Part 1

2359 Words
“IN JUST three weeks, we hit our monthly sales target, Ma’am,” natutuwang report kay Vera Mae ng supervisor ng Angel’s Café. It was a cozy Parisian-theme bakeshop located at the main street of their subdivision’s commercial area. Tatlong buwan pa lamang ang negosyo niyang iyon subalit nagpapakita na ng maliwanag na hinaharap. Kabi-kabilaan ang media mention para sa café. At bukod pa roon ang mga positive online reviews sa iba’t ibang blogsites, dahilan para kahit ang iba ay dumadayo pang talaga para sa bagong dining experience na tatak Angel’s. “That’s great, Diana!” enthusiastic na sabi niya. “Mukhang hindi magtatagal ay kakailanganin na nating magdagdag ng tao. Mukhang madalas na ang overtime nyo dito.” “Lagi tayong puno, Ma’am. Willing to wait nga po ang ibang diners.” “Hindi naman sila nagrereklamo kapag naghihintay sila?” concerned na tanong niya. “Of course not, Ma’am. Busy po sila mag-picture taking. Gandang-ganda po sila dito, eh.” Lumapad ang ngiti niya. Aware siya doon. Salamat na nauso ang “check-in” status at pagkuha ng litrato sa pagkain sa halos lahat ng pagkakataon, nagkaroon ng libreng advertisement ang café sa pamamagitan ng iba’t ibang social networking sites. “Kumusta ang products natin? Meron bang hindi gumagalaw?” “Consistent pa rin pong bestseller ang red velvet cupcake. Sa drinks naman po, they like our green tea frappe. Pero lahat naman po, nao-order everyday. Kadalasan po, hindi na umaabot sa thirty-minutes closing time, ubos na po ang baked goodies. Hindi na po natin kailangang mag-sale.” Napatango-tango siya. Bahagi ng promo nila ang reduced price ng mga produkto kapag malapit na ang closing time. Importante sa kanya na sold-out lagi ang pastries at tinapay para sa kinabukasan ay bagong gawa uli ang lahat ng iaalok nila sa customers. “I’m thinking if we feature a certain combo every week. Let’s say a ham and cheese croissant and cappuccino this week, then an apple-walnut cupcake and an espresso for the next week. We can also offer a cold drink sub if they don’t want hot.” “May discount, Ma’am?” “Certainly. That way, maiha-highlight natin ang ibang breads and cupcakes.” “Maganda nga po iyon, Ma’am.” Inilapag nito sa harap niya ang bank passbook ng benta ng café at ang ledger. “Saka nga po madami na din ang nagtatanong kung magkakaroon din daw ba tayo ng branch? Meron din pong nagtanong kung io-open po for franchise itong café?” Tumunog ang cellphone niya. “Hello, love.” It was d**k, her boyfriend for almost a year. “Nakaparada itong pick-up mo sa harap ng café so I assume nasa loob ka?” “Yes, kausap ko lang si Diana.” Sinenyasan niya ang babae na uunahin niya ang nasa telepono. “Not baking?” nadagdagan ng tuwa ang boses nito. “I hope you’re not baking.” Natawa siya. “Hindi.” Kung sa ibang pagkakataon ay malamang nga na nasa kusina siya. Sa kabila na meron na siyang trusted baker, hindi siya tumitigil sa experiment at development ng mga pagkain na pwede nilang ihain sa mga kliyente nila. “Good,” he said. “Then, we can have dinner later.” “Oh, nakapangako na ako kay Angel. Nagre-request siya na ipagluto ko siya ng menudo na madaming hotdog. Sa bahay na lang tayo mag-dinner. Wala si Mommy. Baka daw gabihin na siya ng uwi.” Deep inside her, mas gusto niya iyong paminsan-minsang umaalis ang mommy niya. Gustong-gusto niyang naiiwan si Angel sa kanya. “Sige, kung ganyan pala na hindi tayo puwedeng lumabas.” Nahimigan niya ang dismaya sa tinig nito. “You should be happy. Makakatipid ka,” nagbibirong sabi niya. Medyo maluho si d**k kapag kumakain sila sa labas. Hindi na ito naghihintay ng espesyal na okasyon para lang kumain sila sa mamahaling restaurant. “Mag-ice cream tayo sa labas pagkatapos ng dinner,” hirit nito. “May malapit na Iceberg’s dito.” “May pasok si Angel bukas. Lalampas siya masyado sa bed time niya.” “I mean, just the two of us, Vera.” “Oh, let’s see. Ayoko munang mangako. I told you, lumabas si Mommy---“ “At walang kasama si Angel,” agaw na nito sa sasabihin niya. “May maids naman kayo sa bahay. In fact, hindi mo nga kailangang gumawa sa bahay. Puwede mo namang iutos na lang sa kanila ang mga dapat gawin.” May gumapang na lungkot sa dibdib niya. Sa halos isang taong relasyon nila, sa wari ay hindi interesado si d**k na mapalapit sa pamilya