SABADO iyon ng umaga nang kausapin siya ni Estrelle. Si Angel ay maaga ding nagigising kahit weekend at ugali na nitong maglagi sa cafe kapag ganoong araw. “Nakapagdesisyon na ako. Payag na akong ipagtapat kay Angel ang totoo.” Malungkot ang tono nito. Mabilis namang nangislap ang luha sa kanyang mga mata. “Thank you, Mommy.” Niyakap niya ito. Estrelle made a heavy sigh. “Mom, hindi ka naman namin iiwan ni Angel.” “Sinasabi mo lang iyan para pagaanin ang loob ko.” “Sama-sama pa rin tayo, Mommy. Look at the brighter side. You will gain a son. Mabait si Brian. Saka siguro naman sa edad namin na ito, magkakaanak pa kami. Dadami pa tayo sa pamilya.” Umirap ito. “Never akong magpapatawag na Lola.” Kahit lumuluha at napatawa siya. “Sure. You will always be Mommy to everybody.” “Ipataw

