juice para sa kanila. I arranged the slices of cake on the plates and handed it to Emily.
“Careful, baby…”
Nakalahad na ang dalawang kamay niya pero nang sabihin ko iyon ay mabilis niya itong binawi. Nanlaki ang mga mata ko dahil muntik na itong matapon. Mabuti na lang at hindi ko pa nabibitawan.
Siya ang naghawak ng para sa cake habang ako naman sa orange juice. Mabagal ang lakad ko dahil baka matapon ang mga baso. Nauuna si Emily sa paglalakad habang mahigpit ang hawak sa platter.
Damn, she looks so cute!
Matulin ang lakad niya na parang nagmamadali kaya dire-diretso na rin ang lakad ko. Pero ilang saglit lang ay napahinto si Emily dahilan para mag-angat ako ng tingin kina Kuya kasama ang dalawang kaibigan. That was when I realized that the other guy he’s with is also the same guy I’ve been looking for!
I was about to take a step forward when Emily stepped back. My lips parted and watched how the glasses swiftly slipped off from the tray! I tried to prevent the third glass from falling but it slipped from my hand and the juice was poured on my shirt, making me sat on the floor.
Shit, nakakahiya!
“Ayos ka lang?”
The other guy immediately attended me and held my arm to help me stand up. Nailapag na ni Emily ang hawak sa mesa at mabuti na lang ay hindi siya natapunan ng juice.
My shirt is now wet making it hug my tummy. The juice has ice in it so I’m almost shivering from my tummy downwards!
Kung kanina ay inaantok pa ako at walang gana, ngayon ay gising na gising na. Hindi dahil sa pagkabuhos ng juice sa akin, kundi sa lalaking nasa harap lang ni Kuya!
Damn, I tried so hard to look for you in that bar for three straight nights! Sinuyod ko ang bar na iyon ng tatlong gabi kahit na katatapos lang ng dalawang linggo kong pagka-grounded. At dito lang pala kita mahahanap!
Wide eyed, I watched the man sitting in front of my brother. Halos nakatalikod sa akin si Kuya at ang lalaking iyon ang nakaharap sa akin. Kaya malamang ay kitang-kita niya ang kahiya-hiyang ginawa ko!
Hindi ko na lang pinansin ang maliit na kahihiyan at tiningnan ang lalaking ngayon ay prenteng nakaupo habang nagbabasa. His eyes found mine for a brief moment earlier but he immediately tore it off and continued reading.
He is so pretty to look at, although, there is nothing pretty on his face. I’m not too far from him, just enough for me to see his features clearly, unlike that night.
His perfectly narrowed nose, patrician forehead, hooded eyes and bristly eyebrows. Those didn’t scream pretty. If there’s a word for pretty in a manly, rude and serious sense, that would be it. There is nothing sweet about the man I’m staring at now.
“Yuki…”
Tila nabalik ako sa realidad nang tawagin ni Kuya ang pangalan ko. Kinunutan niya ako ng noo. Mabilis akong naupo at isa-isang pinulot ang bubog.
“Don’t—”
Pero bago pa matapos ng lalaking katabi ko ang kaniyang gustong sabihin ay napulot ko na ang isang bubog. A piece of it pierced my skin. Napatayo si Kuya at tinawag si Manang Leticia.
Hindi ko ininda ang maliit na sugat sa aking daliri at muling nag-angat ng tingin sa lalaking nanatiling nakaupo. He is now looking at me!
His forehead was creased like he is seeing something that is hard to watch. Nakasandal lang siya sa inuupuan at tahimik akong pinapanood.
Kuya left and went to call Manang, kasama si Emily. Naiwan naman ako sa garden kasama ang dalawang kaibigan niya. Hindi ko halos mabigyan ng pansin ang lalaking katabi. Natuon na ang buong atensyon ko sa lalaking patuloy sa pagbabasa ng kung ano.
“Naku, ikaw bata ka! Sana ay tinawag mo na lang ako!”
Manang came with a helper. Siya ang naglinis ng kalat ko sa sahig habang hinila naman ako ni Manang papuntang kusina.
“Change your clothes and stay inside,” pahabol ni Kuya.
I just nodded at him and headed towards the kitchen. Naupo ako sa upuan at pinanood si Manang na nagmamadaling kinuha ang first aid kit.
“Esel, palitan mo ang juice na natapon,” utos ni Manang sa isang kasama. Tumalima si Esel para maihanda na ang juice.
“Are they Kuya’s friend?” tanong ko kahit halata naman ang sagot.
Tumango lang si Manang sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. It was so funny. I tried so hard to find him but then, dito ko lang pala siya matatagpuan. What a coincidence, right?
My brother is always in the library. Kapag may mga kaibigan siyang bumibisita para sa group study ay sa library na dumidiretso. Kuya hates it when he’s studying and there’s too much sound barrier. Hindi ko alam kung paano niya naisipang manatili sa garden ngayon.
And I’m glad they did!
I took a shower and cleaned myself after that. He is here. That guy is here.
Kuya wanted me to stay inside but I don’t want to. Bakit ako magkukulong kung nandito iyong lalaking hinahanap ko?
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong bumaba. Napahinto si Manang nang makita akong nagkukumahog na bumaba ng hagdan. Sumigaw pa siya na magdahan-dahan daw ako dahil kagagamot lang ng sugat ko. Maliit lang naman na bubog iyon at hindi naman ako mamamatay.
Dumiretso ako sa garden sa pag-aakalang naroon pa rin silang tatlo pero iyong isang lalaki lang ang nadatnan ko. Napapitlag pa siya dahil hindi niya yata namalayan ang paglapit ko.
“Ginulat mo ako!” sabay hawak sa dibdib niya. “Ayos na ba ang daliri mo?”
“Ayos lang, hindi naman nasira.”
He snorted. “Mabuti naman kung gano’n,” sabi niya, natatawa.
My eyes searched for him but he seems like he is not here. “Nasaan na sila?”
The guy, named Klaus, said that they went out to get their codal. Nagkalat ang mga papel at libro sa mesa kaya malamang ay nag-aaral sila. My mouth formed an O when I realized that he is also taking law! Ibig sabihin ay maaral siya!
I never really liked nerds but it’s fine as long as they’re as hot as that guy.
“I’ll just go get some snack…”
“Naku, hindi na kailangan!”
Halos tumayo siya para lang mapigilan ako sa balak na gawin.
“Ayaw mo?” Nilingon ko ang platito sa tapat niya, ubos na ang chocolate cake.
Napakamot naman siya sa ulo nang makitang sinulyapan ko ang nasa harap niya.
“Ubos na ang cake. Kukuha ulit ako,” saad ko at naglakad na papuntang kusina.
“Tulungan na kita,” presinta niya, nakasunod sa akin.
I don’t know how to bake so I just prepared the nacho chip I saw earlier. Naghihintay si Klaus ng pwedeng maitulong pero sa huli ay nanood na lang siya ng ginagawa ko. Kumuha na rin ako ng dalawang slice ng cake at saka nagtimpla ng juice. Klaus offered to help me but I said it’s fine. Siya na lang ang pinagdala ko ng mga iyon papuntang garden.
“Kanina ka pa nagbabasa. Hindi ka ba napapagod?” tanong ko sa kaniya.
“Napapagod naman. Kailangan ko kasing bumawi dahil pangit ang recit ko kahapon.” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Ikaw? Kanina ka pa tanong nang tanong. Hindi ka ba napapagod?”
Umirap lang ako dahilan para matawa naman siya. “I’m bored okay?”
Tumango lang siya habang natatawa pa rin at nagpatuloy na naman sa pagbabasa. Mukhang seryoso nga siyang kailangan niyang bumawi dahil sa recit niya.
Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa loob, nag-aabang kina Kuya, pero lumipas na yata ang isang oras ay wala pa rin sila.
Tumunog ang cellphone ni Klaus at agad naman niya iyong kinuha. Maya-maya lang din ay napasabunot siya sa sariling buhok at inuntog ang ulo sa glass table.
“Why?” kuryoso kong tanong.
“Ang dami-daming gagawin. Gusto ko na lang mamatay….”
Natawa naman ako. Akala ko kung ano na. Law school really sucks. I can’t imagine myself entering that hell. Daddy also wanted me to enter law school after my college pero agad akong tumanggi pagkasabi niya pa lang no’n.
“I can’t handle reading those cases. And I want to enjoy life. Mahal ko ang buhay ko, Dad, at ayaw kong mamatay nang maaga,” pagmamaktol ko pa.
“It’s fun though…”sabat naman ni Kuya.
“Here’s your brother, Yuki. He can guide you,” dagdag pa ni Mommy.
“No, I can’t. I just can’t. Anything but law.”
“What about med school?”
Nabulunan ako sa kinakain. Natawa si Daddy sa naging reaksyon ko.
“Dad!” I pouted. “Anything but law and med school!”
Natapos ang dinner nang walang katapusang suggestions nina Daddy, Mommy and Kuya tungkol sa kung anong gagawin ko after college. To be honest, hindi ko alam.
We have business, sure, but I can’t picture myself running our business. I don’t know. Sa edad na ‘to, hindi ko pa talaga alam kung anong gusto ko. I just took Business Administration because it’s the only thing that came to my mind during the enrollment.
I shrugged. I tilted my head and tried to read what Klaus is writing but I just can’t. Sobrang bilis niyang magsulat at halos wala akong maintindihan.
“I already sent you the cases that you need to digest,” a low baritone voice filled my ears.
I stood up as I saw my man walked towards us and sat on his seat. Napaawang ang bibig ko pagkakita sa kaniya.
At first glance, that night, I was just dazed. Hindi maintindihan kung bakit nanatili ang mga mata ko sa kaniya noong gabing iyon. He is not my type, okay? But damn.
He is divinely handsome!
Nagpaalam si Klaus na pupunta lang saglit ng CR at halos magpasalamat ako na kaming dalawa lang ang naiwan dito. Hindi ko alam kung nasaan si Kuya pero sana ay ‘wag muna siyang bumalik.
“Hi!” masiglang bati ko.
He just stared at me. Akala ko ay hindi niya ako papansinin pero isang mababang ‘hello’ lang ang natanggap ko.
“Gusto mo ng cake? I’ll go get some for you..”
“I don’t eat sweets,” he plainly said.
Nilingon ko ang isang platito sa mesa. Bale tatlo iyon at pare-pareho nang walang laman. Kuya loves eating sweets but he doesn’t usually eat two slices of cake kaya malamang ay hindi siya ang umubos ng pangatlo. Baka si Klaus ang kumain ng para sa kaniya?
He licked his lips and closed the book he’s reading. Mabilis na namula ang kaniyang labi kaya hindi ko agad naibalik ang tingin sa kaniyang mga mata.
That looks so soft and tender. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at naglakad papalapit.
“I’m Yuki…”
Pinanood niya ang kamay kong nakalahad sa harap niya. Hindi ko ito ibababa hangga’t hindi niya ako kinakamayan pabalik.
My heart anticipated for something when he finally stood up. He is now towering over me. Hanggang balikat niya lang ang level ng paningin ko.
Marahang umangat ang gilid ng aking labi. Our height difference looks perfect for a couple.
“Nangangalay na ang kamay ko…”
Tiningnan niya iyon. I bit my lips when his warm and large hands wrapped mine. When he was about to let go, I held it tighter.
“I said, I am Yuki. Hindi mo sinabi kung anong pangalan mo.”
Nagkatinginan kami. His dark hooded eyes lingered on me. Ngumiti ako sa kaniya at sinubukang titigan siya pabalik pero hindi ko kaya. The way he stare makes me want to…
Naputol ang aking iniisip nang dilaan na naman niya ang pang-ibabang labi. I closed my lips tightly, trying to focus on his eyes.
He licked his lips once more and closed his eyes tightly like he’s hurt.
“Lucas. My name is Lucas.”