niya. Mas ramdam niya na siya lang ang importante rito at hindi kasali ang pamilya niya. “I’ll check that records later,” baling niya kay Diana. “Uuwi muna ako, just call me kung kailangan.” “ANG BANGO ng luto mo, Ate.” Nakatanghod sa kanya sa kusina si Angel. Nakapaghanda na ito ng mga pinggan sa mesa. Nagprisinta na rin itong magtimpla ng juice. “Inuuto mo pa ako. Sandali na lang ito at maluluto na,” buong giliw na nilingon niya ito. “Why don’t you go to Kuya d**k? Tatawagin ko na lang kayo pag ready na itong paborito mong ulam,” banayad na taboy niya sa bata. Angel was nine years old. Pretty like their mom and an A-lister in school at independent pa pero basta naglambing ito ay hindi niya mahindian. Sa tuwing tinititigan siya ni Angel ay may pakiramdam siyang kinakapos siya ng panahon. Ang mga unang taon sa buhay nito ay tahasang ipinagkait sa kanya ng mommy nilang si Estrelle. Sinolo ni Estrelle ang pagpapalaki at pag-aalaga kay Angel, ni halos ayaw ilapit sa kanya. But on the contrary, Angel was indeed an angel to their lives. Dumating si Angel sa panahong nagdidigmaan silang mag-ina. Angel came with the peace torch. At anumang away meron sila ng ina ay nareresolba na nila nang mahinahon mula noon. Of course, she knew what was missing. Angel’s father. She was barely eighteen when Angel was born. Nagbigay-sigla sa buhay ni Estrelle ang pagdating ni Angel. Her mother felt that it was another chance to be a better mother, to have a relationship for keeps. Sa maraming pagkakataon at okasyon at mukhang happy family ang mga ito at siya pa ang nagmumukhang outcast dahil na rin sa laki ng agwat nila ni Angel. Hindi rin miminsan na may nagtanong kung apo ni Estrelle ang bata. And Estrelle was firm in saying that Angel was her youngest child. After all, Estrelle was only thirty-six when Angel was born. Marahil ay nakuntento na si Angel sa larawan ng lalaking dating naka-relasyon ng mommy niya. Noong baby pa si Angel hanggang sa mag-limang taon ito, si Tito Rod ang kinilala nitong ama, hanggang sa magkasira ang relasyon ng dalawa. Paminsan-minsan ay hinahanap nito ang daddy nito. But Estrelle was firm in saying that Rod was gone. At wala na itong ama. Masakit iyon sa kanya. Pareho lang sila ni Angel. Lumaki din siyang walang ama. But at least, Angel had Tito Rod for the first five years of her life. Samantalang siya, si Estrelle lang ang tumayong mga magulang niya. Malabo ang mga alaala niya kay Don Alfonso noong maliit pa siya. Luminaw lang iyon nang mag-high school siya at napadalas na ang pagdalaw sa kanila ng matanda. Noon lang din niya naintindihan paunti-unti ang sitwasyon ng lagalag niyang ama. But that was then. Her biological father Alfonso Junior was now confined in a family-owned private hospital in Sagada. Naaksidente ito ilang buwan na ang nakakaraan. He was in comatose state at round-the-clock ang pag-aalaga dito ng mga nurses at doktor, dahilan para nitong mga huling buwan ay abala din siya sa pagbibiyahe sa Baguio at Sagada. Lolo Alfonso had a house in Baguio. Doon siya tumitigil para mamahinga bago ituloy ang mahabang biyahe paakyat ng Sagada. Sa kabila ng malayo ang loob niya sa ama, hindi naman niya ito matikis. Binabantayan niya ito sa ICU ng Sagada Doctors Hospital kapag naroroon siya. Isa pa, sa pangyayaring iyon ay tila malaki ang inihina ng kanyang lolo. Nitong mga nakaraang uwi niya sa Sagada ay parang malaki ang idinaramdam nito. Bahagya lang itong sumigla mula nang magbalik si Yumi, buhat sa ilang taon din nitong paglalayas. “Ate, busy si Kuya d**k. May kausap siya sa cellphone.” Hindi niya namalayan na nakaalis at nakabalik na pala si Angel sa haba ng idinaloy ng kanyang alaala. “Luto na?” “Malapit na. Gusto mong ikaw na ang maglagay ng plates sa mesa?” tugon niya dito. “Sige.” tumalima naman agad ang bata. Tatlo silang magkakasalo sa hapunan. Si d**k kundi sa cellphone nitong hindi mabitawan at tanging sa kanya lamang atensyon. Gaya ng mga naunang pagkakataon halatang-halata niyang napipilitan lamang itong pansinin si Angel kapag may itinatanong ang bata. At hindi niya maiwasang malungkot sa nakikita. Patapos na sila sa hapunan nang makarinig sila ng busina ng sasakyan. “Nandiyan na si Mommy!” excited na sabi ni Angel. Saglit nitong iniwan ang hapag at sumilip pa sa bintanang katapat lang ng garahe. “Mommy!” “May time tayong lumabas,” baling naman ni d**k sa kanya. Sa ekspresyon nito ay nagdidiwang itong dumating nang maaga ang kanyang ina. Tumango naman sya. “Sa Iceberg’s?” He also nodded. “May dala akong ice cream!” masayang bungad ni Estrelle at yumuko upang tanggapin ang halik ni Angel. “Hello, baby!” anito at bumaling sa kanila. “Oh, d**k, you’re also here. Tamang-tama palang dalawang flavors itong dala ko. Tapos na kayong mag-dinner? Time for dessert then. Lydia, pakidalhan nga kami dito ng ice cream cups saka scooper,” tawag nito sa kanilang kasambahay. Kitang-kita niya ang alanganing pagngiti ni d**k sa kanyang ina. At hindi niya alam kung mapapabunghalit sya ng tawa. Halatang-halata sa itsura ni d**k na dismayang-dismaya ito. “I met a friend. Inaaya niya akong sumali sa negosyo niya,” wika ni Estrelle habang kumakain sila ng ice cream. Si Angel ay inutusan na nitong maghanda sa pagtulog matapos makaisang scoop. “Sinong friend yan, Mommy? At anong negosyo?” cautious na tanong niya. Kilala niya ang ina na madaling magtiwala kahit kanino. “Classmate ko noong high school, si Romeo. Ang tagal na naming di nagkikita. Two class reunions na siyang hindi nag-a-attend then kanina, nagkasunod kami sa pila sa bank. Big time na big time pala kaya sobrang busy. Nagkakataon daw na out of the country siya sa sked ng reunion namin.” “Anong business niya, Tita Estrelle?” tanong naman ni d**k. “Investments. Stocks, real estates, mga ganun.” “Networking?” aniya. “Meron din. Actually mas focused nga daw siya ngayo sa networking. Kasi malaking bagay na ikaw ang mauna. Yung maging upline ba. Kasi lahat ng magiging downline mo, tiyak na meron ka doon. Sa umpisa ka lang mag-e-effort nang malaki tapos pag dumami ang downlines mo sitting pretty ka na lang, darating na ang pera sa iyo.” “As simple as that?” wika niya. “The way I see him, parang ganun na nga. Ini-invite niya ako sa orientation bukas. I’ll give it a try.” “Ingat lang, Mommy. If i remember it right, sumali ka na din sa networking dati. Hind ka naman nakabawi sa investment mo,” paalala niya. “Of course, Mimi. Hindi naman natin pinupulot lang ang pera.” Binalingan nito si d**k. “How about you, d**k, baka may time ka bukas. Gusto mong sumama sa akin?” “Thanks, Tita. But I have a meeting with the bosses.” Isang arkitekto ito sa isang malaking construction firm. “Hindi na nga rin ako magtatagal. Maaga pa kasi ang meeting bukas at iaayos ko pa ang ipe-present kong plano sa kanila bukas.” “I understand, d**k. Good luck. Oh, may tatawagan pa nga pala ako. Excuse me.” Nauna pang tumayo sa kanila ni Estrelle. “Totoong may meeting ka bukas?” tanong niya kay d**k nang makalayo ang ina. “Oo, regular meeting lang naman. Hindi na tayo natuloy,” nanunumbat ang tinig nito. “Saved by the bell. May uwing ice cream si Mommy. Eh, ice cream din naman ang dadayuhin natin sa Iceberg’s,” sagot niya. “Alam mong hindi lang naman iyon.” Ngumiti siya at tumayo. “Kilala kita. Kahit kaa-ice cream mo pa lang, gugustuhin mong magkape. Igagawa kita. You won’t resist my blend.” Tumayo na siya. Inabot nito ang kamay niya. “I miss you, Vera Mae. Ang dalang na nating magkita. Halos wala na tayong oras sa isa’t isa.” Hinila pa siya nito at napaupo siya sa kandungan nito. “d**k, nandito lang ako palagi. Nandiyan lang ang cafe. Alam mo namang wala akong pinagbubuhusan ng oras kundi iyan.” “I know you know what I mean,” sabi nito. Naramdaman niyang pumulupot ang kamay nito sa bewang niya. She felt his lips making its way to her neck. Pinigil niya ang paghugot ng hininga. Of course she knew what he meant. Ilang beses na siyang tumatanggi sa mga paanyaya nito na mag-out of town sila. Sa mahigit isang taong relasyon nila, sadyang umiiwas siyang magkaroon sila ng pagkakataon na magsolo, overnight mas lalo pa. Dumako ang mga labi nito sa labi niya. She allowed him to kiss her. Nang maramdaman niyang dumidiin iyon at bahagya siyang lumayo. “d**k, baka makita tayo ni Lydia.” Tila iritadong napailing ito. Hinayaan siya ng lalaki na tumayo na. “Aalis na rin ako. Next time ko na lang titikman ang kape mo.” “Nagtatampo ka,” aniya. “I miss you, Vera Mae, that’s more like it.” Hinalikan siya nito nang magaan at umalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD